Rinoa's POV
"Break na raw kayo ni Johan?"
Napairap ako sa tanong ni Trixie. Kahapon lang kami nag-break pero parang buong block mates ko na ang may alam. As if it was a big deal for them.
"Yeah." Nag-focus ko sa pagkain ko. Ayokong masyadong isipin si Johan dahil baka maiyak nanaman ako.
Ginawa ko rin nga ang best ngayong araw para lang hindi makita 'yong gagong Johan na 'yon. Iniwasan ko ang mga daan at lugar kung saan alam kong madalas siyang magpunta.
"Hala sis, kamusta ka?"
Sinamaan ko ng tingin si Trixie. "Mukha ba 'kong okay?"
Maga pa ang mga mata ko dahil sa pag-iyak kagabi. Tanghali na rin nga ako nakapasok dahil ang sakit ng ulo ko. Nagising akong sa malambot na kamang hindi ko naman kwarto tapos nasa tabi ko pa 'yong malinis kong uniform.
Thanks to Gerald, siya ang nag-iwan ng uniform at iba pang kailangan ko sa hotel. Dumaan daw siya kaninang umaga sa 'min para humingi ng uniform ko, buti wala sina mom and dad at ang katulong lang namin ang sumalubong sa kanya kundi paniguradong lagot ako.
"Oo nga 'no; hindi." Nang-aasar pa ang tono ni Trixie kaya lalo ko lang siyang inirapan.
"Bwiset na Johan 'yon. Napakamanloloko." Humigpit ang kapit ko sa tinidor. Sabi ko na nga ba at maling alalahanin pa ang lalakeng 'yon.
"Ano bang nangyari?" Trixie asked.
Uminom muna ko ng tubig para kalmahin ang puso kong sumisikip nanaman.
"Ayon, niloko ako ni gago." Ang pait ng boses ko, pero hindi ko talaga magawang maging matamis ngayon.
"s**t sabi ko na nga ba eh! Hitsura pa lang naman mukha ng fuckboy." Mas gigil pa sa 'kin 'tong kaibigan ko.
Binato ko siya ng tissue. "Wag ka masyadong maingay."
Tumawa siya at nagtakip ng bibig. Nag-peace sign pa siya na feeling cute.
"Oh tapos anong nangyari? Paano mo nalaman?"
Nilaro ko ang daliri ko. Ayoko na sanang pag-usapan pero pakiramdam ko gusto kong ilabas 'yong nagpapasikip sa dibdib ko.
"Nakipag-break siya sa 'kin." Kinurot nanaman ako ng dibdib ko.
Trixie's lips parted. "What the hell? Siya 'yong nagloko tapos siya 'yong nakipag-break? Ang kapal naman ng mukha niyon, pero pa'no mo nalamang niloko ka niya? Sinabi niya mismo sa 'yo?"
Umiling ako at uminom ulit ng tubig nang matuyo ang lalamunan ko
"Basta nakita ko na lang may kasama na siyang ibang babae." Yumuko ako. Parang pinipiga nanaman ang dibdib ko sa sikip.
"Seriously? May bago talaga agad siya?"
Tumango na lang ako. I didn't want to dig into my mind deeper at baka maiyak nanaman ako nang wala sa oras.
Gulat pa rin ang mukha ni Trixie. "Baka naman hindi niya bago 'yon? Baka friend lang tapos nag-conclude ka agad kasi kaka-break ninyo lang."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Tingin mo ba magco-conclude ako nang basta-basta?" I puffed a breath and stood. "O'siya, mauna na muna 'ko sa 'yo, girl."
Tumalikod na agad ako at hindi na hinintay pa ang sagot ni Trixie. Para kasi akong sino-suffocate ng mga tanong niya. As much as possible, gusto ko munang iwasang pag-usapan si Johan. Ang hirap kasi sa pakiramdam kapag masikip ang dibdib; it was actually the worst feeling for me. Ang hirap huminga; ang hirap umiyak; ang hirap kalmahin 'yong sarili, basta Johan was suffocating my heart.
Walang diresyon lang akong naglakad. Wala akong maisip puntahan kahit na mahaba pa 'yong lunch break. I checked my phone; Gerald texted me pala.
Kamusta ka?
Napangiti ako. Kahit kailan talaga hindi nakalimutang alalahanin ako. Buti na lang talaga ako ang naging best friend niya at napakaswerte ko.
I replied. I'm okay. Thank you :))
Nagpatuloy ako sa paglakad. Naisip kong makipagkita kay Gerald ngayong lunch kaso alam kong busy siya sa business plan niya lately at ayokong makaabala.
Nakarating ako sa school park kung saan maraming puno at mga upuan. Sa kalagitnaan ng paglalakad ko, napansin kong puro magjowa ang nandito. Mga nakaupo sa upuan at nagyayakapan.
I rolled my eyes. Mali atang dito ako nagpunta. Nagmadali akong maglakad paalis sa parke. Nakaka-bitter ang lugar na 'to, to be honest.
Nalaglag ang puso ko nang biglang may humablot sa 'kin mula sa gilid ng puno at halos lumuwa ang kaluluwa ko nang maramdaman ang mainit na halik ng isang lalake sa labi ko.
I tried to pushed him, but he was hugging me really tight. Nakapikit siya at ginalaw pa ang labi niya sa labi ko. Dilat na dilat naman ang mga mata ko at pilit siyang tinulak nang tinulak. I didn't even know him.
Dinilat niya ang isang mata niya at para siyang may hinahanap habang nakahalik pa rin sa 'kin.
I didn't stop pushing him until he finally free me. I slapped him.
"Who the f**k are you?!" Sigaw ko. Wala akong pake kahit pagtinginan pa kami ng ibang students.
Humawak siya sa pisnge niyang namula at saka siya mahinang tumawa.
"I'm sorry miss, dumaan kasi ex ko, gusto ko lang ipakita sa kanya na may bago na rin ako."
Umawang ang labi ko. Nagawa niya pang ngumiti sa harapan ko pagkatapos niyang halos patayin ako sa gulat.
I slapped him again. "f**k you!" Then I walked away.