Plan Fifteen

2124 Words
Plan Fifteen Her Plan “Ano ba ‘yang tinitignan mo d’yan?” narinig kong tanong ni Elle sa likuran ko na batid kong nakatingin din naman sa tinitignan ko. Kanina ko pa alam na sinadya ni Savier na dito dalhin ang Auntie at Uncle niya para ipakilala si Renee sa kanila dahil nalaman niyang dito ako nagta-trabaho. May pina-plano siyang hindi ko alam. May binabalak siya. Ewan kung ano. Pero sigurado akong may balak siyang talaga. “Haler? Maryan, are you with us?” untag ni Elle na iwinawagayway pa ang kamay sa mukha ko. “Si.” tango ko. “Sto solo problemi di rilevamento.” Tinitignan ko lang naman kasi kung magkakaroon ba ng problema. “Alam mo ‘yang nakakalokang language mo, napapa-elibs ako. Sa tagal kong nagta-trabaho dito sa Sapori D’ Italia ngayon lang ako nakakita ng italyanang waitress na fluent sa italian.” I gave her a small smile and walk past the counter. Nakikita ko sila mula sa kinaroroonan ko. Mukhang sa kung anumang kadahilanan ay naiilang si Renee at parang hindi siya komportable. Kinutuban ako. Hinanap ko ang mga kamay ni Savier. Nagpe-peke siya ng mga ngiti sa kaharap nilang dalawang mag-asawa na nasa mid-fifties ata. Ang kaliwa niyang kamay ay nakapatong sa lamesa. Ang kanan… Nalaglag ang balikat ko. I knew it. Nasa ilalim ng mesa ang kanang kamay niya, nawawala sa pagitan ng hita ni Renee na katabi lamang ng binata. I can just imagine kung saan napunta ang kamay niya. Kaya naman hindi komportable si Ren sa kanyang inuupuan. May ginagawa naman palang milagro ang impakto niyang nobyo. Ni hindi man lang inisip kung nasaang lugar siya. Pero malamang hindi naman niya papansinin. It’s not as if he’s doing this for his own need. He’s actually doing that para magpasikat, marahil inaasahang pinapanood ko siya, o baka naman gusto lang talaga niyang ipahiya si Ren. I wonder kung walang sadistic personality itong lalaking ito. Hindi naman na normal ang ginagawa niya, eh. “Yan, pakidala naman sa table five ‘to oh.” Tinignan ko ang laman ng tray. Bote ng Prosecco. Alak ‘yon na sine-serve as appetizers sa high class Italian restaurants. I mean, rare ang ganyan sa Pinas. ‘Tapos ang table five pa. Kina Savier. Bumaling ako sa isa kong kasamahan na nagbibilang ng orders sa counter. “Kam, pahiram ng glasses.” Hinubad niya ang salamin niya at ibinigay sa akin. “Bakit?” “Nahulog contact lens ko, hindi ako makakita.” Pagsisinungaling ko. Sinuot ko ‘yon at inayos ang buhok ko sa pagkakalugay. Nakatali kasi ako kanina. I stretched the black apron that I’m wearing down and pushed the cart towards Savier’s table. “Excuses, I need to go to the washroom.” Nakita kong mangiyak-ngiyak si Renee nang tumakbo siya papuntang CR. I saw the disappointment on the elders’ faces when she ran away, saktong umentra pa ako. “Buonasera.” Bati ko sa kanila ng magandang gabi saka sumunod na inihain ang starter course nila habang sinasabi iyon sa Italian. “Ecco la tua antipasto, signori e madam.” Ngumit ako bago inilapag ang inorder nilang bote sa gitna ng kanilang mesa. Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Savier nang mapagkilanlan ako. Nang salubungin ko ang kanyang mga mata, sa gulat ko’y sinadya niyang itaas ang kamay niya at sipsipin ang daliri niyang sa palagay ko’y ginamit niya kay Renee kanina. Tumiim ang bagang ko. Ang baboy talaga ng taong ito. “Grazie, bella signora.” Nakangiting pasasalamat ng Auntie ni Savier. “You mind if we ask you some recommendations of your cuisines?” Ngiting tumango ako. “Il mio piacere di servirvi.” My pleasure to serve you. Sa loob-loob ko, sinasabunutan ko na si Savier at sinasaksak ng paulit-ulit. Lintek na. Kung hindi lang dahil sa pera kanina pa ako nagmura ng kakangiti dito. Mula nang pumasok ako ngiti na ako ng ngiti sa mga customer ah. Ibinigay ko sa kanila ang menu para sa first course sa isang formal italian meal. “I suggest you a hot dish of rissotto, Madame and for you, Seńor, gnocchi will surely fit your appetite. And for you, Sir, you might want to try our minestrone soup.” Since mahilig kang humigop ng kung anu-ano leshe ka. “Hm. Sounds good.”Tumatangong puri ng tyuhin niya bago bumaling sa pamangkin. “I reckon Renee want to try some dishes too. What do you think, hijo?” “Hindi ko alam kung anong gusto ni Ren.” Saka siya bumaling sa akin na pilit itinatago ang kanyang ngisi. “Could you suggest, Miss?” Panuya rin akong ngumiti pabalik upang maipakitang hindi ako naaapektuhan. “I noticed your lady has been feeling uneasy for the rest of the night, Sir. You might want to give her the barley and bean soup. It will relax her a bit I assure you.” Pwede na akong maging endorser nito. Mabuti na lang talaga at pinag-aralan ko ng mabuti ang Italian meals. Ang tunay ko rin kasing nanay ay expert pagdating sa ganito. “Wow.” Manghang wika ni tiyahin ni Savier at ngumiti sa akin. “Minsan lang magkaroon ang Sapori ng magaling na waitress na may alam talaga sa Italian meals. What’s your name?” “Maryan, Madame. Maryan Ruiz.” “Are you a native?” Tumango ako. “Yes, Ma’am. Half Italian and Half Filipino.” “No wonder why you’re so good.” Then she turned to Savier again. “Hijo, may napili ka na?” “Wala eh.” Kumunot ang noo ni Savier and this time mukhang walang halong biro ang reaksyong iyon. “I can’t seem to find something that I want.” “Che cosa si può desiderare, Sir?” bakit may feeling akong mali na ako ang nagtanong ng gusto niya? Bigla siyang nag-angat ng mga mata at sinalubong ako. “Ikaw.” “Oh gosh.” The Aunt exclaimed with such disappointment. “Mi dispiace, hija, sta solo scherzando.” Nagjo-joke lang daw si Savier, ‘tapos nag-sorry sa akin ang matanda. Savier grinned, satisfied with his antics. “Yeah, Tita. Jokes are half meant. Anyway, Miss Maryan, you can give me any dish you think I might want.” Sa sobrang bwisit ko’y pinanlisikan ko siya ng mga mata. “You know Sir, Italian dishes are more delicious with cheeses on the side.” Ngayon lang ako nakakita ng namula at namutla ng sabay. Si Savier lang ‘yon. At lahat ng inis ko’y nawala dahil sa nakakatawang reaksyon niyang iyon. “D-Don’t you dare put cheese sa pagkain ko kung hindi’y papatayin kita!” “Savier!” sigaw ng tiyuhin niyang tila nahiya sa biglaang pagbulyaw ng pamangkin niya. “I’m sorry about that Miss, allergic lang siya sa cheese.” “Oh.” Kunwa’y sumimangot ako ngunit sa loob-loob ko, nakangisi ako. “Nessun problema, I can take good care of your foods, Seńor. I’ll be back in minutes with your first course. Enjoy the meal.” Then I strode the cart away. Pagdating ko naman sa counter, binigay ko kay Elle ang orders ‘tapos kay Kams ang glasses niya. Tumakbo ako papuntang CR. Good thing walang masyadong pumapasok doon kaya’t madali kong nahanap ang cubicle ni Ren. “Renee?” Kumatok ako. “Buhay ka pa?” “Maryan?” suminghap siya. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mangiyak-ngiyak niyang tinig na tila ba kay laki ng pasasalamat niya nang bigla niya akong marinig. “Maryan, tulungan mo ako. My undie is soaked. Hindi ako pwedeng lumabas ng ganito.” Kumuyom ang palad ko.“Wala kang extra?” “Wala. I didn’t know he’ll do that in front of his guardians. It’s so embarassing. He really is insatiable!” Insatiable? Kung alam lang niya, ipinapahiya lang talaga siya ni Savier. Pero hindi ko naman maaaring sabihin sa kanya iyon. People are in love are stupid. So stupid they don’t even know kung anong mali at tama. Kakampihan lang din naman niya si Savier at hindi rin siya maniniwala sa akin. Dinukot ko ang panyo ko sa bulsa at itiniklop iyon horizontally. Binuksan ko ng konti ang pintuan ng cubicle at inilusot ang itim kong panyo roon. “Gamitin mo na muna ‘yan. Ipatong mo sa undie mo. Wala rin akong dalang extra, eh. I’ll be right out, watching you so he can’t make any moves like that. Don’t worry ako lang naman panigurado ang nakakita no’n.” Naramdaman kong kinuha na niya ang panyo. After minutes ay lumabas na siya at sinalubong ako ng yakap. “Thank you, Maryan. Thank you very much.” Ilang na tinapik-tapik ko ang likuran niya. “Sige na. Go out and face them. Okay lang ‘yan. Naiintindihan ko.” Tumango siya at saka lumabas. Sumunod ako, dumeretso na sa counter. Sa buong gabing iyon, ginawa ko ang trabaho ko habang nililingon at binabantayan si Renee. Unti-unti nang nawawala ang pamumula ng mukha niya. May mga pagkakataong makikita ko siyang malungkot o kaya nama’y nakakunot ang noo. Paminsan-minsa’y ako ang matataong serbedora sa mesa nila kaya’t sa mga pagkakataong iyon ay maaalis ang simangot sa mukha ni Renee at ngingiti sa akin. Kagaya ngayon. Ako ang nag-serve ng desserts nila pagkatapos ng side dishes at second meal na ibang waiter ang nagserve. “Buona sera, ecco la tua dolce.” Ngiti kong sabi habang inilalapag ang mga inorder nilang dessert sa mesa, quite surprised na wala talagang nag-order sa kanila ng kahit na anong may cheese na ingredient. Sayang. Gusto ko pa namang panooring mamatay sa takot ‘tong si Savier. Nginitian ako ng tiyahin ni Savier. “Oh, you’re still here. Akala namin umuwi ka na. Mas maganda ka pa pala, hija kapag walang salamin.” Ngumiti lamang ako bilang tugon. Mga alas onse na ako nagpaalam na umuwi dahil magsasarado na rin naman kami. Paglabas ko ng staff room ay hindi ko na napansin sina Renee. Nagpaalam ako sa co-staffs ‘tapos lumabas na ng resto. “Jeez, pare, you’re horrible.” Nadatnan kong sabi ni Xena na may pagkadismaya sa tinig pagkatapos ay tumakbo para sundan si Ren na mukhang umiiyak ding tinakbuhan si Savier. Nakita ko siyang mapait lamang na ngumisi habang pinapanood ang dalawang maglaho sa kanyang paningin. Nagkataon namang dumaan ang mga kasamahan kong papalabas na rin ng resto. “Bye, Maryan! See you tomorrow!” pasigaw na habol ni Kams nang malampasan niya ako sa pintuan. At dahil doon, natawag ang atensyon ni Savier sa akin. Sadya ko siyang hindi pinansin at naglakad na lamang para pumara ng cab sa waiting shed. “The need to impress everyone.” Pero hayun, hindi nagpapigil at pinaringgan pa rin ako nang madaanan ko siya. Umirap ako pataas. “And your need to gross me out.” “Oh.” He sounded amused. Natutuwa pa yata siya sa sinabi ko. Ang lakas talaga ng sayad. “I grossed you out?” Tumigil ako at tiim bagang na hinarap siya. “At natutuwa ka? Natutuwa ka sa ginawa mo? Natutuwa kang ipahiya si Ren na walang ibang ginawa kung hindi maging tanga at mahalin ka kahit ang gago-gago mo? Sa tingin mo ba nakakatuwa ‘yon? “Savier, hindi na kita kilala. Para ka nang ibang tao. Para ka nang hindi tao! Kung tratuhin mo ang mga babae, parang laruan. Parang basura. If you’re aiming to impress me by doing the opposite, well you’re not impressing me! You’re not proving anything to me but that you’re a pig and lowlife bastard who doesn’t know how to respect women! Nakakahiya ka!” Hindi ko na siya hinintay na makasagot matapos niyon. Pumara ako ng cab at walang lingong sumakay paaalis. Sa ilang taon, noon na lamang ako nagalit ng ganoon para sa ibang tao. Noon na lamang ako nakaramdam ng emosyon para sa ibang tao. Hindi ko alam kung matutuwa ako. Si Savier kasi ang naging kapalit ng lahat ng iyon. Ang puno at ang dulo ng lahat ng emosyon ko. At kahit ano yatang gawin niya, siya at siya lamang ang may kakayahang makapaglabas ng mga damdaming kinatatakutan kong maramdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD