EP4. Mary Claire's Cafe

1421 Words
Zander's POV Lumabas na ako ng sasakyan pero bago ako pumasok sa loob ng bahay ay tinawagan ko muna si Darcy. Darcy: Hello Me: You need to help me, I need you to search for some info about Claire. Darcy: Sinong Claire? Ay ang tanga ng gago pagkatapos niyang i-send ang picture kagabi ay ngayon ay hindi na niya alam. Me: Mary Claire, yung babaeng may karga sa baby na sinend mo sa akin kagabi. Darcy: Oh, akala ko ba wala kang kilalang Mary Claire? Tang-ina talaga ng gago na 'to, binabadtrip ako eh! Me: Papatulong ba ko sa'yo kung hindi ko kilala? Tigilan mo kasi kakatawag ng Mary sa kanya, kilala ko siya as Claire. Darcy: So, kilala mo, ibig sabihin, ikaw ang- Me: I don't know yet, pero kailangan ko siyang makausap, and sa tanong mo kagabi yes we dated pero only for a brief time, nakilala ko siya sa pa-farewell party ni Tin and Mac, and it's like they set us up, and that's the story kaya kami nagkakilala. Darcy: Nice, congrats! Tang-inang yan dalawang beses na ko kinongratulate ngayong araw na 'to, eh hindi pa nga ako sure, although may possibility pero iba pa din kung talagang may confirmation or patunay na anak ko nga bata, pero whatever since hindi ko ma-search online si Claire ay baka sakaling ma-search ni Darcy. Me: Can you search her online, wala ako'ng mahanap anything about sa kanya, kindy search Claire De Ocampo, or Mary Claire De Ocampo. Darcy: Sige maya, or mas better kung pupunta ako sa place mo mamaya, dalhin ko 'yung ipad ng girlfriend ko, college friend niya 'yun eh for sure friend sila online. Me: Okay, thanks. Inilagay ko ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko, at papasok na ko sa loob ng bigla naman lumabas si Kuya Hunter. "Nakalimutan ko 'yung bilin ni mommy na daanan ang cake, ikaw kasi daldal ka ng daldal sa akin, tara pick-apin na natin!" Ang nagmamadaling sabi niya, at bumalik siya sa may kotse. "Ikaw na lang!" Ang reklamo mo, dahil medyo nainis din ako sa sinabi niya na ako pa ang sinisisi niya sa pagiging ulyanin niya. Lumingon naman siya sa akin, at sinabing... "Okay, pero sasabihin ko kay mommy na nakabuntis ka!" Ang sabi niya sabay nagtuloy tuloy ng lakad pabalik sa kotse niya. Napapakamot naman ako sa aking batok, at sumunod sa aking kuya na talagang nagawa pa kong i-black mail. Sumakay ulit ako sa tabi niya, at napapailing na lang ako sa lakas ng amats nitong utol ko, akala mo babae kung mag-inarte, to the fact na mas matanda pa siya sa akin ah. "Bakit hindi mo na lang kasi pinadeliver or pinapick-up." Ang sabi ko sa kanya habang pinapaandar na niya ang kotse. "Si mommy ang nagsabi na pick-apin ko kaya sinunod ko, palibhasa hindi kasi ikaw ang inutusan!" Ang tila galit na sagot niya kaya nanahimik na lamang ako. . . . . . . . Claire's POV Naidaos naman ng maayos, at masaya ang birthday ng anak ko kahapon, at ngayon nga ay back to work na ako. Ang daily routine ko every day ay siyempre uunahin ko muna ang pag-asikaso ng pangangailangan ni Baby Jacob bago ako umalis sa bahay. Meron namang yaya ang baby ko pero kapag nandito ako, ay ako talaga ang nag-asikaso sa kanya, ako ang nagpapalit ng diaper, timpla ng dede, at nagpe-prepare ng breakfast niya bago ako umalis. "Ba bye baby, be a good boy." Ang paalam ko sa aking anak sabay halik sa kanyang noo bago ako umalis sa bahay, at siyempre nagpaalam din ako kay Gelai, ang nagbabantay sa anak ko. Usually mga between to 9:00 to 9:15AM ako naaalis dahil 10:00 AM pa naman ang open ng cafeestaurant ko. Okay lang naman kahit ma-late ako ng dating dahil ako naman ang may-ari. The perks or being an owner. Actually hindi ko naman kailangan pumunta sa cafe araw-araw since meron naman ako'ng team na mapagkakatiwalaan. Ayoko lang kasing gawin sa bahay ang other task sa pag-manage ng business ko dahil hindi ako makaka-focus since baby pa si Jacob. Ako kasi ang nagha-handle ng finances, run the hiring process, oversee payroll, tapos pag-isipan mabuti kung may kailangan idagdag or ibawas sa menu, ang pag-order ng mga equipment na kailangan, at ang pag-monitor sa inventory-management, at siyempre I also act as the manager. May time na napapagod pero hindi pwedeng sumuko lalo pa ngayon na may anak na ako. Bakit cafeestaurant ang napili kong business? Mahilig kasi ako'ng mag-bake, at magluto kaya naisipan ko na mag-resign na lang sa corporate world para magtayo na lang ng sariling business para hawak ko ang oras ko, at so far okay naman when it comes to profit, pinag-iisipan ko nga kung it's time na ba na magtayo ng second branch pero kasi iniisip ko maliit pa si Baby Jacob siguro kapag medyo malaki na siya, at hindi na gaano alagain ay tsaka ko na paplanuhin ang about du'n. Mary Claire's Cafe offers bakery and dessert options, like our signature ensaymada, carrot cake, at iba pang flavors ng cake, meron ding mga pasta, salad, starters, sandwiches, all-day breakfast, coffee, and other beverages. All though hindi ako nagpe-prepare ng mga meals ay karamihan naman ng nasa menu ay mga recipe ko na pinagkatiwala ko na sa buong team, at sobrang thankful ako sa kanila, dahil ramdam ko ang pagmamahal nila sa cafe ko, at hindi lang 'yun ramdamdam ko din ang pag-care nila sa aming dalawa ni Baby Jacob, kahit hindi pa ganu'n katagal ang samahan namin ay parang pamilya na ang turingan namin sa isa't-isa kahit bago pa lang ang business ko. Mga isang taon at kalahati pa lang kasi ito, yes buntis ako during that time nung itinayo ko ito. Nagpapasalamat na lamang ako dahil never ako'ng nakarinig ng kahit ano'ng negatibong salita tungkol sa akin, or pwedeng hindi ko din alam pero ganu'n pa man ang mahalaga ay nakikita ko na nirerespeto nila ko despite the fact that I am a single mom. Nakarating na ko sa cafe shop, at bukas na ito, it means nauna ng dating sa akin si Melody. Sa lahat ng staff dito ay masasabi ko na si Melody ang pinakamaasahan ko, and siguro ang masasabi ko na din na pinakamalapit sa akin, and nagustuhan ko siya dahil siguro sa pagiging palabiro niya, and lagi niya kong napapatawa sa mga kalokohan and isa din siya sa nag-e-encourage sa akin na mag-try daw ako sa mag-sign up sa mga dating apps pero tinatawanan ko lang siya, dahil graduate na ko pagdating sa dating stage, ang mahalaga na lang sa akin ngayon ay ang anak ko. Melody is a great friend, and also a great employee, although may pagkamaloko eh maasahan naman pagdating sa trabaho, itinuturo ko nga sa kanya ang mga ginagawa ko para kung sakaling wala ako dito ay may taong gagawa ng ginagawa ko, and pinag-iisapan ko na nga kung sakali na magtatayo ako ng second branch ay sa kanya ko na siguro ipapamahala. Pagkapasok ko sa loob ay dumiretcho ako sa aking mini office para ibaba ang aking bag pero naabutan ko sa mesa ko ang isang box na naka-gift wrap ng kulay blue na may mababasang happy birthday. Na-touch naman ako regalo ng buong staff sa baby ko, nahiya tuloy ako dahil hindi sila nakapunta. Hindi kasi isinara ang cafe kahapon pero inimbita ko naman sila, at sinabi ko pa nga na pwede namang isara ito kahit isang araw lang pero sila ang hindi pumayag dahil sayang daw ang isang araw, at naiintindihan ko naman sila dahil nga medyo mahirap ang buhay ngayon, kailangan din nila kumita. Hinarap ko ang lahat ng staff saglit para na din makapagpasalamat and then back to work na lahat, at open na kami. Bumalik ako sa aking mini office para mag-start na ng work, siyempre may social media account din ang cafe ko, at 'yun muna ang una kong ginagawa bago ako mag-start ng work, gagawa muna ng promo pic or video to post for promotion, and then tsaka ako magsisimula ng iba pang gagawin hanggang sa sumapit na ang tanghalian. Kapag lunch break pala ay ako muna ang natao sa may cashier counter habang naka-break si Melody, and it's time. Lumabas na ko sa aking mini office at parang gusto ko na ulit bumalik, dahil may nakita ako pero hindi ko na magawang tumalikod dahil nakita na rin niya ako, at bumilis ang kabog sa dibdib ko habang papalapit siya sa akin. "Hello, Claire."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD