Mas lumakas ang bulong-bulangan sa loob ng simbahan, na animo'y nakakabinging pakinggan. "Mama..." sambit ko sa aking ina na parang naghahanap ako ng kakampi ng mga sandaling ito. "Anak, okay lang 'yan ... Okay lang..." sabi niya at niyakap ako nang napakahigpit. "Bakit! Bakit?!" Napasigaw ako habang umiiyak sa balikat ng aking ina dahil sa sobrang sama nang aking loob. "Tama na, anak! Hindi malaking kawalan si Samuel sa iyong buhay! Nandito pa kami na mas higit na nagmamahal sa 'yo!" pahayag ng aking Ama, na may luha rin sa mga mata niya. "Pa, sorry… sorry." Walang tigil ang paghingi ko nang tawad at sabay yakap sa kanya. "Sshhhh… huwag kang humingi nang tawad anak. Wala kang kasalanan." At hinahaplos niya ang aking likod. "Bhest, sabi ko naman kasi sayo, eh! Ayaw mo kasing makin