Pagkatapos niyang isuot ang headset sa aking tainga ay biglang hinalikan niya ang aking noo. Nakaramdam naman ako ng konting kilig. "Para saan kaya ang halik na iyon? Hmmm..." bulong ng aking isip. Hanggang sa dumating na kami sa Australia, medyo nakaramdam naman ako ng pagod siguro dahil na rin kagabi. "Leave it" wika ni boss dahil dadalhin ko sana ang ibang paper bag na nasa backseat. Dagdag pa niya na ang mga maids na raw ang magdala sa lahat. "Stay home and take a rest, I'll call you tonight for our dinner." At hindi na siya bumaba sa kotse. Parang may importante siyang lalakarin. "Okay, sir." Hindi na rin ako nagtanong kung saan siya pupunta, dahil wala naman akong karapatan. Pero ramdam kong sa opisina punta niya. Pumasok na ako sa bahay at tumuloy sa aking kuwarto, naligo