Chapter 6

2831 Words
Nagising na lang nang napabalikwas si Derin kinabukasan. Medyo mataas na ang araw. Hindi kasi siya nakatulog agad kagabi nang mahiga siya. Paano naman kasi ay pabalik-balik sa gunita niya ang nangyari kagabi. Nang halikan na naman siya ni Cairon ay tumugon na naman siya. Humina na naman ang depensa niya. Pero ilang saglit lang ay natauhan din siya. Itinulak niya ito at muntik pa itong mahulog ng hagdan sabay takbo niyang papanhik hanggang third floor at sa kuwarto niya. Pero narinig niya ang paghalakhak ng lalaki dahil sa pagtalilis niya. Malutong ang tawa nito sa kanya. Parang wala pang paki kung may magigising n’un. Inis talaga siya. Natuwa naman si Estela nang malaman nitong nagustuhan niya ang kanyang paglibot sa kanya ng pamangkin nito kagabi. Kasalukuyan silang nasa library pagkatapos ng kanilang agahan. Nakasalo naman nila ang binata pero may aasikasuhin daw ito bago sila aalis mamaya sa hacienda para makita naman niya ang sunflower at papayahan fields. Kahit paano ay excited siyang makita ang mga ‘yon lalo na’t mang-ha-harvest na raw ng papaya. May ilang albums na ipinakita si Estela sa kanya. Ang pamilya nito at pati ang kay Cairon. “Poor Cairon. When my sister, his mother, died, he was sent to a boarding school by his father. Kahit na anong pilit niya sa Dad niyang sa ‘kin na siya tumira at dito mag-aral ay hindi siya pinayagan. Not long after that, his Dad remarried and had two kids, sina Sean and Amanda.” Nakita niya ang mga blond na magkapatid sa picture at tanging si Cairon ang may dark brown hair at mestiso. Medyo may pagkakahawig naman ito at si Sean. Natutuwa siyang makita na parang young version ito ng binata. Kuha naman ng lalaki ang hitsura ng mga magulang nito. Nahahati ito. Ang ilong at mukha ay sa ama samantalang ang bibig, kilay at mga mata ay sa ina. “Lalong lumayo ang loob ni Cairon sa ama niya. Ewan ko ba doon kay Peter. He’s always hard on Cairon, though he loved him on his own little – maybe twisted fatherly – way. Parang pang-konsuelo lang nito ang perang ibinigay bilang kapital ng pamangkin ko sa mga negosyo niya. Kahit paano ay tumayo naman sa sariling mga paa niya ang pamangkin ko. Tinulungan niya ako sa mga investments ko at nag-invest na rin siya sa mga pananim at binili ‘yung manggahan na hindi kayang i-handle ni Don Jaime at ng mga anak niya. Lulugmok sana ‘yon kung hindi naagapan ni Cairon. Kawawa ‘yung mga trabahador. Paroo’t parito siya sa Manila at Sta. Ignacia. Hindi rin biro ‘yun dahil limang oras din ang biyahe. But he did it. That’s why I’m so proud of him.” Napangiti siya kay Este. “At sa tingin ko ay mahal niya kayo nang sobra,” nasabi niya. Napatawa nang mahina ang retired actress. Napatingin siya sa bintana nang wala sa sarili at nandilat na lang ang mga mata niya nang makitang naka-topless ang lalaki. Tinutulungan ito ni Mang Matias na linisin ang sports car nito. Mula kasi sa library ay nakikita ang bandang garahe na nasa kanang bahagi ng mansion. Napakagat-labi siya na pilit iniwas ang mga mata. Pilit niyang dedmahin ang lalaki. Papansin talaga. “So, aalis mamayang madaling-araw ang pamangkin ko pabalik ng Manila. Wala ka bang ihahabilin sa kanya kapag babalik siya rito?” “Po? Wala naman.” Ngayon niya lang nalamang aalis pala ang lalaki pabalik doon. Hindi man lang nito binanggit. Napangiti sa kanya si Este. “You know what? I think Cairon is very interested in you. I noticed the way he looks at you, Derin. Hindi ko pa siya nakikitang ganito ka-interesado sa isang babae simula noon.” ‘T-teka lang… inilalakad ba niya sa ‘kin ang pamangkin niyang manyak?’ Para siyang matilihan. Napadako na naman ang mga mata niya sa lalaking pinupunasan ang kotse. Nasa paanan nito si F na mukhang nakatakas ulit sa hawla nito. Tumatahol pa ito at saka labas ang dila. “Ah… eh… nagkakamali yata kayo,” marahang di-pagsang-ayon niya. Ayaw niya kasing isipin ‘yon. Sa tingin niya kasi ay parang naglalaro lang ang binata sa kanya. So, habang nandito siya ay iyon ang gagawin nito. Pero kapag natapos na niya ang apat na buwang pag-i-stay dito ay hindi naman na siguro sila magkikita pa. Siguro si Estela lang, oo. Dahil ito naman ang kliyente niya. Pinilit niyang huwag alalahanin ang nararamdaman niya kapat hinahalikan siya ng binata. Pangatlong araw pa lang niya rito sa mansion ay parang ang tagal na dahil sa maraming nangyayari. At ilang beses na ba siyang nahalikan ng kumag na ‘yon? ‘Dahil gusto mo naman,’ taray ng isang bahagi ng isipan niya. Bahagya siyang napabuga ng hangin nang magtama ang mga mata nila ni Cairon sa pamamagitan ng bintana. Kinindatan siya nito at kumaway pa. Pasimple na lang niyang inignora ang lalaki at pinakli ang album. Nakita man ni Estela ang eksenang ‘yon sa pagitan niya at ng pamangkin nito ay hindi na ito nagsalita. Pinilit niya talagang huwag mapasulyap sa lalaki. Ibinalandra ba naman kasi nito ang six-pack abs at magagandang biceps at muscled chest? Naaasar na naman siya sa sarili dahil napapahanga siyang talaga sa gandang lalaking ito. *** Kahit hindi masyadong maalikabok ang kanyang sports car ay pinaliguan pa rin ito ni Cairon. Sinadya niya talaga ito para lang makita siya ng dalaga na naka-topless. Tingnan niya lang kung hindi ito maglalaway sa ka-macho-han niya. Pangiti-ngiti pa niya itong tinitingnan at kinakawayan habang kausap ang tiyahin sa loob ng library. Ewan niya lang kung ano ang hawak nitong pinakli-pakli habang kausap ang tiyahin. Siguro mga pictures ng tiyahin mga bagay na may kinalaman dito dahil iyon naman ang trabaho ni Derin kaya nga ito hinire ng tiyahin. Hanggang ngayon ay halos hindi siya makapaniwalang makakatagpo ng isang babaeng gaya nito. “Sir, totoo po bang girlfriend n’yo si Miss Derin?” nakangiting tanong ni Mang Matias. “Huh?” aniya sa hardinerong napangisi. “Eh, ‘yon na kasi ang kumakalat sa buong hacienda,” tugon nito. Napatawa siya nang mahina. Siya naman kasi ang nagpakalat niyon. “Gano’n ba?” Pero hindi niya sinagot ang tanong nito. “Eh, bagay naman kayo, Sir.” Napatawa pa siyang lalo sa sinabi nito. “Mang Matias, hindi ko ba kayo nabigyan ng regalo sa birthday n’yo?” Napatawa ang hardinero niya. “Sir naman. Kahit doblehin n’yo na. Matutuwa si Marta kapag gano’n!” Napatawa siyang napatango sa hardinero at nagpatuloy sa ginagawa. Mga isang oras pa ang lumipas ay natapos na rin niya ang paglilinis ng kanyang sports car na gagamitin pabalik ng Manila, nakapag-shower na siya kaya mabango na naman siya at nakapagpalit na ng T-shirt, ragged jeans at sneakers. Papunta na silang dalawa ni Derin sa may sunflower field. Nasa opposite na direksyon ‘yon sa pinuntahan nila kahapon. Napansin niyang napahanga ang dalaga sa lapad ng sunflower field na nakita at naglalakad sila habang may mangilan-ngilang trabahador na tsini-tsek ang mga sunflowers kung may mga insekto, fungus o uod ang mga ito o wala. Ang iba naman ay nilagyan ng fertilizer ang lupa para mas maganda ang tubo ng mga ito. “So, ini-export mo ba ang mga ‘to para mag-produce ng vegetable oil?” tanong ng dalaga sa kanya nang kuryuso. “Depende sa kliyenteng mauuna. May kinokontak ako para su-supply-an at least once a year. Kahit parang palaging all summer tayo ay may tag-ulan o bagyo naman kaya isang beses lang sa isang taon ang pagpo-produce namin ng sunflowers – hindi katulad sa mga hybrid varieties ng pinya at papaya o mangga na puwedeng all throughout the year ay itinatanim at inaani kapag may mga bunga nang puwedeng anihin dalawa o tatlong beses sa isang taon. So, kung may kliyente akong nakukuha para sa bird seeds o kaya’y flour o para i-sangag at ipagbili commercially ang mga ito, iyon na ang bibigyan ko sa lahat ng ani kung maaari.” Nang oras na para mananghalian ay inimbitahan sila ng mga tauhan nito sa isang lilim ng malaking kahoy kung saan may mahabang mesang gawa sa kawayan at nakalatag sa ibabaw n’un ang dahon ng saging. Doon naman nakalagay ang kanin at mga ulam at lahat ay nagsalu-salo na. Sanay na siya nang ganito kapag napadako siya sa sunflower field kaya balewala sa kanya ang ganito at nagkakamay lang. At hindi niya akalaing game din pala ang dalaga sa ganitong setup na pagsalo-salo ng pagkain. Hindi maarte. Walang kiyeme – maliban na lang sa mga halik niya. Napangisi tuloy siyang nakatingin habang kumakain ito at nakipagkuwentuhan sa mga tauhan niya. Parang matagal nang magkakilala ang mga ito. Naobserbahan niyang marunong itong makihalubilo sa mga tao at agad itong nagugustuhan ng mga ito. Hindi katulad noong si Cammy pa ang girlfriend niya at kapag kasama niya rito ay hindi ito nakikipag-usap sa kahit kanino. Iba nga naman talaga si Derin sa ex niya. At bakit ba niya ikinukumpara ang mga ito? His past relationship with Cammy wasn’t serious anyway. Pero ngayon ay seryoso na siya. Or, was he really? Hindi lang kaya ay nahamon lang ang pagkalalaki niya sa dalaga dahil hindi ito madaling i-seduce? Baka nga naman. O baka nga naman hindi. Ewan niya. Basta gusto niya talagang makuha ang dalaga. Gusto niyang malaman na ang walang kapaguran niyang arousal ay mabibigyan na rin ng kapahingahan. Gusto niyang matawa sa naiisip. Nag-iinit na naman kasi siya habang simpleng kumakain lang ang dalagang kinamay ang inihaw na isda at isinawsaw sa toyo at kalamansi na sauce bago kinain. Napamura pa siya sa isip nang sinipsip ng dalaga ang mga daliri habang nakangiti at kausap ang isang tauhan niya. This made his arousal jerk inside his pants. “Oyy…” tukso ng mga teenager niyang trabahador habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Derin. “Si Sir Cairon hindi matanggal-tanggal ang tingin kay Miss Derin. Ayiee!” Nakita niyang pinamulahan na naman ng pisngi ang dalaga. “Oy, huwag kayong ganyan. Nahihiya ang girlfriend ko, ah,” galit-galitang sabi naman niya. Hayun na naman siya. Inangkin na naman talagang nobya ang dalaga kaya nga ba kumalat na ang balita lalo na’t isinama niya itong maglibot sa hacienda na para bang ipinakilala niya talagang may relasyon ito sa kanya imbes na isa itong writer para sa biography ng tiyahin. Nagpahinga lang sila ng mga isang oras doon at saka nagpaalam na sila para magpunta sa papayahan naman. Ipinagbukas niya ang dalaga ng pinto gaya ng dati, bago siya pumuwesto sa driver’s seat ng pick-up truck. “Paano mo nagawa iyon?” bigla niyang naitanong sa dalaga habang nagmamaneho. “Huh? Ang alin?” nagulumihanang usisa nito. “All my employees like you kahit kakilala lang nila sa ‘yo.” Kumibit ito. “Hindi ko alam. Nakikipag-usap lang sa kanila. I’m just honest. Nagtatanong ako, sumasagot sila at may natutunan ako. Just that.” He snorted. “Maybe I got it… or not,” mahinang sabi niya. It was more like thinking out loud. Ang tinutukoy naman niya ay ‘yung first time niya itong makita kung kaya na-a-attract siya sa dalaga nang sobra – bagay na hindi niya naramdaman sa kahit na sinong babae. At isa pang bagay na hindi niya maintindihan ay ang constant hard-on niya habang kasama ito. Mukhang wala pa itong alam tungkol doon. And it was totally driving him mad! Napahawak tuloy siya nang mahigpit sa manibela. Nag-re-react na naman kasi si “junior” niya nang mapasulyap sa kanya ang dalaga habang nagmamaneho siya. How long could he hold on and not ravish her instead? Parang maloloko talaga siya sa dalaga. Masyadong nakakatukso. Parang may tumutulak sa kanyang maging makasalanan! Napamura tuloy siya sa sarili. ‘Junior, easy ka lang, ha? Makakaraos din tayo sa tamang pagkakataon,’ pep talk pa niya sa arousal niyang bahagyang sinulyapan ang harapan niya. Kulang na lang ay tapikin niya ito. Napakagat tuloy siya ng ibabang labi niya. Pinilit na huwag mapasulyap sa dalagang naka-shorts at fitting na T-shirt na naman. Parang hindi talaga nito alintana ang damdamin niya bilang lalaki. ‘Freaking innocent seductress! Witch!’ Bago pa siya makaparada ng sasakyan ay tumunog ang cell phone nito na dinukot sa bulsa ng maong shorts nitong suot. Napansin niya ang pagsilay ng ngiti sa labi nito nang makita kung sino ang tumatawag. ‘Sino kaya ang nagpapangiti sa kanya nang ganito?’ Ewan ba niya at parang bumangon ang pagseselos sa loob ng dibdib niya. Nagsalubong tuloy ang mga kilay niya. “Jace! Hey. I missed you, too!” ‘Ano raw?’ Marahas niyang tinapakan ang pick-up truck dahil sa narinig. Halatang lalaki ang kausap pangalan pa lang at nami-miss pa raw? ‘Oh, hell!’ Binigyan naman siya ng matalim na tingin ng babae dahil kung hindi malamang dahil sa seatbelt na naka-secure rito ay siguro napasubsob na ito sa dashboard. Inis niya itong tiningnan. Buti sana iyon ang nangyari para hindi ito pangiti-ngiti sa sinumang lintik na kausap nito. “What? You’re coming in four weeks?” alunignig nitong hindi na nakatingin sa kanya. Nasa may papayahan na sila at mula sa kinapaparadahan ng sasakyan niya ay napupuna nilang may mga tauhan siyang nagtutulungan sa pagbitbit ng hagdanang gawa sa kawayan patungo sa mga puno ng papaya. Ang iba naman ay mga sako ang bitbit na may lamang papaya at inilagay ng mga ito sa may shed. Busy ang mga ito sa kani-kanyang trabaho. “You want to stay longer? But I’m working.” Pagkatapos ay pinalantik nito ang buhok. ‘Tsk! Lumambing pa ang boses nito, ah,’ inis na namang napaisip siya. Pumihit siya paharap sa dalaga na parang wala pang balak na manaog ng sasakyan at tapusin ang tawag na ‘yon. Tinambol-tambol na niya ang mga daliri sa manibela habang nakatitig sa dalagang pangiti-ngiti na naman. ‘Ano na naman kayang pambobola ang ginagawa ng Jace na ‘yon? Kung makangiti ang isang ‘to, eh!’ Parang gusto na niyang hablutin ang cell phone at sigawan ang nasa kabilang linya na tigilan na si Derin. “Okay. Just call me again when you’ve arrived in Manila. Sure. Kisses and hugs for you, too.” ‘What the hell? Is she flirting? Really?’ anang isipan niya. “Who was that?” tanong niya nang paasik nang ibinalik nito ang cell phone sa loob ng bulsa. “Bakit? Kahit sasabihin ko sa ‘yo hindi mo naman siya kilala,” simpleng balik nito. Parang gusto niyang halikan ito bilang kaparusahan pero nagpipigil lang siya. Kung makasagot ito parang wala lang. Naiinis siya. Oo, kahit na wala siyang karapatan. Marahas niyang binuksan ang pinto at umibis na lang. He was still fuming. Bakit kasi hindi nito masasabing kung kaibigan nito ‘yon o kaya naman boyfriend o asawa – or whatever! Bakit kasi hindi siya derechong sinagot, eh! Ipinagbukas niya ito ng pinto at lumabas na rin ito ng sasakyan. Napabuga siya ng hangin. Hindi na siya umimik habang nagpatiuna rito patungo sa papayahan. Patingin-tingin ito sa mga trabahador at sa mga puno ng papaya. Kahit paano ay pasalamat siyang sumalubong si Mang Tacio na katiwala niya rito. Ipinakilala lang niya ang mga ito at ito na ang nagpapaliwanag sa dalaga kung ano ang ginagawa doon. “Kalahati sa mga inaani namin dito ay idini-deliver sa Manila para sa mga kliyenteng nagnenegosyo ng dried fruits o canned goods para i-export o kaya naman ay idi-distribute sa buong bansa. Ang kalahati ng kita ay hinati-hati namin, maliban sa suweldo namin at ang kalahati ay siyempre para kina Sir Cairon at Madam Este. Nakakatulong talaga sila nang husto sa ‘min,” ani Mang Tacio. Napansin niyang napatingin sa kanya nang husto ang dalaga pero kunwari ay inayos na lang niya ang suot na shades at napatingin sa itaas ng isang puno ng papaya na inakyat ng isang tauhan. Binati siya ng mga ito nang mapansin siya. Itinaas lang niya ang kamay at ngumiti nang matipid. Naiinis pa rin kasi siya kaya wala siyang ganang maging magiliw na makipag-usap sa kahit kanino. Kahit si Mang Tacio ay napuna ang masama niyang mood. Napansin niyang natutuwa ang babaeng nanonood sa mga trabahador na akyat-baba sa mga hagdanan. Napailing siya sa sarili dahil parang napatulala siya sa ngiting sumilay sa mga labi nito. Parang unti-unti ay nawawala ang inis niya rito. ‘Hell! Ano ba talaga ang ginagawa mo sa ‘kin, babae ka?’ sa isip na naman niya. “Mang Tacio, gusto ko pong subukan!” anito sa katiwala niya. Nagpanting ang tainga niya. “Ano?” aniya sa babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD