Plan Sixteen

2794 Words
Plan Sixteen Her Plan “Wala na ang mga Marasigan dito. Ilang buwan nang hindi nagbabayad ng renta ang mga ‘yon kaya nung isang buwan ay napaalis ko na. Ano bang kailangan n’yo sa kanila?” The weirdest thing in this planet is this exactly. Bakit kapag hindi nakakabayad ng renta pinapaalis na kaagad? Hindi ba pwedeng magbigay ng chance para makabayad? Hindi naman aalis ang bahay ah. “Hindi n’yo ho ba alam kung saan sila pwedeng magpunta?” tanong ni Savier na malamang ay alam na hindi ako sumasagot at nagtatanong kapag ganyan ang kausap. “Eh ano namang pakialam ko kung saan lilipat ang mag-anak na ‘yon?” pataray pang sagot ng ale na puno ng bukbok ang mukha. Aba. Kaunti na lang babasagin ko na ang bungo nito. “Ate, nakalunok ka ba ng bubog?” Tumingin sa akin ang ale na nakataas ang kilay ngunit bakas sa mukha ang gulat nang bigla akong magsalita. “B-Bakit?” “Mukha kasing nagkaroon ng side effect sa mukha mo, nag-create ng sabog na bubog sa dami ng bukol.” Bumuka ang bibig niya na para bang hindi makapaniwala. Hindi ko na siya hinintay na sumagot at nilakad ko na rin ang madilim na kalye ng village na ‘yon. Nang tumapat ako sa isang bahay at nag-doorbell, wala ni isang tao man lang ang sumilip. Maski nga yata ang mga ibon ay masyadong abala para sumilip. Ang creepy tuloy nitong lugar. Wala kami sa Underground district pero lahat ng bahay sarado ‘tapos lahat din ng ilaw nakapatay. Ilaw lang halos ng poste ang nagbibigay liwanag sa madilim na subdivision na ‘yon. “Hoy, maghintay ka nga.” Angal ni Savier na nakasunod sa likuran ko. “Paalala lang, may kasama ka.” “Nakaka-badtrip. Paanong nangyari na walang kumukuha ng katawan no’ng biktima sa morgue ng kahit na isa sa mga kamag-anak niya eh nailabas na sa media ang tungkol sa kaso? Ano sila, nasa labas ng planeta para hindi man lang makaabot sa kanila ang pagkamatay ng anak nila?” Nakita kong kumunot ang noo niya. “There’s probably a reason.” Napahinto ako sa paglakad. Sumama ang kutob ko. Lumingon ako sa kanya. Bukod sa si Savier lang naman ang nakasunod sa akin, parang pakiramdam ko may mga aninong gumagala sa buong lugar bukod sa mga anino namin. “May problema?” kunot-noong tanong niya. I glanced around the houses. There were tall ones, medium sized and ordinary but still, dark. It’s night time, granted. Pero wala ba silang mga ilaw man lang sa mga kabahayan nila? Given na walang ilaw ‘yong iba o nagpapatay ng ilaw kapag natutulog, bakit lahat sila gano’n? Ano bang mali sa subdivision na ito? “Pakiramdam ko may nanonood sa atin.” Nanlalaki ang mga matang tumingin siya sa akin. Natigilan, nanigas sa kinatatayuan at parang nagpipigil na luminga-linga. Mayamaya’y hinatak niya ang braso ko at nagpatuloy sa paglalakad na tila walang nangyari. When we stumbled in an enclosed wall, hinatak niya ulit ako para magtago roon. Bago ang eskinita ay may mga nakahilerang kotse kaya’t sa palagay ko, hindi nila kami nakitang pumasok doon—kung sinumang mga impakto ang sumusunod sa amin. Pinanood namin ni Savier ang kalyeng iniwanan namin mula sa pader. Matagal-tagal pa bago namin makita ang mga iyon—mga aninong mabibilis pa sa kidlat na naggagalawan. Sa sobrang bilis, ni hindi ko nabilang kung ilan ang mga iyon. “Ninja?” magkapanabay na bulong namin sa isa’t-isa. Kung hindi ko natakpan ang bibig ko siguradong tumawa na talaga ako ng sobrang lakas. Sino ba naman kasing mag-aakalang meron pang mga ninja sa modern century? Common sense na lang oh. Wala na n’yan. “Sa’n galing ‘yan?” pabulong kong tanong. Malay natin baka alam niya. “Probably from N.T.P. At sigurado ring ikaw ang habol nila.” Napaisip ako. Palagay ko’y tama si Savier. Hindi naman kasi nakikialam ang NTP o Ninjas Training Program sa ZAFT o Mafia o sa kahit na anumang government feds. Pero all of a sudden, bigla na lang naging interesado ang NTP sa mga kriminal na may mga patong sa ulo nitong mga nakakaraang buwan. Sa tingin ko, dahil kasi iyon sa frustration nilang makilala bilang independent federation gaya ng Knight Empire, ZAFT at Mafia. Kaya ngayon, lahat ng ninjas na sinasanay nila ay nagiging bounty hunter na rin. And that made them the largest group of bounty hunters ever existed in the country. “Gaano na ba kalaki ang patong ko sa ulo?” kunot-noo kong tanong habang pinapanood ang anino sa kalsada na patuloy sa paglalaro at paghahanap. “Sabihin na lang nating instant billionaire sila kapag nahuli ka whether a dead meat or alive and kicking.” I rolled my eyes upward. “Oh. De palakihin na natin.” Saka ako buong-tapang na lumabas mula sa pader. Napansin kaagad ako ng isang tao na nababalutan ng itim ang buong katawan maski mukha. Nang umatake ako gamit ang Mafia embossed na patalim, nasanggi niya ‘yon ng sarili niyang balisong. Umarko ang kilay ko. Abaaa. Mula sa harapan, nakita kong may pasugod pang isa. Mabilis akong nakipagpalitan ng pwesto sa sumasanggi sa akin at saka ginawaran ng patalikod na sipa ang kasamahan niyang inambaan na ako ng suntok. Iyong patalim kong nakikipagtagisan sa balisong ay dumulas, binigyan ko iyon ng dagdag na pwersa. Itinulak ko, nang aksidenteng tumapat sa kanyang leeg ay agad kong nilaslas iyon. Mabilis akong humarap and I threw the dagger to the one I kicked earlier. Tinamaan siya sa may batok, unti-unting humandusay sa kalsada ay nalagutan ng hininga. Mula naman sa strap ng skirt belt ko, dumukot ako ng card sa deck at ibinato iyon horizontally sa kabilang direksyon. Umikot sa ere ang baraha, tumama sa leeg ng isa pang nakaitim na susugod sa akin. Agad-agad na umagos ang dugo mula roon. Natigilan ako nang marinig ang kakatwang tunog ng hangin na tila nag-iba ang direksyon nito. By insinct ay umilag kaagad ako. Evidently, nakita ko ang lumagpas na patalim sa akin na hawak-hawak ng isa pang lalaking nakaitim. Anak ng tupa! Kailan ba mauubos ang mga ito? Bumunot ako ng isa pang baraha sa deck. I slashed it across his mouth and for some odd reason, natumba siya habang nangingisay at bumubula ang bibig. Napamaang ako. Wow. Ito na ba ‘yong sinasabi ni Gino na mga barahang may lason? Amaysing! Nahagip ng paningin ko ang nag-iisang lalaking natira na dahan-dahang umaatras. Ngumiwi ako. Aba, tatakas ka pa, ah. Tinakbo ko ng mabilis ang kinaroroonan niya. Nang makita akong tumatakbo’y agad siyang tumalikod para paspasan ang pag-alis doon. Ang problema lang ay mas mabilis ako kaysa sa kanya. Malapit siya sa isang bahay na may mataas na gate nang maabutan ko’t makuwelyuhan. Naningkit ang mga mata ko, luminga-linga upang maghanap ng kung anumang maaari kong magamit. Sa huli’y dinukot ko na lamang ang patalim niya sa likuran ng kanyang kasuotan, itinarak iyon sa kanyang likuran saka siya hinayaang mapasandal sa gate at humandusay ng tuluyan. Naglabas ako ng Ace of Diamonds. Inilagay ko iyon sa loob ng bulsa ng kung anumang suot niya bago eksaktong pumarada sa harapan ko ang kotse ni Savier at pumasok doon. “Your trademark, isn’t it?” salubong niya sa akin habang mabilis na pinaharurot ang sasakyan mula sa lugar na iyon. “The cards?” tanong ko na tinanguan niya. “Yeah, it is.” “Why? Bakit sa lahat ng bagay iyon ang napili mo? Kaya ka tinarget ng sensationalism ng media dahil d’yan sa pakulong iyan, eh.” Napangisi ako’t nailing habang inaalala ang mga iyon. Pagkatapos ay natuon ang atensyon ko sa tanong niyang mukhang hinihintay niya ang sagot. “Ang mga baraha kasi, madaling napapaikot ang mga utak ng tao. Na-realize ko, pwede rin siyang ihalintulad sa mga tao. Let’s say… the royals. The King, The Queen, The Jack, and The Ace. They rule, numbers follow. They have their own functions. But they can’t be there without the one prior to their existence.” “Bakit mo sila ginagamit? I mean… wala na bang iba?” Umiling ako. “Sa tingin ko kasi, ang mga baraha lang ang maaaring maikumpara sa mga tao. Sinful enough to be compared with humans.” “Hindi ko naiintindihan.” “Sabihin nating isa kang King of Diamonds. Sa solitaire, hindi mo pwedeng makuha ang queen kung hindi ‘yon spade o club. Sa hearts, wala kang silbi kung wala ka sa parehong suit. Sa poker, wala ka ring silbi kung hindi ka maisasama sa full house, sa straight o sa royal. Sa lucky nine, s’yempre itatapon ka kung wala kang kasamang card na katumbas ng syam.” “Sinasabi mo bang mawawalan ako ng silbi kung wala akong ka-alyansa?” “Hindi, sunshine. I’m trying to tell you that you’re the King of Diamonds at sa bawat larong naroon ka, matatalo ka kung wala kang kakampi na babagay at makakasaba sa ‘yo. What I’m trying to tell you is that no matter how strong and powerful you are, you’ll always have to go down. Because a deck of cards always ends up with an Ace to be able to start with a King.” Matagal siyang napaisip. Matagal na hindi nagsalita. Bumaling ako sa labas ng bintana. Pinagmasdan ko ang mga taong dumadaan, mga kotseng makakasabay at makakasalubong namin. And then I thought, napaka-ironic talaga ng buhay. One day you’re alive. The next day, inililibing ka na sa hukay. Kung ganoon kabilis ang buhay, bakit hanggang ngayon, pakiramdam ko ang bagal-bagal ng akin? Bakit pakiramdam ko, kahit ang layo-layo ko, kahit ang dami-dami kong napupuntahan at nagagawa… wala pa rin akong pinatutunguhan? Ganito na lamang ba talaga ang tadhana ko? Maghiganti, pumatay at maningil? Paulit-ulit lang ba? O baka naman may ibang nakaabang sa akin na hindi ko nakikita’t nalalaman? *** Nakabihis na ako nang lumabas ako sa kwarto. Hinila ako ni Calila na pinapakita ang nai-drawing niyang mga flower saka kung anu-ano pa. Napapangiti ako. Artistic ‘tong junakis ni Gino. Halatang hindi nagmana sa kanila ni Hime. “Cali, tama na muna ‘yan. Breakfast na tayo.” Pagtawag ni Gino mula sa dining area na kinaroroonan nila ni Hime. Bumaba ako kasama si Calila na patalon-talon sa hagdanan. Nagsiupo kaming lima roon kasama na si Coco. Habang kumakain, naisip ko nang ipaalam sa kanila ang naging desisyon ko ng buong magdamag. “You know about NTP, Gino?” Nag-angat siya ng paningin. Tinapos ang nginunguya niyang pagkain bago sagutin ako. “The ninja hunters? Yeah, why?” “Nakasunod rin sila sa akin, gusto nila ng patong sa ulo ko. And I reckon… you’ll be soon in danger if they find out I live with you. Ayokong mangyari iyon lalo na’t kasama n’yo rito ang mga bata. Napag-isipan ko na ito kagabi at nakapag-desisyon na akong humanap ng bagong bahay na matitirhan ko.” “Eh? Ayaaaaw!” magkasabay na angil no’ng dalawa na ikinamaang ko. Seriously? Ilang taon na ba silang dalawa para gawin ‘yan? Eh mas childish pa sila kesa ro’n sa anak eh. “Naman, Maryan eh.” Napapadyak pa ang loko-lokong si Gino na parang bata. “Siguradong-sigurado ako na hindi nila malalaman ‘yon. I mean… who would dare?” Ang yabang, ah. Bumuntong hininga ako. “Look, Gino. Mapapahamak kayo kung hindi ako ang magkukusang lumayas dito. May pamilya ka, ako wala. Kaya kong protektahan ang sarili ko pero sina Coco at Calila hindi pa. You don’t have to worry, okay? Hindi ko naman kayo tatakbuhang dalawa, eh. Para namang magagawa ko ‘yon eh napaka-higpit n’yo. Magkikita pa rin naman tayo ng madalas.” Hindi na sila nagsalita no’n. Hindi na rin ako umimik at lumayas na dahil may pasok pa ako. Nag-bus lang ako papuntang Ashton. Pagbaba ko naman eh nagulat na lang ako nang biglang pagkaguluhan ako. There were a lot of flashing cameras na halos ikabulag ng mata ko. Pinipilit kong isiksik ang sarili ko pero sadyang napakarami nila at sobrang ingay pa. Ano lang ba naman ang maliit na si ako di ba? “Miss Miss, ikaw ba si Maryan Heather? Ikaw ba ‘yong dine-date ni Mr. Rey Ashton?” “Miss Heather, anong masasabi n’yo sa mga issue na kumakalat na social climber ka raw?” “Gold digger ka nga ba, Miss Heather?” “Miss, pakisagot naman po ng tanong.” Hindi ko alam kung anong ire-react. Hindi pa ako nakakahuma sa initial reaction ko eh lalo pa akong na-shock sa mga narinig ko. Kailan ko pa ginawa ‘yon? Was I a gold digger? Sa pagkakaalam ko hindi naman, ah. Then abruptly, a hand grabbed my arm and I was forced to ran away from the crowd. Nang makapasok naman kami ng school ay nagderetso kami sa isang hallway kung saan naroon sina Ren, Fifie, Denden, Sae, at Xena na lahat ay nag-aalala sa akin. That’s when I realized na si Savier pala ang humatak sa akin na pareho kong hingal din sa pagtakbo. “Oh my gosh, nasaktan ka ba, Maryan?” nag-aalalang tanong ni Ren saka kinapa-kapa ang katawan ko para maghanap ng sugat. “H’wag mong papansinin ang mga ‘yon.” Sabi naman ni Fifie. “Kaya nga, sinungaling sila.” Panegunda ni Denden. “Ganyan talaga kapag royalty ang ka-affair, may ganyang issue lagi.” Nakatanga pa rin ako. Pero sinasabi ng utak kong kailangan kong makausap si Rey. “Samahan n’yo ako sa Dean’s office. Kailangan ko siyang makausap.” “H’wag na.” pagpigil sa akin ni Savier sa matigas na tinig. “Baka masaktan ka lang.” “Kahit na. Kakausapin ko siya.” Sinamahan pa rin nila ako. Nagpaiwan silang lahat sa labas ng faculty. Nang pumasok ako sa Dean’s office, lahat na yata ng teachers eh sa akin nakatingin. Pagkatapos ay may isang lalaki roon na tumayo. Nakita ko na siya dati. Kapatid ni Rey. Kasunod na humarap ang swivel chair ni Rey na agad na napatayo nang makita ako. “Yan, are you okay? I’m sorry I couldn’t—” “Rey…” may kung anong tono ng pagkadigusto na putol ng kapatid ni Rey sa sinasabi niya. Hindi ako nakapagsalita. Pinanood ko siyang umiling-iling sa kapatid niya na para bang may gusto siyang sabihin. “N-No, Zone, I can’t.” pagkatapos ay isinubsob niya ang mukha niya sa kanyang desk. Napahinga ako ng malalim. Hindi ko naiintindihan kung bakit biglang may press sa labas at kung anu-anong uri ng paratang ang ibinabato sa akin pero nauunawaan kong hindi na maaari pang ipagpatuloy namin ang kung anumang mayroon kami. Hindi rin naman magwo-work out. Kailangan naming harapin ang katotohanan na wala naman kaming patutunguhan at pareho lang naming ginagamit ang isa’t-isa for entertainment purposes. Hanggang doon na lang kami. “Rey… alam ko. Naiintindihan ko. Hindi mo na kailangang magpaliwanag. Okay lang.” Kumuyom ang mga palad niya. Pinipilit niyang itago iyon but to no avail. Nakita ko na at naiintindihan ko pa rin. “I’m sorry. I’m so sorry that you have to stay away.” Tumango lang ako at lumabas na. Now there’s a problem. “Saan ako titira neto?” “Huh?” sabay-sabay na sabi ng mga nakabantay sa labas na sinalubong ako. “Wala, nevermind. Hahanap na lang ako.” Kibit-balikat ko, pagkuwan ay naglakad na palayo. Sukat na mga adik, sumunod ba naman sa akin. “Kung wala kang matutuluyan pwede mo namang upahan na lang ang isa sa mga kwarto ni Savier eh. ‘Di ba, Savier?” suhestyon ni Renee na agad kong inilingan. “No, nevermind. Kina Gino na lang muna ako.” Ang lakas kasi ng loob kong umalis kina Gino. Akala ko pa naman masasalo ako ni Rey. Hay. As usual, iba pa rin talaga ang priority niya. Sana lang mahanap na niya ang tunay na magpapaligaya sa kanya. Kasi kahit naman yata anong gawin namin at anong tagal naming dalawa, hindi naman talaga ako ang hinanap niyang para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD