KUMATOK ako sa labas ng pinto ng kuwarto ni Sir Keach. "Come-in!" malakas niyang sigaw. "Parang walang sakit naman," bulong ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kuwarto. Ito ang kauna-unahang beses na pumasok ako rito. Sobrang lawak at ang ganda sa loob, hindi ko matanto kung saan banda ang kaniyang kama dahil sa sobrang lawak nito. "Sir … Sir!" Ngunit walang sumasagot. Sir, this is Chang. Where are you?" dagdag ko pa. "I'm here!" tugon niya pagkatapos nitong umubo nang dalawang beses. Pero hindi talaga siya mahagilap kung saang bahagi siya. "Sir Keach, I can't see you!" I shouted. "Here—Come to the right side." At muli na naman siyang umubo. Sinunod ko naman siya at nagtungo ako sa sinabi niya. "Nakakatakot naman ang kuwarto ni Sir Keach..." pipi kong usal. Hanggang s