“Uh, are you sure you’re fi—” “Oo, ayos lang ako.” I immediately cut him off. “I mean, I’m... fine.” Tumango-tango na lang siya sa sagot ko kahit halatang hindi siya kumbinsido. Tahimik lang siyang nakatingin sa ‘kin habang nakikipag-usap. Speaking of pakikipag-usap, bakit hindi niya na lang ako diretsuhin? Come on, he can just say whatever it is! Gusto ko nang umalis dito. Pinipilit kong huwag ipahalata sa kaniya na medyo na-te-tense ako ngayon habang nakaupo sa couch habang siya ay busy sa paglalaro sa hawak niyang ballpen at nakaharap sa laptop niya. Doon ako nagkaroon ng chance na mapagmasdan ang itsura niya. Nandito pa rin kami sa office at saglit na nagpaalam si Sir B para lumabas. Iniwan niya ako kasama ang lalaking ‘to. “Sorry to ask, pero ano bang pag-uusapan natin? I m