Ikaanim na Pahina

592 Words
Galit na galit si Timawa ng malaman niyang nakalabas sa plaza Libertad ang kanyang napupukol na biktima. Hindi niya alam kung paano at sino ang may kagagawan. Nguni't may hinala siyang hindi kaya ng pangkaraniwang tao lamang ang makawala sa kanyang kapangyarihan. Kitang-kita kasi sa kanyang mala-bolang kristal na lagusan sa loob ng kanyang kaharian kung paano naligaw hindi lang isang beses kundi paulit-ulit na hinanap ng batang si Julius ang kanyang ina. Ramdam din niya ang kapiranggot na mahikang ginamit upang makalabas at makalayo ang mag-ina. Kaya, ganun na lamang ang pagtagis ng baga niya sa galit ng malamang hindi niya naisakatuparan ang pang-aakit sa batang si Julius. Mas lalong nagpupuyos sa galit si Timawa ng malamang nawalan ng bisa ang kanyang kapangyarihan sa ina nito. "Kailangan kong malaman kung sino at kanino galing ang kapiranggot na kapangyarihang iyon. Alam kong hindi siya ordinaryong nilalang. Alam kong nanggaling siya sa aking kaharian noon. Kung sino ka mang lapastangan kang nakikialam sa mga plano ko ay pagsisisihan mo ito ng mahal. Buhay mo ang magiging kapalit!" Iyon na lamang ang tanging naisinghal ni Timawa sa kanyang isipan. Gagawa at gagawa siya ng paraan upang mahanap ang may-ari ng kapangyarihang iyon. Nguni't kailangan niyang makuha si Julius. Kung hindi man siya nagtagumpay na makuha ito sa labas, papasok siya sa kanyang panaginip at aakayin siyang sumama rito. Bwaha-haha. Bwahahaha-haha. Makukuha rin kita... Samantala, lingid sa kaalaman ni Timawa ay alam ni Pandelemon ang kanyang mga plano. Nakikita niya rin kasi ito sa kanyang mga palad. Meron siyang kapangyarihang nabubuksan ang kanyang kaliwang palad na parang dark hole sa langit kung saan nakikita niya ang bawat pangyayari sa loob at labas ng kaharian ni Timawa. "Kung iyan ang nais mo Timawa, masusunod ang balak mo. Pero hindi pa ngayon kundi sa takdang panahon ay magtutuos tayo. Ako mismo ang haharap at puputol sa kasamaan mo. Hintayin mo ang pagbabalik ko. Marami ng luha ang nauubos sa pagkuha mo ng mga bata. Humanda ka sa aking pagbabalik." Mga katagang tanging sa isipan na lamang ni Pandelemon ibinuhos. Alam niyang hindi pa siya handa para makipagtuos kay Timawa. Kulang pa ang kanyang kapangyarihan para matalo siya. Sa ngayon, kailangan niyang bantayan sina Julia at ang anak nitong si Julius. Hindi niya hahayaang ang kapatid ni Julio at ang pamangkin nito ay makuha niya. Sumapit ang alas dose ng gabi at nagsimula ng magbalat kayo si Timawa sa katauhan ng isang batang babae. Lumitaw na naman sa gitna ng plasa Libertad ang isang malaking puno. Gumalaw at umikot ito. Bumukas ang isang malaki at bilog na lagusan. Lumabas si Timawa roon sa anyong tao. Dahan-dahan siyang humakbang. Palinga-linga muna siya upang siguraduhing walang taong nakakita sa kanya. Nang masiguradong walang matang nakatingin sa kanya, patalon-talon siyang naglakad patungo sa kanyang biktima. Isa namang pagkakataon iyon kay Pandelemon na makapasok sa loob ng kaharian sa pamamagitan ng lagusan. Dahil naiwang nakabukas pa ito, sinadya muna niyang magtago para siguraduhing hindi siya nakita o naramdaman ni Timawa. Malakas kasi ang pang-amoy at pakiramdam nito. Nagtagumpay naman siya dahil masayang naglalakad na patungo sa bibiktimahin nito si Timawa. Alam niyang pupuntahan niya ang batang si Julius. Kahit alam niyang mapanganib, kailangan niya munang makapasok at pakawalan ang mga bata sa loob bago pa makabalik si Timawa. Sisiguraduhin niyang lahat ng mga bata kasama si Julio ay makaligtas at makawala sa loob ng punong iyon. Kailangan makalabas siya bago pa niya maipasok si Julius sa loob ng kanyang kaharian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD