Chapter 1
Biglang tinapakan ni Derin Grace Sabanal ang preno ng kanyang maliit na kotse. Muntik na silang magkabanggaan ng isang motorsiklo na mabilis lumiko sa isang maliit na blind curve. Kakahuhayan ang nasa magkabilang kalsadang gawa ng espalto.
“Sh*t! What the heck?” nasambit niya at bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. Inis na sinulyapan ng bente y otso anyos na dalaga ang lalaking naka-helmet. Nakatukod ang isang paa nito sa lupa habang parang bitbit nito ang tila pang-race na motorsiklo. Mukhang pang-motocross ito.
Inis siyang bumaba ng kanyang kotse para sitahin ang sinumang Poncio Pilatong kung makapagmaneho ay parang may-ari ng kalsada.
‘Huh! Buti at tumigil ka rin, bwisit ka!’ asar na anang isip niya. Nag-martsa siya palapit rito. Wala siyang pakialam kung lumaki ang butas ng ilong niya sa inis. Sinuklay niya nang marahas ang kanyang buhok na lampas balikat na pinakulayan niya ng caramel color.
“Hoy! Kung gusto mong magpakamatay o mag-race, huwag sa ganitong lugar kung saan makadisgrasya ka ng mga tao! Akala mo kung sinong may-ari ng kalsada!”
Napansin niyang sinikaran ng lalaki ang stand ng motorsiklo nang maitabi ito at bumaba. Matangkad ito. Nasa six feet yata ang tangkad nito. Nakasuot ito ng butas-butas na faded blue jeans sa may tuhod, black jacket na pinailaliman ng white T-shirt na nagbakat sa halatang magandang porma ng katawan nito. Napatingala tuloy ang babaeng nasa five feet at two inches ang taas.
Inaalis ng lalaki ang suot na itim na helmet at parang mapatulala siya sa kapogian nito. Meron itong kulay light brown na mga mata, medyo makapal na mga kilay, matangos na ilong, mamula-mulang pisngi at reddish na mga labi.
Nakita niya ang pag-angat ng isang sulok ng labi ng siguro nasa early thirties na lalaki habang nakatingin ito sa kanya nang may panunuya.
“Miss, fyi, this is my private property. So, ako ang may-ari ng kalsadang ito, and I can do whatever the hell I want to do around here!”
Nalaglag ang panga niya sa kanyang narinig.
‘No! This can’t be! Siya? Siya ang may-ari dito? Pati kalsada?’ Hindi niya alam ito. Akala niya pa naman ay sakop pa ito ng barangay road ng Sta. Ignacia. Wala kasing nakalagay na Private Property sa daan. So, no. Baka gino-good time lang siya dahil kasalanan nito ‘yung muntikan na nilang pagkabanggaan.
Humakbang ito palapit sa kanya at amoy na amoy niya ang pabango nito. Bigla siyang napaatras nang parang nag-iba ang ekspresyon ng mga mata nito pagkatapos siyang pasadahan ng tingin. Bago pa man niya malaman ang susunod na gagawin nito ay bigla na lang siya nitong hinapit sa kanyang baywang. Napaawang ang kanyang mala-rosas na mga labi sa ginawa nito.
“And I can very well do this if I want to,” at saka inilapit na nito ang mukha sa kanya.
Nandilat ang mga mata niya nang mag-landing sa kanyang mga labi ang malambot ngunit medyo parang mariin na pagdantay ng mga labi nito. Parang naramdaman niya ang banayad na elektrisidad na tumulay sa buong katawan niya. At bahagyang gumalaw ang labi nito na ikinasinghap niya.
‘Pucha! Bakit hindi ko man lang siya maitulak? Nasaan na ang martial arts na natutunan ko?’ sigaw ng isip niya. Para siyang tuod na nakadikit ang sarili sa malakas at matigas nitong katawan. Damang-dama niya ang matigas rin nitong harapan na nakadikit sa kanyang puson. ‘Gawd! Is he seriously aroused?’ Biglang gumapang ang init sa kanyang magkabilang pisngi. She may be inexperienced but she knew damn well what that hard frontal area meant. She wasn’t an ignorant child or teenage girl.
Ilang saglit siya nitong hinalikan hanggang sa binitawan na lang siya nito nang basta at muntik na siyang matumba dahil sa panghihina ng kanyang mga tuhod. Inalalayan siya nito sa kaliwang siko nang may panunukso sa mga mata nito.
“Just to make my point, Miss,” ngising dagdag nito.
Napamaang siya. “Manyak!” Sasampalin niya sana ito nang mahawakan nito ang kanyang kanang kamay at dumapo ang mga labi nito sa kanyang palad. Napalunok siya sa ginawa nito. May kung ano na naman kasing kuryenteng tumakbo sa buo niyang katawan. Pero gusto niyang makabawi. Kaya naman ay gumalaw ang isa niyang paa at sinipa ang shin ng lalaki.
“Aww!” bulalas nito sa sakit at nabitawan siya.
Nakapamaywang siya ritong nakadungaw na ngayong nakadukwang ito para himasin ang masakit na shin.
“Iyan ang nababagay sa isang katulad mo! Manyak! Diyan ka na nga!” inis na sabi niyang bumalik na sa kanyang kotse.
Parang gusto na niyang pagsisihan ang pagbaba niya sa sasakyan. Sana hindi niya ito sinita. Tuloy nahalikan pa siya ng isang estranghero. And worst? It was her first damn kiss! He stole it! That pervert!
Abot-abot pa rin ang kaba niya habang pinaandar na muli ang kanyang sasakyan. Nakatingin sa kanya ang lalaking nakangising parang ulol. Kinindatan pa siya nito bago pa niya ito tuluyang nilagpasan.
‘Kainis!’ Pero bakit parang nagustuhan niya iyon? Dahil lang ba sa guwapo ito? O dahil sa masarap ang halik na ‘yon kahit hindi niya inasahan? Or both?
Ipinilig niya ang kanyang ulo habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Ibinalik na lang niya ang pansin sa kanyang patutunguhan. Nasaan ba kasi ang bahay ng retired actress na sadya niya? Patuloy niyang sinundan ang daan na iyon dahil iyon kasi ang itinuro noong napagtanungan niya.
Ilang saglit pa ay may nakita na siyang isang mansion na nasa ibabaw ng isang burol. She thought she didn’t get lost after all. Sinabi ng mama na hindi niya ito mami-miss dahil wala ng ibang malaking bahay na kulay asul ang makikita niya sa end ng kalsadang iyon. May mangilan-ngilang kahoy ang nakapalibot rito at mukhang ang harap ay naka-design na nakaharap sa daan para ipakita ang kagandahan nito.
Mula sa kalayuan, nakikita niya ang kulay light blue nitong pintura at kulay pula na roof tile. Nang palapit siya ay nakikinita na niya ang isang balkonaheng nasa pangalawa at pangatlong palapag. Ang bakal na gate na pininturahan ng asul ay nasa paanan ng burol ay nakabukas lang na mukhang may hinihintay na darating. Baka siya na ‘yon. Alam din naman kasi ng aktres na darating siya sa araw na ito.
“Miss Sabanal?” tanong ng morenong guwardiyang nasa mga kuwarenta anyos na nasa maliit na guard house.
“Yes.” Ipinakita niya ang kanyang driver’s license.
Tumango itong nakangiti nang mabasa ang pangalan niya at ibinalik ang kanyang ID.
“Naghihintay na po si Madam sa itaas,” sabi nitong sumaludo sa kanya.
Tumango na lang siyang nakangiti habang may kinausap ito sa radyo para ipaalam na dumating na siya. Sinimulan na niya ang pag-akyat ng kanyang sasakyan sa burol. At least hindi talaga ito napakataas na burol.
Ipinarada niya sa isang tabi ang kanyang sasakyan, sa tabi ng isang itim na pick-up truck. Sa tabi naman nito ay isang puting sports car – halatang latest model.
Pagkababa niya ng sasakyan ay sinalubong na siya ng isang nakaunipormeng babae na nasa mga singkwenta anyos nito. Mukha itong si Miss Minchin ng “Sarah ang Munting Prinsesa” pero ngumiti ito nang matipid.
“Maligayang pagdating, Miss Sabanal. Hinihintay na po kayo ni Madam Estela sa loob.” Nagmuwestra pa ito.
Ngumiti rin siya. “Salamat. Um… kukunin ko lang ang mga gamit ko.”
Umiling ito. “Kami na po ang bahala sa mga gamit n’yo, Miss Sabanal,” pormal na anito.
“Oh. Okay,” ngiting sabi na lang niya. “Tawagin n’yo na lang po akong Derin.” Nakipag-shake hands pa siya sa sumalubong sa kanya na ikinangiti nito
“Ako po ang mayordoma dito. Tawagin n’yo na lang akong Ate Lucinda.” Tumango siya at sumunod na rito papasok ng malaking mansion nang sumenyas ito.
Napansin niyang napakalawak ng lawn nito. May swimming pool sa may kaliwang bahagi, mga bente metros mula sa malaking bahay. Malinis ang tubig na kulay asul dahil sa pagka-reflect ng asul na langit sa bandang alas kuwatro na ng hapon. Maganda ang carabao grass na halatang mini-maintain.
Maaliwas ang porch at bulwagan nang makapasok na siya. Gawa sa puting marmol ang sahig ng mansion. Napakalinis. May chandelier na nakabitin at sa magkabilang panig ay dalawang hagdanan papunta sa itaas. Sa sentro nito ay may swing doors na gawa sa salamin. Sa kanang bahagi sila nagtungo. Isang malaking sala iyon. Doon ay nakita niya ang nakangiting retired actress na si Estela Recto. Mala-donya ang dating ng nasa fifty-five anyos na babae. Pero slim pa rin ito kahit sa edad nito at maganda. Mestisa din naman kasi kaya parang hindi nawala ang kagandahan.
“Glad to finally meet you, Miss Sabanal!” Nakipag-shake hands sa kanya ang tumayo at sumalubong na aktres. Naka-bun ang buhok nitong may mga uban na, nakasuot ng simpleng bestida, hooped earrings, bracelet at kuwintas na puro ginto. Nakipag-beso-beso pa ito sa kanya.
“The pleasure is actually mine, Madam Estela,” pormal niyang saad. “But please, just call me Derin.”
“Kung iyan ang gusto mo, then call me Estela.”
Medyo naiilang siya dahil mas may edad ito sa kanya pero napilitan na lang siyang tumango kung iyon din ang gusto nito.
“I’m so excited!” sabi nito sa kanya habang pinapaupo siya sa tabi nito sa mahabang sopa.
Napansin niyang tumalikod na si Ate Lucinda papunta sa may glass doors. Napabaling siyang muli sa retirong aktres.
“Ako rin po. To stay here in your beautiful home for at least four months?”
“I hope it’s enough time for you to write my biography, Derin.”
“I’ll do my best! But I really need everything that you can provide me in that span of time.”
Tumango ito at nakita niya ang ningning sa mga mata nito. Ang kanyang alam tungkol rito ay ‘yung nago-Google search niya lang. Wala itong asawa at pamilya o anak, which was kind of unbelievable dahil nga sa maganda itong babae. Wala naman siguro itong problema sa karakter dahil sa tingin niya ay mabait ito.
“Oh, I hope you’ll not find my life boring. I assure you, it’s far than that. At dahil ikaw ang ini-rekomenda ng mga kakilala ko na magaling gumawa ng biography, I think I’d die happily after this.”
Nalungkot naman siya sa narinig nito. Mukha naman itong malusog, so bakit ito nagsasalita ng ganito?
“Oh, don’t worry. I’m perfectly fine.” Ngumiti ito sa kanya. “I was just saying! Nabasa ko na kasi ang mga gawa mo before I decided to pursue this project. I even consulted my nephew if I’d go for it and he’s been very supportive! Kahit na medyo busy siya sa negosyo, he’s always there for me.”
‘Hmm. May dakilang pamangkin pala ito? Sino naman kayang businessman?’ sa loob-loob niya.
“I was really impressed noong malaman kong a couple of Hollywood celebrities ang ginawan mo ng biography.”
Napakumpas siyang naiiling. “Well… it was kind of a long story. But to make it short, kakilala ko kasi sila. ‘Yung una, kaibigan ko. I was… actually depressed at the time nang maisip niyang gawan ko siya ng biography to take my mind off my predicament. It really helped!”
“Oh!” nasabi nito na nasorpresa sa ipinahayag niya. “But you did a very productive thing in the end.”
Tumango siya at ikinuwento na rin ang summary. Na-depress siya noon dahil sa walang tumanggap sa kanya bilang scriptwriter kahit sa mga TV sa America at kahit na dito sa Pilipinas.
Bago siya nangarap na maging writer ay isa siyang Accounting student sa California. Doon siya pinag-aral ng kanyang namayapang stepfather. Pagkamatay nito ay sumunod naman ang kanyang inang gambler at alcoholic. It turned out that every asset her stepfather left her mother was gone. At naghirap siya pagkalibing ng ina. Walang bahay o kahit isang alahas. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. She did odd jobs sa America at isang araw ay nagising na lang siyang inspiradong magsulat. She did write a couple of manuscripts at nagpasa pero hindi siya sinuwerte. Cliché na raw ang istoryang naisip niya.
Nang malaman ng kanyang Lola – sa side ng namayapang ama niya - sa Pilipinas na naghihirap siya sa America ay pinauwi na siya. Nangutang pa ito ng pera para sa ticket niya sa eroplano. Dahil may sakit at miss naman na niya ito kaya umuwi siya. Inalagaan niya ito at nagpatuloy sa kanyang pagpasa ng manuscript pero hindi pa rin siya pinalad. Namatay na ang Lola niya at nag-isa na lang siya sa buhay at naghihirap siya dahil wala siyang matinong trabaho kahit na galing siyang America at doon nag-aral.
So iyon, nagpunta siya sa isang club sa Makati para maglasing sana pagkatapos ng trabaho pero isang bote pa lang ng beer ay nasabak siya sa pakikipag-away para ipaglaban ang isang foreigner na binastos. At iyon na nga ang simula. Accidental lang ang pagka-meet nila noong una ni Gretchen Dennings dahil tinulungan niya ito. Binigyan niya ng leksyon ‘yung lalaki at nagsimula iyon doon lahat at naging magkaibigan sila. Nalaman nito ang problema niya. She really wanted to be a writer pero mukhang wala siyang pag-asa dahil nga sa tough competition at siguro dahil na rin sa creativity thingy na problema niya. May mga mas magagaling pa talaga sa kanya. Aminado siya.
Laking pasalamat niya kay Gretchen lalo na’t nag-hit naman ang book nito. Dahil doon ay lalong sumikat ang aktres sa Hollywood at may kaibigan din itong gumaya at kinuha siyang ghostwriter sa autobiography nito. At doon na ‘yon nagsimula. It was like five years ago. Hindi man siya nakapagtapos ng pag-aaral ay naging professional personal historian na siya. At nag-e-enjoy din naman siya rito. Ghostwriter or not, depende sa client niya.
Binigyan sila ng snacks at maiinom ng isa sa mga katulong at nagpatuloy pa silang nag-uusap na dalawa.
“So, I’ll need some members of your family para ma-interview, photographs – especially ‘yung pinaka-memorable n’yo - diaries if meron and some others na sa tingin n’yo ay puwede nating isama sa libro.”
“I have prepared some things you’ve mentioned. But please, I also want you to enjoy your stay here at hindi na lang puro trabaho,” ngiting sabi nito.
Pinasalamatan niya ito. “I’m sure I will.”
“Great. So, maybe you can start by Monday. Weekend pa naman bukas. At least may two days tayong magkuwentuhan at mas magkakilanlan. What do you think?”
“I think it’s very nice of you, Estela.”
“I really want to hear your stories. I’m sure you have lots. I bet hindi lahat ng iyon ay nasa libro, hindi ba?”
Napatawa siya nang mahina at tumango rito.
“So, this is her, Tita Este?”
Natigilan na lang ang dalaga sa pamilyar na boses na ‘yon.