bc

You may Now Kiss the Lust

book_age18+
2.3K
FOLLOW
9.6K
READ
billionaire
love-triangle
possessive
love after marriage
second chance
arrogant
CEO
twisted
bxg
cheating
like
intro-logo
Blurb

"I will get her back; by hook or by crook." - Geraldine Escañela

Geraldine Escañela was lucky to be born as the inheritance of their family's successful island resort, "Lust Paradise". Women would probably swoon over him,

but not all women.

Rinoa Samantha Aguilar; the loving best friend of Gerald, who also happens to be his greatest love.

Pero para kay Rinoa, ang isang kaibigan ay hindi kailanman dapat mauwi sa isang romantikong relasyon dahil makakasira lamang ito ng pinagsamahan. Kaya naman ginawa ni Rinoa ang lahat ng makakaya niya para hindi mahulog kay Gerald.

Then cheers to Nathaniel Zach Salazar; the man who won Rinoa's heart. The man who had the privilege to kissed Rinoa as his bride, and the man who fooled Rinoa's heart for so many f*****g years.

And so, Gerald was angry and he was eager to take Rinoa away from Nathan; from her husband.

Gerald planned to get Rinoa by hook or by crook, until Rinoa would finally kiss the lust.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Rinoa's POV "Break na tayo," Johan's voice was low. Nasa rooftop kami dahil dito kami madalas magkita tuwing lunch time. Pagkatapos naming kumain, pinatayo niya ako at saka niya sinabi ang mga salitang nagpira-piraso sa puso ko. Hindi ako nakapagsalita habang nakatitig lang sa mga mata niya. Nag-inet ang mga mata ko at nagsimulang mangilid ang mga luha rito; unti-unting nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. "Ano? B-bakit?" Walang maisip na salita ang utak ko. Tangina, nadudurog ang puso ko sa harapan niya at wala man lang akong magawa kundi ang tumitig sa nanlalamig niyang mga mata. Umiling siya. "Pagod na 'ko Rinoa; ayoko na." Lalo akong nanghina at tuluyang nawasak ang puso ko. Pumatak ang luha sa pisnge ko habang nakatitig pa rin sa mga mata niya. Wala siyang emosyon, kahit isang luha, wala man lang pumatak. Walang bahid ng pagod sa mga mata niya, hindi kagaya ng mga mata kong pagod na pagod na sa kakahabol sa kanya. "Ano bang nagawa 'ko Johan? Kahapon okay naman tayo--" "Baby." A woman showed up from Johan's back. "Sabi ni Sammy nandito ka." Pinalibot ng babae ang braso niya sa braso ni Johan. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Putangina, para silang kutsilyong pinagsasaksak ang puso ko hanggang sa wala na akong naramdaman; parang nanigas ang dibdib ko sa sobrang pikit. "Oh bakit kasama mo nanaman ex mo?" Tinignan ako nung babae mula ulo hanggang paa. Gusto ko siyang sampalin, gusto kong sabunutan ang mahaba at kulot niyang buhok, pero binaling ko na lang ang tingin kay Johan at doon tuluyan na ngang umulan ng luha sa pisnge ko. "Tangina mo," halos bulong na lang ang lumabas sa bibig ko. Yumuko siya. "I'm sorry Rinoa." Tapos hinawakan niya ang kamay ng babae at saka nila ako tinalikuran. Nanghina maski ang mga tuhod ko at napaupo na lang ako sa sahig habang pinagmamasdan silang umalis sa rooftop. Napakapit ako sa dibdib kong namilipit na sa sobrang sikip. Ang hirap huminga, nawalan ako ng lakas; bigla akong nawalan ng lakas, at ang tanging ginawa ko lang ay umiyak nang umiyak. Hindi ito ang eksenang inasahan ko. Akala ko kapag nahuli ko si Johan na may ibang babae, akala ko mabubogbog ko siya, akala ko masasaktan ko siya ng mga masasakit na salita, akala ko makakasigaw ako hanggang sa mabingi siya, pero hindi pala. Hindi ko pala kaya, kasi sobrang sakit. Sobrang sakit to the point na ang hirap ng magsalita, ang hirap huminga, ang hirap-hirap; ang sikip-sikip sa dibdib; tangina! Hindi na ako um-attend sa mga susunod na class. Graduating kami, pero bigla akong nawalan ng pake. Nakakapanghina ang ginawa ni Johan. Putangina niya, dinurog niya ako nang sobra. Nanatili lang ako sa rooftop hanggang sa maubos na ang mga luha ko. Paulit-ulit akong huminga nang malalim pero puta ang sikip pa rin ng dibdib ko hanggang sa bumagsak nanaman ang mga luha sa pisnge ko. Ayoko ng umiyak. Letse tama na please. Bakit ba ako iyak nang iyak? Matapang ako. Hindi dapat ako nasasaktan ng ganito. s**t. Napatingin ako sa orasan at malapit ng mag-uwian kaya kahit nasasakal pa rin ang dibdib ko, pinilit kong patahanin ang sarili ko. Baka may magpunta ng mga students dito at makita nila kung gaano ako katanga. Huminga ako nang malalim at saka bumaba sa rooftop. Nakayuko lang ako sa paglakad. Wala ng luha sa mukha ko pero ramdam ko ang bigat ng mga mata ko. Walang dapat makapansin na umiyak ako, lalo na ang best friend kong si Gerald. Siguradong magagalit nanaman iyon sa katangahan ko. Ilang beses niya na akong binalaan tungkol kay Johan, pero hindi ako nakinig. Mahal ko eh, sabi nila kapag mahal mo dapat hindi ka nakikinig sa sinasabi ng iba kasi makakasira lang 'yon sa relasyon ninyo. Eh malay ko bang si Johan pala mismo ang sisira at hindi ang mga sabi-sabi ng mga tao. Dumiretso ako sa banyo and as expected may ilan ng mga students na nagpapaganda at nagre-retouch. Buti na lang hindi ko sila kilala kaya nakisalo na rin ako sa malaking salamin. Shit! Para ngang kinagat ng ipis ang mga mata ko. Huminga ako nang malalim at saka kinuha ang makeup pouch sa bag ko. Pinatungaan ko ng makapal ng make up ang paligid ng maga kong mga mata at saka ako naglagay ng tint sa lids ko. Kaunting ngiti ang sumilay sa labi ko nang makitang kahit papaano ay hindi na halatang umiyak ako. Bumagsak din agad ang mga labi ko nang may tumusok nanamang kung ano sa puso ko. Nagtungo na lang ako sa isang cubicle at saka hinabol ang hininga ko. Tangina; kahit anong pigil ko sa utak ko, iniisip pa rin nito si Johan at 'yong babae kanina. Grabe iyong pinamukha niya sa 'kin; lahat binigay ko sa kanya, tapos iyon lang iyong ipapalit niya? Niloko niya lang ako. Tumingala ako nang nag-inet nanaman ang mga mata ko. Umiling-iling ako at nagbuntong hininga. Hindi na ako pwedeng maiyak, maganda na ang ayos ko at hindi na pwedeng masira nanaman 'to. Malalim na hinga ulit ang binuga ko bago ako lumabas sa cubicle. Nakayuko lang ako at hindi na tinignan ang ilang students sa harap ng salamin. Palabas na sana ako sa entrance ng comfort room pero biglang may humarang sa daan ko. Wala siyang pinalagpas na space at siniguradong hindi ako makakalabas. Tumalon ang puso ko nang makita ang pamilyar na black shoes ng taong nakatayo sa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin at nakumpirmang si Gerald nga ito. Tagos ang titig niya sa akin, pero bakas ang concern sa mga mata niya. Napalunok ako at saka muling nag-iwas ng tingin sa kanya. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Hindi ba siya nahihiya sa mga babaeng nasa c.r? Tumingin ako sa likuran ko; mukha namang walang pake ang mga babae at mas lalo pa ngang lumawak ang ngiti nila. Kitang-kita ko ito sa reflection ng salamin. "Anong nangyari sa 'yo?" Seryoso ang boses ni Gerald na nagpatuyo nanaman sa lalamunan ko. I cleared my throat. "Ha? Wala naman. Ikaw anong nangyari? Bakit nandito ka?" Gerald sighed before grabbing my hand. Hinatak niya 'ko papuntang parking lot nang hindi ako kinikibo. Nagpahila lang ako sa kanya habang nakatingin sa likuran niya. He was upset; I could tell that. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger's seat kaya pumasok na ako. Tinuon ko agad ang atensyon sa bintana habang nagsisimula ng magkarera ang dibdib at puso ko. I flinched with the loud sound of his door when it closed. Hindi ko siya tinignan. Nangilid nanaman kasi ang mga luha ko at ayokong makita niya ito. Oo na, tama na si Gerald; dapat nakinig na lang ako sa kanya. Minsan niya ng sinabi noon na nahuli niyang may kasamang ibang babae si Johan. I confronted Johan about at sinabi niyang pinsan niya lang ito. It was such a shame I believed Johan more than him. "What happened Rinoa?" He broke the silence. Huminga ako nang malalim at nanatiling nakatingin sa bintana. "Wala nga." Pasimple kong pinunasan ang luha sa pisnge ko. "Saan ba tayo pupunta?" Hindi ko pa rin siya tinignan. He sighed. "Come on Rinoa! Six years na kitang kilala. Kabisado ko na kapag may problema ka." Mariin akong pumikit at sinigurado ko munang wala ng luhang papatak bago ako dumilat. Sumilay ako sa kanya; parang nakuryente ako sa mga mata niya kaya agad din akong umiwas. Nilaro ko ang mga daliri ko. "Tingin mo ba." I couldn't admit it myself. "What's my problem?" "Isa lang naman palagi mong problema, Rinoa. Edi tama nga ako, si Nathan nanaman?" Kagat labi akong tumango. "B-break..." I squeezed my eyes closed. Ang hirap sabihin, s**t. "Break na kami." Napatalon ang pwetan ko ng hampasin niya ang manebela. Tinignan ko ulit siya at umiling-iling ang mukha niyang iritado. Hinilamos niya ang palad niya sa mukha niya bago ako muling tinignan. "Where do you want to go?" Umawang ang labi ko. "Ha?" Nanigas ang katawan ko nang idampi niya ang mga daliri niya sa pisnge ko at hinimas ito na para bang may luha ako kahit wala naman. Para niya akong tinutunaw sa titig niya pero ilang segundo lang ay umiling siya at saka umayos ng upo. Huminga siya nang malalim. "Nagpustahan tayo noon diba? Kapag tama ako sa paratang ko kay Johan, ililibre mo 'ko. Kapag naman tama ka, ako ang manlilibre sa 'yo." He shrugged. "You lose. Saan mo 'ko gustong ilibre?" Natawa na lang ako kahit ramdam ko pa ang sugat sa dibdib ko. "Hindi ka galit, Gerald?" Hindi gano'n ang in-expect kong magiging reaction niya. "Syempre galit ako. Nasaktan ka nanaman, paanong hindi ako magagalit?" Umiwas ako ng tingin. Nahihiya ako kay Gerald dahil hindi ako naniwala sa kanya. Mas pinili kong paniwalaan 'yong gagong Johan na 'yon kaysa sa kaibigan kong anim na taon ko ng kilala. Tangina, sobrang natatanga talaga ako pagdating sa letseng pag-ibig na 'yan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Taming His Heart

read
46.5K
bc

THE ELUSIVE BADBOY

read
37.6K
bc

The Greek Badass' Addiction

read
58.6K
bc

Law of Love (Buenaventura Series #1)

read
40.6K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
86.8K
bc

Black Eagle II: Issho ni Itai, Alexander Amigable (Rated18)

read
23.4K
bc

Bewildered Love [SPG]

read
56.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook