Chapter 17: Marco

1410 Words
“Nasabi nga sa akin ni Jojo. Eh, normal namang nangyayari ‘yan. Ngayon nga lang nangyari ‘yan d’yan sa Danao. Sa ibang bansanga nangyayari ‘yan, eh,” sambit ni Marco habang kausap niya sa cellphone si Daniel. “Eh, kahit ako, sir…ngayon lang ako nakakita ng ganoon,” wika ng binata. “Yun pala, balyenang patay lang. Mga tao talagang ‘to,” sambit ng kanyang editor. “Medyo hindi rin ako mapakali dito sir, eh. Iba talaga angtingin nila sa akin dito. Si mang Jojo na nga lang ang umaawat sa kanila.” “Eh, sana ‘wag kang magpaapekto sa mga tao d’yan. Di nila alam ang sinasabi nila. Hayaan niyo…may nagbabantay naman diyang mga pulis, eh. Ligtas kayo diyan. Hindi nila kayo magagalaw,” wika ni Marco. “Sana nga ho, sir,” pag-aalalang sambit ni Daniel. “Alam kong inaalala mo sila. Pabayaan mo lang ang mga ‘yan. Dapat positive thinking ‘di ba? Makakaapekto ‘yan sa pagsusulat mo,” dagdag pa ng kanyang editor. “Ang hirap kasing hindi isipin sir. Hindi ko naman alam kung ano ang iniisip ng mga tao sa akin dito. Parang…ako yung malas sa kanila. Imagine, bisita naman ako dito…ma-i-isang buwan pa nga lang ako dito ganito na agad,” natatawa niyang sambit. “Ganyan nga! Gawin mo na lang biro ang mga ‘yan. Hindi naman kailangang seryosohin ‘yang mga ganyan,” natatawang tugon ni Marco. Ilang segundo ring napatigil si Daniel, muli niyang naalala ang namumulang dagat, ang namumulang paligid at ang sala ng bahay na iyon na tila nakulayan ng pulang liwanag sa kanyang panaginip. “Sir, may tanong po ako. May nabanggit kasi noon si mang Jojo tungkol sa nangyari dito sa bahay na ‘to. Malabo ang pagkakabanggit niya. Hindi ko rin naitanong na sa kanya pa,” wika ni Daniel. “Haay nako…’wag mong sabihin na tungkol na naman ito sa mga panaginip mo. Tungkol sa nagmumulto sa ’yo o kung ano man,” sagot naman ni Marco. “Curious lang naman ako, sir. Minsan kasi napapanaginipan ko rin talaga, eh…nasusunog ang kwarto ko o yung pinto. Tapos makikita ko pula yung buong sala. Naalala ko lang kasi yung namumulang dagat…sakto ring namumula ang langit noong hapon na ‘yon,” paliwanag ni Daniel. “Wow…hmm. Hindi kaya nagkataon lang ‘yan? I mean…hindi ko naman dini-disregard ‘yang mga panaginip mo ano? Lahat naman tayo mayro’n niyan. Pero…’yan ba talaga ang nakikita mo?” tanong ng kanyang editor. “Oo sir, nanaginip ako ng ganyan. Pagkatapos ng ilang araw eh, saka naman ito nangyari.” “Hmm. That’s something. Eh, ano naman ang kinalaman ng bahay ko sa nangyari at sa panaginip mo?” tanong ni Marco. “Nandoon pa rin yung babae, eh. Para kasi siyang humihingi ng tulong…” “’Yan din ang nakita mo sa bintana pagkarating mo pa lang?” tanong muli ng kanyang editor. “Opo sir. Sigurado ako doon. Nabanggit pa ni mang Jojo na may nangyaring sunog dito noon,” sagot ni Daniel. Saglit namang natahimik si Marco at tila naghihintay ng sunod na sasabihin ng binata. “Sir?” sambit ni Daniel. “Ohh…sorry. Teka…nag-iisip lang ako. Hindi ko kasi alam kung paniniwalaan ko pa ba ‘yang mga sinasabi mo Daniel. Ako kasi…ayoko na balikan kung ano man ang negatibong nangyari dyan,” sambit ni Marco. “Sir, kailangan ko lang malaman. Tutal nabanggit na rin naman ni mang Jojo. Kesa sa kanya ko pa itanong, mas okay po na sa inyo ko na lang malamam,” wika ni Daniel. “Daniel…sinasabi ko sa ’yo…hindi ito makakatulong. Kung ano ang nangyari diyan…tapos na ‘yon eh.” “Pero, sir. Baka puwede na ring malaman. Baka makatulog rin naman ‘to sa pagsusulat ko. Malay mo magamit ko,” pagpupumilit ng binata. Muli namang natahimik si Marco. Tmayo na lamang mula sa kanyang kama si Daniel at naglakad patungo sa mesa na mayroong typewriter. “Makulit ka talaga…” sambit ni Marco. “Pero…para sa tanong mo na lang din, siguro ‘yon na lang ang sasagutin ko. Pagkatapos nito…siguraduhin mong wala na akong maririnig tungkol sa mga panaginip mo o kung anong nangyari dyan, ah?” wika ni Marco. “Depende siguro, sir,” natatawang sambit naman ni Daniel. Matapos noon ay inilapag niya ang kanyang cellphone at inilagay iyon sa loud speaker mode. Nagsimula naman siyang mag-type. “Yes, 2 years ago, may nangyari nga diyan. May nag-book ng place for a celebration at getaway vacation na rin. Magkasintahan. Inayos namin ang lugar, inayos ni Jojo ang lahat, siya nagluto para sa kanila…siya rin ang naghanda. The next morning naalala ko eh, pinuputakte na ako ng tawag at text. Sinabi na may nangyari nga. Nagkaroon ng sunog dyan sa sala sa may bandang pinto. Yung mga gamit nakakalat, ang mga pagkain hindi nakain…nakakalat sa sahig,” kuwento ni Marco Napatigil siya sa pagkukwento. “Then?” tanong ni Daniel. “Nawawala yung dalawang magkasintahan, hindi makita. May nakarinig sa kanila na nag-aaway. Mukhang matinding away, eh. Pero wala…ni anino nila ay hindi makita. Lawa ng dugo lang ang nakita ng mga imbestigador,” napakunot naman ng noo si Daniel habang isinusulat ang sinasabi ng kanyang editor. “S-sigurado ka, sir?” pagtataka niya. Tila ba nakikita niya ang gulong nangyari sa sala. Hindi niya maiwasang ikumpara sa kanyang isipan ang kanyang panaginip sa kinukwento ng kanyang editor. “Oo…iyon nga ang nangyari. Bakit?” “Yung panaginip ko sir…ang weird lang kasi. Parang ganyan nga yung nangyari. Pula lahat ng nakikita ko. Bumaba daw ako ng hagdan…tapos nakikita ko makalat. May basag na bote ng wine, may mga pagkain, mga disenyo na nakakalat. Malabo lahat, eh. Tapos…may tugtog! Tama may tugtog! Malabo rin yung tugtog…parang luma, pangsayaw!” kuwento ni Daniel habang nanlalaki ang mga mata. “Hmm…imposible ‘yan,” natatawang tugon ni Marco. “Seryoso, sir. Yun talaga ang nakikita ko. Simula noong dumating tayo dito…” “Makinig ka sa akin, ha…Daniel? Ako ayoko na talagang balikan yung mga nangyari. Gusto ko nang kalimutan yang mga ‘yan. Wag ka na sanang matanong sa kung ano ang nangyari dyan. Last na ‘to, Daniel. “Sir…teka, huling tanong na lang. Hindi ba talaga sila nakita?” pangungulit lalo ni Daniel. “Hindi…hindi sila nakita. Hanggang ngayon hinahanap pa rin sila. Ang nakita nilang dugo diyan noon ay nagmatch sa DNA ng babae. Pero kung patay man siya…hindi rin siya makita. Pati ang kasintahan niya. Para sa akin, eh…ano namang klaseng trip ‘yon ‘di ba? Sa resort ko pa talaga…sa rest house ko pa talaga,” kuwento ni Marco. Natahimik lamang si Daniel. Nabubuo sa kanyang isipan ang malagim na pangyayari noong gabing iyon. “Bumagsak ang business ko dyan…walang pumupuntang mga turista simula noong nangyari ‘yon. Ang ginawa ko, tuluyan ko nang ginawang rest house na lang. Mas pinili na lang naming kalimutan ang nangyari,” dagdag pa ng kanyang editor. Nakakunot ang noo ni Daniel habang nagsusulat sa kanyang typewriter. Huminga muna siya nang malalim bago muling nagtanong. “May article po ba o dyaryo na lumabas noon tungkol dito, sir?” “Ay nako…’wag mo na akong tanungin diyan Daniel, ah. Hindi ko na gugustuhing halungkatin ang nangyari pa diyan. Sinasabi ko sa ‘yo,” tila medyo naiinis na si Marco dahil sa pagiging mausisa ni Daniel. “Pero, sir naman…sige na.” “Tama na…ayoko na sagutin ‘yan. ‘Wag mo na ring subukang itanong ‘yan kay Jojo. Walang ibang sasabihin ‘yon,” wika naman ni Marco. “Pero kung na’ndito siya noon…ibig sabihin alam niya lahat ng nangyar ‘di ba?” pangungulit muli ni Daniel. “Tama na Daniel. Sumasakot na ang ulo ko. Magpapahinga muna ako. Ipangako mo sa akin. Hulin a ‘yan. ‘Yan ang huling beses na itatanong mo sa akin ang mga bagay na ‘yan,” sambit ni Marco. “Sir…” sambit na lamang ni Daniel. Agad namang pinatay ni Marco ang tawag na iyon. “Sir?” muling sambit ni Daniel. Kinuha niya ang kanyang cellphone at napatulala na lamang. Nagiging malikot naman ang isipan ni Daniel sa pagkakataong iyon. Iniisip niya kung bakit ayaw ng kanyang editor na pag-usapan pa ang pangyayari. Mas dumami ang tanong kaysa kasagutan. Marahil iyon ang dahilan ng kanyang mga pangitain, alam niyang may kailangan siyang gawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD