Plan Eighteen

2311 Words
Plan Eighteen His Plan Pagkababa ko ng sasakyan, kita ko na kaagad ang hindi kagandahang bahay sa parang probinsyang subdivision na ‘yon. Puro ligaw na d**o kasi ‘yong nasa tabing bakanteng lote at parang hindi rin dinadaanan ng sasakyan. Buti nga’t may convenience store sa dulo ng subdivision, kung hindi’y aakalain ko talagang wala na ako sa syudad. Kung tutuusin, malaki ang bahay. May frontyard though hindi kalawakan. Mula naman sa labas ay kita rin ang haba ng deretsong corridor ng kahoy na bahay. Ang problema lang talaga ay sobrang luma na nito at sira-sira. “Anong klaseng utak ba meron ang babaeng ‘yon at dito pa niya naisipang tumira?” inis na usal ko sa sarili. Inilabas ko ang cell phone ko mula sa aking bulsa. Idinayal ko ang number niya. Matagal-tagal rin bago niya sinagot. Mukhang pinag-isipan pa yata. At ang tanging ibinungad pa niya sa akin ay, “Wrong number ka? Baba mo na.” Pambihirang babae. “Nasa’n ka?” tanong ko na hindi na pinansin pa ang pauna niyang bati. “Hindi ako si Renee.” Giit niya na lalong nagpairita sa akin. nadawit na naman ang pangalan ni Ren! “Wrong number ka ata.” Anak ng tupa! “Maryan Heather, nasa’n ka?” diin ko sa pangalan niya na sinagot lamang niya ng ‘Ah’. Asarr! “Nasa bahay, bakit?” “Lumabas ka.” Hindi na siya umimik. Mga ilang segundo lang, nakita ko na siyang nakatayo sa may pahabang corridor na sinasabi ko kanina. As usual, wala na naman siyang reaksyon. Ni hindi nagulat o nainis. Blangko. “Wala naman akong nakikitang masamang hangin. Ba’t ka nandito?” Masamang hangin? Aba’t! Sumusobra na ‘tong babaeng ‘to ah. Siya na ‘tong dinadalaw sa panget at bulok at luma at inaanay niyang bahay siya pa ‘tong may ganang mang-asar? “Hindi ka man lang ba magpapatuloy?” Blangko ang hitsurang tumingin siya sa gate na nakatumba na ang magkabilaang bakal. Pagkatapos ay taas ang kilay na tumingin siya sa akin. “Wala naman nang gate bakit hindi ka pa pumasok?” I rolled my eyes heavenwards. Humihithit ba itong babaeng ito? “Hindi ako magnanakaw at hindi rin ako akyat-bahay para pumasok ng bahay ng may bahay na walang permiso!” napataas ang tinig ko dahil sa pagkapikon ko sa kanya. “Pakipaalala kung kailan ako sumigaw.” Aish, walang patutunguhan ‘tong usapan na ‘to. Nilampasan ko na ang bakuran niyang wala namang gate. Tumalikod na siya nang makita niya akong pumasok. Susundan ko sana siya, ang kaso’y pagtuntong ko ro’n sa sahig niyang kahoy, natakot akong baka bumigay. Sobrang luma na pala ng ginamit nilang plywood. Tumingin ako sa kanya na naghihintay na palang sundan ko siya. “Hoy, hindi ba magigiba itong sahig mo?” “Ilang kilo ka ba?” tanong niyang nagpakunot ng noo sa akin. “Pati ba naman kilo ko?” “Malay mo ‘di ka kaya ng bahay.” Napaungol ako pailalim sa sobrang frustration ko sa kanya. Palibhasa kasi para siyang hangin. Malakas ngang kumain pero hindi naman tumataba. Pambihira. Ano bang dapat kong gawin sa kanya? Pagtuntong ko papasok, nagka-c***k talaga ‘yong kahoy. Mukhang sanay na si Maryan kaya wala nang problema sa paglakad niya. Kaya’t ginaya ko na lamang siya’t naglakad na ng maayos. CRACK! Napatigil ako. Walang pakialam na lumingon siya sa akin samantalang ako’y pinapatay na siya ng tingin. Halfway, bumaon ang isa kong paa sa bumigay na kahoy and I have to pull it up. Dammit. Ni wala man lang siyang ginawa. What the hell is she doing with this crappy house? “Ni wala kang sala?” bulalas ko nang iminuwestra niya ako sa kalagitnaan ng corridor. “Arte. Maupo ka na lang d’yan.” Damn! Sa hallway! Sa hallway niya ako pinapaupo! What the f**k? Anong klaseng bahay ‘to? Anong klaseng utak ba meron siya? Psychopath! Retarded! Baliw! Nag-iinit ang ulo ko sa kanya! Kung hindi lang talaga siya—ugh! Wala naman akong magawa. Nag-indian sit ako sa gitna ng dalawang pintuan ng magkabilang kwarto. Nakatayo lang siya sa may likuran ko. “Wala man lang bang pa-kape?” inis kong sabi na nginiwian niya’t inirapan. Aba talaga ang babaeng ito! “Hindi naman burol ‘tong pinuntahan mo, ba’t ka naghahanap ng kape rito?” Oh Christ, bakit ka po ba gumawa ng ganitong klaseng nakakagalit na babae? Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko bago pa man ako mag-amok dito. Mayamaya’y bumaling muli ako sa kanya. “Magkano ang renta mo rito?” I asked, tutal naman eh mukhang wala siyang balak na tanggapin ako dito bilang bisita niya which annoys me more. Tao naman ako ‘di ba? Isa pa kung tutuusin boss niya ‘ko since first class Mafia lang siya at CIC ako ng OASIS. Bastos na empleyado ‘to. “Five hundred a month.” Kibit-balikat niyang sagot. That explains kung bakit siya nagtya-tyaga dito. Kahit sira-sira at bulok eh mura nga naman. Kaya’t hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Sinabi ko na kaagad ang sadya ko. “I’ll make it three hundred a month, rent a room in my mansion.” Natigilan siya’t napatingin sa akin na para bang gusto niyang itanong kung nasisiraan na ako ng bait. Hindi ko nga rin alam. Siguro. Baka. Fine. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginagawa ‘to. Ang alam ko lang, ayokong maunahan ako ni Xena. Boss ako ni Maryan kaya’t may responsibilidad pa rin akong tulungan siya. Kung ayaw niyang tumanggap ng tulong sa kuya niya, sa akin hindi siya pwedeng tumanggi. “Pag-iisipan ko pa.” Napamaang ako roon. Ako na ang nag-aalok, pag-iisipan niya pa? “May sayad ka bang talagang babae ka? Maryan, who in their right mind would say that when I’m offering you the cheapest rent ever that I know in my entire life! Are you insane?” “Whatev. I’ll think about it.” Walang pake niyang sagot bago umalis at pumasok sa kwarto sa kaliwa ko saka niya isinarado ang pintuan sa mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko. Sa lakas ng impact ng pagsara niya kasi’y tumumba ang pintuan. Yeah. Napanganga rin ako at hindi makapaniwala. Her door just fell down at muntikan pang lumanding sa akin kung hindi lang ako nakalayo. Pakiramdam ko any minute from now gigiba na itong buong bahay dahil lang sa simpleng pagbalibag niya ng pintuan. Ilang saglit pa’y lumitaw siya sa bukana ng nasiraang pintuan. “Napag-isipan ko na. I’ll accept it.” Kahit alam kong napilitan siya’y napangisi pa rin ako. Alam ko namang hindi siya makakatanggi sa akin dahil sa simula’t sapul, kahit pa simple siyang tao at kayang pagtiisan ang gano’ng ayos, kailangan pa rin niya ng normal na pamumuhay. Paano siya mabubuhay dito? No kitchen, no dining area, no electricity, no water, nothing at all but just rotten rooms. Lumabas siya ng tuluyan sa silid dala-dala ang mga luggages niya. Kukunin ko na sana sa kanya para buhatin iyon ngunit tinanggihan niya ako at nagpatuloy lamang sa paglakad palabas kasunod ako. Napabuntong hininga ako. Ano bang ikinakatakot niya sa akin? Biglang huminto siya nang makita ang kotse ko sa tapat ng bahay niya. “D’yan ka sumakay?” I visibly stretched, readying myself sa muli na namang atake ng pang-aasar nitong si Yan-yan. “May iba pang sasakyan?” “Mukhang issue, baka nakita ka ni hanger. Bago ko’ng stalker ngayon ‘yon eh.” “Pambihira naman, Maryan.” Pabuntong hininga kong hinablot na ang luggage niya’t dinala iyon sa compartment sa likuran. Saka ko hinatak ang kanyang braso at ipinagtulakan siya papasok sa kotse. Nagulat ako sa gaan at payat ng katawan niya. Parang kulang siya sa bigat na kahit ipagyugyugan mo eh parang niyuyugyog mo lang ang lobo. Bakit ang gaan niya? “Kumakain ka pa ba?” agad kong tanong habang binubuhay ang makina ng sasakyan. “Nakikikain ako kina Gino.” Simple niyang sagot na para bang normal lamang ang gawaing iyon. Napailing ako. Her lifestyle is so messed up. It’s really messed up. Isa pang problema ko ay ang sakit niya. Natatakot ako, eh. Dati, nakikita ko pang nakakapaglabas siya ng emosyon. Kaya niya pang i-identify ang masaya at ang nagagalit. Pero ngayon parang lahat ng emosyon niya sa sistema niya’y nagsha-shutdown. Gagaling pa kaya siya? Naputol ang pag-iisip ko nang marinig kong tumugtog ang You Are my Sunshine. Pakiramdam ko’y hindi ako nakahinga. Gusto kong itanong kung bakit ginagamit niya ang kantang iyon bilang ringtone ngunit hindi ko na nagawa nang kinuha niya ang cell phone niya mula sa kanyang bulsa at sinagot ang tawag. Nagtaka ako. Sino kaya ‘yong tumawag? “Xena. Napatawag ka?” By reflex ay napasulyap ako sa kanya. Xena. Narinig ko na naman ang pangalan ng gagong ‘yon. “Saan? Sa Ministop? Sige, pupunta ako. Five minutes. Bye-bye.” Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. “Drop me at ministop. Gusto raw makipagkita ni Xena.” Sumimangot ako. Gago talaga ‘yon. “Ano ako, driver mo? Bakit naman kita ihahatid do’n?” “Ayaw mo?” may himig paghahamon niyang sabi. “Fine, itigil mo ‘tong sasakyan. Kapag hindi mo itinigil ‘to, tatalon ako. O kaya babasagin ko ‘tong bintana ng Ferrari mo saka ako tatalon. Ano? The easy or the hard way?” Oh Christ! She’s really some kind of an alien retard! Sino ba namang matinong tao ang gagawa no’n at magbabantang gawin iyon? Kaya’t hayun, sa huli’y wala na akong choice. “Fine! Stay there, I’ll drop you at ministop!” Sa oras na makita ko si Xena, masasapak ko talaga siya! Seryoso ba talaga siyang popormahan niya si Yan-yan? Si Yan-yan na ex-girlfriend ko? Anong klaseng kaibigan ‘yon? Inis na ipinarada ko ang kotse sa harapan ng convenience store. Nang bumaba ako kasunod si Maryan ay nakita kong pinagmamasdan kami ni Xena mula sa loob. Ginawaran ko siya ng matalim na titig na ibinalik lamang niya na kasing-sama. Nawala lang ‘yon nang pumasok si Yan-yan sa loob. Impakto. Ang plastik talaga. Two-faced son of a b***h! Pinapanood ko lang silang mag-usap. Every now and then, susulyap si Xena mula sa kinatatayuan ko. Napapaisip tuloy ako kung anong pinag-uusapan nila. Kalahating oras ang binilang ko bago lumabas si Maryan. Nakita kong hinablot ni Xena ang kamay niya nang makalabas siya. Sumugod na ako sa inis at inalis ang kamay niya sa pagkakahawak kay Maryan. Taka siyang napatingin sa akin samantalang kami ni Xena ay nagpapalitan ng masamang tinginan. Napansin marahil ni Yan-yan ang ginagawa namin kaya’t nagsalita siya na pumutol sa titigang iyon. “Kung may plano kayong magsapakan h’wag kayo sa harapan ko.” Pabuntong hiningang bumaling si Xena sa kanya. Kunwari pang nagbabait-baitan. “Heather, do you really not like to live with me? I told you, wala namang ibang nando’n. Isa pa mas convenient ngang—” “Sa akin na siya titira.” Singit ko. I made myself clear to the both of them. “H’wag mo nang isiksik ang sarili mo kay Maryan. Ako na lang.” Pagkatapos ay hinatak ko siya papalayo kay Xena na hindi na nakapalag at siya namang ikinatuwa ko. Pagdating ng mansyon, sumalubong sa amin si Renee. Napakunot tuloy ako ng noo sa pagtataka. Bakit ba nandito na naman siya? Hindi pa rin ba siya nadadala? Kung si Maryan lang ‘to, quotang-quota na siya sa mga kagaguhan ko. Pero sa kasamaang palad, hindi siya si Maryan. And that says something about me, doesn’t it? “Oh my gosh, Savier! Pinagbigyan mo ang hiling kong kunin si Maryan dito? Thanks a bunch, hon!Buti napapayag mo si Maryan?” tuloy-tuloy niyang sabi na hindi ko na mawari kung alin doon ang sasagutin ko. Kulang na lang magtatatalon siya sa tuwa, eh. “Babayaran niya ako ng three hundred pesos a month.” Natigil siya sa pagtalbog-talbog sa excitement at kumunot ang noo. “T-Three hundred?” Nagkibit ako ng balikat. “Ayaw niyang tumanggap ng libre.” Tumingin siya kay Maryan na nagkibit lamang din ng balikat. Wala naman siyang pakialam sa sinasabi ni Ren, eh. Duda nga akong nasa amin ang atensyon n’yan, eh. “D’yan na kayo. Saan ang kwarto ko?” Iminuwestra ko ang second floor. “Pumili ka na r’yan.” Sa pagtataka namin ni Ren, lumapit siya sa may isang kwarto at paulit-ulit na pinipihit ang knob. Lumipat siya sa kabila at gano’n din ang ginawa. Pagkatapos ay sa isa at ginawang muli ang parehong pagpihit. Pinaulit-ulit niya iyon sa mga sumunod na kwarto na nagpamaang sa akin. “A-Ano na namang pakulo ‘yan?” bulyaw ko sa kanya mula sa ibaba. Tumanghod siya sa akin sa banister. “Naghahanap ako ng doble ang lock.” Napairap ako. “Asa. Para namang papasukin kita.” Pero on second thought, mukhang hindi malayong mangyari. 99.9% ang chances na magawa ko nga iyon one of these days. Kailan ko ba nagawang tiisin si Maryan kapag alam kong malapit siya? Anim na taon kong sinanay ang sarili ko. Pero kailan ko lang ring napatunayang hindi nagbunga iyon. Lalo na ngayon. Mas lalo na ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD