Mabilis na lumipas ang isang linggo na paulit-ulit na lang ang nangyayari sa bawat araw ko. Gigising nang maaga para sa school works, papasok sa university, diretso sa office, uuwi para tumulong sa bahay at balik school works na naman, pero sa boring na mga araw ko last week, may isang dumagdag, ang negotiation ko with FilmCi. Ang totoo niyan, wala pa rin namang usad. They just sent me an email again saying that they will contact me sooner, tapos ilang mga detalye tungkol sa offer nila. Hindi ko na rin masiyadong nakausap si Demi, gaya lang ng usual, at saka paniguradong busy ‘yon sa trabaho. Monday morning, medyo late na akong nakarating sa opisina dahil late na rin kaming nai-dismiss ng last sub namin. Haggard na nga ako nang makarating dahil sa pagmamadali at halos takbuhin ang m