Ikapitong Pahina

872 Words
Julia's POV... Nakaalis kaming ligtas ng anak kong si Julius sa plasa at agad na dumeretso sa hotel. Habang nagmamaneho ng aking sasakyan ay hindi maalis sa isipan ko ang imahe ng batang kawangis ng anak kong si Julius. Kamukhang-kamukha kasi niya ang nawawala kong kambal na si Julio. Pero ang nakapagtataka ko ay kung bakit nagpakita ito sa akin. Hindi kaya totoo ang hinala kong buhay pa ang kakambal ko? Napangiti akong tumutulo ang mga luha ko habang itinutuon ang atensyon sa pagmamaneho sa kalsada pabalik sa hotel. "Mommy, are you okay?" ang nagtatakang tanong sa akin ni Julius. "Mommy is fine anak. Don't you worry about me. How about you, are you okay?" tanong ko sa kanya. "I am not okay Mommy." ang malungkot niyang sagot habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. "Why anak? Is there something wrong?" malungkot ko ring tanong sa kanya. Alam kong may bumabagabag sa kanya. At alam kong tungkol rin ito sa nangyari sa amin kanina sa plasa Libertad. "Is it about time that we called Daddy, Mommy? I wonder who that taong grasa kanina who helped me find you." sagot niya sa akin habang nanatili pa ring nakatingin sa labas. "Anak, don't worry, Mommy is here and I won't let anything happen to you, to us. If it's about time to call your father, I will call him. Okay?" pampalubag-loob kong turan sa kanya. "Is that true Mommy? Yehey. I am going to see Daddy again." masiglang wika nito at agad na niyakap ako. "Anak, mababangga tayo niyan. Mamaya ka na mag-hug kay Mommy, okay? At kung sino man ang taong grasa na tinutukoy mo kanina ay pasalamat pa rin tayo na nakaalis tayo roon. Mahahanap rin natin siya at magpapasalamat tayo sa kanya." ang sabi ko. Narating namin ang hotel 15 minutes passed the hour of eight. Binigay ko na lang ang susi ng sasakyan sa isang valet person para mai-park niya ang aking kotse. Dumeretso na lamang ako at ang aking anak sa room namin. At dahil hindi na kami nakapag-grocery, tumawag na lang ako sa McDonald sa baba upang ipa-deliver ang pagkain namin. Pagkapasok sa tinutuluyan namin ay agad kong pinunasan ng maligamgam na tubig gamit ang basang bimpo ang aking anak. Hindi kasi siya pwedeng paliguan kapag gabi. Makalipas ang ilang minuto ay dumating ang order naming hapunan. Agad kaming kumain ni Julius. Pagkatapos kumain ay hinatid ko na muna sa kanyang silid si Julius upang makapagpahinga. "Anak, sweet dreams ha? Huwag iyong nightmare ang panaginipan mo ha? He-he. Mwah..." ang sabi ko sa kanya at agad na hinalikan sa noo. "Mommy, I am a big boy na. Hindi ako takot sa mumo. He-he. Goodnight, Mommy, and to my Daddy. I love you both." ang ganting halik niya naman sa aking pisngi. Inayos ko muna ang kumot niya at ilang sandali pa ay nakapikit na rin ang mga mata nito. Bago ako lumabas ng kanyang silid ay pinagmasdan ko muna ang buong kwarto. Safe naman ito at hindi naman mapapasok ng kung anong maligno kung meron man ang kwarto niya. Wala naman kasing bintana ang kwarto. Tanging venetian blinds lang ang nagsisilbing kurtina dito. Pinatay ko na ang lamp shade sa uluhan niya at hinalikang muli sa kanyang pisngi si Julius bago lumabas. Nagsimula naman akong magligpit ng aming pinagkainan at naghugas ng pinggan. After doing a little errands at night ay nagpasiya akong mag-shower. Kahit papaano ay mabawasan man lamang ang masamang nangyari kanina. Matapos ang isang oras sa banyo ay lumabas na ako na ang tanging suot lamang ay ang bathrobe. Binuksan ko ang venetian blinds ng aking kwarto at matamang pinagmasdan ang kabuuan ng siyudad sa glass ng silid. Napakaganda talaga ng Iloilo. Bawat sulok ng kalsada ay may mga nakatayong poste ng ilaw. Ilaw na nagsisilbing liwanag sa gabi. Pagkatapos ng sightseeing ay isinara ko na ang venetian blinds at nagsuot ng puting t-shirt at pajama. Habang pinapatuyo ang buhok ko ay binuksan ko ang aking laptop at ni-research ang tungkol sa plasa Libertad. Gamit ang google.com bilang search engine ay tumambad sa akin ang iba't-ibang balita tungkol sa plasa na ito. Sari-saring kwento ang nakalathala. At ang nakaagaw ng pansin sa akin ay ang naisulat ng isang kulumnista tungkol sa plasa Libertad. Ito ay kanyang opinyon kung saan naisulat niyang 15years ago ay may nawawalang batang lalaki. Ang sabi sa nakakita ay kinuha raw ito ng isang punong hindi mo naman makikita sa gitna ng plasa. Wala naman talaga kasing puno noon at ngayon. Dagdag pa niya, hanggang ngayon ay nanatili pa ring misteryo ang punong ito pero isang kababalaghan naman ang pagkawala ng maraming batang edad walo pataas. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha sa aking pisngi matapos basahin ang artikulong iyon. Agad kong hinawi ang pag-agos ng luha gamit ang dalawa kong kamay. Isinarado ko na ang laptop ko at nagpasiyang magpahinga na rin. Tiningnan ko muna ang orasan sa tabi ng lamp shade at napagtantong pasado alas dose na pala ng umaga. Akmang papatayin ko na sana ang ilaw ng may marinig akong kalabog sa kwarto ng aking anak. Kraaakk...Blaaagg... Julius?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD