Claire's POV Lumabas na ko sa aking mini office at parang gusto ko na ulit bumalik, dahil may nakita ako pero hindi ko na magawang tumalikod dahil nakita na rin niya ako, at bumilis ang kabog sa dibdib ko. "Hello, Claire." Ang bati niya sa akin mukhang kakatapos lang niya tumingin ng mga cakes na nasa fridge display. Hindi ko naman malaman kung ano ang gagawin ko?! Nabigla ako Magpre-pretend ba ko na hindi ko siya kilala, or mag-he-hello back din ako pero either way, kahit ano pa ang piliin ko ay sa huli ay kailangan ko pa din siyang kakausapin. "Hello din, Zander." At pinili ko na lamang mag-hello back kahit medyo akward lang dahil hindi maganda ang tagpo nung last na usap naming dalawa. "Zander! Ang tagal mo, naghihintay na si mommy." Halos sabay naman kaming napatingin sa may do