Chapter 7

2262 Words
Parang hindi makapaniwala si Cairon sa narinig mula sa dalaga. Marahas niyang tinanggal ang kanyang sunglasses. “What the hell are you saying?” Hinagod niya ito ng tingin to make his point. “Sa ayos mong ganyan? Gusto mo bang magpaboso sa mga tauhan ko rito, ha?” Napansin man niyang nagpipigil sa pagtawa si Mang Tacio ay hindi niya ito nilingon. Nakipagtagisan naman ng tingin sa kanya ang dalaga. “Eh, kung manghihiram ako ng maisusuot ko, hindi pa rin ba puwede?” pakli ng dalaga. “Eh, kung mahulog ka kaya? Ang taas ng puno, o!” Itinuro pa niya ang matatayog at matataas na puno ng papaya. Iisipin lang niya ay hindi niya kaya. Ayaw niyang masaktan ang babae. Ikinuros ng babae ang mga braso. “Marunong akong umakyat ng puno, ano? Hindi mo lang alam ‘yon!” “Hell! Eh, kung ako na lang kaya ang akyatin mo? Mas safe ka pa.” Lumabas na ‘yon sa bibig niya at narinig niya ang bungisngisan ng mga tauhan niya pero wala siyang pakialam. Nakita niyang pinamulahan ng mukha ang dalaga. “Ah, bastos ka talaga!” anitong nagmartsang nilisan siya. Agad siyang sumunod rito. “Hoy, balik na kayo sa trabaho. Tapos na ang eksena!” sigaw niya sa mga tauhang nagbubulungan at nagbubungisngisan. Kilala na siya sa pagiging bastos ng bibig niya kaya natatawa na lang ang mga ito sa kanya. Pero mali nga yata talaga ang nasabi niya dahil hindi sanay ang dalaga. Dapat mag-sorry siya. Natigil naman ang mga trabahador niya nang sumigaw siya at ganoon na rin ang ginawa ni Mang Tacio sa mga tauhan para bumalik na sa kani-kanyang trabaho ang mga ito. Sinundan niya ang dalaga. Halos magpapadyak itong naglalakad. Malamang dahil naiinis rin ito sa kanyang sinabi. Lalo na sa kanya. Para siyang matawa. Para itong isang brat na hindi pinagbigyan ng ama kaya nagta-tantrum. “Sorry na. Uwi na tayo,” sabi niya sa babae. Hindi ito umimik. Basta binigyan lang siya nito ng isang matalim na tingin. Ipinagbukas niya ito ng pinto at inirapan siya bago sumakay. Isinara na niya ang pinto at pumuwesto na sa driver’s seat. Humugot muna siya ng hangin sa kanyang bago. Naaamoy na naman niya ang bango nito. It was really driving him crazy. Gusto na naman niya itong yakapin at halikan. “I’m leaving for Manila at dawn.” “So?” “I’ll… miss you.” Hindi ito nakapagsalita. Napaiwas ito ng tingin sa kanya. Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. May sasabihin pa sana siya pero nagbago ang isip niya. Pinaandar na lang niya ang sasakyan at kumaway kay Mang Tacio na nagtaas ng kamay bilang sagot. Pero imbes na umuwi sila sa bahay ay binaybay niya ang daan patungo sa kabihasnan. May maliit na restoran doon at naisip niyang dalhin doon ang dalaga para naman kahit paano ay makagala ito doon. Sigurado siyang hindi pa ito nakapunta doon kundi ay nilagpasan lang papunta sa mansion. Napansin man iyon ng dalaga na hindi sila pauwi ay hindi ito nagsalita. Mukha namang interesado ito sa mga nakikita. Mga alas sais na ‘yon nang mag-order siya ng pagkain para sa kanila. Kilala siya doon kaya naman maraming mga taong nakatingin sa kanila. Alam niyang pag-uusapan siya ng mga ito na may kasamang magandang babae. At siguro naman ay hanggang dito ay kumalat na ring nobya niya ito ayon sa ipinagkakalat niya. “This place is nice. Thank you for bringing me here,” sabi ng dalaga na ngumiti sa kanya nang matipid. Mukhang nahimasmasan na ito sa tantrum, sa tingin niya kaya napangiti ang isang sulok ng labi niya rito. “D-dinala mo ba rito noon si Cammy?” tanong nito at agad na nag-iwas ng paningin para kunwari ay tingnan ang nakabitin na mga ilaw. “Maganda kasi ang lugar. Tahimik.” Ngumisi siya. “No.” “Bakit?” kuryusong anito na hindi pa rin nakatingin sa kanya. Lumapad pa ang ngiti niya. “Cammy thinks this place is cheap.” Noon na ito napatingin sa kanya nang namimilog na mata. “Cheap?” “Ahuh. She said so.” “So, bakit ikaw…?” “I don’t think this place is cheap. It’s just what it is. Besides, masarap magluto ang chef rito na siyang may-ari rin.” Tumango ito. “So naglalagi ka rito?” Kumibit siya. “From time to time, when I feel like it.” Dumating na ang kanilang order, plus extra na dessert. “Strawberry and Ferrero Waffles on the house, Sir Cairon,” sabi ng waiter nang nakangiti. Tumango siya. “Thanks, Luke. Pakisabi kay John I appreciate it. I’ll talk to him when I’m not busy, okay?” “Yes, Sir,” ngiting tugon ng waiter na napasulyap sa dalagang nakangiti rin dito bilang pasalamat. Umalis na ito. “May libreng ekstrang dessert? Ang galing naman. Gusto ko na ang restorang ‘to,” sabi nitong ngingiti-ngiti sa kanya. Iyon pa ang inuna nitong kinain. “Ano?” tanong nito habang hindi pa rin siya kumilos para kumain. “You’re eating the dessert first,” puna niya. “I actually like my dessert first before anything else.” “Huh! You’re actually full of surprises,” nasabi niya. “You don’t know me,” anito sa kanya na sumubo at napa-mmm pa sa sarap ng kinakaing on-the-house waffles. “Guess what? I want to know you better.” Humina ang pagnguya nito ng pagkain at napaiwas ng paningin. Napatawa na lang siya rito nang marahan at nagsimula ng kumain sa kanyang in-order. Naglakad-lakad muna sila sa may mga stalls sa hindi kalayuan ng restoran. Mamayang mga alas-otso ang sara ng mga ito pero ang iba ay nakasara na nang maaga. Nakapamulsa siya habang may mga produktong tinitingnan ang dalaga katulad ng native bags, straw hats, figurines at iba pa. Habang busy ito sa pamimili ay may nakakuha sa kanyang atensyon – isang woven pen holder. “What’s your favorite color?” pasimpleng tanong niya sa dalagang busy sa katitingin sa isang pamaypay na may iba’t ibang kulay. Tinesting pa nito ang pagpaypay niyon habang nagigiliw na nakamasid ang nagtitinda. “Apple green,” tugon nitong napasulyap sa kanya pero agad na ibinalik ang atensyon sa sinusuring paypay. Siguro ay napahanga ito kung paano iyon ginawa. Naisip niyang kaya pala iyon ang kulay ng kotse nito. Ang pinakamalapit na kulay na light green ang napagdesisyunan niyang bilhing woven pen holder. Tatlo. Inilagay na ‘yon ng teenager na babaeng tindera sa isang asul na supot. Binigyan pa niya ito ng ekstrang bayad at nagpasalamat ito sa kanya nang may matamis na ngiti. Kinindatan na lang niya ito. Pumili ang dalaga ng isang bag at isang bamboo wine holder na maganda ang pagkaka-disenyo. Pero nang mapakapa ito sa shorts ay wala pala itong pitaka. “Pahiram naman ng pera, o,” sabi nito sa kanya. “Babayaran kita pagdating sa bahay mo.” Napangisi siya rito at dinukot na ang pitaka para bayaran ang mga pinili nitong bilhin. Siya na ang nagbayad at inilagay na iyon ng tindera sa tig-iisang malalaking supot kung saan kasya. Tinanggap nito ang dalawang supot pagkapasalamat sa tindera. “Iba ang gusto kong ibayad mo.” He deliberately dropped his voice into a bedroom tone. Napanganga ito sa kanya. Hindi nakapagsalita. “Kahit isang kiss lang,” hirit niya. Kumislot ang mukha nitong napatingin sa kanya. “Kahit kailan ka talaga, manyak!” Tinalikuran siya nito at nauna na itong magtungo sa kung saan nakaparada ang pick-up truck niya. Patawa-tawa siyang sinundan ang dalaga. *** Pagdating nila sa mansion ay pinigilan si Derin ng lalaki bago pa man siya makapanhik ng hagdan. Iniabot nito sa kanya ang supot na kani-kanina lang nito dinala. Napuna niyang may binili ito kanina pero hindi niya napansin kung ano. “Para sa ‘yo ‘yan,” sabi nito. Napilitan siyang tanggapin ang supot. “Ano ‘to?” aniyang sinilip ang nasa loob. “Woven pen holders. Hindi mo ba talaga alam kung ano ‘yan?” “Bakit tatlo?” kunot-noong aniya. “Because ‘I like you’!” walang gatol na tugon nito. Natigilan siya sa sinabi nito. Hindi niya inasahang marinig iyon mula sa lalaki. Seryoso ba ito? Nakita niyang unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi nito. Nanunuyo ang lalamunan niya. Hindi niya namalayang humigpit ang pagkakahawak niya sa supot ng pinamili niyang native bag para kay Gretchen at bamboo wine holder para kay Jace na fiancé nito. Ibibigay niya ang mga ito kapag darating na ang mga ito sa susunod na buwan. Magbabakasyon daw ang mga ito sa Pilipinas. Dahil nakagala naman siya kasama si Cairon ay kaya naisip niyang bumili ng souvenirs para sa magkatipan at ibibigay ang mga iyon kapag nagkita na sila. Baka pupuntahan daw siya ng mga ito dito sa Sta. Ignacia. Hindi niya kasi alam kung kailan siya ulit makakagala. Sigurado siyang magiging busy siya sa kanyang trabaho by then. “What’s with you? Ngayon ka lang ba nakarinig ng lalaking nagsasabing ‘I like you’?” untag ni Cairon sa kanya. Magka-lebel ang kanilang mga mata ngayon dahil nakapatong siya sa hagdanan. Tumikhim siya at napaiwas ng paningin. Kanina pa kasi siya nakatitig sa guwapo nitong mukha. Sa maikling salita, binigyan siya nito ng woven pen holders na tatlo at ang ibig sabihin niyon ay gusto siya nito. What was she supposed to feel? To react? Para siyang matilihan. Nakatayo lang kasi siya doon at hindi nakakibo habang nakatitig sa lalaki. Teka, nakanganga ba siya? Itinikom na lang niya ang bibig para sigurado. Tumikhim siya ulit at tinalikuran ang lalaki. “I-I’ll get the money,” sa halip ay aniya. Napakagat-labi siyang nagsimulang pumanhik na naman. Pero nang nasa second floor na siya ay naabutan siya nito at pinigilan sa braso. “Sabi ko naman sa ‘yo kiss ang gusto kong kabayaran,” ngising anito. Parang nangungusap na naman ang mga mata nitong nakatunghay sa kanya. Hinapit siya nito sa baywang at ramdam na naman niya ang matigas nitong hinaharap sa puson niya. Nakatitig ito sa nakatikom niyang labi. “Open your lips,” utos nito nang banayad na halos naglalambing. ‘Sh*t!’ mura niya sa isipan nang sumunod siya sa gusto nito. Nakita niyang umunat ang mga sulok ng labi nito bago siya nito hinalikan. ‘Gawd! Ano ba ‘to?’ Pumikit na lang siya ng mga mata at marahang napatugon sa halik nito. Hindi na niya napigilan ang sarili. She was totally falling for his… ‘What, Derin?’ uyam ng kanyang isipan. ‘Ah, basta!’ Ayaw na niyang mag-isip. Narinig niya ang mahina nitong pag-ungol habang hinahalikan siya. She was feeling heady when he broke the kiss after a short while. Humihingal sila kapwa at nakatitig ito sa mga mata niya. “What are you doing to me?” mahinang bulong nito sa kanya. “W-wala akong ginawa,” pilit na sagot niya. Napatawa ito nang mahina at dahan-dahan siyang binitawan. “Go to you room before I change my mind.” Para namang sinilihan ang puwet niyang sumunod sa sinabi nito. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Hinihingal siya nang marating ang kanyang silid at napasapo sa dibdib niya nang nakasandal sa dahon ng pinto. ‘Diyos ko Lord. Ano ba ‘tong nararamdaman ko para sa kanya? Hindi ‘to puwede! Hindi.’ *** Naisip ni Cairon na nababaliw na siya. Hindi ba’t gusto niyang maangkin ang dalaga? Hindi ba’t pagkakataon na niya iyon kanina? Bakit ba pinakawalan pa niya? At ngayon ay paikot-ikot siya ng lakad sa loob ng malaking silid niyang parang isang hayop na nakahawla. Nagsisisi. “Tsk! I think I’m getting crazy,” sabi niya sa sariling napailing-iling. Bumuga siya ng hangin. Umupo siya sa kanyang kama at humiga. Nakatingin siya sa kisame habang inaalala ang paghalik sa dalaga na tumugon rin sa halik niya. “Hell!” He felt that it was great! Alam niyang hindi ito tumugon sa kanya dahil iyon ang kabayaran sa inutang nitong pera sa kanya para sa pinamiling souvenirs. He knew deep inside she felt something for him. Pero bakit parang pinagkaitan niya ang sarili ngayon? Dahil gusto niyang magiging sigurado ang dalaga. At siguro siya na rin. Still, he had his hard-on. Same old, same old. Ganoon pa rin ang epekto sa kanya ng dalaga. Matindi pa nga. Pero nakuha pa rin niyang magpigil sa sarili. Puwede na yata siyang maging santo, eh. He thought sarcastically. Napaisip siyang babalik na nga pala siya ng Manila mamayang madaling-araw. He didn’t want to go. He didn’t want to work. Napatigil siya sa pag-iisip nang tumunog ang kanyang cell phone. Si Cammy na naman. “When are you going back to Manila? May nakakita sa ‘yo kanina sa lungsod kasama si Derin. So, I thought…” “What do you want, Cammy?” “Puwede bang sumama sa ‘yo kapag papunta ka na ng Manila? May car is broken at pinapaayos ko pa. Not sure when it’s going to get fixed, and I have an appointment with a client tomorrow afternoon.” Napabuntong-hininga siya. Ayaw pa naman niyang may ibang babaeng sasakay sa sports car niya kundi si Derin lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD