Plan Nineteen

2759 Words
Plan Nineteen Her Plan “Oy sa’n ka pupunta?” Lumingon ako at nakita ko siya sa sala na nakatutok sa laptop niya. Napabuntong hininga ako ng lihim sa sarili ko. I really hate this setup. Hindi naman ako makikitira rito kung hindi lang talaga feeling ko eh any minute guguho na ang bahay. Kung may ibang mas mura na marerentahan sana, ‘yong buo naman at maayos na tirhan. Ang kaso nga’y wala. Wala ring choice ang byuti ko. “Kakain ng hapunan.” Kibit-balikat kong sagot na kinunutan niya ng noo. “Ng ganitong oras?” “Eh kaya nga hapunan eh. Pasaan ang sentido kumon mo?” Tumayo siyang bigla at hinatak ako sa kusina na parang hindi narinig ang pamimilosopo ko. “Marunong kang magluto ‘di ba? Maraming pwedeng lutuin d’yan, magluto ka na lang kesa lumabas ka pa ng dis-oras ng gabi. Sinong matinong babae ang lalabas ng ganitong madilim na?” Hala. Tatay ko ba siya? “Sino pa de ako.” Sinimangutan niya ako. “Magluto ka na nga lang. Nagugutom na ‘ko.” Kapal ha? “Katulong mo ba ako?” sagot ko siya na may himig paghahamon. Nakakapikon kasi. Ngumisi siya. “You living in here for three hundred a month is obviously not enough. Not unless you wanna go back to that rotten house then just cook a meal for this night.” “Kakalipat ko lang nagpapalayas ka na? Parang kaya mo akong takutin d’yan ah.” Nakakalimot yata siyang siya ang nag-alok sa akin. Hindi naman ako nagpilit na sa kanya tumira, eh. Unggoy ‘to. May katagalan ang pagtitig niya sa akin na parang may gusto siyang hanapin sa mukha ko. Pagkatapos ng mga ilang saglit ay naupo na lang siya sa may silya roon sa dining set na nasa dirty kitchen niya. Ako naman ay nag-scan sa laman ng refrigerator niya. “Elibs. May stock kang meat pero mukhang ilang taon mo nang ‘di ginagamit.” Sarkastikong puna ko nang makita ko ang pack ng karne sa freezer na dinaig ang bato sa tigas. “Bago lang ‘yan. Ren bought that last week. Kesa naman mabulok de lutuin mo na lang.” Oo nga naman. Kaya’t inilabas ko na iyon at iniluto. Ginamit ko rin ang patatas, carrots at kamatis sa ref dahil nanghihinayang ako. Ramdam na ramdam ko ang pagtitig niya sa likuran ko habang naghahanda ng pagkain. Hindi ko na lamang iyon pinansin. Baka mag-umpisa na naman kasi kami ng World War IV kapag umimik pa ako. Mayamaya’y tinignan ko kung may rice pa na luckily eh meron naman at kasya pa sa sikmura ko este sa aming dalawa. “Oh.” Sabay-sabay kong inilapag sa harapan ng mesa ang mga pagkain na nagpapitlag sa kanya mula sa pagtinginsa akin. Hindi na ako naghintay dahil gutom na talaga ako. Hindi kasi ako nananghalian. Ibinili lang ako ni Xena ng chilz kanina. “Ano ‘to?” kunot-noong tanong niya habang sinusuri ang ulam na niluto ko. “Pork afritada. Pero since wala ka namang green peas, menudo tuloy ang labas.” Isplika ko habang sumusubo. Bahala siya d’yan kung ayaw niyang kumain. Choice niya ‘yang maging choosy. “Hindi ba dapat tomato sauce ang ginamit mo?” “Wala ka namang tomato sauce. T’saka ang tomato sauce made of tomatoes. Fresh tomatoes na ‘yan nagre-reklamo ka pa. Tikman mo muna kasi bago ka pumutak.” Kumain na ako. Bahala siya sa buhay niya kung kakain siya o hindi. Basta ako nasarapan sa luto ko. Masarap naman talaga eh. Mas tasty nga kasi fresh tomatoes ang gamit ko at hindi preservatives. Tama pati ang timpla because I added a bit of sugar in it. Which will be sort of weird for others pero secret na lang natin. Hindi naman mahahalata. “Yan, about the mission.” Pagputol niya ng katahimikan mayamaya. “Hindi namin mahanap ng records. Walang pumupuntang mga magulang o kamag-anak para kunin ang bangkay. Kung wala ang mga records, wala rin tayong magagawa. Hindi ko na alam ang gagawin.” Dinig ko ang frustration sa tinig niya. Naaalarma akong nag-angat ng tingin. Kita sa mukha niya ang stress. Kanina ko pa rin kasi siya napapansing nagtatrabaho sa laptop niya. Napabuntong hininga ako at wala sa sariling napakamot sa ulo. “Kung ako ang tatanungin, pakiramdam ko may nagtatakip ng krimen. May kung sinong pumipigil sa atin na may malaman sa kaso. Mas okay sigurong mag-umpisa tayo kung paano nila nalamang siya si Andy Marasigan.” Natigil siya’t napaisip. “That’s weird. Hindi nila nasabi kung paano nila nakuha ang identity niya.” Ngumunguyang idinayal ko ang numero ni Gino sa teleponong dinukot ko mula sa aking bulsa. Wala na malamang iyon sa Mafia ngayon at house husband kasi ‘yon pagdating sa bahay. “Maryaaaaaaan!” pasigaw niyang bundad sa akin na ikinapitlag ko. “Wrong timing ka namang tumawag eh!” Napangiwi ako. Hindi na kailangan ng explanation kung bakit wrong timing ako. Automatic. May ginagawa na namang milagro ang dalawang ito. “Wala akong pakialam, may itatanong ako. How did you found out that the girl is Andy Marasigan?” “Huh? Ah. ‘Yong school uniform.” Tumingin kaagad ako kay Savier. “Search for the school.” Nagliwanag kaagad ang mukha niyang kanina pa nangungunsumi. Mabilis siyang tumayo’t kumilos. Pinabayaan ko lang siya. Ipinagpatuloy ko lamang ang pagkain ko. S’yempre naman. CIC siya, agent lang ako. He does the work. Kinaumagahan, hinabol niya ako nang papalabas na ako sa mansyon. Gusto niya kasing sabay kami sa pagpasok. Hindi ko alam kung bakit, may sayad yata talaga itong lalaking ito. Pero malamang mas gusto kong sa bus sumakay kaya sa bus din siya sumakay. Timang, ‘di ba? May kotse naman pero sa kagustuhang sumabay, nag-bus. Abnormal. “Omo! Sabay kayo?” tuwang-tuwang bati ni Renee nang masalubong namin sila sa gate kasama si Xena. “Anong ginagawa n’yo rito?” “Hinihintay kayo.” Parang alam nilang sabay talaga kaming darating ah. Bilib din talaga ako rito kay Ren, eh. Hindi pa kami nakakapasok ng first period, nagkayayaan na sa Ministop. Gustong sumama ni lokang Renee sa amin ni Xena pero si Savier mukhang nag-aalangan pang sumabit. Pero s’yempre sumama pa rin siya. “Dalawang chilz nga, Miss, t’saka isang vanilla ice cream.” “‘Yon lang, Sir?” Napatingin kaming tatlo kay Savier. Umiling lang siya. Kaya’t tinanguan na ni Xena iyong cashier. “Iyon lang.” “Ano na palang balita sa Dark King murder case?” usisa ni Renee nang makaupo kami. “Hindi ba partners kayo du’n ni Savier, Maryan?” Napakunot ako ng noo. “Dark King murder case?” “Iyon ang tawag ng media sa kaso.” Sansala ni Savier. “May nakalagay na papel na may nakasulat na ‘Dark King’ sa kamay ni Andy Marasigan nang matagpuan, hindi ba? Natatandaan mo?” Ang taray naman ng ipinangalan nila. Sensationalism nga naman ng media. Wala talaga silang pinipili. Bumuntong hininga ako. “Wala pang progress. Kay Savier ka magtanong.” “Oh shut up.” Inis na naman niyang bara sa akin. “I’ve been on it for the whole night but I can’t find it. Sa kung anong kagaguhan, itinapon nila ang uniform at hindi rin nila magawang i-describe sa akin ang itsura ng uniform. Ang dami-dami pa namang eskwelahan sa Maynila! Public and private schools aren’t even specified!” Napatanga ang dalawa sa biglang pagra-rant ni Savier. Lihim akong nagkibit ng balikat habang sumisipsip sa chilz ko. Kibels ko naman sa paghihirap niya. Maganda nga ‘yon eh. Instant vengeance kaagad. *** “I know, right? Like ilang beses ko nang sinasabi sa kanya na maghiwalay na kami but obviously? He does not like.” “Weh? Totoo ba ‘yan?” “Oo kaya. Ask Savier pa eh. Ako nga kasi ‘yong magandang ex-girlfriend niya na hindi niya makalimutan noh.” “Wow. Grabe naman. Eh why did you leave him?” Hindi ako makapag-react sa mga naririnig kong conversation sa loob ng studio. Dahil nga kalat pala rito iyong nangyari sa amin ni Savier, sinusubukan ni Mina na ipagkalat na siya ang nang-iwang ex-girlfriend ni Savier. Matawa-tawa si Renee kapag naririnig iyon. Samantalang ako’y napapangiwi lang. Para kasing tanga. Alam naman namin kung sino talaga ang ex ni Savier. Sinong maniniwala sa kanya? “Hindi mo ba kakalbuhin ‘yang babaitang ‘yan, Ren?” pang-uudyok ni Fifie na mukhang asar na. “Naku, hindi na ako mag-aaksaya pa ng panahon sa hitad na ‘yan, ‘no. Alam naman nating lahat ang totoo. Wala namang nakakakilala sa ex ni Savier maliban doon sa mga students sa Jensens high na ka-batch nila noon.” Sa puntong iyon ay tumingin ang tatlong bruhilda sa akin ng pasimple pero hindi ko pinansin. Pake ko dun. Pake ko kung may makakilala sa akin bilang ex niya. Wala namang problema ro’n. Hindi ko naman kasi itinatago ‘yon. Sadyang wala lang nagtatanong. “Maryan!” sabay kalabog ng pintuan na sliding door. Agad namang umepal itong si hanger. “Oh here comes my honey. Hey, Savier!” Pero hindi pinansin ni Savier ang lukaret kaya deretso ang tingin ng lahat sa amin. Taka kaming lima. Problema nito? “Get up. May trabaho tayo.” Trabaho. Pinangkitan ko siya ng mata. “Heh. Class time ko, hindi mo ba nakikita?” Sa gulat ko’y hinampas ako nila Renee. “Mas importante ang kaso kesa sa klase, Maryan. Tumayo ka na nga r’yan.” Bago pa man ako makapalag eh hinila na ako ni Savier palabas ng studio. I can still hear Mina screaming. “Gaaaaah! Savier, why her? Bakit siya pa? Savieeeer!” Ugh. Sakit sa tenga. Humantong kami sa opisina niya sa ZAFT. Ni hindi nga niya ako pinagpahinga’t pinagtrabaho ako agad. Napapaisip tuloy ako kung agent ba akong talaga o utusan lang ng impaktong ito. “Help me search for schools. Akin ang private, sa ‘yo ang public. Do you know how to use the computer?” Inambaan ko siya ng folder na nadampot ko sa mesa. “Anong tingin mo sa akin, taga-bundok? Nakakalimutan mo bang taga-Mafia ako?” Ngumisi lang siya na parang sinadya niya ang pang-aasar na iyon at naupo na sa swivel chair niya. Inirapan ko siya. Saka ko lamang napansin na ipinuwesto niya ako roon sa isang desk na parang pang-employee lang. “Bakit ako nandito? ‘Di ba dapat d’yan ako ‘tapos dito ka?” “Are you kidding? CIC ako, agent ka lang. Boss mo ako kaya magtiis ka r’yan.” Aba. Unfair ka. Hindi naman ako basta-basta agent, pakareeeeyt ka talaga. Ilang oras din kaming naghalungkat. I did some automatic searching with the name Andy Marasigan. I took my time programming the computer para maghalungkat na lang siya sa pangalan na ‘yon with the schools na iki-click ko. Naman. Hustler ako sa computer. “I got it!” mayamaya’y bigla niyang sigaw saka tumayo at nagmadaling tinungo ang printer. “Gano’n?” nag-inat ako. “O’sya uuwi na ako.” Pero mukhang hindi niya ako pansin. Ni hindi nga siya lumingon sa akin, eh. “Yeah fine, goodbye.” Lumabas ako ng opisina. Huli kong nakita eh nag-aayos siya ng papel. Nirebesa’t tinignan man lang ba niya ang piniprint niya? Nakita man lang ba niya kung ano talagang eskwelahan iyong natagpuan niya? Masyado siyang hyper eh. Nanatili ako sa tagong pasilyo at pinanood siyang lumabas ng opisina na sa tingin ko eh susundan ata ang secretary niyang missing in action. Pumasok ulit ako sa opis. Tinignan ko ang printed papers pati ang computer. Kumunot ang noo ko. Jensens high school? Tignan mo nga naman ang pagkakataon. I took a printed one then proceed to the xerox machine. Nag-xerox ako ng isang copy no’n. Nag-delete ako ng history sa computer ni Savier. Nilipat ko pati sa shredder ang mga na-print niyang copies ng list of students sa Jensens. Now this is what you call sabotage. Neener! Kinuha ko ang kopya ko bago tuluyang umalis ng opisina at ng building. Nakita kong pumasok ang janitor nilang manyak. Napangisi ako. Love na love talaga ako ng tadhana. Tumunog ang cell phone ko habang papalabas ako ng gusali. Agad kong sinagot ang tawag nang makita ko ang pangalan ni Xena roon. “Yes hello?” “Heather, can you meet me at Water Bridge?” Napataas ang kilay ko. “Tatalon ka sa tubig?” Natawa siya. “Course not. Pumunta ka ah? Hihintayin kita. Or else tatalon talaga ako.” At sa kabastusan ng taong ‘yon, agad niyang pinatay ang tawag. Ni hindi ako nakapagsalita. Adik talaga. Ibubulsa ko na sana ang cell phone ko nang muli na namang tumunog iyon. Marahas akong napabuntong hininga. Sino na naman ‘tong hinayupak na ‘to? Tinignan ko ang caller ID. Si Savier. Hinayupak nga ‘to. Ngunit imbis na mainis ay napangisi pa ako. “Hell-oh?” “Come back.” Deretso niyang sagot at nahihimigan ko ang irita sa tinig niya. “I need your help. Someone destroyed the f*****g papers and deleted my computer history! Dammit!” Kunwari’y nakisimpatya ako pero sa loob-loob ay tumatawa na ako ng malakas. “Oh poor you. Ni hindi mo man lang ba nakita kung anong eskwelahan iyon?” “Hindi. Lumabas kaagad ako. Bilisan mo na, Yan!” Ngumisi ako. Bumaling ako sa gusali ng ZAFT since nasa area pa naman ako. Pagdating ko sa opisina niya, kalat-kalat ang gamit at takot na takot ang secretary niya na nagdadampot. Pailing na pinalayas ko siya sa swivel chair niya. “Akala mo libre ‘to? May bayad ‘to noh.” “Trabaho mo rin ‘yan kaya ba’t kita babayaran?” sagot niyang halata na ang pag-iinit ang ulo. Ngumisi ako. “Kakasabi mo lang kanina na agent lang ako at CIC ka, de boss kita. At ang mga boss eh binabayaran ang empleyado nila.” sinimulan ko nang kalikutin ang computer niya. “Kapag nahanap ko ‘to, bayaran mo ‘ko ng isang libo. Pasalamat ka nga isang libo na lang ang sinisingil ko.” I pressed the enter button then leaned back to his swivel as he let out a low groan of disappointment. We watched the printer sends out a paper with a printed copy of names in there highlighting a certain one. “Jensens?” nakanganga niyang wika nang makita ang printed na papel na tila hindi makapaniwala. Tumango ako. “Yep. Ironic, huh? Nasa’n na ang isang libo ko?” Bumaling siya sa akin ng nakasimangot. Yamot siyang naglabas ng wallet at ng bill ng isang libo mula roon saka iniabot sa akin. Ngiting tagumpay ako nang makalabas doon. *** “Tatalon ka talaga r’yan?” Lumingon si Xena. Tumawa siya. Ewan ko ba. Para siyang tuwang-tuwa nang sumipot ako. Totoo kaya talagang tatalon siya kung inindyan ko siya? I wonder. “Galing ka kay Savier?” Tumango ako. “We have to search for—” Napatigil ako nang biglang-bigla ay kinuha niya ang kamay ko at hinatak ako sa kanyang dibdib. “Seryoso ako sa sinabi ko, Maryan. I know that this is too fast for you. But I know what I want now. I know that I want you. And I can give up everything—maski pa si Savier—just to get what I want.” Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. Ngunit mayamaya’y umiling ako. Ayokong makasakit ng ibang tao pero hindi madali ang gusto ni Xena. At kahit pa nakakalungkot na tanggihan ko siya, wala akong magagawa. Kaysa umabot kami sa puntong umasa na siya’t hindi ko na kayang kontrolin pa ang sitwasyon. I turned around, ready to walk away when he grabbed me again by the hips from behind. Naramdaman ko na lang ang mukha niya na nakapatong sa may kaliwang balikat ko. “Then please… can you just pretend that you feel the same?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD