Huling Pahina

1230 Words
Habang umiiyak ang batang si Julius ay pumasok sa katawan nito si Pandelemon. Isang puting usok na hindi napansin nina Julio at Julia maging ng kalabang si Timawa ang pumailanlang at nakapasok sa bunganga nito. Nanatiling nakalutang sa ere si Julia samantalang si Julio naman ay panay ang pagmamakaawa kay Timawa na pakawalan ang kanyang kaisa-isang kapatid at pamangkin. Pagkapasok ng puting elemento sa katawang tao ni Julius ay nangisay ito at bumulagta sa sahig. Natigilan naman at nabahala si Julius kaya dali-dali nitong pinuntahan ang pamangkin samantalang si Julia ay pilit na kumakawala sa kawalan. Mangiyak-ngiyak ito. "Julio, anong nangyari kay Julius?" ang sigaw ni Julia. "Julius,Julius!" ang pagyuyugyog nito sa bata. "Anong ginawa mo Timawa? Bakit ang anak ko? Bakit?" ang sigaw ng sigaw na sambit ni Julia. "Ha-ha. Haha-haha. Wala akong ginawa sa anak mo, Julia." ang nakangiting sagot ni Timawa sa kanyang anyong batang tao. Susugurin na sana ni Julio si Timawa ng biglang gumalaw at dumilat si Julius. Dere-deretso itong tumayo at hinarap si Timawa. Ang kaninang iyak ng iyak na bata ay bigla na lamang naging matapang sa harap ng lahat. Makikita mo sa kanyang mukha ang inis at galit na nakatuon ang tingin kay Timawa. Lalong nagulat ang lahat ng magsalita ito hindi sa boses ng isang iyaking bata kundi isang boses na pamilyar kina Julio at Timawa. "Pakawalan mo ang babae ngayon din Timawa!" ang maotoridad na utos nito. "Magaling! Magaling Pandelemon. Nakahanap ka talaga ng mapapasukan at ang batang iyan pa ang napili mo." sagot ni Timawa na unti-unting pinababa mula sa ere si Julia. "Matagal kitang hinanap Timawa. Nagmula pa ako sa baryo ng Antique labinlimang-taon ang nakakaraan upang hanapin ka!" ang pagsisimula ni Pandelemon ng usapan. "Wala akong pakialam kung saang lupalop ka pa nanggaling! Ang tanging alam ko lang ay isa kang traidor na tumakas sa aking palasyo! Kaya't humanda ka ng mamatay! Mga kawal, patayin si Pandelemon!" utos ni Timawa. "Timawa! Alam kong nilamon ka na ng iyong galit dahil namatay ang kaisa-isa nating anak. Pero wala kang karapatan na manguha ng mga batang hindi mo kadugo!" pasigaw na sambit ni Pandelemon. "Oo, wala nga akong karapatan na kunin sila pero kinuha rin ng tao ang anak sa sinapupupunan ko. Kung hindi dahil sa kanilang pagmamalabis na lipulin tayo ay hindi ako mahuhulugan. Hindi mamamatay ang anak ko!" pigil hiningang sigaw ni Timawa. "Wala silang kasalanan Timawa. Hindi mo dapat isisinisisi sa tao ang iyong galit. Wala silang alam sa angkan natin kaya nagawa nilang sirain ang ating tahanan. Matuto kang magpatawad Timawa." nangungumbinsing turan ni Pandelemon. "Huli na ang lahat! Huli na! Wala na akong pusong patawarin sila. Mga kawal, sugurin at patayin si Pandelemon!" utos ni Timawa. Isa-isa namang sumugod sa harap ni Pandelemon ang mga kawal nitong duwende. Bago pa sila makalapit ay inilabas at itinaas ni Pandelemon ang kanyang lumiliwanag na kwintas at nagsalita. "Sa ngalan ng aming Pinunong pinaslang ni Timawa, ng aming mga ninunong duwende, at mga tamawo, hinihiling kong bigyan niyo ako ng lakas. Hinihiling kong, iwaksi sa isipan ng mga duwendeng ito ang kasamaan! AROPATI AROPATA KONTRATO KONTRATA!" Isang nakakasilaw na liwanag ang sumilay sa buong plasa. Isa-isang binitiwan ng mga kawal ni Timawa ang kani-kanilang armas. Buong hukbo nito ay napahandusay sa sahig. Lahat sila'y pansamantalang nakatulog sa kapangyarihan ni Pandelemon. Nguni't hindi tinablan ang kanilang reyna na si Timawa. "Kung nakaya mong iwaksi sa isipan ng mga bulok kong kawal ang kasamaan, ibahin mo ako Pandelemon! Hinding-hindi mo ako mapapasunod sa mahika mo!" sigaw ni Timawa at agad na sinugod si Pandelemon. Isang napakalakas na hangin ang kumawala sa pagsugod na iyon ni Timawa. Hindi naman nakailag si Pandelemon. Sakal-sakal siya sa katawang tao ni Timawa. Hindi rin niya maigalaw ang kanyang mga kamay. Wala na siyang choice kundi ang lumabas sa katawan ng batang si Julius at harapin si Timawa. Nagawa niyang makalabas at nabitawan naman ni Timawa ang batang si Julius. Agad namang tinarak ni Pandelemon sa likod ni Timawa ang isang nagbabaga't nagliliwanag na maliit na punyal. Aaaaahhhhh! Dumagundong ang napakalakas na sigaw ni Timawa at bahagyang lumayo sa harap ni Pandelemon. Unti-unti namang naglalaho ang mga baging na mga pader sa buong plasa habang gapang-gapang sa lupa ang nasa katawang batang babaeng si Timawa. Kitang-kita sa kanyang bibig ang mga dugong kumakawala sa kanyang katawan. Gustuhin man niyang makalapit sa puno na siyang nagsilbing kaharian ay hindi na niya magawa. Tuluyan na siyang kinain ng lupa at naglaho. Kasabay ng paglaho ni Timawa ay ang paglaho rin ng mga duwende at maging ang punong nakatayo sa gitna ng plasa. Paalam Timawa... Mga katagang lumabas sa bibig ni Pandelemon matapos mapatay ang kaisa-isa niyang kabiyak. Samantala, pinalabas na ni Pandelemon ang mga batang kinuha ni Timawa. "Mommy? MOMMY!" ang sigaw ng kagigising na batang si Julius. "Julius! Anak!" ang naluluhang tawag nito sa kanyang anak. "Mommy, look, siya ang taong grasang tumulong sa atin dati pero bakit tayo napadpad ulit dito sa plasa?" ang nagtatakang tanong ni Julius. "Mahabang kwento anak. Ikukuwento ko na lang sa iyo kapag nakauwi na tayo kasama ang tito mo." ang masayang sambit nito sa anak. "Tito?" ang patanong na wika ni Julius. "Yes, anak. Your tito Julio is back. He is alive. Kausap niya ang taong grasa. Tara puntahan natin at pasalamatan." ang pagyaya ni Julia sa anak. Kasalukuyan namang nakikipag-usap si Julio kay Pandelemon ng mapansin nilang papunta sa kanila ang mag-ina. "Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan kaibigan. Isang napakalaking regalo ang makapiling ang aking kakambal at makalabas sa mundong ayaw ko ng manatili at balikan pa." ang mangiyak-ngiyak na sambit nito kay Pandelemon at agad siyang niyakap. "Kaibigan, karangalan kong makilala ang isang tulad mo. At sa loob ng mahabang panahon ay hindi ako nagsising tulungan ka at ang ibang mga bata. Ipinangako ko noon na ako ang titigil sa kasamaan ng aking kasintahang si Timawa. At nagtagumpay naman ako." ang wika naman ni Pandelemon. "Julio!" ang tawag sa akin ni Julia. "Ate Julia!" ang naiiyak na sambit ng pangalan ng kapatid. Agad nagyakapan ang kambal at masaya itong pinagmasdan ni Pandelemon. Larawan sila ng isang masayang pamilya. Pamilyang pinaghiwalay ng magkaibang mundo. Pamilyang pinagtagpong muli ng panahon. "Gusto ko sanang magpasalamat sa iyo. Ako at ang aking anak na si Julius ay taos-pusong nagpapasalamat sa pagligtas mo sa amin. Buong puso rin akong nagpapasalamat sa iyo dahil muli kong nakita ang kakambal kong si Julio. Maraming salamat sa iyo, Pandelemon." pasasalamat ni Julia. "You are my hero taong grasa. Thanks for saving me and my mom and my tito." ang dugtong na pasasalamat naman ng batang si Julius. "Walang anuman. Alam kong masayang-masaya na ang aking kaibigan dahil nakita ka na niya. Huwag kayong mag-alala dahil hindi na magagambala pa ang siyudad na ito. Magiging tahimik na itong muli dahil wala na si Timawa." ang nakangiting sagot ni Pandelemon. "Kayo na sana ang bahalang magbalik sa mga batang itinakas namin. Sana magkita rin sila ng kani-kanilang magulang." ang huling wika ni Pandelemon. Tumango naman at naiiyak pa ring niyakap ni Julio si Pandelemon bago nilisan ang plasa. Hinatid na lamang ng tanaw nina Julio, Julia, at Julius ang papalayong si Pandelemon hanggang sa tuluyan na itong naglaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD