Chapter 8

2424 Words
Parang tulog-manok ang ginawa ni Derin. Bakit ba kasi? Alam niyang aalis si Cairon mamayang madaling-araw. Hindi niya alam kung anong oras pero baka mga bandang alas-dos. Bumangon siya para uminom ng tubig pero wala na palang laman ang baso at pitcher sa bedside table niya. Naubos niya siguro sa kaiinom kada gising niya at punta ng banyo. Para siyang buntis na pusang hindi mapakali. Gusto na niyang sipain ang sarili. Pabalik-balik din kasi sa isip niya ang sinabi sa kanya ng lalaki na may gusto ito sa kanya at ang halik na ‘yon. Diyos ko Lord! Sumiksik na talaga sa isip niya. Hindi lang iyon. Nag-replay pa ang lahat ng eksena kung saan hinalikan siya ng lalaki. Sa pool, sa may hagdanan, sa may blind curve noong una silang nagkita… para na siyang mababaliw. Suot ang night shirt ay bumaba na siya papunta sa kusina. Pero nasa hagdanan pa lang siya nang makita niya si Cammy na may dalang overnight bag at kasama si Cairon. Natigilan siya. Aakyat sana siya pabalik nang makita siya ng lalaki. “Hey… babe! Gising ka pala,” anang lalaki. Napalingon sa kanya si Cammy na may ngiti sa labi. Binati siya nito. Sasama sa binata ang babaeng ito sa Manila? Nagkabalikan na ba ang mga ito? Pero ano raw? Babe na naman kasi ang tawag ng lalaki sa kanya. Naiinis na siya, ah. Pinaglalaruan ba talaga siya ng lalaking ‘to? Bumaba na lang siya at sinalubong siya ng lalaki. “Um… kukuha sana ako ng tubig, eh,” sabi niya rito na hindi mapatingin sa mukha nito. “Tutulungan na kita. Hindi pa gising ang mga maids at si Ate Lucinda. Aalis lang naman ako, eh. Hindi ko na sila kailangan. At ikaw, bakit gumising ka pa para magpaalam sa ‘kin?” Binigyan niya ito ng matalim na tingin pero nakangisi ito sa kanya nang nanunukso. “Pero buti na rin ‘yon. Mami-miss kitang masyado,” biglang lambing na naman nito na ikinalukso ng puso niya. Umalis na ito pagkaagaw ng pitcher sa kamay niya para magpunta sa kitchen at kumuha ng tubig. “Makikisabay lang ako kay Cairon. Okay lang ba?” anang Cammy sa kanya. ‘Okay lang ba? Eh, nandito ka na?’ anang isip niya. ‘At ang kumag na ‘yon hindi man lang sinabi na sasabay sa kanya ang ex niya. For five hours ay magkasama sila samantalang ako ay maiiwan dito! Sh*t! Teka lang, Derin. Tumigil ka na. Wala kang karapatan na magalit o magselos. Right? Right!’ Humugot siya ng hangin. “Sure, why not?” aniyang ngumiti nang pilit kay Cammy. Kahit paano ay nakuha niyang sumagot rito. Pero sa isip niya ay gusto niyang sabunutan ang babaeng ito. Wala ba itong sariling kotse? Eh, siya ngang walang hacienda meron. Ito pa kaya? Ngumiti sa kanya ang ex ni Cairon. “Salamat at hindi ka katulad ng ibang mga girlfriends na sobrang selosa.” ‘Hus! Kung makangiti ito parang santa!’ inis na naisip niya. “But if you were, I’d understand,” dagdag ng babae. Ngumiti lang siya rito nang matipid pero sapilitan pa rin. Hopefully ay hindi iyon nakuha nito. Bumalik naman si Cairon na bitbit ang pitcher niyang may lamang tubig. “Get back to sleep, babe. I’ll call you when I get there,” sabi ng lalaki na ibinigay ang pitcher sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Napatikom siya ng bibig. May number ba niya ito? Hindi niya matandaang nagbigay siya. Well, baka hiningi sa tiyahin nito. Hmp! Maparaan ito. Kahit sa anumang bagay na siguro. Ano bang bago? “Just… take care,” sabi na lang niya. Napagtanto niyang totohanan iyon mula sa puso niya. “I will. Thanks, babe!” sabi nitong hinalikan siyang muli pero sa labi naman ngayon. Kinindatan pa siya pagkatapos. Pumanhik na lang siya sa hagdan at nakita niyang tinulungan ng lalaki sa bagahe nito ang ex. Sabay na ang mga itong lumabas ng tarangkahan. Siya naman ay nakaramdam ng bigat. Ngayon pa lang paalis ang lalaki pero mami-miss na niya ito. Pero nagtataka siyang ang tunog ng pick-up truck ang narinig niya at hindi ang sports car nito. Bakit kaya? Hindi ba’t mas mabilis itong darating sa Manila kapag iyong sports car ang gamit nito? ‘Well, beats me!’ naisip na lang niyang naiiling at nagpatuloy sa pagpanhik patungo sa kuwarto niya. Hindi naman niya nababasa kung ano ang nasa isip ng lalaki. *** “You look like you’re always in a foul mood these days, my man!” puna ni Morris nang bumisita ito kay Cairon sa kanyang opisina. Nasa kabilang building lang ang office ng mutual friends nila ni Cammy. Ito ang dahilan kung bakit naging sila ng kanyang ex dahil sa ipinaalam nito sa kanya na may gusto sa kanya ang babae. They just got together one night at naging nobya niya ito hindi man lang niya niligawan. “Tsk! Iyan lang ba ang ipinunta mo rito para sabihin sa ‘kin ‘yan?” Bahagyang itinaas niya ang kilay na sumandal sa swivel chair niya. It had been one hell of a week since he left Sta. Ignacia. Palagi niyang tinatawagan si Derin pero laging sinasabi na busy ito at hindi ito puwedeng makipag-usap sa kanya nang matagal. What the hell was that? Hindi ba siya nito nami-miss katulad ng pagka-miss niya rito? Ngayong nandito naman siya sa Manila, hindi siya basta-basta makapunta doon sa probinsya dahil nga may marami siyang trabaho. Apat na araw lang siyang wala sa opisina, gabundok na ang naratnan niya. It was killing him and it was pissing him off! Big time. Dahil wala si Derin. Hindi man lang niya abot-tanaw ang dalaga. Tapos kapag sinasagot siya sa cell phone parang wala lang. So, sino ba ang hindi mag-aalburuto nito? “I think you’re love sick, man,” tudyo nito sa kanya na umupo sa visitor’s chair na nasa harap ng desk niya. “What are you talking about?” Lalo lang siyang naiinis sa pinagsasabi nito. Tinapunan niya ito ng stress ball at mabilis namang sinalo ng gunggong. “Mag-helicopter ka na para mas madaling makauwi sa probinsya. Walang ginagawa ang helicopter mo, o.” “Oo nga naman pala, ano? Ayokong sasabihin niyang patay na patay talaga ako sa kanya para gawin ‘yon. May pride din ako, ‘no?” Napatawa nang malutong si Morris. “You’re crazy, man. Who’d think you’ll act like this when you’re in love? I never thought you would.” Hayun na naman ito sa panunulsol nito. Was he really in love with Derin? That fast? “I can’t go. I have a lot of things to do. Siya naman ay busy sa ginagawa niyang biography para kay Tita Este. I can’t ruin it. It’s her work,” nasabi naman niya. Naiiling si Morris sa kanyang ibinato ang stress ball pabalik sa kanya. Sinalo din naman niya iyon. *** Sino-sort ng dalaga ang mga events sa buhay ni Estela by timeline. By decades na niya ito ginagawa. Tapos may ginagawa siyang flashbacks na rin na puwedeng i-insert sa ilang chapters. Wala pa siyang naging pamagat sa libro. Mamaya na niya isipin ‘yon pagkatapos niyang ma-polish ang first draft na malayo pa namang mangyari. Kahit na parang ang bagal ng mga oras na dumaan kada araw lalo na’t napapaisip siya kay Cairon ay natagpuan na lang niya ang sarili na ibinaon ang sarili sa trabaho. Kahit paano ay bumibilis rin ang kamay ng orasan kapag ganoon. “Yes!” tugon niya sa cell phone nang tumunog ito, nasa tabi lang ng desk na ginagamit niya sa library. Doon na siya pinagpatrabaho ni Estela para huwag maistorbo at nang mas komportable. “Where are you? We’re waiting at the restaurant you said.” Napamaang siya nang marinig ang boses ni Jace. Napasapo pa siya sa kanyang noo. “Oh, God! I forgot! I’m so sorry! Is Gretch pissed?” napangiwing aniya. Napatawa ang Amerikano sa kabilang linya. “Of course… not!” “I’m gonna kill you, Jace! I’ll be right there! Just give me like… maybe thirty minutes?” Nagmamadali na siyang maligo at magbihis. Naghabilin na lang siya kay Ate Lucinda kung saan siya pupunta kung sakaling hahanapin siya ni Estela. Napakagat-labi siya habang napasulyap sa sports car ni Cairon. Nami-miss niya ito… kahit ang mga mahahalay na nitong mga salita. Pero napapilig siya ng ulo. Gamit ang kanyang kotse ay nag-drive na siya papuntang lungsod. Napatili pa siya nang makita ang magkatipang Amerikano at Amerikanang aktres. Ang bodyguards nito ay nasa hindi kalayuan lang at parang turista lang din. Nagyakapan silang dalawa ni Gretchen at nag-beso-beso. Pagkatapos ay sumunod si Jace. Dalawang taon na ring engaged ang dalawa at malapit na ang kasal ng mga ito. Masaya siya para sa mga ito. “We really want you to come to my wedding!” sabi ni Gretchen. She flipped her blonde hair and her blue eyes twinkled. “Aww. That’s so sweet. But that’s what? Like… five months from now?” Sa California daw gagawin ‘yon. “Yep! And… you have to bring your wedding date. That’s a must! Definitely!” Pinakunot pa nito ang ilong. Ngumiwi siya. Sino naman ang wedding date na dadalhin niya doon? Ito talagang kaibigan niya parang siraulo. Alam naman nitong wala siyang boyfriend. “Hey, don’t tell me you still don’t have a boyfriend! Who was that guy you mentioned earlier?” tudyo nito. Napatawa na lang siya nang mahina. At bigla ba namang napalis iyon nang mapasulyap siya sa entrance ng restoran. Kaya naman ay napalingon doon ang magkatipan. Todo ang pagrigudon ng puso niya sa nakita. “Good God! Is that him?” kinikilig na anang Gretchen na pinahinaan ang boses. Nanlaki ang asul na mga mata nito. “He looks so damn hot!” Agad itong napabaling sa fiancé. “Baby, you know that you’re the only one for me. Right?” Hinaplos pa nito ang pisngi ni Jace na tumawa naman at hinalikan ang Amerikana. “Ate Lucinda told me I can find you here,” sabi ni Cairon nang makalapit na sa mesa nila. Nakatitig ito sa kanya bago sinulyapan ang mga kasama niya sa mesa. Tumikhim siya. “Uh… yeah. This is my friend Gretchen and her fiancé Jace.” Umayos siya sa pagkakaupo kahit maayos naman na. Nakita niyang bahagyang tumaas ang kilay nito sa kanya nang marinig ang pangalan ng Amerikano. Ito kasi ‘yung itinanong nito sa kanya noon kung sino si Jace. Binati ni Cairon ang magkatipan. Pati na sa pagiging engaged ng mga ito. “We’ll send you the wedding invitation when we get back to California,” saad ni Gretchen kay Cairon na umupo sa tabi ni Derin. Pasimple pa itong hinawakan ang kamay ng dalaga na nasa ibabaw ng kanyang hita. Kinuha nito iyon para ipatong naman sa hita nito at ang isang kamay ay naglaru-laro sa hinawakang kamay. ‘Sh*t!’ mura niya. Parang hinalukay-ube na naman ang sikmura niya sa ginagawa nito. Naramdaman niya ang tila paghigpit ng muscles niya sa kanyang puson at bumaba pa iyon sa pinakasentrong parte ng katawan niya. Nanunuyo ang lalamunan niya at hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan. “Thank you,” simpleng sabi ni Cairon. Tinanong nito kung saan naka-stay ang magkatipan at sinabing maghahanap pa ang mga ito. Bigla ba naman itong mag-offer na sa mansion na nito habang nandito ang mga ito dahil isang linggo rin ang plano ng magkatipan na mag-stay dito sa Sta. Ignacia para makasama siya. Nakonsensya siya tuloy dahil naipangako niya noon na hahanapan niya ng matitirhan ang mga ito pero nawala naman sa isipan niya dahil sa sobrang pagka-busy niya sa trabaho. “Oh, that’s great if it’s not of any inconvenience for you!” sabi ni Jace nang nakangiti. Nagigiliw ang mga berde nitong matang nakatitig sa kausap na lalaki. Napaka-friendly naman kasi ng Kanong ito. “No problem. Derin’s friends are always welcome in my home,” sabi nito na hinimas-himas pa rin ang kamay niyang hawak nito. Napansin man iyon ng magkatipan ay parang natutuwa pa ang mga ito. ‘Tch! Ang supportive naman ng mga ‘to,’ sa isip niya. Nag-dinner na sila doon at dahil may nirentahang dalawang sasakyan ang mga ito ay parang nag-convoy na sila papunta sa mansion. Pinasakay siya ng lalaki sa sports car nito at may binayaran itong isang tao para dalhin ang kanyang kotse pauwi. “So, that was Jace, huh?” anang lalaki. May mapakla pa itong ngiti. Inikot niya ang mga mata at saka napatingin sa labas ng bintana. Balik ba na naman sila sa paksang ‘yon? “I was pissed when I couldn’t find you home. I haven’t seen you for a month and I was naturally looking forward to seeing you because I missed so you much!” Napalunok siya. Hinatak na naman nito ang kanyang kamay at hinalikan nito yaon. Nakita niya ang pagtaas ng isang sulok ng labi nito nang mapatingin siya sa mukha nito. “Don’t you miss me, too? Huwag mo nang itanggi.” “Huh! Ang kapal mo naman!” she huffed. Iniwas na niya ang paningin mula dito. Ayaw niyang mabasa nito ang mga mata niya dahil baka malaman nitong totoo ang sinabi nito pero kunwari lang siya. She didn’t want to admit it. Ever. Kung maaari lang. Ipinakilala ng binata ang mga kaibigan ni Derin kay Estela na agad na nakagaanan ng loob. Ipinaturo naman nito sa mayordoma ang magiging kuwarto ng mga ito sa third floor. It looked like para sa mga bisita ang third floor. Pero sa kabilang wing naman para magkaroon ng privacy ang mga ito samantalang ang sa mga bodyguards ng mga ito ay nasa hindi kalayuan na guest rooms din. Nakita na lang niyang inilipat ng mga maids ang kanyang mga gamit at ibinaba. Napatingin siya kay Cairon na nasa tabi niya. “Am I evicted or something?” aniya na ikinangisi nito sa kanya. Namumungay pa ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD