3.

1108 Words
Nagising ako dahil sa mga kaluskos na naririnig ko mula sa labas. Unti-unti akong nagmulat at nakitang umaga na, siguro ay nasa alas sais. Nilingon ko si Jela na mahimbing pang natutulog sa aking tabi. Dahan-dahan akong umupo upang hindi siya maistorbo. Napabuntong hininga ako nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi ako matatakutin. Bata palang ako ay may sarili na akong kwarto at madalas maiwan sa bahay dahil madalas busy ang mga magulang ko. Ngayon ko lang naramdaman ang mga bagay na ito, dito sa bahay na ito. Maingat akong naglakad papunta sa isang lamesa na pinagpatungan ko ng mga gamit ko. Kinuha ko doon ang isang pouch at dumiretso sa c.r. Mamayang hapon pa ang libing kaya naman nagpasya ako na maghilamos muna at mag toothbrush. Balak kong maglakad-lakad habang hindi pa mainit sa labas. Pagkatapos ay lumabas na ako sa kwarto. Dumaan ako sa sariling kwarto upang kumuha ng jacket. Nadaanan ko ang kwarto ni Greg na tahimik kaya sigurado ako na mahimbing pa ang tulog niya. Sanay ako sa kanya na halos hapon na kung gumising kaya naman madalas siyang late noon sa klase. Pero sadyang matalino si Greg dahil nagawa niyang maging c*m laude noon kahit madalas siyang late at matulog sa klase. Nang makababa ay agad kong nakita si Apollo sa tapat ng kabaong ni Peri. Mataman niya itong tinitingnan habang nakahalukipkip. Nakatagilid siya sa akin kaya kita ko kung paano kumunot ang kanyang noo at umigting ang kanyang mga panga. Maya-maya ay bumuntong hininga siya at mariing pumikit na para bang hirap na hirap. Kumunot ang noo ko. Pakiramdam ko ay hindi lang kaibigan ang tingin niya kay Perida. There's more than that. At sa nakikita ko ngayon, alam kong isa siya sa mga nahihirapang mamaalam kay Peri. Mahal niya ba si Peri? May kung ano akong naramdaman sa dibdib ko. Nangunot ang noo ko at napailing. Grabe. Kakakita ko lang sa lalaking ito kahapon kaya hindi ko maintindihan kung bakit may ganito siyang epekto sa akin. Siguro ay dahil sa aura niya o sa pisikal niyang itsura? Napatango ako sa pangungumbinsi ko sa aking sarili. Tama. Iyon lang 'yon at walang iba. Isa pa ay aalis na kami mamaya at alam kong hindi na kami magkikita pa. Binalik ko ang tingin sa kanya at halos tumakbo nang makitang nakatitig na pala siya sa akin. Simula nang makarating ako dito ay alam ko nang malamig talaga siyang tumingin at hindi mo mababasa ang iniisip niya kaya naman ganon nalang ang kaba ko ng makitang nakatingin siya sa akin. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang nakikita niya sa mukha ko dahil nakatitig lang din ako sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Should I smile or should I just walk away without saying anything? Hindi ko alam. Nahigit ko ang aking hininga nang makita siyang dahan-dahang naglalakad papunta sa direksyon na kinaroroonan ko. Bakit ba 'di ako makapag-isip ng gagawin? Aalis na ba ako o sasalubungin ko siya? Akala ko ay lalagpasan niya ko at aakyat din nang hagdan kaya naman handa na kong pakawalan ang aking hininga ngunit nagulat ako ng huminto siya sa tabi ko. Bahagya ko siyang nilingon at nakitang diretso lang ang kanyang tingin. "You shoudn't be here." Pabulong ngunit mariing pagkakasabi niya. Hindi pa ako nakakasagot nang tuluyan na siyang umakyat sa hagdan. Saka palang ako nakahinga nang tuluyan na siyang lumiko sa pasilyo. Wow. Ngayon lang niya ko kinausap pero yun agad ang sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit dapat wala ako dito, sa mismong lamay ng pinsan ko. Para namang kusang nag echo ang sinabi sakin ni Greg kahapon. He told me to stay away from him because he doesn't like the guy. Siguro ay hindi talaga maganda ang pakiramdam ni Greg sa kanya. Napatingin ako sa kabaong ni Perida at naalala ang mukha ni Apollo na tila ba hirap na hirap. Somehow, I don't like the thought that came into my mind. I don't want to believe it. Wala akong alam na dahilan para gawin niya ang isang bagay na 'di ko magawang pangalanan. He loves her. Kaya imposible. Napailing ako sa naisip. Kung totoo ang iniisip ko ay dapat wala dito si Apollo. Dapat nagtatago siya at hinding hindi na magpapakita pa. But who knows? Even your own killer can attend your funeral especially when no one knows who your killer is. Muli akong napailing. What the hell, Eli? Nang kumalma ay nagtuloy-tuloy ako sa labas. Naabutan ko sa likod bahay si Andeng na nagwawalis. Ito pala ang naririnig ko kanina nang magising ako. Si Andeng ay anak daw ni Aling Mercy. Kagabi ko lang iyon nalaman pagakatapos kumain. At tamang kaedad ko din siya. Maganda si Andeng. Typical probinsyana na mahaba ang itim na buhok at morena. Napataas siya ng tingin nang mapansin ako. Nahihiyang tumingin siya sa akin at tumayo ng diretso. "Magandang umaga po Ma'am Eli." Bati niya sakin. Agad naman akong umiling nang marinig ang ma'am doon. "Eli nalang Andeng. Good morning by the way." Nakatingin siya sa akin at mukhang nag aalangang magsalita. "Hm. May sasabihin ka, Andeng?" Tanong ko sa kanya. Napatingala siya sa bahay kaya naman napalingon ako doon. Nagulat ako ng makita si Apollo na nasa beranda, malayo ang tingin at may sigarilyo sa bibig. Hindi ko alam na nagsisigarilyo siya. Nagbalik ako ng tingin kay Andeng nang magsalita siya. "Uuwi po ba kayo agad mamaya pagkatapos ng libing?" Halos pabulong niyang sabi sa akin. Nagtaka ako ngunit sumagot pa din. Tumango ako sa kanya. "Oo, Andeng. Yun ang plano namin." Nangunot ang noo ko nang bahagyang napabuntong-hininga si Andeng na parang nakahinga ng maluwag. "May problema ba kung sakaling magtagal kami dito?" Agad siyang napalingon sa akin at bahagyang nanlaki ang mga mata. "U-uh.. w-wala naman po pero.. alam ko pong may naiwan din kayong t-trabaho sa inyo. A-ayun lang naman po ang iniisip ko." Kinakabahan siyang ngumiti. Hindi ako makasagot dahil hindi ko na alam ang mga nararamdaman ko. Napansin ko ang muling paglingon ni Andeng sa kinaroroonan ni Apollo at dinampot niya muli ang walis. "Papasok na po ako." Sabi niya at walang lingon na pumasok sa loob ng bahay. Muling kumabog ang dibdib ko at sumakit ang ulo sa mga naiisip. I don't want this kind of thoughts. Natatakot ako. Alam kong nasa beranda pa rin si Apollo pero hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na lumingon. Sa unang pagkakataon ay natakot ako para sa kaligtasan ko sa 'di ko malamang dahilan o sa dahilan na 'di ko kayang pangalanan. I want to go home. A.N Help me improve my writing skill through your feedbacks! Gimme some :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD