Makalipas ang 15 taon...
23 years old na si Julius ng bumalik ito sa Iloilo City upang ayusin ang negosyo ng kanilang ina.
Labinlimang taon na ang nakalipas simula ng huling bumisita siya sa City of Love.
At sa loob ng panahong iyon ay sa Amerika sila namalagi. Doon na rin nakapag-asawa ang kanyang tito Julio at nagkabalikan naman ang kanyang inang si Julia at amang si Will.
Sa nakalipas na labinlimang taon, nahanap na rin niya ang babaeng nagpatibok ng kanyang puso. Sa edad na bente-tres anyos, isa na siyang businessman with a beautiful wife and a loving daughter.
Kompleto ang pamilya niya. Wala na siyang mahihiling pa kundi ang maging masaya at ligtas silang lahat.
Ayaw na niyang balikan ang alaalang tumatak sa kanyang isipan labinlimang taon na ang nakakaraan.
Dalangin niya araw-araw na ligtas silang lahat sa kapahamakan...
...@...
Samantala, sa Plaza Libertad ay may naligaw na isang batang babae.
Takipsilim ng mga oras na iyon at iyak ng iyak ang bata dahil hindi na niya alam ang daan pabalik.
Ang hindi alam ng bata ay may matang nakamasid sa kanya. Tinatawag siyang pumunta sa gitna ng plasa na kaboses din ng isang bata.
"Pssst..."
"Sino ka?"
"He-he. Laro tayo..."
"Ayoko..."
"Tagu-taguan. Maliwanag ang buwan. Pagbilang ko ng tatlo, nakatago na kayo."
"Isa..."
"Dalawa..."
"Tatlo..."
;-) WAKAS ;-)