Rinoa's POV
"Rinoa, nagkulong ka raw kahapon sa kwarto mo. Maski ngayon hindi ka pa raw kumakain, ano ba iyan? You need to eat," sermon ni Gerald.
Hindi ko alam kung sinong magaling ang nagsumbong sa kanya na nagkukulong lang ako at nagpapunta sa kanya rito. It was Sunday. Kahapon wala akong ka-energy-energy kumilos, hanggang ngayon para pa rin akong lantang gulay. I kept on asking myself, saan ba ako nagkulang?
"Sino bang nagsabi sa 'yo niyan? Sinungaling siya." I rolled my eyes.
"Anong sinungaling? Palusot ka pa, tignan mo nga hitsura mo, halatang hindi ka nagkikikilos."
Nakahiga lang ako sa kama ko, lutang na nakatingin sa kawalan, habang si Gerald ay nakaupo sa gilid ko, nakatitig sa 'kin. Kitang-kita ko siya sa gilid ng mga mata ko.
"Hindi ba pwedeng kagigising ko lang?"
He laughed sarcastically. "O'edi sige, kumain ka na. Tara sa baba, mag-lunch tayo."
I rolled my eyes. "Busog pa 'ko."
"See? Hindi ka talaga nagkakakain, Rinoa. Come on! Wag mo namang sirain sarili mo dahil sa Johan na 'yon."
Huminga ako nang malalim. Sinapo ng mga palad ko ang mukha ko. My eyes felt hot, but I managed not to cry.
"Rinoa, come on! Marami pang lakaki sa mundo." Mahina siyang tumawa. "Nandito naman ako."
I looked at him. Umawang ang labi ko nang magtama ang mga mata namin.
I managed to laugh. "Anong gagawin ko sa 'yo?"
He licked his lips. "Ako na lang boyfriend mo."
Tumawa. Tumawa ako nang tumawa, hanggang sa naramdaman ko nanaman ang pagsikip ng dibdib ko. Ang mga tawa ko, naging iyak nang hindi ko inaasahan.
"Uy umiiyak ka nanaman." Gerald held my shoulder, habang nakahiga pa rin ako.
Tinakpan ko lang ang mukha ko, I continued crying until my eyes gave up. Sa wakas, naubos ang mga luha ko. Kinusot ko ang mga mata ko, bago tignan si Gerald. Nakatingin siya sa kawalan, habang nakahawak pa rin sa balikat ko, hinihimas ito.
"Anong iniisip mo?" Mababa pa rin ang boses ko.
Nagtama ang mga mata namin. He smiled.
"Ikaw."
My brows furrowed. "Pinapasa mo ba sa 'kin iyong tanong?"
He shook his head. "Ikaw ang iniisip ko, Rinoa."
Umiwas ako ng tingin. Nailang ako sa malalim niyang mga titig. I wasn't use to it. Kahit matagal na kaming magkaibigan, may mga times na naiilang ako sa mga titig niya, may mga times naman na sobrang comfortable ako sa kanya.
I sighed. I didn't know what to say. Madalas niyang sabihing iniisip niya 'ko, but I always chose not to ask kung ano bang iniisip niya tungkol sa 'kin. I didn't know why, but I was afraid to hear the answer.
"Alam mo ba iyong nangyari sa 'kin nung Friday?" Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama. I was still looking at him, magkatabi na kami at mas kita ko na ang mahaba niyang mga pilikmata.
"Nakipagkita ka kay Johan?"
I laughed. "Hindi 'no! Worst than that."
"Ano?"
Pumikit ako sa pandidiri. Naalala ko nanaman iyong halik sa 'kin nung bastos na lalake sa school park.
I rolled my eyes and sighed. "A stranger kissed me on my lips, like what the f**k, right?!"
"Ano?!" His almond eyes widened.
"I know right!" I wiped my lips with my hands. "s**t naalala ko nanaman; kadiri!"
"Tangina seryoso ba?"
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Mukha ba 'kong nagbibiro?"
"What the f**k; sino iyang gagong iyan?" He looked irritated and so am I.
"I don't know! Hindi ko siya kilala."
"Bakit 'di mo agad sinabi sa 'kin? Dapat ni-report mo iyon sa office. May iba pa ba siyang ginawa sa 'yo?"
"Wala na. He just f*****g kissed me, and hulaan mo anong dahilan." I crossed my arms with my brows still furrowed.
"Ano?" Balot din ng inis ang mukha ni Gerald.
"Sabi niya, dumaan daw iyong ex niya, gusto niya lang daw ipakita na may bago na siya, so he kissed me!"
"Tangina niyon, gago iyon ah." His fist clenched.
Hinawakan ko ang niyukom niyang kamao. "Chill."
"Anong chill? Tangina, bakit ka niya hinalikan? Bastos iyon ah. Natatandaan mo ba iyong mukha niyon?"
I shook my head. "Ayoko ng alalahanin."
"Tangina--"
"Shh... hayaan mo na. Sinampal ko naman na siya."
"You did?"
I smiled. "Yep." Napapikit ako nang maalala nanaman ang nakakagigil ng mukha ng manyak na iyon. "Pero nakakainis pa rin talaga, darn it!"
"Talagang nakakainis; gagong iyon, inunahan pa 'ko," he whispered.
"Ano?" Nagsalubong ang kilay ko.
He shook his head and laughed. "Wala! Turo mo nga sa 'kin iyong lalakeng iyon sa monday."
"Sa dami ng students sa school natin? I don't want to waste my time looking for that manyak 'no."
He nodded. "But you want to waste your time mourning to a guy who cheated on you?"
I punched his chest. "I'm not wasting my time."
"Eh anong ginagawa mo riyan? Maghapon kang nakakulong kahapon, hindi ba pagsasayang ng oras iyon?"
Inirapan ko siya. "Can't I just be sad for a while? Niloko ako ng lalakeng minahal ko nang buong-buo. Anong gusto mong gawin ko? Magpa-party?"
He shrugged. "Pwede naman. Libangin mo iyang sarili mo hanggang sa hindi mo na siya naiisip, the next thing you knew, naka-move on ka na."
I laughed, shaking my head. "What are you now? A love expert?"
"Rinoa naman." He glared. "Pwede bang seryosohin mo 'ko kahit minsan lang?"
"Hinihingi mo iyan, sa taong hindi sineryoso ng boyfriend niya. You're funny." Tumawa ako, tinawa ko na lang ang sakit na umukit sa puso ko.
"Hindi mo ba kayang ibigay iyon, sa taong willing kang seryosohin naman?"
I punched his chest. "I can't understand you."
Suminghap siya at umiling-iling. "Tara na kasi, kumain na lang tayo."
"Edi ikaw kumain ka."
"Rinoa." His voice went deeper even his glare.
I sighed and rolled my eyes. "Fine!"
Tahimik lang kaming kumain ni Gerald. Madalas siyang bumisita rito at makikain ng pananghalian, lalo na 'pag wala sila mommy at daddy.
"Kumain ka nang marami!" aniya.
Napairap ako sa pagkain. Kanina pa siya paulit-ulit sa pagsabi na kumain ako nang marami, para siyang sirang plaka.
"Hoy kumain ka kako nang marami," ulit niya.
"Oo nga sabi, ang kulit mo!"
He laughed. "Gano'n ka kakulit 'pag lasing ka. Now you know."
I rolled my eyes. "Imbento."
"Ma'am Rinoa, may naghahanap po sa inyo." Sumulpot si ate Pasita, tigalinis ng bahay at tigaluto namin.
"Sino po?" My brows furrowed.
"Si Johan po, pinapapasok ko siya ma'am, ayaw niyang pumasok. Tawagin ko na lang daw po kayo."
Nagtama ang mga mata namin ni Gerald. His eyes felt like he was stopping me to go and see Johan.
Napalunok ako. "Wait lang, Gerald ha."
Nakatayo na ako nang hawakan niya ang palapulsuhan ko.
"Wag mo na kayang puntahan?" aniya.
"Anong huwag? Paano kung may importante siyang sasabihin?"
He sighed. "Kagaya ng? Makikipagbalikan siya sa 'yo gano'n?"
"I don't know, kaya nga pupuntahan ko eh."
"Hindi mo ba kayang tiisin?" Lalong lumalim ang titig niya sa 'kin.
I closed my eyes and took a deep breath, binawi ko ang palapulsuhan ko mula sa kanya.
"Just a minute, Gerald. Wait lang," sambit ko bago tumakbo patungong labas.
Malayo pa lang, natanaw ko na si Johan. He was using his phone while waiting for me. Napahinto ako, biglang nagdalawang isip ang puso ko kung lalapit ba 'ko sa kanya.
Huminga ako nang malalim, pilit inalis ang sikip sa dibdib ko. I ran towards him.
"Hey!" Tinago ko lahat ng sakit sa likod ng mga ngiti ko.
Nagtama ang mga mata namin. His eyes felt like an arrow, hitting my heart. Binulsa niya ang cellphone niya nang makita ako.
"Rinoa."
I lost my words for a second. I cleared my throat. "Oh Johan, what brings you here?"
Tumalikod siya at ay may binuhat na box. My brows furrowed, inabot niya sa 'kin iyong box. It wasn't that big, but it wasn't that small either.
"Ano iyan?" I asked.
"Your things. Isasauli ko lang."
Para nanamang sinaksak ang puso ko ng sampong kutsilyo.
Napatango-tango ako, medyo lumabo ang paningin ko dahil sa luhang nangilid sa mga mata ko.
"Right. My things." Kinuha ko iyong box mula sa kanya. It was kind of heavy, but I didn't. My heart was heavier.
"Sige, mauna na 'ko." He nodded.
Tumango na lang din ako. If I talk, baka maiyak na ako nang tuluyan.
Tumalikod ma siya, pero napahinto siya at muli akong hinarap.
Tumingala ako saglit at kumurap-kurap. I didn't want him to see me crying again.
"Oo nga pala, Rinoa," he paused. "Thank you for everything." Tuluyan siyang nakasakay sa kotse niya.
Sinarado ko agad iyong gate, sunod-sunod ng pumatak ang mga luha ko. Binaba ko iyong box at sinipa ito. Darn it!
Tumingala ako, pero wala pa ring tigil ang pagbuhos ng mainit kong mga luha. Tinakip ko na lang ang palad ko sa mukha ko. I should calm myself, bago ako bumalik sa loob. Pahiya nanaman ako kay Gerald, kapag nakita niya 'kong ganito.
"Rinoa!" Gerald called me. Speaking of!
Kinusot ko ang mga mata ko, I made sure there was no tears left on my face, bago ko siya tinignan.
He ran towards me. "See! Sabi na eh," aniya nang makalapit sa 'kin.
"Oo na! Oo na, Gerald, tanga na 'ko."
"That's not what I meant."
"Okay lang." Tumango-tango ako. "Tanggap ko namang tanga ako."
He sighed. "Hindi ka tanga. Gago lang siya, okay? Tignan mo pinaiyak ka nanaman niya." He sounded frustrated.
Kinusot ko ulit ang mga mata ko. Wala naman ng luha, pero ramdam ko ang bigat nito.
"Hindi ako umiyak, napuwing lang ako."
He laughed sarcastically. "Ang lakas ng hangin ha."
I punched his chest. "Oo, andiyan ka kasi."
He smiled, but he shook his head. "Ano bang sinabi niya sa 'yo ha? Tsaka." He pointed the box. "Ano iyan?"
Napairap ako nang maisip ang kagaguhan ni Johan. Tangina niya, nagpakita lang pala siya ulit para saktan nanaman ako. May pasauli-sauli pa siya ng gamit na nalalaman; bwiset, ang sakit!
Binuhat ko iyong box, pero kinuha agad ni Gerald iyon mula sa 'kin.
"Ako na." He held the box with both of his wrist. "Ano ba 'to?"
I shrugged and started walking. "Mga gamit ko, sinauli niya." Sa kawalan na lang ako nakatingin.
"Seryoso ba? Gagong-gago ah. Baka nakonsensya nang kaunti kaya sinauli mga gamit mo."
I just shrugged. Ayoko ng magsalita pa at sumisikip lang ang dibdib ko 'pag usapang Johan. Tangina, sinayang niya iyong one and a half year ng buhay ko.
"Oh ba't mo pinunit?" Gerald asked.
Bumalik na kami sa kwarto ko, we were sitting on the floor, tinitignan iyong mga laman ng box. I first saw our picture together na kuha pa sa photobooth ng timezone; pinunit ko ito sa sobrang gigil.
"Ang panget ng mukha ko ro'n."
He laughed. "Parang never kitang nakitang panget."
I just rolled my eyes, pinagpatuloy ko ang pagtingin sa iba pang laman ng box. May photo album, phone case, relo, bracelet, belt, bag, s**t sobrang dami ko pa lang binigay sa kanya. I spoiled him so much, 'tapos ito lang isusukli niya sa 'kin? Pain!
"Dear Johan, happy first monthsary--"
"Hoy!" Inagaw ko iyong papel na hawak ni Gerald, I read the letters bago ito pinunit.
Gerald laughed. "Ba't mo pinunit? Sayang!"
"Nakakainis ka! Tsismoso!" Binato ko sa kanya iyong napulot kong bola sa box. Nasalo naman ito ng kamay niya, still laughing.
"Curious lang eh." Tinignan niya ulit iyong loob ng kahon. "Uy mayroon pa oh." Nilabas niya iyong mga papel na binigay ko dati kay Johan. There were so many love letters.
"Hoy Gerald! Akin na iyan!" Inagaw ko lahat ng papel na napupulot ni Gerald, habang tawa lang siya nang tawa.
"Dear..."
"Akin na!"
Inangat niya iyong papel, so I jumped on his legs, bumagsak siya sa sahig, kasama ako. I was lying on his chest, but I didn't mind. Inagaw ko pa rin sa kanya iyong papel na nasa kamay niya. I reached for his hands since mahaba masyado ang braso niya.
"Gotcha!" Finally, nakuha ko rin.
Nagtama ang mga mata namin. Saka ko lang napansin na sobrang lapit na pala ng mukha ko sa kanya. Kaunti na lang magdidikit na ang mga ilong namin. He was staring at me deeply. Natulala ako, hanggang sa naramdaman ko ang mabilis na t***k ng dibdib niya sa dibdib ko. Umalis ako sa ibabaw niya, umayos ako ng upo at tinago sa likod ko iyong mga love letters.
I sighed. "Wag ka ngang tsismoso!" Sinubukan kong ibalik ang pagtataray ko sa kanya, to ease the awkwardness.
He laughed, but it wasn't that genuine. "Dami mong love letters para kay Johan ah."
"Gano'n talaga. Love letters are the best gift you could ever give to your love ones." Inayos ko iyong nalukot kong damit, at saka nagsimula ulit kalkalin iyong kahon.
Tumahimik ang paligid kaya medyo na-awkward-an ako, but I chose not to mind. My room was really quiet and lonely, until Gerald bursted a laughter.
"Ano 'to Rinoa? What the f**k!" May inangat siyang panty mula sa box.
My eyes widened, hinablot ko iyon sa kanya at tinago sa likuran ko.
"It's a panty, obviously!" I rolled my eyes, kahit nilamon ako ng hiya.
"Ba't may panty sa box? Niregaluhan mo siya ng panty?" He was still laughing.
"Tingin mo?" I raised my right brow.
Umiling-iling siya, hanggang sa unti-unting nawala ang mga tawa niya. "Nevermind," aniya, still smiling.
Sinarado ko iyong box at nilayo sa kanya. "Tama na nga 'to. I shouldn't let you see what's inside. Hay naku!"
"You did already." He laughed again.
Umirap na lang ako at umiling-iling. It was a hurtful day because of Johan and an irritating day because of Gerald.
"Rinoa."
Nagmulat ako nang may yumugyog sa katawan ko. Napaupo ako nang bumungad sa harapan ko si Gerald. I looked at my wall clock, oh damn! Seven na, seven thirty ang first class ko.
"Male-late na tayo! Come on. Nagpuyat ka nanaman ba kakaiyak?"
Kinusot ko ang mabigat kong mga mata. I didn't respond to him. Dumiretso lang ako sa banyo ko at saka naligo. It was almost two weeks after Johan and I broke up, pero may mga times pa rin talaga na nami-miss ko siya.
There were times na hinahanap-hanap ko iyong good morning messages niya, iyong I miss you niya, iyong hug and kiss niya at lalong-lalo na iyong I love you niya. May mga times na naiiyak pa rin ako sa gabi, habang nakikinig ako ng mga sad songs; it was torture.
"Rinoa?" Gerald knocked on my bathroom door. "Pwede pakibilisan nang unti? Late nanaman tayo."
"Mauna ka na kasi!" Binilisan ko na ang pagsasabon ko.
Dahil puyat ako sa gabi-gabi kong pag-iyak. Madalas late ako sa klase at damay si Gerald, dahil kasabay ko siyang pumasok.
"You know I don't like that idea!" aniya.
Napairap na lang ako. Paulit-ulit ko ring sinabi sa kanya na wag niya na 'kong daanan. My family had driver, and I also know how to drive a car. Ewan ko ba sa kanya, gusto niya palagi kaming sabay.
"Edi bahala kang ma-late!" sambit ko, bago nagbanlaw.
Wala na akong narinig na respond mula sa kanya. I walked outside my bathroom, and there I saw him sitting on my bed, with his bored face.
Iyong mga uniform ko nasa kama na rin. He was always like that, sa tuwing late ako, siya na ang naglalabas ng mga kailangan ko habang naliligo ako. I wanted to be thankful, but I also wanted to stop him from doing those things kasi nakakahiya na para sa 'kin minsan..
"I told you not to wait for me, and this." Tinuro ko iyong uniform kong nasa kama. "You know you don't have to do this."
Tumayo siya at hinarap ako. I was wearing a robe and I was comfortable with him kahit pa swimsuit ang suot ko. That was how close I was to him.
"I told you to stop crying overnight for that cheater, and that." He pointed my uniform. "I told you it's okay for me to do things for you."
Suminghap ako. "Late ka nanaman dahil sa 'kin. I'm sorry."
"Wag kang mag-sorry, okay? Just stop crying for that man and things will get better." He sighed. "Magbihis ka na. Hintayin kita sa sasakyan."
Pinagmasdan ko na lang siyang lumabas ng pinto. I felt bad for him. Hindi niya naman na kasi kailangan pang gawin 'to but he kept on insisting.