Chapter 5

2614 Words
‘Muntik na, eh!’ inis na nasa isip ni Cairon. Kung hindi tumawag ang buwisit niyang engineer ay baka dinala na niya sa silid niya ang dalaga at nagpatuloy sa ginawang paghalik nito at sinimulan na sana ang ritwal para pasabugin ang bulkan. Suyang-suya talaga siya sa empleyado niya. May ikinunsulta ito sa kanya tungkol sa isang project na gusto niyang pasimulan sa Lunes at gusto nitong i-double check kung ayos lang kung iiwan nito ang isa pang kasalukuyang proyekto na pinamamahalaan nito para iiwan sa isa pang engineer. Ayaw kasi nitong bitawan ‘yon nang hindi pa tapos. Para matapos na ang usapan ay sinabi niyang isesesante niya ito kung susuwayin pa nito ang utos niyang iwanan ‘yun at magsimula sa halip sa bagong project. Minura pa niya ito. Dahil dito ay naunsiyami ang kanyang ginawang pag-seduce kay Derin. Ang babae naman ay parang isang ahas na agad tumalilis nang mabitawan niya lang nang kaunti. Nakakita lang ng pagkakataon ay agad na umiwas sa kanya. Pero kahit paano ay alam na niyang pahina na ng pahina ang depensa nito laban sa kanya. Natutuwa siya na gano’n ang nangyari. May progress na siya kahit sa pangalawang araw pa lang. Sana nga lang ang bumigay na ito bago pa man siya makabalik sa Manila at nang wala siyang sakit sa puson kapag aalis na dito sa mansion. Hindi pa niya alam kung kailan siya makabalik rito kapag nandoon na siya. At sigurado siyang hindi siya mapakali hangga’t hindi niya ito naaangkin. Hay, ang pilyo niya talaga. Wala na yatang makakapantay pa. Napatingin siya sa dalaga nang dumalo ito sa kanilang mag-tiyahin sa hapag-kainan. Pero hindi nito sinalubong ang mga mata niya. Kay Tita Estela niya lang ito nakangiti nang matipid. Nakaupo siya ngayon sa kabisera at magkatapat ang mga itong nakaupo sa mahabang mesa sa dining room. “Cairon, why don’t you show Derin around? I think I got a migraine attack so I’ll be a lousy hostess to my guest,” paliwanag ng tiyahin niya. Nakita niyang napamaang ang dalaga. Siya naman ay todo ang ngiti sa tiyahin at sa dalaga. “Of course, Tita Este. No problem. You just take a rest. I’ll take care of your guest.” Iginiit pa niya iyon. Nakita niyang parang nataranta ang mga tingin ng dalaga pero hindi ito makapagsalita. Nagigiliw tuloy siya rito. Pagkatapos ng nangyari sa kanila kanina sa may pool ay alam niyang natatakot itong mapag-isang muli sa kanya. “Thank you, Cairon. Buti na lang at hindi ka agad bumalik sa Manila,” sabi ng tiyahing inabot ang kanyang kamay para tapikin. ‘Well, thank you dahil pinigilan mo akong umalis, Tita.’ Pagkatapos nilang kumain ay nag-toothbrush lang siya bago naghintay kay Derin sa may porch. “You don’t really have to do this,” sabi ng babae nang makalabas. Nakatungo ito at hindi nakatingin sa kanya. Nakasuot pa rin ito ng shorts at fitting na T-shirt na suot kaninang pananghalian pero mukhang nag-apply lang ito ng manipis na makeup, nakalugay ang mahabang buhok at mabango pa rin. Gusto na naman niya itong kabigin at halikan, pero nagpigil na siya sa sarili sa pagkakataong ito. Gusto rin naman niyang ilibot ito para makita ang kagandahan ng probinsyang ‘to at ang lupaing pagmamay-ari niya — nila ng Tita Este niya. “What are you talking about? Gusto kong gawin ‘to,” sabi niya sabay hawak sa kamay nito at hinila na papunta sa pick-up truck. Ipinagbukas niya ito ng pinto sa passenger seat. Kung hindi pa ito nakaangkas sa sasakyan ay susugurin na naman ito ni F nang makita ang dalaga. Napatawa tuloy siya sa nakatakas na namang aso sa hawla. Wala talagang ginawa si Mang Matias sa hawla na ‘yon. But well, wala siyang pakialam dahil ayos lang sa kanya na makalabas rin ito doon para makapag-enjoy sa paligid. “Hey, buddy! Gusto mo bang sumama, ha?” Hinimas-himas niya ang ulo nito. Kinarga niya ang aso at napatingin sa dalaga. “He wants to come with us.” Kinindatan niya ang dalaga. “Fine,” sabi nitong inirapan ang aso niya at isinara ang pinto. Napatawa tuloy siya. Inilagay niya ang aso sa likod ng pick-up truck bago pumuwesto sa driver’s seat. Habang nagmamaneho ay pasulyap-sulyap naman siya sa mapuputing hita ng dalagang nakahalukipkip at nakatingin sa tanawin sa labas, pati na rin sa kanilang dinaanan. Inilibot niya ito sa kanilang corn field, manggahan at pinyahan. Naisip niyang bukas ay sa sunflower field at papayahan naman. Saktong-sakto dahil nagsisimula na silang mag-ani. Baka naman ay mag-e-enjoy ito sa panonood kung paano gawin ‘yon. Kahit paano ay masaya siyang ipakita ang mga ito sa dalaga. Hindi niya mawari kung bakit. Sinabi niya rito na ang tiyahin niya ang namamahala rito kasama ang ilang pinagkakatiwalaang mga tauhan simula nang mag-retire ito bilang aktres. Ang mga ito ang naipundar nilang dalawang mag-tiya sa mga nakalipas na taon. Noong nasa showbiz pa ito ay siya ang nag-juggle ng lahat ng responsibilad sa hacienda at enterprises niya. “Bilib ka na ba sa ‘kin?” aniyang kinindatan ang dalaga. “Tch!” tanging anitong inirapan siya. Binati niya ang mga tauhan nila sa pinyahan at tumuloy sila sa isang kubo kung saan ang pahingahan ng pinagkakatiwalaang tauhan na si Tatang Juan na nasa sesenta anyos na. Masaya itong makita siya at sa kasama niyang magandang bisita. “Tatang, girlfriend ko ‘to. Huwag n’yong pagnasahan. Bawal. Ako lang puwede,” sabi niyang nakangisi sa matanda. Nakita niyang napamaang ang dalaga pero hindi ito pumalag gaya kagabi. Tumawa ang Tatang Juan niya. “Mukhang hindi mo ‘to gelpren, Sir Cairon. Mukhang kailangan pa niyang dumaan sa ‘kin,” anitong sabay rolyo ng suot na long sleeves habang nakangisi. Napatawa siya sa biro ng matanda. “Tatang, hindi na kailangan kasi nakagawa na kami ng ritwal. Akin na siya kaya ‘wag na kayong umangal!” “A-anong ritwal na pinagsasabi mo?” angil ng dalaga. Napa-aray siya nang siniko siya nito sa tagiliran. Napatawa tuloy si Tatang Juan na napatingin sa nag-ba-blush na dalaga. “Halika, iha. Ipagbabalat kita ng pinya at nang matikman mo ang tamis ng produkto ni Sir Cairon – kung hindi mo pa natikman ‘yon,” sabay tawa na naman ng matanda nang makahulugan. Napailing na lang siya sa matanda habang nandilat ang mga mata ng dalaga. Kung siya ang masusunod, unang gabi pa lang sana kung hindi lang ito hard-to-get, eh. “Ay, ang ibig kong sabihin, ‘yung produkto namin dito na pagmamay-ari ni Sir Cairon,” mabilis na dagdag ng matanda. “Alam mo kasi, ito ang pinakamatamis na pinya sa buong Pilipinas,” anitong medyo sumeryoso na ang tono ng boses. Malinaw na ipinagmamalaki talaga nito ang kanilang produkto lalo na’t ito ang nakaisip ng paraan para mas mapatamis ang variety ng kanilang pinya ayon sa natutunan nito sa mga nakatatanda raw nito. Katulad na lang ng kung kailan magtatanim at sa tinatawag nitong “paglilihi” bago itanim ang mga pinya. Ang sa pagkakaalam niya ay ginagawa nito ang paggamit ng preskong shells ng itlog at nilalagyan iyon ng asukal at doon ipapatong ang pinyang itatanim. Habang binabalatan ng matanda ang isang pinya ay dumating ang asawa nitong si Nanang Ambi. Niyakap siya nito nang makita siya. Ipinakilala naman niya si Derin dito. “Ay, ang pagkaganda ng bago n’yong gelpren, Sir Cairon!” Titig na titig ito sa dalaga. Parang na-starstruck. “Siyempre naman, Nanang. Ako pa?” pang-aalaska niya. Pinandilatan naman siya ng dalaga n’ung hindi nakatingin ang matandang babae. Parang gustong sabihin nitong sumusobra na siya at nasanay na siya. Inabuso na niya ang pag-angkin rito na girlfriend kahit hindi totoo. Well, bakit hindi niya totohanin? Susubukan niya hangga’t mapa-oo niya ito. Hindi siya susuko. Inilapag na ni Tatang Juan ang hiniwang pinya na nasa isang plato. Pinasalamatan nila ito at nagsimula na silang kumain. “Hmm! Ang tamis nga po. Pinakamatamis na pinyang natikman ko,” sabi ng dalaga na nag-thumbs up pa. Napatawa pa siya nang marahan. Nakita niyang proud ang mag-asawa sa produktong itinanim ng mga ito at ng mga tauhan nila. Mga sampung taon na ring naninilbihan sa hacienda niya ang mga ito. Parang kapamilya na niya. Napatingin siya sa dalagang enjoy na enjoy sa pagkain ng pinya. Tumulo pa ang juice sa gilid ng bibig nito. Inabot niya ang kamay para pahiran iyon at natigilan ito. Hindi niya alintana ang mapanuksong tingin ng matandang mag-asawa. “Para ka palang bata kung kumain ng pinya. Tumulo na, o,” sabi niyang pinahiran ito gamit ang hinlalaki niya at sinimsim niya ‘yon pagkatapos na ikinamangha ng dalaga. Napaiwas ito ng tingin dahil sa hiya at sa ginawa niya. Napatawa na lang siya nang mahina habang tinutuya ang dalaga. Gusto niya talagang tuksuhin ito. Lalo itong gumaganda kapag namumula ang pisngi sa pagkapahiya. Nagpatuloy na siyang kumain habang hindi inihiwalay ang mga mata sa magandang mukha nito. “Kung wala lang dito sina Tatang at Nanang hindi lang daliri ko ang papahid niyan, eh. Itong mga labi ko na.” Lalo itong pinamulahan ng pisngi habang napatawa ang mag-asawa. Gayunpaman ay matalim siyang tiningnan nito at parang sinasabing “Peste ka talagang manyak ka!” kaya naman ay napatawa na naman siya rito. *** Ayaw mang aminin ni Derin ay nag-enjoy siya sa paglibot nila ni Cairon kanina sa manggahan at pinyahan. Ang babait at maalalahanin rin ang mga katiwala nito sa bawat taniman. Doon na sila nag-dinner sa bahay ng katiwala nito sa manggahan na si Tatang Nacio dahil sa imbitasyon nito kaninang hapon bago sila nagtungo sa pinyahan. Kinatay nito ang dalawang manok at ni-lechon para sa kanila. Siyempre may share naman si F na tuwang-tuwa sa kinakaing buto. “Kapag may oras ‘yang si Sir Cairon, binibisita niya kami at tinatanong kung anu-ano ang mga kailangan namin, lalo na sa pamilya namin,” sabi ng asawa ni Tatang Nacio na si Nanang Piling. Nag-uusap ang dalawang lalaki sa labas ng bahay habang tinutulungan niyang magligpit ang matandang babae sa may kusina. “Noong hindi pa niya nabili ang manggahan, ang hirap-hirap ng buhay namin dahil ang kuri-kuripot ni Don Jaime, ‘yung ama ni Senyorita Cammy.” Bumilog ang mga labi niya sa sinabi nito. “Sumilangit nawa ang kaluluwa niya,” sabay na nag-krus ito. “Eh, naging nobya naman niya si Cammy at sa tingin ko para namang mabait,” komento niya. Kulang na lang ay umismid siya. Napatawa nang mahina ang ginang. “Hmm… medyo mabait na hindi,” kumibit naman si Nanang Piling. Natutop nito ang labi kahit may sabon ang kamay. Tuloy ay napadura ito at napatawa siya. “Ang tsismosa ko kasi,” sabi nito. Nakangiti lang siya rito. “Hindi naman sa nililibak ko siya o ano, ha? Si Senyorita Cammy kasi ay maluho. Mabait siya lalo na kapag nasa harapan niya si Sir Cairon pero ang totoo niyan, eh… gusto niya lang talagang pikutin si Sir Cairon kahit noon pa. Malas lang niya dahil nakipaghiwalay ang amo ko sa kanya. Pero kapag nababalitaan niyang nandito si Sir Cairon, tawag ng tawag ‘yon sa kanya para maakit ulit.” Umikot ang mga mata ng medyo payat na matanda. Napa-ah na lang siya pero hindi na siya nagkomento. Siguro iyon ang dahilan kung bakit ipinakilala siyang girlfriend ng lalaki dahil ayaw na nito sa ex. Hinayaan niyang magkuwento ang ginang. Hindi naman sa gusto niyang mamulot ng impormasyon o ano. Kahit paano ay mas nakikilala niya ang binata at ang ex nito. ‘Well, who are you kidding, Derin? Nanghagilap ka lang ng tsismis. Aminin mo na kasi,’ tuya ng isip niya. Hindi niya mapigilan ang sariling huwag mapatitig sa lalaking nagmamaneho nang pauwi na sila sa mansion mga pasado alas-nuwebe ng gabi. Nagkasarapan ang kuwentuhan nila ni Nanang Piling. Ang daldal. Nalaman niyang pinapag-aral ni Cairon ang nag-iisang anak ng mag-asawa na lalaki sa Manila. Engineering daw ang kinukuha at susunod na taon na raw ga-graduate. “Na-i-in love ka na ba sa ‘kin kaya titig na titig ka na lang ng ganyan?” sabi nito bago siya sulyapan. Napatikhim siyang nag-iwas ng paningin. ‘Sh*t! Alam pala niyang kanina ko pa siya tinititigan.’ Hindi kasi ito umimik habang nagmamaneho sa lubak-lubak na daan. “In love mong mukha mo!” pakli niya rito. Ang mga mata niya ay napalipat sa napakadilim na daan. Kung hindi dahil sa headlights ng pick-up truck ay malamang nangangapa sila sa dilim in the middle of nowhere. Pero baka naman hindi. Siguro ay kabisado ng lalaki ang daan dito dahil sakop iyon ng malaking lupain nito. Napatawa sa kanya ang lalaki. Mga kalahating oras din ang biyahe nila bago sila dumating sa mansion. Sinalubong sila ni Mang Matias para ibalik sa hawla si F. Hindi naman akalain ‘yon ng binata nang marinig niya ang sinabi nito. “Bakit hindi kayo umuwi Mang Matias. Ako na ang bahala kay F. Gabing-gabi na, o,” anito. “Eh, responsibilidad ko naman kasi si F, Sir Cairon,” protesta nito. “Dito na lang kayo matulog tawagan n’yo na lang si Aling Marta para hindi ‘yon mag-alala.” “Opo, Sir,” anito. “Kumain na ba kayo?” pahabol ng lalaki nang papalayo na ang may edad na hardinero at iginiya ang aso. “Opo, Sir! Pinasalo pa ako ni Madam Este.” Nagpaalam na ito nang tuluyan sa kanila at nawala na sa kadiliman. Bumaling sa kanya ang binata nang magsimula siyang maglakad patungo sa kabahayan. Hinawakan siya nitong bigla sa kamay. “Nag-enjoy ka ba?” tanong nito sa kanya nang may paglalambing sa boses. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan kapag ganito ito. Mas gugustuhin pa niya ang bastos na manyak na bersyon nito at alam niya kung ano ang sasabihin o gagawin. Tumikhim siya bago nagsalita. “Hmm. Medyo,” pilit na sabi niya habang nagbawi ng kamay. Tumawa ito. “Medyo lang?” Hindi siya umimik. Pinagbuksan siya nito ng tarangkahan at pinaunang pumasok sa loob bago nito ini-lock ang pinto. “Good night,” sabi na lang niyang inignora ang tanong nito. Nagsimula siyang pumanhik nang sumabay ito sa kanya nang patalikod. Nakapamulsa pa ito sa board shorts na suot. “Ihahatid na kita sa kuwarto mo,” kindat na anitong kinagat ang ibabang labi. Jusme. Ang suggestive talaga ng mahalay na lalaking ito. Binigyan niya ito ng masamang tingin. “As if namang mawawala ako,” taray niya. “Kahit malaki itong mansion mo, hindi ako maliligaw, ano?” “Ako na lang kaya ang ihatid mo? Nasa third floor naman kasi ang kuwarto mo at nasa second floor lang sa ‘kin. May ipapakita ako sa ‘yo,” anitong kumindat na naman. Parang gusto niyang matawa. Ewan niya sa kung anong kadahilanan. Sa kilig o sa ewan. Pero umandar na naman ang pagka-manyakis nito. Nang-e-engganyo talaga ang hinayupak. Halata naman. “Tigilan mo nga ako diyan sa kakikindat at pang-aakit mo. Hindi mo ako maaakit!” “Ows? Talaga? Sampolan nga natin,” anitong biglang hinapit ang baywang niya. Agad na dumapo ang labi nito sa labi niya na para bang magnet. Nandilat ang mga mata niya sa ginawa nito. ‘Di na naman siya nakapaghanda. Palagi na lang siyang nako-caught off guard ng lalaki. Ngayon ay hindi na naman siya makagalaw at napapikit na naman siya ng mga mata para namnamin ang halik nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD