Hanggang sa aming pagtulog ni Sam ay wala pa rin akong gana sa kaniya. Kahit nakailang kalabit siya sa akin para magkipag-chugchugan sa akin pero tinanggihan ko pa rin siya. "Sam, pagod ako, medyo masama ang pakiramdam ko," pagdadahilan ko. Hindi naman niya ako pinipilit at tumalikod ito sa akin halatang nagtatampo, sbalit wala akong pakialam kung magalit pa siya sa akin. Kinabukasan ay nauna akong umalis kay Sam, dumistansya ako mula sa apartment para hindi niya ako makita. Hanggang sa napansin ko ang kanyang paglabas at pumara ng taxi. Agad ko naman na sinusundan ang kanyang sinakyan na taxi hanggang sa dumating siya sa siyudad. HUMINTO ang taxi sa isang malaking boutique at pansin ko agad na pang mayaman ang boutiques na iyon. Pinahinto ko ang aking kotse at nakita kong bumaba si S