bc

Sinful Vengeance

book_age16+
133
FOLLOW
1K
READ
revenge
love-triangle
possessive
one-night stand
aloof
independent
dare to love and hate
bxg
whodunnit
punishment
like
intro-logo
Blurb

“He who has felt the deepest grief is he who will inflict the same grief. Revenge is a confession of pain. And when you’re in pain, you avenge your heart. That’s where the story begins.”

When you say criminal, you mean Cloud Heather. When you say pain, you mean Savier Choi. And when you say love… you mean blood.

Hindi maialis ni Cloud ang kanyang sarili sa nakaraan. Kagaya ng hindi niya rin maialis ang dugo sa kanyang mga kamay. Marami siyang buhay na siningil, pamilyang sinira at mga pusong dinurog. Sa paglalagay ng hustisya sa kanyang mga kamay, inilalagay niya rin ang buhay ng taong naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang mga magulang. But what would happen kapag nalaman niyang si Savier Choi—ang tanging lalaking kanyang minahal ay ang taong posibleng nagpapatay sa kanyang mga magulang.

Ang akala ni Savier, tapos na ang lahat. Tinanggap niya ang pagkawala ng minamahal. Pinagdusahan niya ang sakit ng pagtatraydor at pagkawalay sa babaeng minsang naging sentro ng kanyang buong mundo. But things started to change when she came back.

Bumangon sa kanilang puso ang pagnanais na maghiganti. Ang kagustuhang malamangan ang isa’t-isa. Ang pagnanasang maging amanos sa lahat ng galit at ng sakit. And in between the vengeance, a wounded soul tried to extract its twisted revenge on the world.

They say revenge is for the weak. But how sinful does it have to be when your heart pleads for vengeance?

chap-preview
Free preview
Prologo
Prologo   Dear Spice, So I’m officially incarcerated. Yep, buddy. Incarcerated. Iiin-caaar-ceee-reyyted! Imprisoned, locked up, jailed! Wasn’t I so stupid? Ilang beses ko na bang ginagawa ito? Ilang beses na ba akong pabalik-balik dito? Minsan tuloy pakiramdam ko, nagiging bahay-bakasyunan ko na itong kulungan, eh. ‘Yong totoo kasi, Cloud? Nasarapan ka sa amoy ng selda? Hindi ko lang kasi maintindihan, eh. Bakit ba kasi punong-puno ang mundo ng mga makasalanang tao? Kanina nga lang, eh, sabi ng ale kanina na nagtitinda ng okoy sa kanto, ang sarap mo raw nakawin. Por dyos por santo, pati ba naman black book na ang tangin laman eh panay mga revenge plots, babalakin pa niyang nakawin? Taghirap na ba ang mundo? Anyway, balik sa mga makasalanang tao. Hindi ko kasi talaga ma-gets. Bakit kailangan kang ikulong kung ang pinapatay mo lang naman ay ang mga taong makasalanan at hindi na magkandatuto ang mga sungay sa ulo sa paghaba? Why? Bakeeeet? Porqué? Wae? Bakit nila ako kailangang ikulong? May sign board bang nakadikit sa noo ko na nagsasabing ‘isa akong kriminal, y’all are free to lock me up’? Bakit kailangan kong magpabalik-balik sa pesteng seldang ito dahil lang pumatay ako ng matabang unggoy na mahilig mang-molestya ng bata? Hindi na lang kasi ikamot sa tubo, mas safe pa. Practice safe s*x, ika nga. There is no cure to general herpes. You can suppress it, but you can never stop it. Kaya mga manoy, gumamit na lang ng tubo! Pero wala ring magagawa ang tubo para matulungan ako rito. Sana kasi, imbis na patayin ko ang gunggong na ‘yon eh binigyan ko na lang siya ng tubo. Wala sana ako rito ngayon. Mga ilang gabi ko pa yata kailangang pagtiisan ang selda ng ZAFT isolation. In fairness sa ZAFT, nag-improve naman ng kaunti. Kaya nga lang, halatang kinukurakot ng mga opisyal nila ang pondo. Ipinagtulakan kasi ang pula sa brown na pintura, magkasya lang ang tinipid na budget. Siguro nga kung nakakapagsalita ka lang, Spice, kanina mo pa binulyawan ‘yang mga nakabantay na mga lalaking naka-suit sa labas ng selda ko. Ngayon lang yata sila nakakita ng kagandahan sa tanang buhay nila na natira sila sa New Zealand. Sabi ko nga mga echusero silang bongga. Tama ba raw ‘yon? Pero syempre wala pa rin silang narinig kahit gusto ko na silang ipatapon sa Japan at laslasin ng mga cannibal murderers doon na kumakain ng tao. Anyway, kailangan ko nang tigilan ang pakikipag-usap sa ‘yo at nagiging madaldal na naman ang isipan ko. Ang abnormal ko talaga. Ayaw magsalita pero pagdating sa utak, hindi maubusan ng sasabihin. Siguro’y sadyang gano’n lang talaga ang bibig ko. Ayaw magsayang ng saliva. Sabagay. Every drop counts. Shet naman. Paano ba ako makakalabas kasi rito? Kapag ba tumambling-tambling ako, may bubukas na portal palabas ng ZAFT isolation? Bloody hell. Kasalanan talaga ito ng bounty hunter na ‘yon, eh! Kung sana, sinabi niyang kailangan niya ng pera de sana binigyan ko na lang siya. Napag-uusapan naman ang mga ganitong bagay, eh! Bakit ba kailangan niya pa akong isurender sa ZAFT? Isa pa, kung hindi naman siya kumendeng-kendeng sa harapan ko na parang isang tangang takas sa mental hospital, hindi ako madi-distract at hindi niya ako malilinlang! It was an unfair fight! I demand a rematch! But then, kailangan ko munang makalabas sa kulungang ito bago ako makapatay ulit. Lagot talaga sa akin ang bounty hunter na ‘yon. At since, gaganti na rin naman ako, de gaganti na ako sa lahat ng may utang sa akin. Sabi nga sa mga dyipni sa ‘Pinas, ‘Hudas not pay’… ano ngang kasunod no’n? Basta may Hudas. At kagaya ni Hudas, kapag hindi sila nagbayad ng mga utang nila, ako na mismo ang magbibitin sa kanila sa puno ng patiwarik. Mm. That seemed a good plan. Pero bago ang lahat ng iyan, kailangan ko munang makalabas sa kulungan. Paano ko nga ba ulit gagawin ‘yon?   Cloud Former Mafia First Class, Poker-faced Former 10th Death Panel Member, Convicted For Multiple Murder  Presently Wondering How To Get Out Of Prison 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SILENCE

read
387.5K
bc

My Secret Agent's Mate

read
119.0K
bc

YOU'RE MINE

read
902.5K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
276.1K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
351.1K
bc

THE BEAUTIFUL BASHER_MAFIA LORD_SERIES 2(R-18-SPG)

read
169.4K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
202.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook