Gerald's POV
Pareho kaming nakatingin sa kawalan ni Rinoa. Nagpunta na lang kami sa rooftop ng hotel na pagmamay-ari ng magulang ko. Paborito kasi namin itong tambayan noon pa man dahil sa maganda nitong view, lalo na kapag gabi na kitang-kita ang nagliliwanag na mga bitwin.
Ginabi na kami dahil dumaan pa kami sa mga fastfood at seven eleven para mamili ng mga pagkain at alak. Kung pwede nga lang sa Lust Paradise ko siya dalhin, eh doon ko siya dinala kaso malayo at hindi pwede kasi pumapasok pa kami.
"Panget ba 'ko Gerald?"
Hindi ko na mabilang kung pang ilang beses na 'kong tinanog ni Rinoa kung panget ba siya at paulit-ulit ko rin naman sinasabing maganda siya. Iba talaga kapag nakainom siya, mas dumodoble ang kulit niya sa pagtatanong ng mga bagay-bagay na alam niya naman na ang sagot.
"Maganda ka nga, Rinoa. Pansampong tanong mo na 'yan."
Nakatingin lang siya sa kawalan habang nakatitig naman ako sa maganda niyang ilong. Kung tutuusin nga, siya talaga ang pinakamagandang babae para sa akin.
"Sinungaling ka," hasik niya nang hindi ako tinitignan.
Napailing na lang ako. Ilang beses ko na kasi siyang binalaan tungkol kay Johan pero hindi pa rin siya nakinig. Kung alam niya lang, nasasaktan din ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan.
Siniko ako ni Rinoa. "Anong iniisip mo?"
Nagtama ang mga mata namin. Namumugto pa rin ang mga mata niya at nakakatamlay lang talaga na wala akong magawa para protektahan siya sa mga lalakeng manloloko. Hindi kasi nakikinig lalo na kapag mahal niya talaga iyong tao. Ilang ulit siyang magbubulag-bulagan bago niya mare-realized na nagiging tanga na siya.
"Ikaw," sagot ko.
"Anong ako?" Kumunot ang noo niya. "Tinatanong mo ba 'ko pabalik?"
I smiled and shook my head. "Ikaw ang iniisip ko, Rinoa."
Umiwas siya ng tingin at muling tumungga ng Black Daniels. Nakailang tagay na siya at gusto ko na sanang agawin 'yong bote sa kanya pero alam ko namang hindi pa rin siya magpapaawat. Hayaan ko na lang muna siyang magpakalasing, dahil siguradong gusto niya lang takasan ang sakit na nararamdaman niya.
"Sorry..." She bowed her head.
"Anong sorry?" I asked.
Kinusot niya ang mga mata niya. My hand was about to wrapped itself on her, but my mind stopped me.
"Hindi ako nakinig sa 'yo." Hindi niya nagawang tumingin sa akin. "Inisip ko na nagsisinungaling ka lang, dahil gusto mong masira ang relasyon namin." She sobbed. "Dapat naniwala na lang ako sa 'yo." Her voice cracked.
Lumambot ang puso ko at inakbayan na siya. I started hearing the sound of her cry and it was breaking my heart.
"It's okay Rinoa. We make mistakes and that's okay." Sumikip din ang dibdib ko.
Bakit ba kasi hindi na lang ako mahalin niya? I will never play with her heart, so why not choose me? Hell yeah. Hindi ko rin alam kung paano aamin lalo't kada bumabanat ako, eh binabara niya lang.
Umiling-iling siya at lalo pang lumakas ang hagulgol. "Gerald ang sakit... b-bakit ganito? Bakit ang sakit-sakit?"
Hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Kung pwede nga lang akuin ang sakit na nararamdaman niya, inako ko na.
"Okay lang 'yan Jem. Normal lang 'yan; iiyak mo lang lahat and soon you'll feel better." Hinalikan ko ang sentido niya.
Pakiramdam ko pati ako broken hearted habang pinagmamasdan siyang umiyak. Tangina, ang sakit na nakikita kong umiyak si Rinoa tapos wala akong ibang magawa kundi ang yakapin lang siya nang mahigpit at i-comfort siya.
Hindi ko naman pwedeng angkinin 'yong sakit tapos putangina hindi naman ako ang mahal niya kaya kahit anong gawin ko, band-aid lang ako na pantulong para kumalma ang pagdurugo ng puso niya, pero hindi ako nakakatanggal ng sakit kasi hindi naman talaga ako ang kailangan niya, and I badly want to be the person she needs to ease the pain.
Niyakap ko lang siya at tanging hagulgol lang ang bumalot sa rooftop. Nakapikit lang ako para mapigilan na rin ang pangingilid ng mga luha ko.
Hinimas ko lang ang likod ni Rinoa hanggang sa unti-unti ng humina ang hagulgol niya. Kinusot niya ang mga mata niya kaya inabotan ko siya ng panyo. Kinuha niya ito nang hindi ako sinisilayan.
"How do you feel, Rinoa?"
Nagkibit balikat siya at agad na pinunasan ang pumatak nanamang luha sa pisnge niya.
Tumayo siya at kinuha ang kamay ko.
My brows crossed as I looked at our hands together.
"What are you doing?" I asked.
Sumilay ang ngiti sa labi niya pero lalo namang namaga ang mga mata niya. Hindi siya nagsalita at hinila ako patayo. Hindi naman ako nagpabigat at sinakyan ko na lang ang trip niya.
"Now what?" Pinagpag ko pants ko habang nakatingin pa rin sa kanya.
Tumingala siya at tinuro ang mga bitwin. "Naalala mo dati?" She was bitterly smiling. "Sabi mo sa 'kin, kapag nalulungkot ako, tumingin lang ako sa mga bitwin kasi sa sobrang ganda ng mga 'to, siguradong mapapangiti ako."
Napangiti ako nang maaalala nga iyon. Totoy na totoy pa ako niyon at sinabi ko lang 'yon kay Rinoa, para lang masabi na magaling akong magpayo, pero hindi ko naman sukat akalaing tatatak iyon sa utak niya.
I nodded. "Naaalala mo pa pala 'yon."
Lumawak ang ngiti niya at sa wakas nakita ko ng muli ang napakaganda niyang dimple sa pisnge.
"Syempre." Her eyes were fixed on the stars. "Maganda kasi talaga sila."
Kumunot ang noo ko nang nawala ang ngiti sa labi niya. Binalik niya ang tingin sa akin.
"I'm sleepy Gerald... I want to..." She passed out. Nasalo ko agad siya at isang malalim na hinga ang nabuga ko. I carried her like a bride. Marami nga talaga siyang nainom dahil amoy na amoy ko ang hininga niya.
Nagkaroon ako ng chance na titigan siya nang mas malapitan. My heart started thudding loudly. Sobrang amo ng mukha niya at hindi ko maisip kung bakit may tao pa ring sinasaktan siya. She was fragile inside and out; she should have been treated with extra care.
Napunta ang tingin ko sa manipis at mapula niyang labi. Umiling-iling ako at nagsimulang maglakad. Buti na lang may room sa hotel na 'to na specifically for Escañela family. Doon ko na lang muna siya patutulogin at available naman 'yon.
Nakahinga ako nang maayos nang nailapag ko na siya sa kama. Ininat-inat ko ang mga nangalay kong braso. Rinoa was tall and sexy, no wonder she was really heavy.
Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang inosente niyang mukha habang natutulog. Hinawi ko ang humarang na buhok sa mukha niya.
I kissed her forehead before looking back on her sweet sleeping face.
"I love you Rinoa," I whispered.