2.

1254 Words
Napunta kami ni Greg sa likod-bahay sa aming paglalakad-lakad. Hindi ko mapigilang maisip kung paano lumaki si Perida dito. Walang kahit anong parte ng bahay ang maeenjoy ng isang bata. Katakutan, maari pa. Abala si Greg sa pagtingala sa mga puno habang ako'y naghahanap ng signal para makapagsabi kila Papa na maayos kaming nakarating at nakilala ko na si Tiya Soledad ngunit wala talagang masagap na signal sa kahit anong parte ng bahay. Umabot na kami sa gate sa paghahanap ng signal ngunit wala pa rin. Napabuntong hininga ako. Sana ay hindi sila masyado maga-alala. "Wala talaga Gregy." malungkot na sabi ko sa kanya. Lumapit naman siya sa akin, kinuha ang cellphone ko at ibinulsa. "Hindi naman siguro nila inisip na naligaw tayo. Stop worrying too much." mahinahong sabi niya sa akin. Agad akong napanatag sa mga salitang iyon ni Greg. May kakayahan talaga siyang pakalmahin ako. Sabay kaming napalingon ng mapansin si Apollo na nakatayo sa pinto at nakatanaw sa amin. Nakapamulsa siya at bahagyang nakakunot ang noo habang nakatanaw sa malayo. Nang magtama ang tingin namin ay lihim akong napasinghap. May kakaibang kaba at may kung anong pakiramdam sa sikmura. Nakaramdam ako ng takot na mahulog sa kanyang malalim at nangungusap na mata. Huminga ito ng malalim at umikot upang makabalik sa loob ng bahay. "I don't like that guy." Napabalik ang tingin ko kay Greg na nakatingin din sa pinto na pinag alisan ni Apollo. "Bakit?" "I don't like the way he looks at you, Eli. Stay away from him." "He seems.. uh.. harmless." Hindi ko alam kung bakit pinagtatanggol ko ang taong ni minsan ay hindi ako tinapunan ng ngiti o kaunting interes. "Just stay away from him, Eli. Bukas pagkatapos ng libing, uuwi na tayo." Tumango ako kay Greg at hindi na nagsalita pa. Bahagya nang dumidilim ng naglakad kami pabalik sa bahay. Nakasalubong namin ang mga nakilamay na tila nagmamadaling lumabas ng bahay. "Bakit parang nagmamadali silang umalis?" nagtataka konv tanong. Nangunot naman ang noo ni Greg na nakatingin din sa mga mga nakakasalubong naming tao. "Baka ayaw maabutan ng dilim. Malayo nga naman kasi 'to sa mga kabahayan at kailangan pa nila maglakad palabas." Napatango ako sa sinabi ni Greg dahil mag punto siya doon. Pagpasok namin sa bahay ay tanging si Jela, Apollo, Tiya Soledad at dalawang katiwala ang naabutan namin doon na naghahanda ng hapunan. Agad kaming lumapit doon upang ayusin ang hapag-kainan. Sa kabisera ay si Tiya ang nakaupo. sa magkabilang gilid niya ay kami ni Jella. Si Greg at Apollo ang magkaharap habang katabi naman ni Apollo si Aling Mercy at sa tabi nito ay si Andeng na siguro ay kaedad ko lang. Alas sais eksakto ay sabay-sabay na kaming kumakain. "Pagkatapos ba ng libing ay uuwi na agad kayo, Eli?" tanong ni Tiya Soledad sa akin. Tumango ako. "Yun po ang plano namin ni Greg, Tiya. Ayos lang po ba 'yon? May makakasama po ba kayo dito?" "Maiiwan naman dito si Andeng at Mercy. Huwag kayong mag-alala sa akin iha." "Kami din po ni Apollo, Tiya, uuwi na rin po after ng libing." "O sige, mabuti iyon para makapagpahinga na din kayo ng maayos." Napalingon ako sa kabaong ni Perida at nakita muli ang picture niya. "Marami po bang kaibigan si Perida?" naisip kong itanong. Napangiti si Tiya Soledad. "Naku madami, Eli. Pero itong si Apollo, Jela at iyong isang binatilyo ang pinakamalapit niyang kaibigan. Sino nga iyon?" "Ah, si Emerson po Tiya." sagot ni Jela. Nahagip ng tingin ko ang bahagyang paghinto ni Apollo. Sa tingin ko ay ako lang ang nakahalata noon. "Naku oo. Mabait na bata. Palaging nandito iyon noon at tinutulungan kami ni Perida sa mga gawaing bahay. Ngalang ay umalis ng bansa pagkatapos ng graduation. May balak kayang bumalik iyon?" "Wala pa po kaming balita sa kanya Tiya." maiksing sagot ni Jela. Napakunot ako ng noo. Ano kayang meron sa kanilang tatlo? Hindi kaya may gusto itong si Apollo kay Perida? At ganun din ang Emerson na iyon? Love triangle? Napailing ako sa naisip. Marami pa silang napagkwentuhan pero nakikinig lamang kami ni Greg. Maging si Apollo ay nakikinig lang. Bahagyang akong napatigil nang may tila malamig na kamay ang dumampi sa aking isang tuhod. Napatingin ako kay Tiya Soledad sa tabi ko na abala pa din sa kwentuhan at pagkatapos kay Greg na nakikitawa din. Sila lang ang malapit sa akin at natitiyak kong hindi galing sa kanilang dalawa ang kamay na iyon. Nahigit ko ang aking hininga. Napatigil ako sa pagsubo ngunit naramdaman ko ang dahan-dahang pagtaas nito sa aking hita. "Ahhhh!" sigaw ko at dali-daling tumayo kaya naman natumba ang aking upuan. Agad na napatayo si Greg, Tiya Soledad at Jela na kapwa nagulat din sa aking reaksyon. "Are you okay, Eli?" Alalang tanong sakin Greg at agad lumapit sa akin. May pagtatakang nakatingin sa akin ang ibang kasabay sa hapag. Dahan-dahan akong yumuko upang silipin ang ilalim ng lamesa. Walang tao. "Anong nangyari, Eli?" tanong ni Tiya. Bahagya ulit akong sumilip sa ilalim ng lamesa dahil hindi ko alam ang isasagot sa kanila. "M-may ano.. ano.." Hindi ko alam ang idudugtong. "Ano, Eli?" tanong muli ni Jela. Bakas din ang pag aalala sa mukha nito. Napatingin ako sa aking bestida na hanggang tuhod. Bahagya ko itong itinaas at nagulat ng may makitang bakas ng putik doon paakyat sa aking hita. Nagulat ang lahat sa hapag. "San galing 'yan?" tanong ni Greg sa akin habang sinusuri ang dumi doon. Inalalayan ako ni Tiya na maupo muli. Mabilis pa din ang t***k ng puso ko. "Kukuha ako ng pamunas." sabi ni Jela at pumasok sa kusina. Nanatiling nakatingin sa akin si Greg at Tiya Soledad. Napatingin ako kay Apollo na mariin ang tingin saking tuhod, pagkatapos ay sa kawalan na tila nag-iisip. Maya-maya ay bumalik si Jela na may dalang basang bimpo at lumapit sa akin. Kinuha ko iyon at ako na ang nagpunas sa putik. Hindi ko pa din maalis ang alala sa nangyari. Naalala ko muli ang nangyari sa kwarto kanina. Hindi ako matatakutin pero hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang nangyari. Tahimik kaming bumalik sa pagkain. May bagong pinaguusapan ngunit may ilang tila nagiisip pa din. Si Greg ay maya maya akong nililingon. Pagkatapos kumain ay naupo muna kami sa mga upuan sa tapat ng kabaong ni Perida. Hindi ko maalis ang tingin doon. "Magpahinga na kayo. Kami na nila Andeng ang maiiwan dito. May tutulugan naman kami dito." Tumango kaming apat at sabay-sabay na umakyat sa taas. Naunang umakyat si Apollo at agad ding nakapasok sa kaniyang kwarto. Bahagyang nauuna si Jela at nasa likod ko si Greg. Mauuna ang kwarto kaya naman tinapik niya ko sa balikat bago pumasok sa kanyang kwarto. Napatigil ako sa labas ng pintuan ng sariling kwarto. May kung anong takot na matulog mag-isa. Akmang pipihitin ko na ang door knob ng magsalita si Jela. Hindi ko napansin na nasa tapat din pala siya sa tapat ng pintuan niya at nakatingin sa akin. "Gusto mo bang mag-share nalang tayo ng kwarto? Malaki naman ang kama." nakangiti niyang sabi sa akin. Nabuhayan ako ng loob. "Okay lang ba?" tanong ko sa kanya. Agad siyang tumango. "Ayoko din matulog mag-isa." "Thank you. Kuha lang ako ng pamalit." "Samahan kita." sabi niya at sabay kaming pumunta sa aking kwarto. Kumuha lang ako ng pantulog, at susuotin para sa libing bukas. Dinala ko din ang pouch ko. Pagkatapos ay sabay ding kaming bumalik sa kanyang kwarto. A.N Help me improve my writing skill through your feedbacks! Gimme some :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD