5.

1071 Words
"Goodbye, Peri.." Mahinang bulong ko nang tuluyan nang matabunan ang kabaong ni Peri. Umusal ako ng isang maikling panalangin para sa kanya. I was not given a chance to know her more but I wish her happiness wherever she is. Hiling ko ang katahimikan ng kanyang kaluluwa. I hope she lived a happy life despite of leaving so early. I hope she had the chance to live the way she wants to live her life. I hope, I met her sooner. Kumalma na sa pag-iyak si Jela at Tiya Soledad. I didn't cry because I don't think I have right to do it. I was never there for her. At ang tingin ng mga tao ay nandito lang ako para gampanan ang tungkulin ng mga magulang ko. I'm guilty because I know I just went here because I was asked to. Hindi talaga ako nag-effort na kilalanin si Peri o kung may kamag-anak ba akong katulad niya. I was busy with my own life that I forgot to ask about anyone. Napalingon ako sa malayong parte ng sementeryo ng mapansing may gumalaw doon pero wala akong nakita. Paisa-isa nang umaalis ang mga tao marahil upang mauna nang maglakad pabalik sa bahay. Napalingon ako sa dating mga kaklase ni Peri at nakitang nakatingin pa rin sila sa hukay. Bakas ang lungkot sa kanilang mga mukha. Nahagip ng tingin ko ang isang babaeng nasa gitna ng kanilang grupo. Halos hindi mo siya makikita ng maayos dahil yukong-yuko ang kanyang ulo. Kahit na medyo malayo ay halatang brown ang kanyang buhok. At base sa ibabang bahagi ng kanyang mukha ay maputi ang kanyang balat. Napakunot ako ng noo sapagkat wala akong nakitang maputing babaeng may brown na buhok sa grupo nila kanina. Late ba siyang dumating? Bumaba ang tingin ko sa kanyang damit at nahigit ko ang aking hininga. Pamilyar ang desenyo ng kanyang puting bestida. Round neck samantalang lace naman ang maiklinv sleeve nitoq. Ang buong bestida ay gawa sa chiffon at .. Nanlaki ang aking mata ng mapagtanto kung kanino ko nakita ang damit. Hindi maari. Agad akong napalingon sa libingan ni Peri at kumalabog ang dibdib ko. Ramdam ko ang pagtayo ng mga balahibo ko sa braso. Kahit nanginginig sa takot at kinakapos ng hininga ay dahan-dahan kong binalik ang tingin ko sa babae. Nandoon pa din siya sa gitna ng grupo. Isang palatandaan nalang ang kailangan kong makita. Dahan-dahang bumaba ang tingin ko sa kanya mga kamay at halos manlamig ang aking buong katawan sa nakita. "Ang ganda po ng bracelet ni Peri." Mahinang sabi ko kay Tiya Soledad nang makita ang silver bracelet ni Peri. Ang pendant nito ay isang silver na crucifix. Napangiti si Tiya. "Bata pa lang siya ay suot-suot niya na ang bracelet na iyan. Hindi niya naman sinabi kung sino ang nagbigay." Oh God.. Napakapit ako sa aking palda ng dahan-dahang mag-angat ng tingin ang babae. Si Peri ay nakatingin sa akin na punong-puno ng galit ang mga mata at maya-maya pa ay tumulo mula dito ang dugo. Hindi ako makahinga at hindi ako makagalaw. Nais kong tumakbo palayo ngunit tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan. Peri. Unti-unting umunat ang kanyang labi. Nakakakilabot na ngumiti sa akin si Peri at lumitaw ang kanyang ngipin na nababalot ng lupa. Hindi tumigil ang pagunat ng kanyang labi hanggang sa mapunit ito at unti-unting naaabot ang kanyang magkabilang tenga. Tumutulo mula sa kanyang bibig ang pinaghalong putik at dugo! Maya-maya ay naramdaman ko ang pagdilim ng paligid at pagbagsak ng aking katawan sa lupa. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Nakita ko ang pamilyar na kisame. Nilibot ko ang aking paningin at napansing nasa kwarto ako. Bakit ako nasa kwarto? Ang huling alaala ko ay ang libing ni Peri. Umulan ng malakas ngunit tumila din pagdating namin sa sementeryo at .. Napabalikwas ako ng maalala ang mukha ni Peri sa sementeryo. Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit winawala ang imaheng iyon sa aking isipan. Punong-puno ng galit ang imaheng iyon ni Peri. Malayo sa picture niyang may maliwanag na ngiti. Nakakatakot at nakakapangilabot ang Peri na nakita ko sa sementeryo. "Are you okay now?" Napabaling ako sa may-ari ng boses na hindi ko napansin kanina. Mula sa malayong upuan ay nakaupo si Apollo. Nakatukod ang kanyang mga siko sa kanyang tuhod at mariing nakatingin sa akin. Kumalabog ang dibdib ko. "A-anong nangyari?" Humugot siya ng hininga at tumayo. Pinamalagi niya ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon. "You fainted. Why?" Sa kanyang pagkilos ay humigpit ang hawak ko sa kumot. Bumaba doon ang tingin niya at umigting ang mga panga. "Are you scared of me.. Eli?" Malalim ang boses na iyon dahilan upang tumaas ang aking balahibo sa batok. "Should I be scared?" Pabalik na tanong ko sa kaya. Pilit na tinatapangan ang boses at nagpasalamat dahil hindi nanginig iyon. "Am I scary?" Napaawang ang aking labi ngunit walang lumabas na salita mula doon. Lumakas ang kaba sa aking dibdib ngunit wala akong nakapang takot doon. Kung bakit ay hindi ko alam. Siguro dahil naniniwala akong hindi niya ako kayang saktan sa ngayon. Nanatili akong nakatitig sa kanya at pilit hinahanap ang nararamdamang takot. Hell, this man is gorgeous.. and dangerous. Ngunit wala pa din ang hinahanap kong takot. Tanging malakas na kabog ng aking dibdib dahil sa intensidad ng kanyang titig. Malamig iyon ngunit ramdam ko ang pawis na namumuo sa aking noo. "Are y-you going to .. hurt me?" Mahinang tanong ko sa kanya. Nais kong maiyak sa tanong na iyon. The image of him hurting me makes my heart clench in pain and I am sure it is not about the physical pain I might get. This pain is because of something more. Muling umigting ang kanyang panga at bumulong ng mura. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataong magulat dahil mabilis siyang humakbang patungo sa akin. Sinapo niya ng kanyang dalawang kamay ang magkabila kong pisngi at agad sinugod ng halik ang aking labi. Dahan-dahan at magaan ang kanyang halik ngunit nanatiling nanlalaki ang aking mga mata sa gulat na nahanap ko palang ngayon. Naramdaman ko ang kaunting paglayo niya upang huminga. Mainit ang hangin na mula sa kanyang bibig. Saka pa lamang ako napakurap sa kanya. "You should be scared and leave this f*****g house tonight." Madiing pagkakasabi niya pagkatapos ay mabilis na tumalikod at lumabas ng kwarto. A.N Help me improve my writing skill through your feedbacks! Gimme some :)

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD