Plan Fourteen

2879 Words
Plan Fourteen Her Plan “So pakana mo nga ‘yon?” Tumawa siya ng mahina at nagsalin ng scotch sa baso niya. Pinanood ko lang ang mga taga-Underground na nakatingin sa inuupuan namin ni Xena. Hinahalo ko ang scotch na iniinom ko habang hinihintay siyang sagutin ako. “Hindi ko sinasadyang mangyari ‘yon honestly. Napag-initan lang ako kagabi ng Resistance. Nakikita mo naman siguro sa mukha ko.” Sabay turo niya sa mukha niyang panay pasa at ang iba’y tinapalan ng band aid. “Pero si Renee? It wasn’t my fault na mapadaan siya sa kalyeng ‘yon at makita akong bugbog sarado. That’s what you call fate, Heather. Fate is with us. And cheers to that.” He smilingly raised his glass up slightly for my glass to reach it. “Cheers.” Mahina kong ibinangga ang baso ko sa baso niya saka kami sabay na uminom doon. “So anong nangyari sa inyo ni Ren kagabi?” “Dinitch niya si Savier. Usually, siya ang tumutulong kay Savier para makatulog. s*x,” dagdag niya nang magtaas ako ng kilay para itanong kung anong klase ng tulong ang nagagawa ni Ren. That did makes sense. Ano pa nga ba naman ang pinagtatakhan ko? “I kept her all day. Nagamit ko pati ang acting prowess ko para lang h’wag siyang umalis. At least, worth it itong mga pasa ko.” Nilunok ko ang buong lamang scotch ng baso ko. Kumagat iyon sa aking lalamunan kaya’t napatikhim ako ng wala sa oras upang alisin ang bikig doon. Napahinga ako ng malalim. Bumaling siya sa akin sa puntong iyon. “Ikaw? Are you satisfied?” Nagkibit ako ng balikat. “Maybe. It was worth the while if you ask me.” “Why? What did you and Savier do?” Naisip ko na wala rin namang saysay na itago ko sa kanya. “Nag-s*x kami.” May kung ilang segundo siyang napatigil pagkatapos ay biglang tumawa ng malakas. Daglit na inilibot ko ang aking paningin. Mukhang wala namang nakapansin at wala namang may pakialam kung nag-iingay man kami o hindi. May kanya-kanya silang buhay. “I knew it.” At maski sa tinig ay dinig ko ang ngisi ni Xena. “Mahal na mahal ka pa rin talaga ni Savier, Heather.” Tinitigan ko ang dilaw na likidong laman ng baso ko. Alam ko naman iyon. Pero sa isang napaka-weirdong dahilan, parang hindi ko kayang pagtawanan ang katotohanang iyon. Parang hindi ko kayang tuyain si Savier ng patalikod dahil lamang sa pananatili ng nararamdaman niya para sa akin. Hindi naman niya kasalanan iyon, eh. Kung meron man siyang magiging kasalanan, sa mga magulang ko iyon at hindi sa pagmamahal niya sa akin. “Mm.” Usal ko na tumango kay Xena. “He still does, I’m afraid.” Mataman niya akong tinitigan, na para bang sinusuri ang ekspresyon kong blangko. “Why don’t you just kill him instead?” “Wala pa akong karapatang gawin ‘yon, Xena. Kapag may ebidensya na ako, gagawin ko. Pero sa ngayon, kailangan ko munang pagkasyahin ang sarili kong tulungan ka at perwisyuhin siya sa pamamagitan ng mga maliliit na bagay. Hindi gano’n kadali ‘yang gusto mong mangyari.” At may kung anong nagsasabi sa akin na hindi rin naman niya kakayaning gawin iyon. “You… don’t love him anymore, do you?” naniningkit ang mga matang tanong niya na para bang naniniguro. Hindi ako sumagot, nagkibit lamang ng balikat. Mukha siyang hindi kumbinsido. Hindi na lamang ako nagsalita pa dahil kahit ano namang gawin kong paliwanag sa nararamdaman ko’t iniisip ko, alam kong hindi niya maiintindihin. Dahil nga maski ako’y hindi rin maintindihan ang sarili ko. Ilang sandali rin ang ipinamalagi namin sa Hoax at nagpasya na kaming umuwi. Marami kaming nakakasalubong sa kadiliman ng Underground District pero lahat ay hindi namin kilala. Ang ipinagkaiba lang, kami kilala nila. “Teka, Miss.” pigil ko ro’n sa babaeng nakasalubong ko. Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin pero parang may kung anong nagsasabing pigilan ko siya’t kausapin. Nababaliw na nga yata talaga ako. Huminto siya. Lumingon siya sa akin. “Bakit?” Hindi ko siya gaanong makita sa dilim pero alam kong maganda siyang babae. “Anong pangalan mo?” “Andy Marasigan.” Saka siya ngumiti sa akin na ikinatanga ko. Ano nga bang pumasok sa isip ko at tinatanong ko ang pangalan ng hindi ko naman kilalang babae? Nababaliw na yata ako. Pero kasi… Ewan ko ba. Parang gusto kong kausapin siya. Mentally ay tinuktukan ko ang sarili ko. Ano ba naman itong pinaggagagawa ko? “Heather?” dinig kong untag ni Xena mula sa ‘di kalayuan. “What’re ya’ doing?” Napalingon ako kay Xena. Pagtingin ko sa babae… “Asan na?” “Sino?” this time ay nakalapit na siya ng husto sa kinatatayuan ko. Napakamot ako sa buhok, mangha sa bigla na lamang pagkawala niyong babae. Oh hell, never mind! *** Kagagaling ko lang sa opisina ni Rey nang magdiretso ako sa studio sa Arts Building. Nagkakatuwaan silang lahat doon. Kinawayan ako ni Renee na nakaupo kasama sina Denden, Sae, at Fifie. Doon na rin ako pumwesto sa tabi nila para hindi awkward sa ibang miyembro ng music club. “Zup, Yan?” “Not good.” Sabay titig ko ng matalim kay Ren. Ngumuso siya at nag-peace sign na parang nagpapaawa Panay ang angal ko sa kanya tungkol sa nangyari noong isang gabi para mapagtakpan ang ginawa namin ni Savier. Hayun, naniniwala naman siya’t nakukumbinsi ko. Ang sabi ko pa, kinailangan kong sapakin ang nobyo niya para lang mapatulog at nang hindi ako maperwisyo kahit ang totoo’y may himalang nangyari sa amin ni Savier noong gabing iyon. Well hindi ko naman siya masisisi sa pagdidisappearing act niya sa jowa niya. He’s with a real gentleman last night which happens to be Xena. Bakit nga ba naman hindi niya idi-ditch ang sarili niyang scumbag na syota eh nasa harapan niya ang tunay na lalaki. “I’m really sorry, Maryan. Wala lang akong mahingan ng tulong.” Kunwa’y umirap ako. “Yeah yeah, fine, I understand.” Nginitian niya ako at niyakap-yakap pa. Mayamaya’y nakita namin si Denden na ngumuso. “Oh mga bruha. Look oh. Mukhang good mood si Fafa Savier.” Lumingon si Renee. Lumingon silang lahat. Hindi na ako tumingin. Kita kasi sa salamin na nasa harapan ko ang pagpasok ni Savier na nakangiti. Para siyang asong ulol, nakangiti ng pagkalapad na parang binigyan siya ng buto ng amo niya. Ano bang nakain nito? Dahil ba sa nangyari kagabi kaya nagkakaganyan ‘yan? Ang babaw ng ligaya niya, ah. “Hey, Savier, good mood ka ah.” Puna ng isang babae na nadaanan niya na naghawi pa ng kanyang buhok. “Oo nga, Savier.” Panegunda naman noong katabi. “You want to take me tonight for dinner?” “No way he’s not taking you. He’s taking ME!” Kawawang mga hitad. Kailangan kaya matatauhan ang mga gagitang ito? “You are my sunshine…” Napatalon ako’t napabulalas sa gulat. “Ay kabayo!” My only sunshine… You make me happy when skies are gray. Isang malaki at matabang katahimikan ang naghari sa silid habang ang lahat ay pinakikinggan kung saan nanggagaling ang magkapanabay na ringtone na malakas na tumutugtog.   You’ll never know dear how much I love you. Please don’t take my sunshine away… Napalingon ako at binigyan ng matalim na titig si Savier na hindi napansin ng maraming naroon. Sumesenyas siya’t umiiling-iling sa akin na parang sinasabi niyang hindi niya alam kung bakit nagkaganoon. Eh bakit kasi kami magkapareho ng ringtone? “Mga loka, uso ang lullaby pang-ringtone noh!” pasigaw na wika ni Denden para pagtakpan ang alam naman nilang kasinungalingan. “Nga naman.” Panegunda ni Fifie. “Huli na naman kayo sa uso. Ikaw, Renee, anong ikinagugulat mo d’yan? Mag-internet ka madalas para updated ka sa mga uso!” “‘Di naman ako mahilig du’n.” Nakasimangot na tugon ng dalaga na mukhang hindi na naman nakaamoy. Ang slow talaga nitong babaeng ito. Tumayo na ako at lumabas para sagutin ang tawag. Nakita kong sinasagot na rin ni Savier ang call niya. “Gino.” Bati ko sa nasa kabilang linya. “I have a situation here, Yan. Kailangan mong magtungo rito sa ZAFT.” Nabigla ako sa sinabi niya. “Nahihibang ka na bang monggi ka? Baka pagtuntong ko d’yan, sa Isolation kaagad ang bagsak ko.” “Stupid, you have a First class badge you can show it to them. Isa pa sinabi ko nang parte ka na namin. Utang na loob bilisan mo na lang na magpunta rito, I have something to show you. I know that this is your forte.” Iyon lang at walang galang na niya akong binabaan ng telepono. Oh great. Paano naman ako magpupunta roon eh maski nga bike wala ako? Hanggang commute lang ang kaya ko. Alagang bus kaya ako. “Maryan. Saan ka papunta?” tanong ni Savier na lumabas mula sa studio. “Sa ZAFT.” Kunot-noo kong sagot dahil mukhang nagmamadali rin siya. “Bakit?” “Sumabay ka na sa akin.” Pagkatapos ay hinigit niya ang balikat ko at dinala ako sa parking area. Binuksan niya ang kotse niya at itinulak ako ng mahina sa passanger’s seat. “Sakay.” Binalibag niya ang pintuan pagkapasok ko. Siya namang sakay sa kabila at pinaharurot ang kotse. Pagdating sa ZAFT, siya ang sinundan ko papunta sa isang silid na tila laboratoryo. Doon ko nakita sina Gino at Xena at isa pang babae na nasa mid-fifty’s at nakasuot ng puting coat. “Anong nangyari?” agad na bungad ni Savier sa kanila. “There’s a girl in here. She’s been missing for over three months at ngayon lang natagpuan.” Sagot ni Gino na bakas sa mukha ang pinipiit na tensyon. “Our people found her inside a concrete sement thrown in the middle of the river. May hawak siyang isang papel nang matagpuan. It says ‘Dark King’ in the paper at ang hinala namin, malaki ang koneksyon niyon sa pagpatay. It took a lot of time to identify her but we were lucky na hindi pa gaanong agnas ang bangkay at parang kamamatay pa lang niya.” Napatingin ako sa taong nakahiga at natatakluban ng puting kumot ang katawan sa may sulok. Inilislis ng babaeng naka-puting coat ang taklob ng babae sa mukha at sa ibabang parte, exposing her bruised legs and her female organ. There’s still blood at sa hula ko’y hindi naman talaga ang katawan ang sinementuhan sa halip ay inilagay lamang ang bangkay sa isang container at saka iyon ang sinementuhan. “She’s been held captive for almost three months, twenty five days to be exact.” Saad ni Xena na halos pareho ng reaksyon ni Gino. Doon ako nagsimulang magtakas. “Marami siyang natamong pinsala.” Nagsimulang isa-isahin ng babaeng physician ang parte ng katawan ng bangkay. “Sinunog ang buhok niya, ang kalahati ng kanyang mukha at ng kanyang katawan. Aside from a male member, lumabas sa resultang may mga foreign object ang ginamit para i-penetrate ang kanyang female organs. She’s been r***d multiple times over the course of three months. The foreign objects resulted to the destruction of reproductive organs causing it to bleed severely, and she was unable to get her waste and toxins out. Wounds and a massive inflammation on her thighs shows that she must have been beaten regulary during her captive.” Sa mga narinig ay naikuyom ko ang palad ko. Doon ko naramdaman ang pag-iinit ng kung ano sa aking tyan. Pakiramdam ko’y umaakyat ang dugo sa ulo ko. Hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko. Paanong nasisikmurang gawin ito ng mga tao? Paano nila nakakayang gawin ito sa mga babaeng walang kalaban-laban? Masama akong tao, inaamin ko iyon. Pero natuto lamang akong maging masama upang labanan ang masama. Hindi ako kahit kailan pumatay at nagpahirap ng mga taong walang kalaban-laban. Hindi kakayanin ng konsensya kong gawin iyon. “Her other eye must have been struck by a sharp object, part of her eyeball is cut and it cost her a lot of blood at may mga ugat ang tinamaan na kumokonekta front lobe ng utak niya.” “Any lead?” halos paasik na tanong ni Savier na malinaw na hindi napigilan ang galit sa narinig. “Wala pa sa ngayon.” Tiim-bagang na sagot ni Xena. “Wala siyang mga naging kaaway, wala kahit na isa na may sapat na motibo para gawin ito.” “It is not the whole point.” Singit ni Gino. “Imposibleng magkaroon ang babaeng ito ng kaaway na sobra ang galit sa kanya para gawin ang mga ganitong bagay. I searched for infos last night. May mga nahanap ako na sa tingin ko’y makakatulong. Prior to that girl’s missing case, there’s still three other girls who went missing in different ages, different dates, and different places. Same M.O pero wala pa ring lead at wala pa ring nahahanap na suspek ang local police department. Ngayon lang na may similar na kaso ang nakaabot sa ZAFT.” Tumiim ang bagang ko. “Anong… anong pangalan ng babae?” Gusto ko siyang makilala. Gusto ko na kapag ako ang nakalutas ng kasong ito, maialay ko sa kanya ang hustisyang para sa kanya. Ngunit ang mga sumunod na sinabi ni Gino ay lubhang hindi ko inaasahan. “Andy Marasigan.” Automatic na nanlaki ang mga mata ko at napasugod sa kinaroroonan ng babaeng nakahiga. And though her face was damaged by burns and bruises, I can still recognize her. Nagulantang ako, nanghina ang tuhod sa reyalisasyon. “I just saw this girl last night!” “What?” sabay-sabay nilang bulalas. Bumaling ako kay Xena para hingan siya ng kumpirmasyon. Para malaman nilang tama ako. Na buhay pa siya kagabi lang. “Nakita mo rin siya hindi ba? Tinanong ko kung anong pangalan niya. Sabi niya siya si Andy… Andy Marasigan. Parehong pangalan. ‘Tapos tinawag mo ako. Paglingon ko sa kanya nawala na siya.” Napakunot ng noo si Xena. “Wala akong nakitang kausap mo kagabi, Heather.” Napanganga ako. Imposible. Imposible ‘yon! Kausap ko siya kagabi. Imposibleng guni-guni ko lang ang mga iyon! “S-Sandali. Sandali!” napapitlag kaming lahat sa sigaw na iyon ni Savier. Kuyom ang palad na nagpapalit-palit siya ng tingin sa amin ni Xena. “Y-You two are together last night?” Natahimik kami. Sa puntong iyon ako nahimasmasan. s**t. Alam niyang magkasama kami. Baka mapagtagpi-tagpi niya ang sitwasyon, baka maghinala siyang tinutulungan ko si Xena na mabawi ang ari-arian nito mula sa kanya. Makapal ang tensyon sa silid nang maputol iyon ng pagpasok ng babaeng nakaputing t-shirt. Nagbago ang galit na itsura ni Savier. Bahagya siyang yumukod sa pumasok na para bang nagbibigay-galang imbis na bumabati lamang. “Hi, Dagger, I’m Xanara Saint Claire.” Naglahad siya ng palad kay Gino na tinanggap naman ng huli. Pagkatapos ay isinenyas niya si Savier. “This is Savier Choi, OASIS’ chief in charge. He will be working with you personally with this case. Kung hindi naman sa pagmamalabis, gusto kong matapos ang kasong ito sa lalong madaling panahon. I don’t want any casualties again like this.” Tumango si Gino at tila ipinararating sa babaeng pareho sila ng sinisintemyento. “I understand. Let me introduce to you Maryan Heather. She will be handling this mission firsthand.” Bumaling ang tingin niya sa akin. Tinitigan ko rin siya, hoping na mabasa ang kanyang mga mata ngunit sa unang pagkakataon, nakatagpo ako ng mga matang hindi ko kayang basahin kahit na katiting man lamang. Na kahit na isang flash ng ekspresyon o emosyon ay hindi ko makitaan. “Cloud, the sinful gangstress and the Italian criminal.” Tumango-tango siya at ngumiti sa akin. “It’s a pleasure to finally meet you.” saka naglahad ng palad sa harapan ko. Hindi ko kinuha ang mga kamay niya at imbis ay tinaasan ko lamang siya ng kilay. “Anong nakagagalak sa pagkilala sa akin?” Natawa siya kasabay ng pagbawi niya ng kamay bago ipamulsa iyon sa kanyang pantalon. “Nagulat lang ako. Namangha. I know your story, you know. The Mafia kid prodigy type. One of those na tinuturuan nila habang bata pa at ginagawa nilang killing machine para mapakinabangan. Namamangha ako sa mga pinagdaanan mo, sa pag-eradicate mo singlehandedly sa Death Panel ng Italy. After no’n, akala ko nga mahuhuli ka na. Pero hindi pa rin. Nakalusot ka hanggang sa Switzerland. “Perhaps you must be the demon’s favorite devil. Aren’t you?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD