Ikatlong Pahina

867 Words
Julia's POV... "Julius, anak, we're here." ang pagyuyugyog ko sa aking anak. "Mommy, I'm still sleepy." ang nakapikit niyang sagot sa akin. Agad ko na lamang siyang binuhat at kinarga sa aking mga bisig papunta sa Days Hotel. Sa isang hotel kami mamamalagi. Ayaw kong sa mismong dati naming bahay sa Libertad kami ng anak ko manirahan. Mas mabuti ng malayo ng ilang kanto ang tutuluyan namin. Ayaw kong may mangyaring masama sa anak ko. "Welcome to Days Hotel." ang nakangiting pagbati sa amin ng front desk. "I need a room for me and my son. Do you have available room where we can extend our stay not just for tonight?" ang sabi ko. "Let me go ahead and check one for you and your son. Kindly fill-up this form first Ma'am. Para po may records kami at para na rin po sa inyong safety. Pagkatapos niyo pong sagutan iyan, you may sit for awhile sa couch while I verify the number of rooms available in our system." ang nakangiti niyang sagot sa akin habang tiningnan isa-isa ang mga rooms nila. Pagkatapos sagutan ang mga information sa form at sa guest book ay dumeretso muna ako sa couch sa lobby ng hotel at naupo. Isa sa pinakamalinis na hotel ang Days Hotel sa Iloilo kaya ito ang pinili ko. Malapit rin ito sa mga malls, pier, port, at munisipyo. Kung titingnan mo ang lugar sa mapa, nasa gitna ang Days Hotel. Sa kanang bahagi mo ay makikita mo ang SM Supermarket, sa likod naman ay ang Atrium Mall, sa kaliwang bahagi ay ang Molle (pronounced as mol-ye) Lone (pronounced as lo-ne)river papuntang daungan ng mga maliliit na barko gaya ng SuperCat na bumibiyaheng papuntang Negros Occidental. Sa harap naman ay ang Museo de Iloilo at Municipal Hall ng siyudad. Kung lalakarin mo naman ito mula sa tapat ng hotel ay makikita mo ang Iloilo Riverwalk at Gaisano City. Kung ayaw mo namang maglakad, maraming mga jeep at taxi ang paroo't parati maging mga pedicab at traysikel ay nakaabang din. Nasa second floor ang building ng Days Hotel at sa baba nito ay supermarket. Meron ding McDonalds sa baba na pwede mong tawagan na lamang para ihatid ang iyong order sa room niyo. Habang kalong-kalong ang aking anak na si Julius ay napukaw ang atensyon ko sa isang balita sa TV na mapapanuod mo sa lobby ng hotel. "Pansamantala po naming puputulin ang mga palabas na pinapanood ninyo para bigyang pansin ang isa na namang kababalaghan." "Isang batang nagngangalang Dexter ang nawawala. Ang walong taong gulang na bata ay huling nakita ng kanyang yaya at magulang na mahimbing na natutulog sa kanyang kuwarto pero kinabukasan ay wala na ito sa kanyang silid." "Ang sabi sa nakasaksi at nakakita, hating-gabi raw ay nakita nila ang batang lumabas sa gate ng kanilang bahay at naglalakad na nakapikit pa rin ang mga mata animo'y nananaginip ito. Dumerecho daw ang bata sa isang plasa sa city proper at pagkatapos nun ay bigla na lamang naglaho." "Ma'm, excuse me po. Meron pong available na room. Extended po for 15 days lamang." ang pagtawag sa akin ng isang bell boy. "Oh, I'm sorry. Sige, pakisabi sa front desk niyo, kukunin ko. Salamat." ang pagsang-ayon ko sa kanyang sinabi. Ilang minuto pa ang lumipas kahit mahimbing pa ring natutulog ang aking anak, tinawag ako ulit ng bell boy para samahan na sa room kung saan kami pansamantalang mamamalagi ng aking anak. Nasa third floor ito. Binigay na lamang sa akin ng bell boy ang susi at agad na siyang umalis. Pagkasara ko ng pinto ay dumeretso muna ako sa kwarto para ihiga si Julius. Mahimbing na mahimbing pa rin ang tulog ng aking anak. Hinalikan ko ito sa noo at bahagyang kinumutan. Isa-isa ko namang tiningnan ang buong silid. Napakalinis talaga ng hotel na ito. Hindi ako nagkamali sa pagpili. Binuksan ko ang venetian blind ng kwarto at lumantad ang napakagandang view ng kapital ng siyudad. Pagkatapos ay dumeretso ako sa kabuuan ng suites. Kompleto sila sa mga amenities. Kahit magkakarugtong lang ang sala, bedroom, at kusina ay swak na swak na ito sa pandalawahang tao o di kaya ay sa mga married couple lang na wala pang anak. Sandali akong napaupo sa sofa sa sala at napaidlip ng bahagya. At sa pagpikit ng talukap ng aking mga mata ay ang unti-unting pagbukas ng panaginip sa aking isipan. "Ate Julia! Ateee!" "Julia, nasaan ang kapatid mo? Julia?" "Dahil sa kapabayaan mo ay nawala ang kapatid mo! Wala kang kwentang anak!" "Mommy, help! Mommy!" Napalikwas ako sa aking higaan ng mapanaginipan kong tinatawag ako ng aking anak na si Julius. Kahit tirik na tirik ang araw ng mga oras na iyon at naka-full naman ang aircon sa loob ng silid ay basang-basa pa rin ng pawis ang aking mukha maging ang kili-kili ko. Dali-dali akong pumasok sa kwarto kung saan nakita kong mahimbing pa ring natutulog ang aking anak na si Julius. Thank God, he's okay! Pinunasan ko ang mga butil na pawis sa aking mukha at tinabihan sa pagtulog ang aking anak. Kinalaunan ay nakatulog na rin akong yakap-yakap siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD