bc

Pahimakas

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
dark
tragedy
twisted
heavy
mystery
scary
like
intro-logo
Blurb

Nang mabalitaang namatay at ililibing na ang kanyang pinsan na si Peri ay agad na pumunta si Eli sa Sitio Amorsolo kasama ang matalik na kaibigang si Greg. Ngunit hindi inaasahan ni Eli na madidiskubre niya ang katakot-takot na lihim sa likod ng pagkamatay nito.

chap-preview
Free preview
1.
Paghinto ng aming sasakyan ay sabay naming tinanaw ang isang luma ngunit may kalakihang bahay sa 'di kalayuan. Nasa labas kami ng gate nito na halos sampung talampakan ang taas. Pagpasok ng gate ay makikita ang isang mahabang sementadong daan papunta sa harap ng bahay. Sa paligid nito ay puno ng iba't-ibang uri ng mga puno. Tanaw namin mula dito ang malaking pinto ng bahay at iilang taong naka-itim mula sa loob. "Hm. This is exciting. Alam mo yung mga bahay sa horror movies? Ganitong-ganito." Nilingon ko si Gregory na nakaupo sa driver's seat. Bahagya itong nakanguso at nakakunot ang noong nakatingin sa bahay. Bahagya nitong tinatapik ang manibela. Si Gregory ay ang matalik kong kaibigan. Nakilala ko siya noong high school nang minsang makalaban sa isang patimpalak sa pagsulat. Mula noon ay palagi na kaming magkasama kapag may patimpalak na ginaganap sa ibang eskwelahan o lugar bilang representative ng aming school. Nagsimula sa isang laban ang aming pagkakaibigan. Hanggang sa kolehiyo ay iisa ang aming kinuhang kurso. Mass Communication. At hanggang ngayon na graduate na kami ay kami pa rin ang magkasama. Isa si Gregory sa mga pinagkakatiwalaan ko. Naalala ko pa noon na paborito kaming asarin ng aming mga kaklase sa pag aakalang meron kaming relasyon sa kabila ng imahe nito sa pagiging matinik sa mga babae. Bakit hindi? Matangkad si Greg, malinis tingnan, maputi ang balat, itim na itim ang buhok, may magandang mata, manipis na labi at matangos na ilong. Sinong hindi hahabulin sa ganyang itsura? "Grabe ka tumingin. Hindi ba tayo papasok?" "Nagbago na ang isip ko, balik na tayo." Nanlalaki ang mata niyang lumingon sa akin. "Parang nagpahatid ka lang sa kanto ah. 4 hours byinahe natin tapos sisilip lang tayo sa gate? Naknamputcha." Natawa ako ng malakas sa reaksyon niya. "You should have seen your face, Gregory!" Sabay tawa ko ng malakas at parang bata niya naman akong inirapan. Napatingin ako sa gate ng mapansin ang isang matandaang babae na nakatingin din sa amin. Ibinababa ko ang salamin ng bintana. "Kayo po ba si Tiya Soledad?" "Kamag-anak ba kayo ng namatay, Ineng?" Tanong nito sa amin habang bahagyang nagpupunas ng pawis. Malamang ay nanggaling pa ito sa loob ng bahay. May kahabaan ang lakarin bago makarating sa gate. "Ah, opo. Anak po ako ni Larry at Melissa. Ako po si Mary Elizabeth." Pagpapakilala ko. Tila naman naalala niya ang pangalan ng aking mga magulang. Dapat ay tatlo kaming bibisita dito ngunit kailangan nilang umalis ng bansa at pumunta ng New York para sa kanilang negosyo. Si Tiya Soledad ay pinsan ni Papa na nakatira dito sa bahay. Minabuti nilang patuluyin ang pagpunta ko dito upang makadalo sa libing ng aking pinsan na nagngangalang Perida na ni isang beses ay hindi ko nakita. Si Perida ay anak ng kapatid ni Papa. Ayon sa kwento ni Papa, bata palang si Perida ng mamatay ang kanyang mga magulang kaya naman si Tiya Soledad na ang ang nag-alaga sa kanya mula noon. Binuksan niya ang gate upang makapasok ang aming sasakyan "Sabay na po kayo, medyo malayo po pala ang lakarin." Sabi ko sa kanya. Tumango naman ito at umupo sa back seat. "Sayang at hindi nakapunta sila Larry. Nandyan ang iba naming pinsan pero umalis na yung iba at babalik nalang bukas para sa libing." "Medyo busy po sila ngayon at nasa ibang bansa po." Bahagya ko siyang nilingon. Tumango naman ito. "Mabuti ay pinayagan ka pa rin pumunta dito kahit wala sila." "Oo nga po eh. Siyanga po pala, si Gregory po, kaibigan ko. Pinasama po siya nila Papa sakin." "Magandang araw po." Simpleng bati ni Greg kay Tiya Soledad. "Magandang araw Hijo, buti at sinamahan mo 'tong si Eli. Unang beses niya din magpunta dito. Kami kasi ang madalas dumalaw sa kanila noong bata pa siya." "Part narin po ng bakasyon namin ni Eli." Maya-maya ay sabay-sabay na kaming bumaba sa sasakyan. Si Greg ang nagbitbit ng aming mga bag. Pagpasok sa malaking pinto ay makikita agad ang isang puting kabaong. Sa ibabaw nito ay ang picture ng aking pumanaw na pinsan. Halos iilang tao nalang ang nandoon. Napatingin sila sa amin nang pumasok kami. Agad kong napansin ang isang babaeng may mahabang buhok na nakaupo sa bandang unahan, sa tabi nito ay isang lalaki na naka-puting polo shirt na hapit sa katawan nito. Lumapit kaming tatlo sa kabaong. Nakaramdam ako ng kaba ng makita ng malapitan ang picture ni Perida. "Bata pa siya.." mahinang sambit ko. "20 years old lang siya at kakagraduate lang sa kolehiyo." Nang tuluyan kong masilip ang kabaong ay hindi ako maintindihan ang aking nararamdaman. Nalulungkot, nanghihinayang. Magkaedad lang kami ngunit hindi ko man lang naranasan ng makalaro siya kagaya ng iba kong pinsan. Ulila siya sa magulang at dalawa lang sila ni Tiya Soledad na nakatira dito sa lumang bahay. Nakakapanghinayang na hindi ko siya noon nakilala. Nakakalungkot dahil dito pa kami sa burol niya una't huling magkikita. Kakatapos lang niya sa kolehiyo. Hindi man lang ba siya nagkaroon ng pagkakataong makuha ang pangarap niyang trabaho? Makapamasyal? Makapunta sa ibang lugar. Naramdaman ko ang pamamasa ng aking mata. Maganda si Perida. Maputi ang balat at napakakinis. Brown ang kanyang mahabang buhok. Maganda ang ngiti niya sa picture. Maaliwalas ang itsura. Ibang-iba sa itsura niya sa kabaong. Walang buhay, malungkot, at walang bahid ng anumang kagalakan. Maaring marami pa siyang gustong gawin ngunit hindi nabigyan ng pagkakataon. Marahil iyon ang dahilan kung bakit ayaw kong malaman kung bakit o paano siya namatay. Hindi ako nagtanong kila papa noon nang ibalita niya sa akin ang pagkamatay niya. At ngayon, ayaw kong itanong iyon kay Tiya Soledad. Gusto kong paniwalain ang aking sarili ng sakit lang o aksidente ang ikinamatay niya. Ayokong makarinig ng iba. Kaya naman ipinagpapasalamat ko na hindi din nagtanong si Greg at walang balak si Tiya na sabihin ito. Maya-maya ay niyaya na kami ni Tiya Soledad na maupo. Ngunit bago iyon ay lumapit kami sa pwesto ng babae at lalaki kanina. Nang mapansin ang aming paglapit ay sabay silang tumayo. "Ito si Eli, pinsan ni Peri. Ito naman ang kaibigan niyang si Greg." Pakilala ni Tiya Soledad sa amin. Ngumiti ang babae at naglahad ako ng kamay. Inabot niya ito. "Ako si Jela, kaibigan ni Peri." Naglahad din si Greg ng kamay dito. "Apollo." Maiksi at walang kangiti-ngiting pagpapakilala ng katabi niyang lalaki at inilahad ko naman sa kanya ang aking kamay. Bahagya lamang iyong naglapat at agad din siyang bumitaw. Malamig ang kanyang tingin sa akin. Agad nitong inabot ang kamay ni Greg at nagkamay silang dalawa. Nilingon kami ni Tiya. "Osya, malayo pa ang pinanggalingan ng dalawang ito. Ihahatid ko muna sila sa mga kwarto nila para makapagpahinga bago maghapunan." Agad tumango si Jela at ngumiti. Muling nagtama ang tingin namin ni Apollo. Tikom ang bibig nito nang umiwas ng tingin. Sandali akong lumingon sa kabaong ni Perida bago sumunod kay Greg at kay Tiya. Una nila akong hinatid sa aking silid. Hindi ganoon kalaki ang kwarto na siyang nagustuhan ko. May isang kama sa gitna, at sa uluhan nito ay malaking bintana na natatakpan ng kurtina. May maliit na office table sa gilid, may mga libro sa bookshelf, may bed side table at lampshade sa tabi ng kama. Meron ding cabinet at may sariling cr. "Walang laman ang cabinet, Eli. Pwede mong ilagay doon ang mga gamit mo." Sabi ni Tiya. "Salamat po." Nakangiti kong tugon sa kanya. Nilingon ko si Greg habang nilalapag niya ang bag ko sa kama. Bahagya niya namang nilibot ng tingin ang kabuuan ng kwarto. I mouthed 'thanks' to him and he nodded. Pagkatapos noon ay lumabas na sila upang pumunta sa kanyang sariling kwarto. Tinungo ko ang banyo upang makita ang loob nito. May lavatory at kurtina na tumatakip sa paliguan. Isinara ko iyon pagkatapos. Tinungo ko naman ang malaking bintana. Tanaw mula dito ang likod bahay. Malawak ang likuran nito at maaliwalas. Sa malayong parte ay may isang malaking puno na may nakasabit na duyan. Napakunot ang aking noo ng bahagyang gumalaw ang duyan ngunit agad na napatalikod nang may malamig na hangin na dumampi sa likod ng aking tenga kasabay ng isang mahinang paghinga. Bumilis ang t***k ng puso ko ay bahagyang naghabol ng hangin. Nanlambot ang aking tuhod sa 'di maipaliwanag na dahilan. Nang makabawi ay dali-dali kong tinungo ang pinto at lumabas doon. Napahinto ako ng maabutan si Apollo na tinatahak ang hallway. Tinapunan niya ako ng isang malamig na tingin. Nagtiim-bagang siya at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating ang dulong kwarto at agad pumasok doon. "What's with him?" Mahinang tanong ko. Bumukas ang pinto ng katabi kong kwarto at lumabas doon si Greg. "Can't sleep?" Tanong nito. Tumango ako at lumapit sa kanya. "Tara, libot muna tayo sa labas?" Anyaya ko sa kanya. "Okay." Sagot niya at bahagya akong hinawakan sa bewang. Sabay kaming bumaba. --- 1st Author's Note: Isinulat ko 'tong kwento na 'to way back 2012. Actually, nasa notebook 'to before at hindi ko natapos. Naalala ko lang siya noong nabanggit ng kapatid ko na nabasa niya daw ang isa sa mga sinulat kong stories noon na nawala na din sa isip ko na may ganoon pala akong genre na naisulat. So pinakwento ko sa kanya yung mga parts na naalala niya and I have decided to finally write the whole story and spice it up a bit. I'm actually shocked na isa ito sa maraming stories ko noon. I'm really excited about this story and been thinking about this since then. Just want to remind my future readers (If magkakaroon man) to bear with typos and grammatical errors. Rest assured that I'm doing my best to share with you my stories exactly as what I have imagined. I would love to hear your comments and suggestions for me to improve my writing skills. Thank you so much in advance! Lots of love. - Danee Help me improve my writing skill through your feedbacks! Gimme some :)

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
177.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
78.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
140.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
136.5K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.3K
bc

His Obsession

read
86.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook