Plan Twenty

2184 Words
Plan Twenty Her Plan “Gosh… aaahhh… Saviiieeer! Please… please…” Takip ng unan, lipat sa kanan. “Ooooh! Oh my!” Takip ng unan, lipat sa kaliwa. “s**t, s**t, s**t… ahhh that feeels—” Pambihirang buhay naman ito! “Pwede bang pakihinaan ‘yang mga halinghing n’yo?!” hindi ko na napigilang sumigaw sa sobrang pagkabwisit ko! For how many hours na ba akong sumusubok na matulog? Kung hindi kalabog ang maririnig ko, panay ungol naman. What the hell are they doing up there at inabot ng oras ‘yang s*x na ‘yan? Bakit hindi n’yo na lang isalpak ‘tapos magpakamatay na kayo! Tutang gala, ano bang klaseng foreplay ‘yan! Peste! Biglang tumahimik. Hinintay ko kung muling magsisimula ang ingay na iyon. napabuntong hininga ako nang mga ilang minuto na ang lumilipas ay wala pa rin ang ingay. Tumigil din. Ang kaso’y alas tres na. Hindi na ako makakatulog. Pambihira naman talaga. Sarap pumatay. Kinaumagahan, alas nueve na ata nang makapaghanda ako para sa school. Paglabas ko nakita ko sa sala si Savier. Ewan kung anong ginagawa niya. Kumulo ang dugo ko. Pero nang makita niya ako, siya pa ang may ganang gawaran ako ng matalim na titig. Lakas ng loob mo ‘nayupak ka. “Sa susunod na makikipagkatayan ka, utang na loob kumuha ka ng babaeng hindi maingay at nagwawala kapag nasasarapan. Nakakalimot ka atang dito rin ako nakatira.” Iyon lang at tinalikuran ko na siya. Sinukbit ko ng maayos ang backpack ko at akmang aalis na nang biglang-bigla ay marahas niyang hinablot ang braso ko’t pinilit akong iharap sa mga nanlilisik niyang mata. Napakunot ako ng noo sa inaasal niya. “What the hell is wrong with you?” “Hindi mo alam kung bakit?” gigil niyang sagot pagkatapos ay may kinuha siya sa center table na tabloid saka niya inihagis sa mukha ko. “Now tell me you don’t know what exactly is wrong!” Pinulot ko ang nalaglag na dyaryo. Nakita ko sa headline ang picture namin ni Xena na nakayakap sa akin mula sa likuran. Eksena no’ng nasa Water Bridge kami. Nakagat ko ang dila ko. Pambihira. Sikat pala si Xena? Oh eh anong problema niya rito? Ano na namang ka-dramahan ito? Kunot-noo akong nag-angat ng tingin sa kanya. “Wala namang mali rito, ah.” Nakita kong rumehistro ang gulat sa kanyang mukha, pagkatapos ay nasundan ng kakatwang emosyon na parang… para siyang nasaktan. Nakikita ko rin ang galit, ang panggagalaiti niya sa hindi ko malamang kadahilanan. Ano ba talagang problema nito? Ako ba ang may kagagawan kung bakit siya galit na galit? Anong ginawa ko? Dahil magkasama kami ni Xena? Eh bakit naman siya maaapektuhan? “Kayo ba ni Xena? Nililigawan ka ba niya? B-Bakit mo ba… bakit mo ba kailangang i-entertain pa siya eh nandito naman ako? Hindi ka pa ba kuntento sa akin?” Napatanga ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko’y nabalutan ng bulak ang utak ko, hindi ako makapag-isip. “A-Ano bang sinasabi mo? Hindi kita naiintindihan, Savier?” “Bakit ka lumalabas na kasama siya? Kakakilala mo palang sa kanya ah! Hindi ka magugustuhan ni Xena, Yan-yan! Sasaktan ka lang no’n! You’re not exactly his type, iwan mo na siya!” Nagpanting ang tainga ko. Parang biglang napigtas ang pisi ko at hindi ko namalayan ang pagtataas ng boses ko. “Eh ano ba kasing pakialam mo?!” Natahimik siya. Natahimik ako. Pareho kaming nabigla nang sumigaw ako. Nararamdaman ko ang kalituhan niya at ang galit. Samantalang ako’y naguguluhan sa sarili ko. Hindi ako sumisigaw. Hindi ako nagtataas ng boses lalo na kapag normal na pag-uusap lamang. Madalas, kapag si Savier ang kasagutan ko, kalmado lang ako kahit na ano pang ibato niya sa akin. pero parang pakiramdam ko, hindi ko kayang kumalma ngayon. Pakiramdam ko, nagwawala ang sistema ko. Gustong sumigaw. May kung anong nais kumawala. Nakita ko ang pagtiim ng bagang ni Savier, ang pagngangalit ng kanyang ngipin at pagkuyom ng kanyang palad. “Say that again.” Huminga ako ng malalim, pinilit na pakalmahin ang aking sarili. “What do you care, Savier? Why do you care? Makikipag-date ako sa kung sinong gusto kong i-date. Kaya kong gawin ang kung anong gusto ko, makipag-flirt sa kung sinong gusto ko. Anong pakialam mo? Huh? I have my life at matagal ka nang hindi parte no’n. Kaya anong pakialam mo sa mga gagawin ko?” Bumuka ang bibig niya. Naghintay ako ng sasabihin niya, pakiramdam ko’y may kung anong umusbong sa dibdib ko. Na para bang gusto ko siyang pakinggan, na para bang gusto kong hintayin kung anong sasabihin niya. Ngunit nanatili siyang ganoon. Ibubuka at ititikom ang kanyang bibig hanggang sa ako na mismo ang sumuko’t tuluyan na siyang nilagpasan. *** Luckily eh wala namang media sa labas ng school gaya ng issue kay Rey noon. Nakita kong sumalubong sa akin sina Renee, Fifie, Sae, Denden, at Xena. Sumabay sila ng lakad sa akin papasok. “So anyare? Kayo na talaga?” usisa ni Denden. Napangiwi ako. Ito namang si Xena, tuwang-tuwang sinakyan ang isyu. “Hindi pa. Open relationship lang.” Kailan ko pa pinabayaang maging open relationship kami? Hindi naman ako easy to get ah. Kapal netong mokong na ‘to. “Wahaw congrats.” Ngising tinapik ni Denden ang katabi niya sa braso. Napailing na lamang ako. Hindi pa nagtagal at nakita kong kaming tatlo na lang nila Ren at Xena ang magkasabay. Eh? Ni hindi ko nga namalayan. Nasaan yung tatlong bruha? “Ano… m-may klase na rin ako eh.” paalam ni Renee. “Mauna na ako.” sabay takbo habang kumakaway pa sa amin. BLAG! Napangiwi ako. Tumama siya sa may puno kasi sa amin siya nakatingin habang tumatakbo. Papalapit palang kami ni Xena nang sumigaw siya. “H’wag na, okay lang ako. Babay!” saka nagtatakbo ulit. Napabuntong hininga ako’t nailing. Tumawa naman itong si Xena na mukhang natuwa pa yatang naiwan kaming dalawa. “Ayos, ah. Nakakutob sila.” Huminto ako, bumaling sa kanya habang siya’y nakangiti sa akin. Mukha talaga siyang seryoso sa sinasabi niya. Sa isip ko’y napabuntong hininga ako. Buang talaga. May nagkamali na namang magkagusto sa akin. Laki nilang tanga ‘no? “Bakit ganyan ka makatitig?” tanong niya nang marahil ay tumagal ang titig ko. Nag-iwas ako at nagkibit ng balikat. “Just wondering what you have in mind.” Narinig kong tumawa siya. Ngunit sa kasamaang palad, hindi ko inaasahang kakabigin niya ang mukha ko para halikan ang labi ko. Sa gulat ay naitulak ko kaagad siya. Ngumiti lamang siya sa akin na parang hindi niya alintana ang pagkabigla ko. “That is what I have in mind.” Nanlaki ang mga mata ko. “You’re crazy.” Tumawa na naman siyang muli. “Must be.” Napanganga ako. Magsasalita pa sana ako para patigilin na siya sa kanyang kalokohan nang bigla na lamang umentra mula sa aking likuran ang pamilyar na tinig. “Oh so the news is real.” Nagkatinginan kami ni Xena. We both recognize that voice, of course. Pareho kami ng reaksyon, pareho ng sinasabi ng mga mata. Na parang gusto naming parehong upakan si Savier. Ngunit dahil sibilisado kaming mga tao’y pinutol na lamang namin ang titigan at binalingan siya na papalapit sa amin. Pagkatapos ay bigla na lamang sumulpot ang nagtatatakbo na si Renee out of the blue. “Nooo, Savier, halika na sabi! Oy!” Kumunot ang noo ko. Huh? Humanukipkip si Xena habang ako’y pinapanood ang paghila-hila ni Ren sa nobyo niya. “You have some problem, Savier?” Nagkasalubong ang matalim na titig ng magkaibigan sa isa’t-isa. “Nah, just cheking on you.” “Well… pupunta kami sa Ministop. Gusto n’yong sumama?” Binigyan ko ng matalim na titig si Xena. Ngumiti lamang siya na ikinainis ko. Ano bang balak niya? Anong pinaplano niya at parang hindi yata ako na-brief? Tinungo namin ang pinakamalapit na Ministop at sumama nga iyong bangag na mag-syotang uto-uto. Hindi na lang rin ako umimik. Libre naman ni Xena ‘to eh. Nauuhaw na rin naman ako. “Welcome, Sir. Ano po sa kanila?” “Dalawang chilz nga, dark chocolate. T’saka vanilla ice cream.” Then he turned to me. “Gusto mong kariman?” Tumingin ako sa glass na lalagyan ng mga stuffed bread. Hindi rin ako nag-almusal since nag-bangayan nga kami ni Savier kanina. “Yeah, I guess? Ham and cheese?” Savier groaned. Bumaling kaming tatlo sa kanya. Ginawaran niya ako ng masamang tingin. Doon ko naalalang ayaw niya sa cheese. Napangisi ako ng ‘di oras. “Aw, sarreh. Kidding.” Naiiling na natawa si Xena bago bumaling sa babaeng nasa counter. “Sige, Miss, tatlong chicken tuna kariman na lang.” Naupo kami sa bakanteng set ng silya matapos kunin ng dalawang lalaki ang mga orders namin. As usual ay kape lang ang inorder ni Savier dahil nga ayaw niya sa mga pagkaing nandito. Choosy. “N-Nag-away ba kayong dalawa?” nag-aalalang tanong ni Ren kina Xena at Savier. Umismid si Savier. “Bakit naman kami mag-aaway?” Kumunot ang noo ng kausap. “Mukha kayong nag-away eh.” “Ah no.” Ngiting sagot ni Xena. “Anyway, Ren. Since you’re close with Heather. What do you say with… me courting her?” Nasamid ako. Nanlaki ang mga mata ni Renee na palipat-lipat ang tingin sa akin pati kay Xena. Baliw na ‘tong lalaking ito. Nababaliw na siyang talaga. Pagkatapos, sa gulat ko’y hinablot ni Savier ang kuwelyo ni Xena. “We’ll talk. Outside. Now move!” Lumabas silang dalawa ng convenience store ng walang pag-aalinlanga. Nag-aalalang pinanood ni Renee ang dalawang nukhang nagsisigawan sa labas. At nang inatake ng kamao ni Savier si Xena, sumisinghap siyang tumayo at tumakbo palabas upang awatin ang dalawa. Nailing ako. Napabuntong hininga at kinuha ang cell phone mula sa bulsa. Idinayal ko ang numero ni Gino. Sa ikalawang ring ay sumagot siya. “Yan-yan! Punta ka rito, may bago akong recipe.” ang bungad niya kaagad sa akin. “Oh ,sure. But can I ask you something?” tanong ko habang pinaglalaruan ang makapal na straw ng aking inuman at sabay na pinapanood na magsapakan ang dalawang unggoy sa labas. “Paano malalaman ng isang babae kung seryoso ang isang lalaki sa kanya?” “Maraming paraan naman eh. Depende sa klase ng lalaki. Bakit?” Automatic na naningkit ang mga mata ko. “Kapag nakikipag-away siya sa matalik niyang kaibigan dahil sa babae, anong ibig sabihin no’n?” Matagal na hindi sumagot si Gino. Pinanonood ko lang silang nagpapalitan ng suntok. Hindi sila maawat ni Renee at nagsisimula na rin silang makatawag ng atensyon mula sa mga tao. Hanggang sa may lumabas na security guard pero hindi rin naawat dahil pareho lang nilang sinapak iyon. “Miss, boyfriend mo ‘yong isa do’n hindi ba?” sabi ng nakikiusisang staff ng convenience store na ikinapitlah ko. Kumunot ang aking noo. Boyfriend? Napatingin ako sa labas. “Alin d’yan?” “‘Yong gwapo na tan t’saka macho?” Isa lang naman ang kayumanggi ang balat d’yan. Mestiso si Xena eh. Kaya naman kumunot lalo ang noo ko. “Huh?” Ngumiti siyang parang tanga. “Dati ko pa kasi kayo nakikitang magkasama at nagpupunta rito. Mga six years ago?” Natigilan ako. At kasabay niyon ang tinig ni Gino sa kabilang linyo na lalong nagpaikot sa ulo ko. “Then he’s really serious with you. It’s his bestfriend, Maryan. You know the saying? Bros before hoes? Kapag nilabag niya ‘yon, seryoso siya sa ‘yo. Sigurado ‘yon.”   His Plan Because I still love you! Natigilan ko. Nanginig ang kalamnan ko. Nabingi ang tainga ko’t hindi ako makagalaw. Noong una’y akala ko naisigaw ko talaga iyon. Nang lampasan niya ako, na-realize kong sa isipan ko lamang naisigaw iyon. Pakiramdam ko’y nalilgaw ako. Nawawala. Bakit, Xena? Bakit kailangang si Maryan pa? Kaya kong ibigay ang lahat ng babae sa ‘yo, bakit kailangang si Maryan pa ang hingin mo? Bakit ‘yong mahal ko pa? Hindi ko kayang pakawalan si Maryan at alam ni Xena iyon. mas alam nga niya iyon kaysa sa aking pilit na itinatanggi ‘yon, eh. Kaya’t anong karapatan niyang ma-in love sa mahal ko? Anong karapatan niya?! “You’re mine, Sunshine. Just mine, I swear it.” Nami-miss ko na siya. Gusto ko na siyang bumalik. Hindi pwede ang ganito. Kailangan kong gumawa ng paraan. Xena and his stupid to-do list be damned! Wala akong pakialam! Akin lang ang Yan-yan ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD