4.

1217 Words
"Hey." Napalingon ako ng marinig ang boses ni Greg sa likuran ko. Mukha siyang bagong ligo. Nakaputing t-shirt lang siya na pinarisan ng khaky short. Siguro ay magpapalit pa siya ng pang alis mamayang hapon para sa libing. "Kakain na daw. Tiya Soledad is calling you but it seems that you are spacing out." Napabuntong-hininga ako. Sa dami nang iniisip ko ay hindi ko na narinig ang tawag ni Tiya Soledad. "What's wrong?" Ngumiti ako sa kanya dahil hindi ko alam ang sasabihin. Baka magyaya na siyang umuwi bago pa ang libing ni Peri kung sasabihin ko sa kanya ang iniisip ko. Noon pa ay overprotective na sa akin si Greg. Dahil nag-iisang anak ay siya ang tumayong kapatid ko. And I need his protection today kahit wala akong napatunayan sa mga iniisip ko. Isa lang ang bagay na tinanggap ko kanina habang nag-iisip. Kailangan kong mag-ingat hangga't nandito ako. "Nothing. Nakapag-impake ka na?" Paglilihis ko sa usapan. "Yeah. Ikaw?" Balik tanong niya. Tumango ako at ngumiti. "Let's eat?" Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin at kinuha ko iyon. Magkahawak-kamay kaming naglakad pabalik sa bahay. Napansin ko na wala pang dumadating na bisita. Ilang oras nalang bago ang libing ngunit wala pa din ibang tao dito sa bahay. Sa totoo lang ay nakahinga ako ng maluwag nang tanging si Jela, Tiya Soledad at Aling Mercy lang ang naabutan namin sa hapag. Hindi ko alam kung paano ikukubli ang takot ko kung sakaling makaharap ko si Apollo ngayon. "Si Apollo po?" Tanong ni Jela nang mapansin na wala nga si Apollo kahit nagsisimula na kaming kumain. "Ah. Sinamahan si Andeng sa bayan. Nagpabili ako ng pandagdag na juice at tinapay kung sakaling kulangin ang pagkain mamaya." Sagot ni Tiya. Agad akong nag angat ng tingin sa kanya ng marinig na magkasama si Andeng at Apollo. Naalala ko ang tila takot na tingin ni Andeng kay Apollo kanina. Hindi ko maiwasang kabahan. "P-pabalik na po ba sila?" Mahinang tanong ko kaya napatingin sila sa akin. "Oo, pabalik na 'yon. Dala naman ni Apollo ang sasakyan niya." Walang bahid naman ng pagdududang sagot ni Tiya at nakahinga ako ng maluwag. Sa gilid ng aking paningin ay napansin ko ang pagtagal ng tingin sa akin ni Greg kaya naman nilingon ko siya at nginitian. Sa kalagitnaan ng aming pagkain ay narinig namin ang tunog ng sasakyan mula sa labas. Naaninag ko ang isang itim na jeep wrangler mula sa bintana at ang sabay na paglabas ni Andeng at Apollo. Maya-maya ay pumasok na sila sa bahay dala ang kanilang mga pinamili. Hindi ako nag angat ng tingin sa kanila at bahagyang nanginig ang aking tuhod. "Matao ba sa bayan, Andeng?" Tanong ni Aling Mercy sa anak. "A-ayos lang, 'nay." Tipid na sagot ni Andeng saka palang ako nag-angat ng tingin sa kanya. Tikom ang kanyang mga bibig na tinungo ang kusina upang ideretso doon ang ilang supot ng binili. Nang bumalik at maupo sa kanyang pwesto sa hapag ay nakasunod pa rin ako ng tingin sa kanya. Mukhang wala namang nangyaring masama sa kanya. I even checked her arms and searched her face. Am I expecting some signs of physical injury? Ganoon ba agad kasama ang tingin ko kay Apollo? I admit I'm guilty for thinking of him that way. Wala akong pruweba sa kahit anong iyon. Isa pa, mukhang hindi siya pinagiisipan ng kung ano nila Tiya kaya naman pinayagan nila si Andeng na magpasama sa kanya at kaya malaya siyang nananatili sa bahay na ito. Masyado ko ba siyang hinusgahan? Dahil ba hindi ko ma-sense ang kahit anong kabaitan sa kanya? Well, some people think that way. Sometimes, we base our judgment on how we see the person. Kapag mukha siyang masama, masama siya. Kapag mukha siyang mabait, mabait siya. Napalipat ang tingin ko kay Apollo ng mapansin ang titig niya. Napalunok ako ng makita ang pag-igting ng kanyang panga at lamig ng kanyang titig. Bahagya namang nag-angat ang dalawa niyang kilay na para bang naghahamon na isawika ko kung ano mang iniisip kong nangyari sa kanila ni Andeng. Nagbaba ako ng tingin sa aking pagkain at napakagat sa aking labi. Nahahalata niya bang may napapansin ako sa kanya. God, I'm scared.. Pasado alas dos nang dumating ang mga makikilibing. Iilan lamang iyon at karamihan sa kanila ay mga dating kaklase ni Peri at mga kakilala ni Tiya Soledad. Eksakto alas tres ay naglalakad na kami upang ihatid ni Peri sa huling hantungan. Katabi ko sa Greg sa aking kanan at sa kaliwa ko ay si Tiya Soledad na patuloy ang pag-iyak. Bahagya kong hinahagod ang kanyang likod. Sa tabi niya ay si Jela na wala ding patid ang luha. They must be so close. Nakaramdam ako ng inggit dahil nagkaroon sila ng pagkakataon na makasama si Peri ng mas matagal. Samantalang ako, una at huling beses ko nang kita sa kanya. Naluha ako habang iniisip iyon. Kamusta kaya siyang maging pinsan? Madaldal kaya siya? Palakwento? Mahinhin? Ano kaya ang mga bagay na posible naming pagkasunduan? Hindi ko maiwasang mapasinghot at agad namang nakita ang panyong nilalahad ni Greg. I thanked him and he wrap his arm around me. Bahagya niya pang pinisil ang balikat ko. Sa peripheral vision ko ay pansin ko ang paglingon ni Apollo sa amin na pinagigitnaan ni Andeng at Jela. Nagtagal ang tingin niya sa kamay ni Greg na nasa balikat ko at agad nagbaba ng tingin. Napansin ko si Andeng sa tabi niyang nakatingin sa malayo at hindi ko mabasa ang ekspresyon ng kanyang mata. Is she scared of Apollo? Pansin kong madalas silang magkalapit pero tahimik at tikom ang bibig na parang takot magsalita. Anong gusto mong sabihin pero hindi mo magawa, Andeng? Malapit na kami sa sementeryo nang bumuhos ang malakas na ulan. Nagtilian ang ilan sa likod dahil sa pagkabigla. Balak ko pang takpan ang ulo ko ngunit agad nang nakapaglabas ng payong si Greg. Si Andeng ay agad lumapit at pinayungan si Tiya Soledad at si Apollo ay may hawak ng payong para kay Jela. Napatingala ako sa langit na bigla na lang nangulimlim samantalang sikat na sikat ang araw kanina. Ang sabi nila, kapag umulan habang may inililibing, ibig sabihin ay ayaw pang mailibing ng taong namatay o kaya ay labag sa loob niya ang kanyang pagkamatay. Sabi ay may hindi pa sila nagagawa kaya ayaw pa nilang umalis. Baka may mga hindi pa nakausap o may gusto pang sabihin. Kung ano man iyon ay nanghihinayang ako dahil hindi ko na kailan man malalaman. Wala na si Peri. Kung ano man ang katotohanang nakakubli ay hindi na niya masasabi pa. Napabuntong hinga ako. Bago man lang ako umalis mamaya ay nais kong malaman kung anong ikinamatay niya. May bahagi sa akin na hinihiling na sana marinig kong namatay siya sa isang uri ng sakit o kaya ay isang aksidente. Sana ay hindi ang iniisip ko.. at iniisip ko kay Apollo. My heart clenched for some reason. Ayokong isipin na ganoon siyang klaseng tao. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan akong isipin iyon. Nasasaktan akong isipin na ganoong klaseng tao ang tingin ko sa kanya. Nasasaktan akong isipin na kaya niyang gawin ang bagay na iyon. Sa hindi mapangalanang dahilan, nasasaktan ako para sa kanya.. A.N Help me improve my writing skill through your feedbacks! Gimme some :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD