bc

Chasing Sagittarius

book_age16+
2.7K
FOLLOW
9.6K
READ
fated
pregnant
self-improved
drama
twisted
heavy
bold
campus
wife
stubborn
like
intro-logo
Blurb

NOTE: THIS WAS MY FIRST EVER STORY. NOT EDITED. CONTAINS SO MANY GRAMMATICAL MISTAKES.

Isang summer bago ang college entrance exam, nagbago ang buong buhay ni Ascella Blythe Morquez nang iwan siya ng kaniyang childhood bestfriend, si Kenji, at nagpunta ito sa ibang bansa nang walang pasabi. Biglaan. Ni hindi niya alam kung bakit.

Ngayon, hindi niya malaman kung paano niya lilimutin at ibabaon ang lahat ng pinagsamahan nila. At kung paano tatalikuran ang nararamdaman para sa kababatang matagal niya nang gusto. Mas nagulo pa ang lahat ng makilala niya si Nathan Alejos, a graduating film student who had himself involve in Sage’s life as she struggles between living in the present and looking back in the past.

How will Nathan chase a girl named after the fire sign, who was then deeply and wildly in love with someone else?

At paano nga ba pakikisamahan ni Sage si Nathan kung lagi niyang naaalala rito ang hindi niya malimot-limutang first love?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Ascella!” Mula sa malalim na pagkakatulog na halos humilik na ay nagising ako. Nabulabog ako dahil sa lakas ng boses ni Sir Arbie. Agad akong napabangon mula sa pagkakatulog sa mesa at napapunas sa gilid ng labi. Namumungay ang mga mata na nag-angat ako ng tingin sa paligid. “Sinasahuran ka ba ng kompanya para matulog dito sa opisina? Ha, Ascella!?” pagtatalak ni Sir Arbie, o mas kilala sa tawag na Sir B, ang masungit naming boss na mas malala pang tumalak kaysa sa nanay ko. Napahawak ako sa batok na nangangalay bago nag-angat ng tingin sa kaniya. “Sage po, Sir,” pagtatama ko. Sage, short for soleilsagittarius, pen name ko bilang writer. Mas simple at mas ayos pakinggan... kaya naman bakit tinatawag pa rin nila akong Ascella dito sa kompanya? “Hay, nako, Ascella! Ano ba naman ang pinaggagawa mo sa buhay at tulog na tulog ka riyan? Jusmiyo, oras ng trabaho! Hala, sige, bumangon ka riyan at tapusin mo ‘to!” tuloy-tuloy pa ring sabi nito bago nilapag ang kumpol ng mga papel sa mismong harapan ko, hindi pinansin ang sinabi ko. Napakamot ako sa ulo bago tinabi ang mug ng kape na muntik nang matapon. Peke yata ‘tong kape na binigay ni Samuel. Parang hindi naman tumatalab dahil nakatulog pa rin ako sa antok. Medyo may hangover pa ako mula sa pag-inom kagabi. Nakakainis kasi ang kaibigan ko kung makapagyaya. Kung gusto niyang mamatay sa pagkakasunog ng atay niya, sana ay hindi niya na ako dinadamay. Kaso alak, eh, at libre pa. Ang hirap tanggihan. “A-Ano po ‘tong mga ‘to?” nakatangang tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa mga papel na inilapag niya. “Papel. Hindi mo ba nakikita?” Pinanlakihan ako nito ng mga mata. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Samuel na nasa kabilang desk. Nilingon ko siya bago napaangat ang sulok ng labi ko. Tss. “Sabi ko nga po, Sir. Ano pong gagawin ko rito?” “These are the post cards, book marks and illustrations ng ipa-publish nating novel this month. I-arrange mo ang mga ‘to. Nariyan ang mga box,” sabi niya at tinuro ang mga kahon na nasa gilid. Napangiwi ako bago pilit na ngumiti sa kaniya. Minsan talaga ay kailangan ding maging plastic sa amo lalo na kapag ayaw mong matanggal nang wala sa oras. The last time I checked, copyeditor at writer nila ako? Hindi taga-ayos ng kung ano? “Make sure to finish that before ka mag-out sa trabaho!” “Opo, Sir,” sagot ko habang pinapanood itong maglakad palayo. Nang lumabas na ito sa department namin ay muli akong napahikab. Inurong ko ang upuan ko sa gilid at muli na sanang ipapatong ang ulo sa mesa nang bigla ko ulit marinig ang boses nito. “Ascella! Juskong bata ka! Mag-resign ka na nga!” sabi nito na nakadungaw sa pinto. “May pinupulot lang po ako!” mabilis na sagot ko sabay tayo hawak ang isang ballpen. Malawak akong ngumiti sa kaniya. Hindi na ito sumagot pa habang nakatingin sa akin at inirapan ako bago tuluyan nang umalis. Dinig na dinig pa ang takong ng sapatos nito. Napabuga ako ng hangin bago walang ganang naupo sa upuan ko. “Sagot ko na shot kapag natanggal ka,” sabi ni Samuel na nang-aasar ang boses. Binato ko sa kaniya ang hawak na ballpen na mas ikinalakas ng tawa niya. Kahit lutang na lutang na ay tinapos ko ang pinagagawa ni Sir B. Pagkatapos niyon ay sinunod ko naman ang manuscript na ine-edit ko. Nang dumating ang lunch ay nagpa-deliver sila ng pansit palabok, libre ni Miss Darcy, ang head ng Marketing Department dito sa kompanyang ito, ang Art of Romance Publishing House, dahil birthday niya. “Oo nga pala, Sage, ang taas ng sales ng book mo, ah,” sabi ni Miss Darcy habang busy kaming lahat sa pagkain. “Kaya nga, eh. Almost one year na 'yong book pero nagiging best seller pa rin,” dagdag naman ng isa pa naming katrabaho. “Paano mo nagagawa ‘yon? Any lucky charm?” “Wala po.” I laughed. “Masiyado lang sigurong into romance ang mga tao ngayon.” “Ay, correct ka diyan,” singit ni Fae, proofreader namin. “Ang sabihin mo, pinapakyaw niya ang sarili niyang mga libro sa NBS,” sabi ni Sir B. Umirap pa ito pero halata namang nagbibiro lang. “Grabeng pan-do-dogshow naman ‘yan, Sir,” kunwaring nakasimangot na sabi ko. “Walang ganiyan, ah. False accusation.” Nagtawanan kami dahil doon. Kahit na sobrang sungit ni Sir B at diretsahang magsalita, mabait talaga ito. Image niya lang ang ganiyan sa kompanya pero kwela ito at masayang kasama. Hindi pa ako ganoon katagal sa kompanyang ito, mag-iisang taon pa lang, pero mabilis kong naging ka-close ang mga katrabaho ko at kahit sina Sir B at Miss Darcy. Matapos ang oras ng trabaho ay agad na rin akong nag-out. Hindi na ako sumabay kina Fae sa pag-uwi dahil may pupuntahan pa ako. Habang naglalakad ay napahinto ako. Kinuha ko ang dalang backpack at binuksan iyon para kunin ang cellphone sa bulsa. Naisip kong tawagan si Mama. Huminto ako sa gilid at umupo sa isang bench. Tinipa ko ang numero niya at itinapat iyon sa tainga ko. Pinanood ko ang mga batang nagtatakbuhan at naglalaro malapit sa kinaroroonan ko. “Hello, Ma,” bungad ko nang sagutin niya ang tawag. “Oh, tumawag ka?” sagot niya mula sa kabilang linya. Mukhang nagluluto ito dahil naririnig ko ang tunog ng mantika. “Magpapaalam lang po ako. Late ulit akong makakauwi ngayon kasi, ano, over time kami sa opisina. Alam mo na, masipag ako, eh,” sabi ko at mahinang tumawa. “Huwag ka namang masiyadong magpakasubsob sa trabaho. Baka mamaya niyan ay napapabayaan mo na ang sarili mo pati ang pag-aaral mo,” concern na sabi nito. “Anak, hindi ka ba nahihirapang magbalanse sa oras mo? Masiyado kang maraming ginagawa.” “Hindi naman po. Kaya ko naman,” sabi ko na mahinang napabuntong-hininga. Kaya ko pa naman. “Ano nga namang saysay ng kikitain mo kung magkakasakit ka. Nako, mas mahirap ang ganoon kaya mag-ingat ka lagi at huwag abusado sa katawan. Kung ang inaalala mo ay ang tuition mo sa susunod na sem, ako na ang bahala roon. Hindi mo na kailangang masiyadong ma-stress diyan.” “Opo, Ma,” sagot ko bago maliit na ngumiti kahit hindi niya naman nakikita. “Sige po, ibababa ko na.” Tiningnan ko ang screen ng cellphone nang mamatay na ang tawag. Napabuntong-hininga ako. Pasado alas-siyete na ng gabi. Agad na rin akong tumayo mula sa kinauupuan. Dumiretso ako sa isang resto bar kung saan ako nag-pa-part time bilang waitress. Pagkarating ay dumiretso na ako sa loob at agad akong sinalubong ni Sienna, kasama ko rito na part-timer din. “Ascella! Akala ko hindi ka na naman pupunta ngayon, eh,” bungad niya sa akin. Dumiretso ako sa likod para ibaba ang hawak kong bag at saka nagbihis ng kadalasang uniform namin, white plain shirt, pants, at isang apron. Itinali ko rin ang buhok ko. “Mag-re-resign na ako rito,” sabi ko kay Sienna nang magpunta kami sa pwesto namin sa counter. Agad siyang napalingon sa akin dahil sa sinabi ko. “H-Huh?” Tumango-tango ako bago maliit na ngumiti sa kaniya. “Hindi ko kasi kayang ipagsabay roon sa trabaho ko sa opisina. Baka mamatay na ako nito sa dami kong trabaho tapos nag-aaral pa ako,” biro ko. Nalungkot naman siya. “Sayang naman. Wala na akong kasama rito.” Bahagya akong natawa bago hinawakan ang balikat niya. “Ayos lang ‘yan. Nakakahiya na rin kasi sa manager natin dito. Hindi naman ako nakakapasok araw-araw. Sigurado namang maraming naghahanap ng part-time jobs diyan kaya mas kailangan nila ‘to.” “Sabagay, pero congrats, ah! Hindi ka na masiyadong mahihirapang maghanap ng iba’t-ibang raket kasi meron ka nang stable na trabaho. Happy for you!” masayang sabi niya. Ngumiti ako. “Thank you, ah! Hayaan mo, ililibre kita kapag pumunta ulit ako rito.” Tumawa siya bago tumango-tango na lang din. Nagsimula na kami sa pagtatrabaho. Kami ang taga-serve ng drinks at orders sa mga customer sa loob ng resto bar. Hanggang alas-onse ang shift ko rito kadalasan. Minsan ay lumalagpas pa kapag maraming customers lalo na kapag weekend dahil nag-iinom at nag-bo-bonding ang mga magkakaibigan at magpapamilya. Siyempre iyong mga mapepera na afford ang bill dito. Bumalik ako sa station namin matapos i-serve ang order ng isang table. Napabuga ako ng hangin habang pinapaypayan ang sarili dahil medyo hinihingal na ako sa kakalakad paikot-ikot. Napaayos ako ng tayo nang may pumasok at dumiretso sa bar counter. “Good evening, Sir!” masiglang bati ko. The guy sat on the bar stool and placed his arms on the countertop. “Negroni cocktail,” diretsong sabi niya. Nagtama ang paningin namin. Ilang saglit lang iyon at agad akong nag-iwas ng tingin. Kahit medyo madilim ang paligid ay natatanaw ko ang itsura niya. His hair is in a two-block haircut and he has a really nice thick eyebrows. Halata ring mayaman sa porma nito. “Noted, Sir. Just a few minutes for your order,” sagot ko dahil may sine-serve pa si Kuya Gelo, bartender namin. “Can you serve mine?” Nag-angat ako ng tingin sa kaniya kaya muling nagtama ang paningin namin. Napangiwi ako sa ilalim ng suot kong mask. Anong akala niya sa ‘kin? Bartender? “Hindi po ako nag-mi-mix ng drinks,” kalmadong sagot ko sa kaniya habang inaayos ang mga bote. “But you can do one?” muling sabi nito. Napatigil ako sa ginagawa at pasimpleng inilibot ang paningin sa paligid. Mukhang walang kasama kaya naghahanap ng kausap. “No, sorry—” “Try it, Ascella!” singit ni Kuya Gelo na kakatapos lang mag-serve sa isang customer. Pinanlakihan ko siya ng mata bago mahinang sinagi ang paa niya sa ilalim ng counter. Hindi ako marunong! Sasabihin ko na sana na siya na lang kaso ay biglang may lumapit na customer at kailangan niyang mag-serve ulit. Nang sulyapan ko ang lalaki ay nakatingin pa rin ito sa ‘kin. Wala naman akong magawa kaya kinuha ko na lang ang mga gagamitin pang-mix. Hindi ako nag-mi-mix ng drinks para sa mga customer. Ano ba ‘to? Nakaka-pressure naman! Negroni is a three-ingredient cocktail; made of gin, campari and sweet vermouth. Kinuha ko ang rock glass at nilagay roon ang mixed drink. I stirred the drink with ice, bago iyon nilagyan ng isang slice ng orange. Habang mini-mix ang inumin ay ramdam ko ang tingin nito sa ginagawa ko. “How old are you?” kaswal na tanong nito. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin iyon. “Nineteen,” mahina ang boses na sabi ko. Hindi siya sumagot. Nag-aalinlangan man ay inabot ko ang glass sa lalaki nang matapos at sinabi ang price. Inabot niya ang cash kasama ng tip at tinanggap ‘yon. I watched the guy as he took a sip. Napatango-tango ito kaya naman nakahinga ako nang maluwag. “It’s good,” wika niya at ngumiti sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako. Ayos lang dahil hindi niya naman nakikita dahil naka-mask ako at nakasuot pa ng cap. “You’re skilled for a nineteen-year old.” A small smirk is plastered in his lips. Pinanood ko itong maglakad palayo matapos sabihin iyon. “Sh*t, ang gwapo!” biglang sulpot ni Sienna mula sa kung saan habang nakatanaw rin ito sa lalaki. Napatitig na lang din ako rito na ngayon ay naglalakad na palayo. “Sabi sa ‘yo marunong kang mag-mix, eh. Palitan mo nga ako minsan dito,” sabi ni Kuya Gelo. Napailing-iling na lamang ako. Hindi niya alam na mag-re-resign na ako at huling araw ko na ngayon dito. Muli kong sinulyapan ang lalaki bago napakibit-balikat na lamang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
86.6K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

Tamed to Be Yours

read
386.1K
bc

A Billionaire In Disguise

read
660.6K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
52.4K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
786.8K
bc

Unloved by the billionaire

read
401.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook