Chapter 7

1563 Words
“Favorite writer po kita! Can we take a picture?” Tumango ako sa babaeng nagsabi niyon kaya dali-dali niyang inilabas ang cellphone at iniangat para sa isang selfie. I awkwardly smiled at the camera but still tried my best to show my decent smile—bakit ba kasi hindi ako photogenic. Nagsisunuran na rin ang iba at naki-selfie. Nandito pa rin ako sa stall kung saan ako bumili at hindi ko rin alam kung bakit napansin ako rito. May iilan ding kumuha ng stolen shots na pinaka-hate ko sa lahat. Hindi naman kasi ako photogenic. Hindi naman sa hindi ako maganda, hindi lang talaga ako pala-ayos! Ipagdadasal ko na lang talaga na sana ay hindi nila i-upload ‘yon sa internet kahit na imposible. Matapos ang tagpong ‘yon ay dumiretso na ako pabalik sa building namin dahil may susunod pa akong mga klase pero habang naglalakad at kumakain ay nakasalubong ko si Darren na papunta rin ng building namin, may bitbit na tatlong kahon, mukhang puro papeles o art materials ang laman. “Uy. Hi, Ascella,” he greeted. “Hello,” tanging sabi ko habang patuloy sa pagkain, hindi nag-abalang huminto at diretso lang ang lakad dahil balak ko siyang lampasan. “Saan ang punta mo?” tanong niya. Sinabayan niya ako sa paglalakad. “May klase kami sa Linguistic.” “Ah. Papunta ako sa Film Insti. Inutos na naman ni Tanda,” nakangiwing reklamo niya. Natawa naman ako dahil sa pagmamaktol niya. Eh, sino nga bang matutuwa kung lagi kang pinagdidiskitahan ng prof mo? Taga-Engineering siya pero inuutusan siya papuntang Film Insti. Ganiyan yata talaga kapag close at kilala ka sa campus at ng mga profs. “Kaya mo ba ‘yan?” tanong ko. Mukha kasing nahihirapan siya sa pagbubuhat sa mga kahon. “Naman,” he smirked. “Pero pwede mo naman akong tulungan kung mapilit ka.” “Hindi na. Mukhang kaya mo naman.” “Kawawa naman ako.” Inismiran ko siya dahil doon at nagpaunang maglakad. Iiwan ko na sana siya pero habang naglalakad ako ay natanaw ko ang kumpol ng mga babaeng estudyante na nagkukulitan habang hawak ang kani-kanilang cellphone. Hindi naman sa in-assume ko na kilala rin nila ako, pero mas mabuti nang advance. Pakiramdam ko ay magkaka-anxiety at panic attack na ako dahil sa biglaang pagsulpot nila. Tumalikod ako at hinarap si Darren. Kinuha ko ang isang box na nakapatong sa dalawa pang box na buhat niya at nauna nang maglakad paliko ng pasilyo kaya hinabol niya naman ako. Sinamahan ko na siya na ihatid ang mga iyon sa Film Insti, hindi naman ‘yon kalayuan sa building namin. Pagdating sa isang office ay naabutan namin doon ang ilang nakatambay na mga teacher at students. Habang nasa pintuan, iaabot ko na lang sana kay Darren ang box na hawak ko pero bigla siyang pumasok sa loob kaya napasunod tuloy ako. He greeted them while I just bowed my head. Nilingon naman kami ng iilang teachers, but something—someone caught my attention. There’s a guy who’s sitting at a table not far from us. His eyes were fixed at a book, facing a paper in front of him and taking down some notes. It’s not his appearance that made me unconsciously stare at him, aside from the fact na naka-side view siya kaya hindi ko makita ang mukha niya—but the book he is holding with a very familiar cover. It was my novel. Hindi ko alam na umaabot pala talaga rito sa campus ang libro ko? Sa halos two years ko bilang isang published author, hindi naman ako gano’n ka-well known sa campus. Hello? College campus ‘to and knowing College, sobrang busy. Karamihan sa students ay wala nang oras para sa ganiyan, at hindi naman ako kilala ng mga profs ko. Tiningnan ko ulit ang lalaki na busy pa rin sa pagbabasa. Nakakunot pa ang noo niya at tutok na tutok sa binabasa. I won’t be surprised if he’s judging my novel or giving some critiques. “Huwag mong sabihing wala kang balak ibaba ‘yang box na hawak mo?” Napalingon ako kay Darren nang magsalita siya. Nakalimutan kong hawak ko pa rin ang isang box at hindi pa rin iyon binibitawan. Ibinaba ko ang kahon bago muling sinulyapan ang lalaki. Hindi pa rin siya natitinag sa pagbabasa. Na-curious tuloy ako. Is he really giving my novel some hard critiques? May articles na bang lalabas bukas o makalawa sa internet? Napangiwi na lang ako. Kahit medyo nakakatakot ngang makatanggap ng kritisismo, unti-unti na rin akong nasasanay. Ilang beses na bang may nag-criticize ng novel ko? Hindi ko na mabilang. And as a writer, I’ve learned that I should know how to accept criticism and take it as a lesson and look at the positive side. Everything in this world revolves that way, so, we should deal with it. At saka mas naniniwala ako na magagamit ko rin naman ‘yon para mapabuti ko pa ang sarili ko at ang ginagawa ko. Lumabas din kami matapos makipag-usap ni Darren sa isang prof tungkol sa inuutos nito. Nagpaalam na rin ako agad na aalis na. “Mauuna na ako. May klase pa ako, eh.” Sinulyapan niya ang suot na relo bago binalik ang paningin sa ‘kin. “Hatid na kita.” Mabilis akong umiling sa sinabi niya. “Hindi na. Kaya kong maglakad nang mag-isa. Baka hindi mo alam.” “Sure ka? Sige, ikaw bahala. Ingat,” sabi niya at kumaway pa. Tumango na lang ako saka siya tinalikuran. Nagmadali na rin akong pumunta sa klase namin bago pa ako ma-late. PAGSAPIT ng hapon ay dumiretso na ako sa opisina pero bago ‘yon ay tinawagan pa ako ni Sir B. “Hello po, Sir?” bungad ko nang sagutin ang tawag niya. “Napatawag po kayo?” Nilagay ko sa bibig ang hawak na lollipop para isukbit nang maayos ang bag sa likod at pilit na iniipit sa tenga ang hawak na cellphone. “Hay, nako! Kanina pa ako tumatawag. Nakakaloka!” bungad niya. “Bakit hindi mo sinasagot?” Napangiwi na lang ako sa pambungad niyang sermon. Kanina pa kasi siya tumatawag. Vibrate nang vibrate ang cellphone ko habang nag-le-lecture ‘yong terror prof namin! “Eh, nasa klase po ako. Kaka-dismiss pa lang sa ‘min,” sagot ko habang naglalakad palabas ng building. “Oh, siya siya! Bilisan mo na at magpunta ka na rito sa opisina!” Hindi ko alam kung na-e-excite ba siya o naiirita. Napakunot-noo naman ako. “Bakit, Sir? Ngayon na? Agad-agad?” “Wala nang tanong tanong pa! Gora na!” Sasagot pa sana ako kaso binaba niya na agad ang tawag. Napakamot na lang ako sa ulo. Ang weird. Bakit kailangan pa akong tawagan ni Sir B? Teka. May balak ba silang i-surprise ako or something? Pero hindi ko naman birthday, ah? Saka wala namang okasyon. Okay, ako na ang assuming. Napailing na lang ako sa sariling mga naisip bago nagmamadaling pumunta sa office. Halos dalawampung minuto kong nilakad ang pagitan ng university namin at ng kompanya kaya hinihingal akong dumating sa opisina. “Sir, nandito na ako,” bungad ko pagpasok sa loob ng office ni Sir B. Hindi ko pinahalata na nagmadali talaga akong magpunta rito. Hindi naman ako masiyadong umaasa, ano. Ibinaba niya ang hawak na cellphone bago ako hinarap. “Oh, nandito ka na pala. Maupo ka muna riyan,” turo niya sa couch. Naguguluhan man ay umupo na lang ako dahil sa pagod sa paglalakad. Thank goodness, malakas ang aircon ng office ni Sir at ang bango pa. “Bakit n’yo po pala ako pinatawag?” tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya, hindi ko alam kung sa akin o dahil doon sa hawak niyang cellphone. “You’ll know. Hintayin lang natin siya,” pabiting sabi niya. Hindi naman siguro siya sobrang saya, ‘no? At wait, sinong ‘siya’? Sinong hihintayin? As of cue, biglang tumunog ang pinto ng opisina ni Sir B, senyales na may pumasok. I suddenly smelled a men’s perfume. Hindi matapang ang amoy. Sakto lang at mabango. Endorser ba ‘to ng perfume? Nanatili ang paningin ko kay Sir B na ngumiti sa kung sinuman ang pumasok na para bang tuwang-tuwa siya. What’s wrong with Sir B? Artista ba ‘yon? O tama nga akong endorser ng perfume? Unti-unti akong lumingon sa tinitingnan niya. And holy… cr*p. My eyes grew wider as I saw the guy who just entered the office. Mabilis akong napatayo sa kinauupuan. Tiningnan ko siya nang maigi para siguraduhing hindi ako namamalik-mata. He’s wearing a button-down shirt na bukas ang tatlong butones, and a male jeans. He’s really there, standing right in front of me. Binalik niya rin ang tingin sa akin at napakunot ang noo na para bang inaalala kung sino ako. Bakit ganiyan siya makatingin sa akin? Natatandaan niya ba ako? “Ascella, meet my nephew, Nathan.” Tama ba ang pagkakarinig ko kay Sir B? Nephew? Oh, f*ck, tell me this is not happening! “Hi,” he greeted formally. “So, probably, you’re Miss Ascella Blythe Morquez?” Napatitig na lang ako sa kamay niya nang ilahad niya ‘yon sa harap ko bago muling ibinaling ang paningin sa mukha niya. He smiled at me. The guy I just bumped with days ago, one rainy night. Un-f*cking-believable.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD