SINULIT namin ang huling araw sa Hawaii, maraming mga magagandang alaala ang nabuo namin ni Sir Keach sa loob lang ng ilang araw. Marami rin siyang binili para sa akin, mahirap tanggihan sir, kaya tanggap lang ako nang tanggap. Sumapit na naman ang gabi, pagkatapos naming kumain nang hapunan ay niyaya ako niya ako na mag-bar. Pumayag naman ako dahil nasa loob lang naman kami sa hotel. Dahil pareho kaming sawa na sa palaging red wine at beer naman ang aming iniinom, kapag mayroong magandang sounds ay sumasayaw kaming dalawa. Unti-unti kong nakilala ang aking boss, masaya siyang kasama at hindi ka makaramdam ng lungkot. "Sana lagi kang ganito sa akin, Sir Keach," paanas kong sabi sa aking sarili. Nakaramdam ako ng konting pagkahilo dahil siguro sa panay naming sayaw at idadag pa ang d