PREVIEW
"Walang hiya ka, pakawalan mo ko, at ibigay mo sa akin ang anak ko!" Ang sigaw ko habang walang sawa ko siyang pinaghahampas habang ipinapadyak ko ang aking mga paa, trying my best na makawala sa kanya.
Kasalukuyan lang naman niya kong buhat, isinampay niya ko sa isang balikat niya na parang wala lang.
"Bakit mo kami dinala dito, pakawalan mo kami ng anak ko!" Ang muli kong sigaw habang nagpupumiglas pa din pero bigla niyang hinampas ng malakas ang isang pang-upo ko kaya napatigil ako sa aking paglalaban, at wala na kong nagawa ng ipinasok niya ko sa loob ng malaking bahay.
Nauna na sa loob ang anak ko, dahil pinahawak niya sa hindi ko kilalang babae na nakasuot ng scrub suit, na may disenyong mga iba't-ibang animals parang pang nanny scrub or karaniwang uniporme ng mga yaya.
Bigla ko namang napagtanto na yaya nga iyon, at lalo ako'ng nakaramdam ng galit dahil parang labas ay talagang planado niya ang pagdala niya sa amin dito.
"Bakit ba hindi ka naniniwala ilang beses ko ng sinabi sa'yo na hindi mo anak si Jacob." Ang muling sigaw ko pero hindi niya ako pinapansin, wala siyang kibo hanggang sa umakyat kami sa may hagdanan habang buhat ako, at dinala niya ko sa isang kwarto, and thank God, dahil nakita ko ang anak ko na nasa playmat, at may nilalaro na mga laruan.
Agad kong nilapitan ang baby ko, binuhat at niyakap at tsaka ko lang napagtanto ang disensyo sa kabuuan ng kwarto.
Puro mga toys, at ang bed ay lightning McQueen, so malinaw na ang kwartong ito ay sadyang inihanda or inayos para sa bata.
Nakita ko din ang yaya na katatapos lang maghanda ng dede, at inabot sa walang hiyang lalaki ang bote na nagdala sa amin dito bago siya lumabas ng kwartong ito kaya ngayon ay tatlo na lang kaming naiwan dito sa loob.
"Daddy!" Ang pagpupumiglas ng anak ko habang buhat ko, dahil gusto magpakalong sa walang hiyang lalaking ito, na agad naman siyang kinuha.
Wala ako'ng nagawa kung hindi hayaan siyang kunin ang anak ko mula sa mga bisig ko, at pinanood ko lang silang dalawa hanggang sa dinala na niya ito sa kama, at inihiga na niya at tsaka niya ibinigay ang bote ng milk na kinuha naman ng anak ko.
Nanatili lamang ako'ng nakatingin sa kanilang dalawa. Pinipigilan ko ang aking sarili na huwag magpakita ng anumang galit or magsalita ng hindi maganda, dahil kasama namin ngayon si Jacob.
Nakakapagsalita na kasi ang anak ko, at baka gayahin niya kung ano ang marinig niya.
Hanggang sa nakita ko na nakatulog na ang anak ko, at oras na para kastiguhin ang kawalanghiyaan ng lalaking ito.
"Who do you think you are, and what the fùck are you doing?" Ang galit kong sabi pero pabulong lang, at tulog na nga ang baby ko.
"Shhh, huwag kang maingay, at magigising ang anak ko, sa kabilang kwarto tayo mag-usap." Ang sabi niya din sa mahinang boses sabay hablot sa isang braso ko, at kinaladkad na naman niya ko palabas ng room na ito, at wala na naman ako'ng nagawa at tahimik na lamang ako'ng sumunod sa gusto niya, dahil ayaw ko din istorbohin ang tulog ng anak ko.
Hanggang sa nadala na niya ko sa kabilang kwarto, at dahil kaming dalawa na lang ay agad kong inalis ang kamay niyang sobrang higpit kung makahawak.
"Ang kapal talaga ng mukha mo parang sabihing anak mo ang anak ko! Bakit nang-aangkin ka? Gumawa ka kung gusto mo, huwag kang mang-angkin ng may anak ng may anak!" Ang galit na galit kong sabi sa kanya na may kasamang pangduduro.
"Huwag ka ng magsinungaling Claire, kitang kita, at hindi mapagkakaila na ako ang ama ni Baby Jacob, at since ayaw mong magsabi ng totoo ay I will run a DNA test para may ebidensiya, at ipamukha sa'yo ang mga kasinungalingan mo." Ang pasigaw din niyang sagot na siyang naging dahilan para lalong bumilis ang kaba sa dibdib ko.
Sobrang pagkatakot ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to pero hindi ko dapat ipakita, at iparamdam sa kanya.
"At sino ka para magsagawa ng DNA test run sa anak ko? Hindi ako makakapayag! I don't fùcking allowed it, malinaw na kinidnap mo kami kaya kung ayaw mong makulong ay pakawalan mo na kami!" Ang tapang tapangan kong sabi sa kanya na may kasamang pagbabanta.
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin, at hindi siya agad umimik sa mga sinabi ko.
Lihim ako'ng nanalangin na sana ma-realized niya na mali ang ginawa niyang pagdala sa amin dito, na sana ay makunsensiya siya at pabayaan na niya kami makaalis ni Baby Jacob ngunit ilang saglit lang ay tumawa siya ng pagkalakas lakas na para bang isang baliw.
The fùck, kabaligtaran ang nangyari imbes na makunsensiya ang walang hiya ay parang tuwang tuwa pa siya.
"Ano'ng nakakatawa, baliw ka?" Ang sabi ko sa kanya, at hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan niya.
"Hinding hindi ka makakaalis dito, kayo ng anak ko, ng anak NATIN at sa oras na mapatunayan ko na nagsinungaling ka sa akin, at ako ang ama ni Baby Jacob."
Hindi pa man niya nasasabi kung ano ang gagawin niya ay tila mahihimatay na ko sa niyerbos.
Inilapit niya ang kanyang mukha ng pagkalapit-lapit sa tapat ng mukha ko, at pinakatitigan ang mga mata ko na parang bang sinasabi na pakatandaan ko ang mga susunod niyang sasabihin.
"I will fùck you right here, I will make another baby with you!"
Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya, at nakaramdam ng labis na pagkatakot sa mga pinagsasabi ng baliw na lalaking 'to!
------
WARNING: This story contains adult themes (strong language, detailed sѐx scene, alcohol, etc) that are not suitable for some readers. Reader discretion is advised.