Plan Seventeen

2282 Words
Plan Seventeen Her Plan “Maryaaaaan! Dadalaw ka ah?” Nagkatinginan kami ni Erinne. That earned Gino a slap on the head from his not so caring wife. “Para ka namang ilalayo ng ilang daang century sa kapatid mo. Haler, Gino, magkikita pa kayo sa Mafia. Agent mo kaya siya. Tigilan mo nga ‘yang drama mo at baka tuluyan pa kita ng wala sa oras.” Nailing ako’t napairap. Itong dalawang ito talaga. “Sige na, d’yan na kayo. Lalayas na ako.” Hinila ko na ang maleta ko palabas ng bahay hanggang sa dalampasigan. Sunod silang dalawa sa akin. Si Gino buhat si Calila na kumakaway naman. “Ibigay mo sa akin ang address mo para nadadalaw kita paminsan-minsan.” Nanlaki ang mga mata ko. Maryosep, baka nga hindi lang paminsan-minsan ang dalaw nitong hinayupak nito kapag nalaman niya ang address ko. “N-No, ‘wag na. Ako na lang ang dadalaw. Don’t worry dito ako pupunta kapag wala na akong makain.” “Iyon naman pala eh. Malamang madalas ‘yang si Cloud dito dahil madalas mawawalan ng pera ‘yan.” Pinaningkitan ko ng mata si Hime na nagkibit lamang ng balikat. Anong klaseng bestpren ang nanglalaglag ng kaibigan niya? Walang kasing-sama. Hindi naman ako araw-araw nawawalan ng pera ah. Every another day lang. ‘Di ba? “Sige na, sige na. Aalis na ako.” “Hindi ka gagamit ng kotse?” tanong ni Gino na akma nang ilalabas ang susi sa bulsa niya nang umiling ako. “Hindi na. Bus na lang.” Kaya hayun, nag-bus na naman ako for the nth time. Nakahanap kasi ako kahapon ng narerentahan na bahay na mura at kaya ng budget ko na kinikita ko pa lang naman sa Sapori. Wala pa akong sweldo mula sa Mafia since hindi pa naman talaga ako nag-uumpisa sa misyon. Ang bagal nga eh. Bumaba ako sa may malapit sa Mini Stop. Malapit na rin kasi ‘yon sa street na kinalalagyan ng bahay na narentahan ko. Bumili ako ng chilz na dark chocolate saka ako naglakad ulit hila-hila ang maleta ko. Tumapat ako sa gate na kinakalawang. Saklap. Pagkatulak ko, bumigay ‘yon at bumagsak. Napanganga ako. Hindi makapaniwala, sinipa-sipa ko pa ang gate. Grabe. Pambihira naman. Porke ba mura ang renta, iyong bulok na bahay talaga ang ibibigay sa akin? Asar! Pumasok na ako sa loob. Frontyard muna na hindi naman kalakihan ‘tapos bahay na gawa sa kahoy. Sa unang tapak ko pa lamang sa kahoy, nag-c***k kaagad. Tumuloy lang ako kahit napapangiwi na. Hindi na pinapansin ang squeaking sound ng sahig kahit nakakabahala. Ang problema nga lang, sa ikaapat na hakbang ko’y bumigay na ng tuluyan ang kahoy. Dahan-dahan kong inangat ang paa ko na pumasok do’n sa nabutas na sahig. Tinitigan ko ang butas. Pambihira. Sa sobrang luma at sobrang rupok at sobrang dumi at sobrang liit… Ako lang ata ang makakapag-tyagang tumira sa bahay na ‘to. *** Pagkatapos kong magpalipas ng gabi sa matigas na papag eh luckily, nakapasok naman ako ng healthy sa school. Nasa studio kami ng mga babaeng ewan na nagkukulitan at nagtsi-tsismisan. Iyon eh nang dumating ang isang babaeng hindi ko mawari kung babae talaga. “Oh hello everybody, I am the new transferee student from Venice. I am Mina, very nice to meet you all!” Tumaas ang kilay ko. Venice pa. Hindi naman siya mukhang nanggaling sa Venice. I-Venice ko kaya siya sa pader? “È bello incontrare anche voi.” I c****d my head to the side nang magtinginan sila dahil sa pagsagot ko. Hinanap niya ako sa mga nagkumpulang miyembro, nakakunot-noo siya. “Excuse me?” “Sabi ko it’s nice to meet you too. I said it in Italian, I thought being from Venice Italy makes sense.” Mukha siyang napahiya. Ang ibang tao roon nagpipigil ng tawa, ang iba’y nakangisi. Kasi naman. Ang sabi nga ni Rizal hindi ba? Ang kung sinumang hindi magmahal sa sarili nilang wika ay mas mabaho pa sa malansang isda. Ang isang ito? Hindi lang lansa ang naaamoy ko rito. Mukhang kasing-sangsang ito ng mga bagong bangkay sa sementeryo, ah. Sa pagkamangha ko’y may gana pa siyang mang-irap at magayway ng buhok. “I didn’t know na may nakakapasok palang mga katulad n’yo rito.” She said, obviously pertaining to us. “Grabe ah. Ano ka ba, nagtipid sa tela?” ngisi niya kay Renee bago buong tapang na bumaling sa akin. “And you? Are you the queen of simplicity? You’re soooo plain and simple. Maybe you dress to fit your attitude. Maybe you’re extremely boring.” Nagtawanan ang ibang member ng music club na nasa studio. Nakitawa rin siya ng mag-isa. Ngumis ako bilang panunuya na sinimangutan niya. Nakita kong pumasok si Xena kasunod si Savier kaya binalak ko sanang pigilan ang sarili ko sa pagsasalita ang kaso’y huli na. “At least we don’t look like a colorful hanger na sinabitan ng kung anu-anong makikintab na sinampay na alahas that doesn’t obviously compensate with your true skin.” Nagtawanan ng sobrang lakas sina Fifie at Denden. Si Renee, mahina pero tumawa pa rin. Lakas lang ng hagalpak ng mga lalaki sa room even Xena na mahina nga pero tumatawa pa rin. Napapadyak siyang parang bata. “How dare you!” Bata lang ang peg? Uso pala itong ginagawa ni Gino sa bahay. Iyong magpadyak na parang batang hindi nabilhan ng kendi. “I love dares. Care giving me one?” “Argh! Ang panget mo!” “Excuse me? Sarili mo ba ang tinutukoy mo?” hindi na napigilang sumabad ni Fifie. “Kasi si Maryan no make up eh dyosa na. Ikaw may make up, palaka pa rin.” Lahat sila’y nagtawanan. Nakita kong bubuka sana ang kanyang bibig upang sumagot nang tila may mapuna siya sa kanyang kaliwa. Nakita kong sumentro ang kanyang pokus kay Savier. Nasaksihan ko rin ang biglang pagniningning ng kanyang mga mata. “Oh my Savier honey!” singhap niya sabay takbo at kapit sa kamay at braso ni Savier na parang palakang tuko. Meron pala no’n? “Sino ka naman?” nakakunot ang noong tanong ni Savier na mukhang genuine ang kalituhan. “Don’t you remember me? I’m Mina. The one you slept with last night.” Lahat sila’y suminghap. Napairap lamang ako. Inasahan ko na ‘yan. Pero nag-aalala akong tumingin kay Renee. Nanigas siya sa kinauupuan niya. Pagkatapos ay tumayo at umalis. Tinignan ko si Savier. Wala siyang reaksyon. Ni hindi man lang hinabol ng kumag. Impakto talaga. Tumayo na rin ako at naglakad palabas para habulin sana si Ren nang hablutin ni Savier ang braso na nagpatigil at nagpagulat sa akin. Mula sa gilid ay kita ko ang pagtiim ng kanyang bagang subalit hindi naman siya tumitingin sa akin. Hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos simula noong huli kaming nagkasama para mag-imbestiga. Alam niyang imbyerna pa rin ako sa ginawa niya kay Renee sa Sapori noon. Pagalit na inalis ko ang hawak niya sa braso ko saka nagmadaling lumabas. Natagpuan ko sa labas ng tea house si Renee at umiiyak ng tahimik. Sinusubukan niyang punasan ang mga luha niya pero balewala rin dahil sa bawat luhang mawawala ay may papalit na dalawa o higit pang mga patak. Napahinga ako ng malalim. “Renee.” “Nakakasawa na.” Hikbi niya. “Namamanhid na ata ako, Maryan. Alam ko naman ‘yon eh. Pero sana naman ‘wag na niyang ipamukha pa sa akin. Naiinis ako na kailangang may iba pang babaeng dinadala niya sa kama bukod sa akin. Am I not enough, Maryan? Hindi pa ba? Ano pa bang kulang?” Sa loob-loob ko’y pinapatay ko na ng paulit-ulit si Savier. Ulagang ‘yon. “Walang kulang. Sobra na nga eh. It’s just too much that he isn’t worth all of your efforts.” Lumapit siya at tumakbo papunta sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit at doon sa balikat ko, umiyak siya na parang bata. “I can’t do this anymore. Ayoko na, nagsasawa na ako.” “Susuko ka na?” kasi kung oo, magce-celebrate na talaga ako ng todo at mag-aalay ng bulaklak sa lahat ng santo dahil natupad ang hiling kong matauhan na ang gagang si Renee. Pero sa kasamaang palad, umiling-iling siya. “Hindi ko pa alam. Siguro pakikiramdaman ko na muna ang sarili ko bago ako mag-desisyon. Ayokong pagsisihan ‘yon. Sa ngayon, Maryan, gusto ko na munang umuwi.” Wala akong nagawa kung hindi tumango. “Sasabay na ako. Kukunin ko lang ang gamit mo sa studio.” Humiwalay na ako sa kanya at pumasok sa building. Tuloy ako sa studio na naghintuan ang ingay nang ako ay sumulpot. Tahimik kong kinuha ang dalawang bag na nakalagay sa upuan. “Sa’n ka, Cloud?” usisa ni Fifie. “Sasabay pauwi kay Ren.” Tumayo si Xena at lumapit. “Sasama na ako sa ‘yo.” “Yeah sure.” Umalis kami sa studio, iniwang tahimik ang mga tao roon. Ngumisi lang iyong babaeng hanger nang madaanan namin pero iyon lang. Hindi ko na pinansin at baka mabura ko ang mukha niya ng wala sa oras. Nang makita ni Ren si Xena ay ngumiti siya rito. “Sasabay ka rin?” Nakangiting tumango si Xena. “Yep. I can’t let the two of you go without a guy.” At doon natapos ang araw ko. De, joke lang. Pagdating kasi namin sa bus stop pinagtulakan ko si Xena kay Renee dahil ayokong makita ni Xena ang bahay kong bulok. Kaya’t noong pauwi ako eh nagpunta ako sa Mini Stop para bumili ng chilz at para na rin tignan kung sumunod sila sa akin o hindi. Pagkaubos ko ng limang cup ng chilz, (eh sa nakaubos ako ng limang cup eh) umuwi na kaagad ako. Pagkabukas ko ng gate tumumba ‘yong kinakalawang na bakal sa kanan. Wala na akong gate. Natuluyan na. “Oh my gosh! Like… like… Maryan Heather? Is that you?” Uninterested akong tumingin sa maarteng ‘yon. Nakita ko si babaeng hanger na amused na amused na nakatingin sa akin. Mapangutya siyang nagtawa. “Grabe ha? Waitress ka na nga ‘tapos dito—as in dito sa bulok na bahay na ‘to—ikaw nakatira. Oh my gosh! Like… eeeew!” Nginiwian ko lamang siya. Eeww mo mukha mo. Gagang ‘to. Pumasok ako sa bahay ko without a care in the world kung tumawa siya o hindi. Pakialam ko sa kanya? His Plan “Narinig mo na ba?” “Si Heather nga raw ‘yon. ‘Yong gangstress na nagtatrabaho sa Sapori ‘tapos nakatira ro’n sa sobrang low class na bahay.” “Gosh, nakakahiya talaga ‘yon. As in puro kalawang t’saka ang dumi.” “At ang liit! I heard puro anay daw meron do’n eh.” Napabuntong hininga ako at napaikot ang mata pataas. All of a sudden, Yan-yan’s pitiful house is trending. Hindi ko talaga maintindihan. Bakit ba kailangan pang pag-usapan ‘yon? Kailangan ba talagang ipagdiinan pa na iyon lang ang kayang ma-afford ni Yan-yan sa ngayon? Kung pwede ko nga lang silang patahimikin, kanina ko pa ginawa ‘yon. “Pwede bang tantanan n’yo na si Heather?” ang gulat ko nang biglang sumigaw si Xena na nakasimangot. Lumunok ako. May kung anong kakatwang bagay ang tumutusok sa dibdib ko nang makita si Xena na ganoon ang reaksyon. Ngunit itinago ko iyon sa pamamagitan ng pagyuko’t pagngisi. “What’s wrong? Heard a handful?” Maski hindi ko tignan, nararamdaman ko ang pagsimangot niya’t pagkabadtrip niya. “Hindi, pare, eh. Kasama ko si Maryan kahapon ‘tapos pinilit niya akong si Renee na lang ang ihatid ko imbis na siya, ‘yon pala ayaw lang niyang ipakita ang lagay niya. She doesn’t deserve any of these gossips.” I was immediately alarmed by his tone. He sounds so… concerned. At lalo lamang akong naalarma nang tumayo siya. “S-Saan ka pupunta?” Isinukbit niya ang backpack niya. “Pupuntahan ko si Heather, tutulong ako.” “A-Ano? Bakit?” “Pare, I’m capable of helping. Sa ayaw at sa gusto ni Heather tutulungan ko siya. Kahit tumanggi siya, hindi ko hahayaan. Espesyal ang babaeng ‘yon, tol.” Espesyal. Pakiramdam ko’y bigla akong nabingi. Ayokong pag-isipan ng masama si Xena pero hindi na talaga maganda ang kutob ko. “Bakit? Anong espesyal kay Yan-yan?” Ako lang ang tumatawag na espesyal sa Yan-yan ko. Ako lang ang may karapatan! Natigilan siya. Tumingin siya sa akin. Doon pa lamang ay alam ko na. Hindi na niya kailangan pang magsalita. Tumiim ang bagang ko. “Kapag tinulungan mo si Maryan, tapos na ang pagkakaibigan natin.” Ngunit parang pati iyon ay wala nang epekto pa sa kanya. “Bahala ka kung anong gusto mong gawin, Savier. Hindi kita pipigilan. Kailan ba kita napigilan? Pero gagawin ko ang gusto ko at wala kang magagawa roon, Savier.” Saka niya ako nilayasan at iniwang nakatunganga. Nasapo ko ang dibdib ko para pahupain kung anuman ang sumasakit doon na hindi ko maintindihan. Sa lahat naman ng babaeng pwede kong ibigay sa kanya, bakit ba si Maryan pa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD