Mary Claire De Ocampo
First birthday ng anak kong si Jacob, and I'll want to share with close friends and family kaya nag-prepare ako ng party, at nagsisimula ng magsidatingan ang bisita.
Nag-book ako sa isang restaurant para hindi ako masyadong mahirapan lalo na pagdating sa cleanup, and I don't have to work as hard to entertain guests unlike kapag sa bahay ginanap, atleast dito ay may time frame na susundin, at kapag tapos na ang party ay need na talaga magsi-uwian ng mga bisita.
Nagsimula ng magsidatingan ang mga bisita, at ang baby ko naman si Jacob ay nakakalakad na naman na pero kailangan pa din ng gabay dahil medyo natutumba tumba pa.
Sinusundan-sundan ko siya, dahil tuwang tuwa siya sa mga colorful decoration, at makukulay na ballon.
Paw Patrol ang napili kong birthday theme party decoration dahil 'yun ang favorite ni Jacob panoorin.
"Happy Birthday Baby Jacob!" Ang halos sabay na bati ng mag-asawang Derrick and Farah, my favorite neighbor, ang laki ng utang na loob ko sa mag-asawa na 'to dahil nung na-ospital ang mommy ko, ay nahingan ko sila ng pabor na bantayan muna ang baby ko. Halos sabay kasi umalis ang kasambahay namin sa bahay, at 'yung yaya ni Jacob, kaya wala talaga ako'ng mapag-iiwanan nung time na yun, pero ngayon ay okay na naman, may bagong yaya na ang anak ko.
May business kasi ako'ng cafe kaya hindi ko magampanan ang pagiging full time mommy, pero I'll make sure na naman na priority ko pa din si Baby Jacob sa lahat ng bagay.
"Ay hindi na siya namamansin!" Ang natatawang sabi ni Farah, wala eh talagang naka-focus 'yung anak ko sa mga ballons eh.
Inabot naman ni Derrick ang isang malaking box na naka-wrap, regalo daw nila sa anak ko, hmmm ano kayang laman nito na alerto naman kinuha ng yaya ng anak ko para ilagay sa lamesang itinalaga para lagyan ng mga regalo.
"Congrats pala about sa.." At itinuro ko ang tummy niya na malaki na ang umbok ngayon.
"And, I'm so sorry kung hindi pala kami nakapunta ni Baby Jacob sa wedding niyo." Ang hingi ko ng paumanhin, dahil sobrang nakakahiya na pumunta sila dito pero hindi man lang ako nag-effort na umattend sa special day nila, naging sobrang busy kasi ako that time at hindi na talaga naisingit sa schedule.
"Okay lang 'yun Claire, naintindihan naman namin, yun nga lang na-miss namin si Baby Jacob sayang hindi namin siya nakasama mag-swimming sa beach." Ang naka-smile na sagot sa akin ni Farah sabay muling tingin sa anak ko.
"Baby Jacob, pansinin mo naman ako, huhuhu!" Ang tila pa-baby na sabi ni Farah, at nagkunwari pa siya na nagka-cry sa baby ko pero hindi talaga siya nito pinapansin kaya nagtawanan na lang kami.
Pinaupo ko na sila Farah, and Derrick after ng masayang usapan namin.
Bigla naman nagbago ang mood ng anak ko, kung kanina ay nakatuon ang atensyon niya sa makukulay na decoration ay ngayon naman ay biglang nagpabuhat na, sakto naman dumating ang college friend ko na si Emma.
Masasabi ko na medyo close pa din naman kami pero more on online na, at sa mga ganitong tagpo na lang kami nagkikita kapag may mga ganitong okasyon, at isinama niya ang kanyang boyfriend na ipinakilala niya sa pangalang Darcy.
Inilahad ko ang isa kong kamay para makipag-handshake sana kay Darcy pero ang lalaki ay tila ba wala sa sarili, at nakatuon lang ang atensyon niya sa anak ko, na tila ba kinakabisa niya ang mukha nito.
"Darcy!" Ang tawag sa kanya ni Emma, at tsaka lang ito natinag, at sa wakas inabot na din niya ang kamay ko na muntikan ng mangalay sa tagal, karga ko pa naman ang anak ko.
"I'm sorry, it's just..."
"Ang cute ng baby niya no, tignan mo pati ikaw na-distract!" Ang agad singit Emma sa sasabihin ng boyfriend niya, at nakita ko na pasimple niya itong nilakihan ng mata, nagkunwari na lamang ako na hindi ko nakita.
Hmmm, parang ang weird naman ng boyfriend nitong si Emma.
Hanggang sa nag-umpisa na ang party, siyempre hindi mawawala ang party games para sa mga kids, hindi ko na masyado pinahaba pa ang program, basta ang importante naman ay 'yung may games tapos lalabas 'yung mga mascot para mas lalong maging masaya ang mga kids, at syempre ang pinaka-importante ang pag-blow ng candle sa birthday cake.
Kasalukuyang may isanasagawang games ang emcee sa mga bata, at pinahawak ko muna kay Yaya Gela si Baby Jacob, at need ko muna magbanyo, hanggang sa nakarating na ako, at pumasok sa loob ng isang cubicle, at ini-lock 'yon because I need to pee.
Nakaupo na ko sa may toilet bowl ng may marinig ako'ng nag-uusap mula sa labas.
"Talaga bang walang asawa 'yang si Claire, kawawa naman 'yung baby lalaki na walang kalinga ng tatay, ang pogi pogi pa naman!" Ang rinig kong sabi ng isang babae.
"Shhh, Ano ka ba kung makasabi ka ng kawawa, may kawawa ba na nakapag-party ng ganito kabongga? Sa panahon ngayon hindi na mahalaga yang complete complete family na yan, lalo pa kung bibigyan ka lang ng sakit ng ulo ng partner mo?" Amg sagot naman sa kanya ng isang babae.
"Hello, si Claire ang pinag-uusapan natin dito, hindi buhay mo? Ang ganda pa naman niya, bakit kaya hindi nila kasama 'yung daddy ng bata, hindi kaya kabet siya or what?!" Ang sagot naman nung babaeng na unang nagsalita kanina.
Parang nabosesan ko na ang dalawang babae, I think isa sa mga kapitbahay namin na mosang, ayoko sanang imbitahan ang mga yan kaso katabing katabi lang ng bahay namin kaya no choice ako, at baka sabihin hindi ako marunong makisama.
"Aba malay ko, gusto mo tanungin mo siya para hindi ka na mag-overthink malala diyan, dumiretso ka na sa mismong source, hahaha." At tumawa pa ang dalawa hanggang sa wala na kong naririnig na nag-uusap.
Lumabas na siguro ang mga mosang kaya tumayo na ako, at nagpunas.
Tanggap ko na naman sadyang pag-uusapan or pag-tsi-tsismisan ako ng mga tao gawa nga na nakikita nila na dalawa lang kami ng anak ko.
Lumabas na ko sa loob ng cubicle, at nagtungo sa may sink para maghugas ng kamay.
Napatingin ako sa salamin, at pinagmasdan ko ang aking sarili, seryoso ang aking mukha habang tinitignan ko ang aking sariling repleksyon.
You can do this Claire, huwag mong isipin ang sasabihin ng ibang tao, wala silang ambag sa buhay mo, at lalong wala kang dapat ipaliwanag sa kanila, ang sabi ko sa aking sarili.
Nagpakawala pa ko ng isang malalim na buntong-hininga bago lumabas ng ladies room.
Lumabas, at naglakad ako ng taas noo, at may ngiti sa aking mga labi at binati ang mga bisita na dumalo sa kaarawan ng aking anak.
Hindi dapat ako magpaapekto sa mga narinig ko, ginawa ko ang party na 'to para i-celebrate ang 1st birthday ng anak ko.
Nagpatuloy naman ang party hanggang sa nasa tapat na kami ni Baby Jacob sa malaking cake na paw patrol din ang design.
Karga ko siya, at oras na para sa pag-blow ng candle sa birthday cake.
"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday, Jacob!" Ang sabay sabay na masigla, at masayang pagkanta ng mga bisita.
"Blow the candle, baby!" At binoblow niya pero hindi mawala-wala ang apoy sa may kandila, kaya tinulungan ko na siya.
"Yehey!" At nagpalakpakan ang mga bisita.
Parang naiiyak naman ako sa tuwa, dahil napalakpak din ang anak ko. Nagka-clap din siya ng hands, at kitang-kita sa face niya na super happy siya.
Hinalikan ko ang noo ng aking anak, at ipinangako ko sa aking sarili na hindi ko hahayaan na maramdaman niya na may kulang sa buhay niya.
Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya, bubusugin ko siya sa pagmamahal. Hindi ko hahayaan na maging kawawa ang anak ko kagaya ng narinig ko kanina.
Sa panahon ngayon ay hindi na importante kung buo o kumpleto ang pamilya, at lalong hindi kailangan ng anak ko ng daddy para maging masaya.