Zander's POV
Nanahimik na ako hanggang sa nakarating na kami sa isang cafe or restaurant whatever na ngayon ko lang napuntahan.
Mahirap mang-asar, at medyo asar na din ako dahil inabot na kami ng tanghalian dahil sa pesteng pag-pick up ng cake na yan.
Ang dami-dami naman kasing option like online or food delivery app, bakit dito pa nag-order ng cake na yan, tapos hindi pa kilala 'yung inorderan ni mommy.
Sabagay, tama si Kuya Hunter, utos ni mommy kaya dapat sundin, lalo pa at mamayang gabi ang alis nila ni daddy, at baka paalis na lang ay masermunan pa kami.
Habang nagpa-park si Kuya Hunter ay napatingin ako sa nakasulat na sign sa may labas ng cafe and....
"Fùck!" Ang mahinang sambit ko ng makita, at mabasa ko ang pangalan ng cafe kung saan namin pi-pick-apin ang cake na inutos ng mommy namin.
Mary Claire's Cafe
Ang Cafe ay kapangalan pa talaga ng babaeng gumugulo sa isipan ko simula pa kagabi, pero wait - hindi kaya?!
"Fùck!" Napamura na naman ako pero medyo napalakas na ng konti.
Sa pagkakatanda ko kasi she works as brand manager sa isang multinational food and beverage company but at the same ang alam ko maalam, at masarap siya magluto kaya may possibility din pwedeng siya din ang may-ari niyan.
Lalo tuloy ako nagutom dahil naalala ko 'yung Chicken Fettuccine Alfredo na pinatikim niya sa akin noon.
(FLASHBACK)
"This is really good!" Ang sambit ko sa kanya habang kinakain ko ang inihanda niyang white pasta na may halong chicken.
"Nambola ka pa, ang dali lang naman iluto n'yan?" Ang sagot niya sa akin bago niya isinubo ang pasta na inikot niya sa tinidor.
"Madali?! Eh hindi ko nga alam gawin 'to, and hindi kita binobola, madami na kong nakainan na ganito sa ibang resto pero itong gawa mo ang pinakamasarap, and you know what I think you should open your own restaurant." Ang sabi ko sabay subo ulit.
"At sino naman ang kakain?" Ang natatawang sagot niya habang nanguya.
"Ako."
"Ikaw lang? Oh, please." Ang napapailing niyang sabi.
"I'm serious du'n ako kakain mula umagahan, meryenda sa umaga, tanghalian, meryenda sa hapon, and lastly dinner while waiting for you na matapos, and sabay tayong uuwi."
Natawa naman siya ng malakas sa sinabi ko, at kinuha ang baso ng may lamang tubig.
"I wish." Ang natatawa pa din niyang sabi bago siya uminom ng tubig.
(PRESENT)
"Ano na namang problema mong stupid ka, nagmumura ka tapos biglang bigla kang ngumingiti diyan, mabuti pa huwag ka ng bumaba ako na ang kukuha." Ang sabi ni Kuya Hunter kaya napalingon ako sa kanya, natanggal na pala niya ang kanyang seatbelt at lumabas na ng sasakyan at padabog pang isinara ang pintuan ng kotse niya.
Wait, nakangiti ba ko?!
Tignan mo 'tong utol ko halos i-black mail ako pagsama dito tapos hindi rin pala ako isasama sa loob, lakas talaga ng sapak sa utak.
No way na magpapaiwan ako dito sa sasakyan.
Ngayon pa ba?! Iba ang kutob ko sa cafe na 'to.
Bumaba na din ako, at sinundan ko si Kuya Hunter papasok sa loob.
Iniikot ko agad ang paningin ko sa kabuuan nito, maganda ang ambiance ng cafe, it feels comfortable and welcoming kumbaga relaxing ang ambiance parang ang sarap tumambay.
Medyo madami dami na din ang customer gawa ng lunch time na din, and speaking gutom na talaga ako.
Pinasadahan ko naman ng tingin ang mga staff na nagse-served sa mga customer, pero wala 'yung tao na gusto kong makita.
Fùck! Mukhang napa-praning na ata ako?!
Nakita ko lang na kapangalan niya ang cafe na ito ay nag-assume na agad ako na siya ang may-ari na nito.
Tàng-inang possibility yan pero kasi she has cooking skills din kaya possible din naman talagang mangyari kaya na-i-connect ko, and tàng-ina din talaga nito ni Darcy, siya ang may kasalanan ng lahat ng ito, humanda siya sa akin mamaya, at masyado niyang tinorete ang utak ko sa mga pinagse-send niya sa akin.
Lumapit naman agad si Kuya Hunter sa cashier para sabihin ang pakay niya, at hindi nakaligtas sa pandinig ko kung ano ang flavor ng cake ang pipick-apin niya.
Bakit naman ganu'n ang flavor naman ng cake ang inorder ni mommy?!
"Wait lang po Sir, upo muna kayo, ire-ready lang po namin, dalhin na lang po namin sa table niyo." Ang nakangiting, at magalang na sagot sa kanya ng babae na nasa may cashier counter, at itunuro pa ang bakanteng table na malapit.
Sumunod naman kami sa sinabi ng babae, at umupo nga kami sa table na tinuro niya.
"Carrot cake talaga 'yung flavor ng cake na inorder ni mommy?!" Ang mahina kong samabit kay Kuya Hunter.
"Bakit may problema ba? 'Yun ang gusto ni mommy, kung may reklamo ka ayan oh ang daming cake, bumili ka?" Ang turo niya sa mga cake na nakadisplay sa fridge sa tabi lang ng cashier counter.
Parang nagtatanong lang eh, kung babae siguro itong si Kuya Hunter, iisipin ko na may mens siya, at laging HB, palaging galit, ang sungit sungit kaya walang magtagal sa kanya na assistant ang sama sama ng ugali.
Mula sa pagkakaupo ay tumayo ako, at nilapitan ang clear display fridge kung saan makikita ang mga iba't-ibang flavor ng cake.
Talagang bibili ako, carrot cake - tàng-inang flavor yan!
Stress ako ngayon, at kung kakain ako ng cake ay ang gusto ko ay 'yung talagang matamis para gumanda ang mood ko.
Yumuko ako ng konti para tignan ang iba pang available na flavor ng cake. May sans rival, may ube, may blueberry, may mango bravo, and then nakita ko 'yung triple chocolate overload, ah heto bibilhin ko para sadyang matamis, ewan ko lang kung may pumansin pa niyang carrot cake na 'yan mamaya.
Nagdiretcho na ko ng tayo, at ready ng sabihin sa staff ang bibihin ko na sweet flavor ng cake pero hindi ako naging ready sa nakita ko.
Tila ba nag-slow mo ang buong paligid ko ng makita ko siya.
Wala na 'yung babae na kausap ni Kuya Hunter kanina, at hindi ako makapaniwala na ang taong dahilan kung bakit hindi ako nakatulog kagabi, at kasalukuyang gumugulo sa isipan ko ay nasa harapan ko na ngayon.
"Hello, Claire." Ang tanging nasambit ko habang nakatitig sa maganda niyang mukha.