bc

The Writer

book_age16+
87
FOLLOW
1K
READ
dark
kidnap
curse
tragedy
twisted
bxg
small town
disappearance
lonely
brutal
like
intro-logo
Blurb

Upang maiwasan ang gulo at ingay ng siyudad, niregaluhan si Daniel, isang writer, ng kanyang editor na si Marco ng bakasyon sa kanyang rest house sa isang bayan sa isla ng Polilio, Quezon. Ito ay upang makapag-focus at makapag-isip nang maigi para sa kanyang susunod na nobela matapos magpahinga sa kanyang karera sa loob ng dalawang taon. Sa kanyang pamamalagi ay di maipaliwanag na mga pangyayari ang kanyang nasasaksihan. Kasabay ng pagsusulat ng kanyang bagong obra ay kakaibang misteryo rin ang gumagambala sa kanya. Sa bawat hakbang at kilos ay laging nakamatyag ang mga tao sa kanyang paligid. Tila nakakulong siya sa isang napakagandang paraiso na unti-unting nagiging bangungot kasabay ng bawat patak ng tinta sa kanyang nobela. Ano ang misteryong bumabalot sa bayang iyon at ang panganib na sa kanya'y nakaabang?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Maligayang Pagdating sa Sitio Danao
"Malapit na tayo," nakangiting sambit ng isang lalaki na may katangkaran at kalakihan ang katawan. Nakasuot siya ng ball cap habang pinupunasan ng tuwalya ang kanyang mukha dahil sa namuong pawis. Makikita ang pagkakisig ng kanyang postura kahit na may kalakihan na ang kanyang tyan. Hindi naman maipinta ang mukha ng kanyang lalaking katabi habang umuugoy nang dahan-dahan ang bangka na kanilang sinasakyan. Tatlo lamang silang sakay ng bangkang iyon kasama ang kanilang bangkero. "Daniel, ayos ka lang ba?!" pabirong sambit ng lalaki habang natatawa. "A-ayos lang ho, sir Marco," sagot ng lalaki. Umiikot ang kanyang paningin ngunit hindi niya maiwasang titigan ang kanilang patutunguhan. Isang isla na may kalakihan na kung titingnan mula sa malayo ay tila isang liblib na lugar ngunit makikita sa malayong pangpang ang pagiging puti ng buhangin nito. Sa isang banda ng isla naman ay naglaro ang kanyang mga mata, makikita ang isang puting bahay na nakatayo malapit sa puting buhangin at ng dagat. Hindi mawari ni Daniel ang nararamdaman, napakainit ngunit napakalamig ng kanyang pawis. "Kahit kailan hindi ka talaga sanay sumakay ng bangka, ano?" wika ng kanyang kasama na si Marco. Pinatay ng bangkero ang makina ng kanyang bangka, tila hinayaan niya itong magpadausdos sa alon patungo sa pangpang. "Hayaan mo, pagdaong natin ay makakapagpahinga ka na. At siguro naman eh makakapag-relax na yang utak mo," wika ng lalaki habang nakangiti. "Oo nga sir. Sa wakas eh makakapagsulat na rin," sagot ni Daniel. "Tagal mo nang nirequest sa'kin 'to, eh. Para makapagsulat ka ulit. Anong klaseng editor naman ako kung hahayaan ko lang ang manunulat ko. Kaya ipapahiram ko muna ang rest house ko. Spoiled ka na masyado, ah." "Ang ganda dito, sir Marco." Nakangiti si Daniel ngunit iba ang pinapakita ng pagkamaputla ng kanyang mukha. "Dadaong na ho tayo sir, hawak lang ho," sabi ng bangkero. Humawak naman sa kawayang haligi si Daniel at pinunasan ang pawis sa kanyang noo. Sa pagdaong ng bangka ay sinalubong sila ng isang lalaki na nakasakay sa tricycle. Sa loob nito ay nakasakay rin ang isang babae na medyo bata pa. Nang makita ang mga bisita ay agad silang bumaba at lumapit. "Sir Marco," wika ng lalaki na may kalakihan din ang tyan at sa kanyang madungis na kutis ay makikita ang ilang mga peklat na dala marahil ng matinding pagtatrabaho. "Ay, Jojo! Sakto ang dating niyo," sambit ni Marco. Agad kinuha ng lalaki ang dalang bagahe ng mga bisita. "Sir Marco, welcome back to Polilio po," wika naman ng babaeng kasama nito. Kinuha niya rin ang iba pang gamit. "Susan, kumusta naman kayo dito?" "Mabuti naman po," sagot ng babae. Sa pagkamangha ay hindi napigilan ni Daniel na mapatulala ngunit may kung ano ring naglalaro sa kanyang isipan. Tiningnan niya ang bangkero na sa pagkakataong iyon ay nag-aayos ng tali ng kanyang bangka. Sumaglit lamang ng tingin ang bangkerong iyon na tila iniiwasan ang kanyang tingin. "Daniel, halika. Ipapakilala kita." Agad napukaw ang atensyon ng binata at nagtungo sa kanilang kinaroroonan. "Daniel, si Jojo. Ang kusinero sa rest house ko. Masarap magluto 'yan," wika ni Marco. Nakangiti namang kinamayan ni Daniel ang lalaki. "Si Susan, ang katiwala at kasambahay sa bahay." Muling ngumiti si Daniel. Kinamayan siya ng babae ngunit hindi siya nito nginitian marahil ay dahil sa hiya. Pinilit lamang niyang ngumiti nang mapatingin kay Marco. "Si Daniel, ang writer ko. Dahilan kung bakit nagtatagal ako sa Maynila," pagpapakilala ng lalaki. "Ay si idol pala ito, eh," sambit naman ng lalaking si Jojo habang nakangiti. "Ayan na-meet mo na," wika ni Marco. "Siya yung nagsulat ng 'Liwanag Sa Gitna ng Gabi' na binabasa mo. Di mo naalala?" tanong naman ni Jojo sa kasamang babae. Napangiti lamang ang babae at tumango habang nakatingin sa kanya. "Pasensya na at mahiyain talaga 'yang si Susan," bulong naman ni Marco "Ay sir tara na sa bahay at para makapag-kape naman. Baka lumamig na rin ang pagkain do'n," sagot ni Jojo. "Kape sa tanghali, ikaw talaga. O siya sige na nga at napakainit na naman dito," pagbibiro naman ni Marco habang natatawa. Isinakay ni Jojo ang mga bagahe sa itaas ng tricycle. Pinili namang sumakay ni Daniel sa likod upang damhin ang hangin. Patuloy sa pag-andar ang tricycle na kanilang sinasakyan. May mga lubak silang nadaraanan ngunit hindi nila ito alintana. Ine-enjoy na lamang ni Daniel ang bawat sandali kahit na hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Sinisilayan niya ang mga punong tumatakip sa kanilang dinaraanan maging ang mga tao sa paligid. Sa isang banda naman ay isang matanda na may hawak na tungkod ang kanyang nakita. May karumihan din ang kanyang damit at nakasukbit sa kanyang noo ang isang tela na tila ginawang tali upang dalhin ang kanyang mga kagamitan na nakasampay sa kanyang likod. Bahagya ring nakahukot ang kanyang likuran. Nagkatitigan sila, napakunot naman ng noo si Daniel habang nanlalaki naman ang mga mata ng matandang iyon. Napalunok naman ng kaunting laway ang binata nang ilagay ng matanda ang kanyang hintuturo sa kanyang bibig. Animo'y sumesenyas nang 'huwag mag-ingay.' Napailing na lamang siya nang masinagan ng araw ang kanyang mukha, tila nagliwanag ang lahat at lalong lumala ang kanyang pagkahilo. Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata habang umaandar ang tricycle. ___________________________________ "Aba, talagang ginandahan niyo ang gawa dito, ah," wika ni Marco, ang editor ni Daniel nang makita ang isang arko na kanilang dinaanan. Idinilat naman ni Daniel ang kanyang mga mata at tumingala. Nakalagay dito ang mga katagang 'Maligayang Pagdating sa Sitio Danao.' "Utos din po ni kapitan, eh. Pinagtulungang gawin." "Ahh gano'n ba? Alam na naman ni kapitan, ano?" tanong ni Marco. Napatingin siya nang kaunti kay Marco at muling tumingin sa kanyang kausap. "Ang pagdating nyo po? Alam niya na po," sagot naman ni Jojo. Napakunot muli nang kaunti si Daniel at muling tumingin sa paligid. Mas maaliwalas ang lugar na iyon, napapaligiran ng mga puno ngunit may mga bahay rin sa paligid. Ang mga tao naman ay napapatingin sa kanilang bisita. Ang ibang mga bata ay nakangiti, ang iba namang matatanda ay tila umiiwas. Nakakunot ang kanilang mga noo at tila inaakay pa ang mga bata upang pumasok sa kanilang mga tahanan. "Ganito ho ba talaga sila dito? Parang takot sa tao," tanong ni Daniel. Natawa naman si Marco at si Jojo. "Haha! Pagpasensyahan niyo na po, sir. Ganyan talaga sila pag may mga bagong dayo. Hindi sila sanay pag hindi kilala rito. Hayaan nyo ho, masasanay din sila," sagot naman ni Jojo. Tumigil ang tricycle sa isang puting bahay. May kalakihan din ito kung titingnan, napakalinis ngunit makikita na rin ang kalumaan at tila inayos na lamang at pinaganda. Sa malayong banda ay makikita ang puting buhangin at ang malawak na dagat. Napatulala na lamang si Daniel habang dahan-dahang naglalakad, sinilayan niya ang isang bintana sa 2nd floor ng bahay. Tila may nakikita siyang anino ng isang babaeng nagsusuklay. "Ayan! Welcome home sa aking rest house. Medyo malubak ang daan, hindi pa kasi masyadong inaayos dito pero pwede na rin. Medyo naging busy kasi ako sa Maynila kaya ganito," wika ni Marco. "Hoy, ayos ka lang ba?" tanong niya sa kanyang kausap. "May iba pa ho bang nakatira dito, sir?" tanong ni Daniel. Muli siyang sumilay sa bintana ngunit wala na ang babae na kanina lamang ay kanyang sinisilayan. Muli siyang napapikit dahil sa pagkahilo. Bahagyang lumiwanag ang kanyang paningin. "Eh ito, sila Jojo, si Susan. Sila lang naman ang katiwala ko dito," sagot ni Marco. "Tara na po sa loob sir. Mukhang nahihilo na si idol," sabat naman ni Jojo habang bitbit ang dalawang maleta. "Oo nga, mainit kasi, eh," sagot ni Marco. Naglakad sila patungo sa loob ng bahay na iyon ngunit hindi pa rin maiwasan ni Daniel ang mapatingin sa bintana. Kalauna'y hindi niya na lamang ito pinansin. "Sir, iaakyat ko muna ang mga gamit," wika ni Jojo. Si Susan naman ay nagtungo na sa kusina. "Ay, 'wag mo nang alalahanin 'yan. Kaya naman naming iakyat 'yan, eh," sagot naman ni Marco. "Nako ayos lang ho, sir," pagpupumilit ng lalaki. Muling naglaro ang mga mata ni Daniel sa loob ng malaking kwartong iyon. Sa gilid ng pinto ay makikita ang isang maliit na mesa na tila dating receiving area. Mapapansin naman sa pader ng salang iyon ang ilang mga dumi ng pagkakadikit ng ilang pangdisenyong letra. Ang sahig na gawa sa marmol ay nabibiyak na nang kaunti ngunit malinis pa rin. Ang bintana kung saan makikita ang view ng dagat ay napapalamutian ng puting kurtina. May malaking chandelier sa kisame at naglalaro sa paligid ang kumukutitap nitong liwanag. Ang pulang sofa naman ay nababagay sa kahoy na pabilog na mesa sa gitna ng puting salang iyon. Ang lahat ay maaliwalas. "Ano? Kumusta Daniel? Okay ba dito sa aking rest house?" wika ni Marco habang nakaupo sa sofa. Ngumiti siya at nag-de-kwatro na tila nang-iinis. Napangiti na lamang si Daniel. "Opo, sir. Ang ganda dito," sagot ni Daniel. Agad siyang umupo sa katabing upuan. "Siguro naman eh wala ka nang excuse para hindi makapagsulat, ah." "Wala na siguro, sir." "Ahh ehh, oo nga pala, halika at umakyat muna tayo. Ipapakita ko sa'yo ang kwarto mo." Agad tumayo si Marco. Pababa naman ng hagdan si Jojo matapos iakyat sa kwarto ang dalawang bag na bitbit. "Maayos na ba sa taas?" tanong ng lalaki. "Opo, sir. Pwede na po kayong pumanhik," sagot ni Jojo. Umakyat ng hagdan ang dalawa at sa unang pinto sila tumigil. Napansin naman ni Daniel ang pinagpakuan ng kung anong simbolo sa pintong iyon. Bumabakat din ang dumi sa paligid nito na parisukat. Binuksan ni Marco ang pinto at pumasok sila sa maliwanag na kwarto. "Ito ang kwarto mo. Nakahanda na ang lahat. Sabi ko sa'yo. Maii-spoil ka talaga dito. Anong tingin mo?" tanong ng lalaki. Sa kwartong iyon ay nakalagay ang isang mesa sa harapan ng bintana. Nakapatong dito ang isang typewriter na napapatungan ng isang rim ng malinis na papel Katabi nito ang isang vase kung saan nakalagay ang isang pirasong sunflower. Sa kaliwa naman ng mesa ay ang kanyang higaan kung saan naroroon ang kanyang mga dalang gamit at sa kanan ay ang banyo ng kwarto. Naglakad si Daniel patungo sa bintana at sinilip iyon. Makikita sa labas ang nakaparadang tricycle at ang lugar kung saan sya tumayo bago pumasok ng bahay. Iyon ang bintana ng kwarto na kanina ay kanyang sinisilayan. Ang kwarto kung saan nakita niya ang anino ng isang babae. "Wala talagang ibang tao dito ano, sir?" paniniguro ni Daniel. "Wala. Bakit? May nakita ka bang ibang tao dito? 'Wag kang magbiro ng ganyan. Maraming iba't-ibang kwento dito sa Polilio. Alam mo naman, probinsyang probinsya talaga dito," sagot ni Marco habang natatawa. Napangiti na lamang si Daniel at inalis ang imaheng naglalaro sa kanyang isipan. "Ah wala naman po, sir. Baka guni-guni ko lang." "Nako. Sigurado akong gutom lang 'yan. Tara na muna sa baba nang makakain na tayo," wika ni Marco. Agad siyang lumabas ng kwarto. Bago naman tuluyang lumabas ng kwarto si Daniel ay muli siyang tumingin sa typewriter na nakapatong sa mesa. Tumalikod siya at nakita naman niya ang kanyang imahe sa isang maliit na salamin na nakasabit sa pader. Sakto iyong nakatutok sa bintana kung saan naroon ang typewriter na kanyang gagamitin. "Tara na, Daniel," tawag ng kanyang editor mula sa ibaba. "Na'ndyan na po, sir," wika ng binata bago tuluyang lumabas ng kwarto.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
11.0K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
176.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
139.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.9K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
20.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook