Zander's POV
Hindi na ako nakatulog pa magdamag gawa ng ipinadala sa aking picture ni Darcy.
Sinubukan kong makatulog pero hindi talaga ako dalawin ng antok, kahit ano'ng pikit ko ay gising na gising ang diwa ako, paulit-ulit kong tinitignan ang picture sa cellphone.
Sinubukan ko pang hanapin sa soc med si Claire pero walang nalabas, at lalo ako'ng nakaramdam ng pagkayamot dahil it seems na she blocked me, lalo tuloy tumindi ang hinala ko na anak ko ang baby na hawak niya.
Litong lito ang isipan ko, nagulo ang sistema ko. Hindi ko malaman ang gagawin ko, mag-u-umaga na ata ng dalawin ako ng antok.
Kung kailan naman nakatulog na ko eh bigla bigla namang may nanggigising sa akin.
Panay ang tawag nito sa pangalan ko kasabay ng pagyugyog niya ng malakas sa balikat ko, at hindi talaga ako tinitigilan.
"Goddamn fùck, why are you waking me up?" Ang sabi ko kay Kuya Hunter pagkabangon ko ng upo sa ibabaw ng kama.
"Because mom asked me na daanan ka remember, sabay tayong pupunta sa mansyon ngayon para du'n kumain ng tanghalian, bago natin sila ihatid ni dad sa airport." Ang sabi nito sa akin.
Fùck! Nakalimutan ko, ngayon nga pala ang alis ni Mommy at Daddy papuntang Canada, du'n daw muna sila mamalalagi since retired na si Dad, at kaming dalawa na lamang ni Kuya ang Hunter ang namamahala sa mga business ng pamilya.
And out of nowhere bigla kong naalala 'yung biruan namin ni Mommy ng last na pumunta ako sa bahay namin.
--------------------------
Kaming dalawa lang ni mommy ang magkasama sa may dining table, kumakain kami ng meryenda habang nag-uusap.
"Gano kayo katagal ni Daddy dun?" Ang tanong ko kay mommy after niyang sabihin na du'n na muna sila sa abroad mamamalagi ni Dad.
"Hindi ko pa masabi eh, pero panigurado matagal at halos lahat ng relatives natin ay doon nakatira, pero huwag kang mag-alala uuwi kami agad agad ng Daddy mo kapag isa sa inyong dalawa ng Kuya mo ay makapagbigay na ng apo sa amin.
Muntik ko ng maibuga 'yung tubig na iniinom ko sa biro ni Mommy.
"Apo talaga hindi ba pwedeng asawa muna!" Ang sagot ko naman sa kanya.
"Sus, halos lahat ng amiga ko nauna ang apo bago ikasal ang mga anak, ganyan na uso ngayon 'di ba, kaya hindi na ko magugulat kung ganu'n din ang mangyari sa inyong dalawa ng Kuya mo, maloko pa naman kayo, malamang bago ang kasal eh mambubuntis muna." Ang sagot naman sa akin ni mommy bago niya damputin ang kapeng iniinom niya.
Kahit hindi ako ang nasimsim ng kape ay parang ako ang nagpapalpitate sa mga binitiwang salita ni mommy, pero ganu'n pa man ay hindi ko maisawang bumibilib sa pagiging open-minded niya, modern at hindi makaluma ang pag-iisip, at paniniwala niya pagdating sa ganu'ng bagay.
--------------------------
"Oh, ano pang tinatanga-tanga mo diyan stupid ka baka gusto mo ng kumilos!" Ang sarcastic na sabi sa akin ni Kuya Hunter
"Oh, lunch time pa naman 'yon ah?" Ang sagot ko naman sa kanya.
"Oh, bakit ano'ng oras na ba? Bilisan mo ng kumilos, tanghali na, at gutom na ko!" Ang utos sa akin ni Kuya Hunter bago lumabas ng kwarto ko.
Tinignan ko nga ang oras, at tama siya tanghali na pala, akala ko lang pala 'yung bago pa lang ako nakakatulog.
Tumayo na ako, at baka mag-tantrums pa, mahirap na baka mapikon lalo at gutom na daw siya.
Naligo ako ng mabilisan, at mabilis na kumilos hanggang sa nasa loob na kami ng sasakyan ni Kuya Hunter, siya ang nagda-drive, at katabi niya ako.
Habang nasa biyahe ay hindi pa din maalis sa isipan ko ang balitang bumulaga sa akin kagabi, gulong gulo pa din ang isipan ko.
Malaki talaga ang posibilidad na anak ko ang baby na karga ni Claire, dahil inalala ko ang panahon na may nangyari sa aming dalawa, and it was exactly 21 months ago, sakto ang timeframe sa edad ng baby niya ngayon na kamukhang kamukha ko.
"Ano'ng gagawin mo kapag nalaman mo na may anak ka na pala tapos hindi sa'yo pinaalaam nung babaeng nabuntis mo?" Ang nakakabiglang tanong ko kay Kuya Hunter na ako mismo ay hindi makapaniwala na naitanong ko sa kanya ang bagay na 'yun, tila ba kusa na lamang lumabas sa bibig ko na hindi pinag-isipan.
"What kind of stupid question is that?" Ang tila galit naman na sagot nito sa akin na akala mo ay may nagawa na akong malaking kasalanan.
Parang nagtatanong lang eh.
"I'm serious, can you please answer my question?" Ang seryoso kong sambit, at talagang natotorete na ako kakaisip.
Hindi ko malaman kung ano ba ang gagawin ko?!
Tumingin siya saglit sa akin, at pagkatapos ay muli niyang itinuon ang paningin niya sa daan.
"Ano'ng gagawin ko, depende?! Ang unang tanong kasi diyan ay bakit itinago? May ginawa ka ba? Ang secondly why are you asking nonsense question like that?!" Ang tanong niya sa akin.
Hindi ko naman siya sinagot sa tanong niya pero maya-maya ay napagtanto niya agad kung bakit ko siya tinatanong.
"Don't tell me nakabuntis ka?!" Ang nakangisi niyang sabi, at mukhang tuwang tuwa pa talaga siya, samantalang ako ay hindi na mapakali.
Halos magdamag ko ata tinitigan ang picture na sinend sa akin ni Darcy kagabi like putang-ina, tama siya it will blow my fùcking mind, dahil napuyat lang naman ako sa kakaisip.
Hanggang sa hindi ko namalayan na papasok na pala kami may gate.
Nakapag-park na si Kuya Hunter pero bago pa man kami lumabas ay sinagot ko na ang tanong niya.
"Actually I'm not sure, wait." Ang sabi ko sa kanya, at inilabas ko ang aking cellphone para siya na ang manghusga, at ini-abot ko sa kanya.
"Oh, ano'ng gagawin ko dito sa cellphone mo?" Ang tanong niya sa akin.
"Tignan mo 'yung picture?" Ang sabi ko.
"Uy ang ganda ng may hawak sa bata!" Ang nakangiting sabi niya, at parang nakaramdam ako ng pagkayamot kaya inagaw ko ang cellphone ko, at izinoom ko ang kuha na naka-focus lang sa may bata, at ibinalik ko sa kanya.
"Mag-focus ka ng tingin sa bata!" Ang utos ko sa aking Kuya.
"Holy fùck! Bakit kamukha ko ang batang 'to?!" Ang sabi niya habang nanlalaki ang kanyang mga mata.
"Baka ako ang kamukha!" Ang agad na sagot ko sa kanya sabay agaw ko ng aking cellphone mula sa kamay niya, at hindi naman siya makausap ng maayos.
"Eh bakit magkamukha naman tayo ah, so it means kamukha ko yang baby!" Ang nakangising sagot niya, at halata naman na nang-aasar lang.
Lakas din makaloko nitong utol ko eh, malamang magkapatid kami kaya normal lang na maging magkamukha kami.
"Congrats bro, may anak ka na pala, at congrats din sa akin dahil may pamangkin na ako!" Ang masayang pagbati niya sa akin, pati na din sa kanyang sarili na hindi ko malaman kung nang-aalaska lang ba siya.
"I don't know kuya naguguluhan ako sa nalaman ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, and please don't say anything to our parents." Ang pakiusap ko sa kanya, dahil kapag nagkataon ay baka hindi pa matuloy pag-alis ng magulang namin papuntang abroad.
"Okay, I will not say to our parents pero sa tingin ko baka matuwa pa nga yan sila kapag nalaman nila, and about sa hindi mo alam kung ano ang gagawin, madali lang naman 'yan. Harapin mo 'yung nanay, at makipag-usap ka, lahat naman ay pwedeng madaan sa maayos na usapan." At pagkatapos niyang sabihin 'yun ay binuksan na niya ang pintuan ng kotse para lumabas, habang ako ay naiwan pa dito sa loob na tila pinoproseso ang mga sinabi niya.
Goddamn fùck! Tama si Kuya Hunter, bakit nga ba hindi ko naisip na 'yun ang unang dapat kong gawin?!
I need to see Claire. I need to talk to her.
Kailangan ko makausap ang mommy ng anak ko.