Plan Twenty One

2592 Words
Plan Twenty One Her Plan Dear Spice, Naaalala mo ba noong tinutugis pa natin ang Death Panel? Noong tinatakot pa natin sila gamit ang mga baraha? Noong panahong nakilala si Cloud, thy veil? Naaalala ko kasi iyon ngayon. Pakiramdam ko kasi’y ako ang dahilan kung bakit hindi umuusad ang kasong hawak namin. Naaalala mo? Ang Ace ay para sa mga pinapatay ko. Ang King ay para sa mga biktimang pababayaan kong natatakot. Ang Queen ay para ipaalam sa kanilang nakuha ko na ang gusto ko. At ang Jack naman ay para ipaalam na nagagalit ako. Naisip ko, maaari ko kayang muling gamitin ang mga barahang ito upang ipabatid sa mga taong hindi ako nauunawaan ang nais kong iparating? *** “Anong ginagawa mo rito?” Tinignan nila Denden, Sae at Fifie si Erinne mula paa hanggang ulo. Tumatawa lang si Xena habang nakatingin din kay Erinne. “Heh.” Inambaan niya ng tampal iyong tatlo. “Tantanan n’yo nga ako. Palibhasa hindi kayo makaalis-alis dito.” “Ang yabang nitong baklitang ito. Eh ano nga kasing ginagawa mo dito?” “Kakausapin ko si Cloud. Bakit ba?” Biglang dating si Savier sa studio. Huminto siya’t napakunot ng noo nang makita niya ang dahilan ng kumpulan. Gano’n din si Erinne, probably recognizing each other. At biglang-bigla na lamang sumigaw at dinuro ni Erinne ang kawawang lalaki na nagulat. “What the hell is that bastard doing here?” Hinampas ko siya sa batok ng palihim. “Pwede bang manahimik ka? Wala namang nakakaalam, eh.” Nanlalaki ang mga matang tumingin siya sa akin. Pagkatapos ay kay Savier. Todo namang lakas ng loob nitong si Savier, lumapit pa! Pambihira naman, gumagawa ba sila ng gulo? “Hey, I uhm… I thought I miss your name, you are…?” Nakataas ang kilay ni Erinne. “Erinne Ashton.” “Kilala mo ako.” At hindi iyon patanong. Parang kinukumpirma pa niyang kilala nga siya ni Erinne. Ang tanga talaga ng taong ito. “At paanong hindi kita makikilala?” Pamilyar ang ngiting iginawad ni Savier kay Erinne. Nakita ko na ‘yan dati, no’ng hinarang niya ako sa tapat ng Ministop. “I think we need to catch up. You wanna… go out for a little while?” Napaisip ako. Ano bang ginagawa niya? Ito ba ‘yong nakalagay sa to-do list? Aba’y gago talaga. Sa dami naman ng mga kaibigan ko, si Erinne pa talaga ang pinuntirya niya. Tanga. “Hoy, lalaking hitad. H’wag ako, ha. Take na ako.” Ipinakita niya kay Savier ang singsing niya sa daliri at saka lumapit para bumulong. “At kung ayaw mong masaktan, layuan mo si Maryan. Asawa ko ang kapatid n’yan. Hindi mo alam ang kalikaw ng bituka ng mga taga-Mafia. Naiintindihan mo?” Napanganga ako nang masaksihan ang pamumutla ni Savier. Lumunok siya, tumango. Nagkatinginan kami ni Xena na piit na piit ang pagtawa. Hindi naman na namin kailangang magsalita upang maintindihang nailaglag ni Savier ang pangalawang to-do list.  “Uh… anong mayroon?” Napatingin kami sa litong-litong si Renee na kakapasok lamang ng studio. Doon lang tumigil sa komosyon itong dalawang buang na parehong ewan. Sinubukan ni Savier na tanggalin ang pagkapahiya niya bago bumaling sa akin. “C’mon, get going. We have work.” Sumimangot ako. “Ano na naman ‘yon?” Tila ikinainis niya ang pagrereklamo ko. “Hindi ba pwedeng manahimik ka na lang at sumama sa akin?” Napairap ako. Parang may choice ako, ah. Lalakad na sana ako nang hilahin ni Xena ang kamay ko. Napalingon ako at bumungad sa akin ang matamis na ngiti niya. “Take care. I’ll see you later.” Natigilan ako’t hindi nakapagsalita. “T-Teka, kayo na?” hirit ni Hime. Hindi ko alam kung bakit unconsciously ay napatingin ako kay Renee. Para siyang biglang nagkainteres sa sahig dahil sa kakayuko niya. Tinitigan ko ng matalim si Erinne na mukhang asong ulol na ngumisi lamang sa akin. Huminga ako ng malalim and rolled my eyes heavenwards. “Sya, lalayas na ako.” At lumayas kami ni Savier sa studio. Medyo nagtataka na nga ako kay Renee. Parang hindi na siya masyadong nagpupunta sa mansyon pati na rin ang pagiging clingy niya sa syota niyang ewan ay inihinto na niya. Anong nangyari sa babaeng iyon? Natauhan na kaya? Pagdating sa ZAFT, nagtaka ako nang dumeretso kami sa opisina ni Destroia. Nadatnan namin siyang nakatutok sa isang folder bago bumaling sa amin. Nakita kong puno ng magkahalong galit at sakit ang kanyang mata. Agad akong naalarma. “Another girl went missing.” Ang bungad niyang anunsyo. Napalunok ako. “Paano mo nalaman?” “This.” She slid a folder on the desk. Kinuha iyon ni Savier. Tinignan ko agad iyon pagkabukas niya ng files. There were papers and picture of a certain girl in it. Then I saw a picture of an abandoned car with a clear spot to where a King of Spades lies in the backseat. And then it hits me. “Ginagaya niya ba ang istilo ko?” Marahil ay pareho lamang kami ng iniisip, bumaling si Savier kay Destroia. “Walang kinalaman si Maryan dito. Hindi niya gagawin ito.” “Alam ko ‘yon, Crusade. Pero hindi alam iyon ng mga tao. At sa tingin nila’y si Cloud ang may kagagawan no’n dahil siya ang kilalang gumagamit ng mga baraha at nag-iiwan no’n sa lahat ng crime scene. Now you have to find the real culprit even before people starts recognizing Cloud. Baka paghinalaan siya ng tuluyan. Kailangan nating makakuha ng lead bago pa lumaki ito.” Sa tingin talaga nila’y ako ang may kagagawan niyon? The media must be feasting on this. Lumabas kami ni Savier na laglag ang mga balikat. So kriminal pa rin ako? Lihim akong napabuntong hininga. Oh well. Sabi nga nila, once a cheater, always a cheater. Same rules apply din yata sa mga kriminal na gaya ko.  Tinapik ko si Savier para magpaalam. “I’ll go ahead.” “Maryan.” Lumingon ako. Nakita ko siyang naglalakad para humabol sa akin. At sa gulat ko’y bigla na lamang niya akong kinabig upang yakapin. Nasorpresa rin ako’t nagtaka sa gaan ng yakap niya. Hindi iyon mahigpit, hindi marahas. Naninibago ako. Lalo pa nang ibulong niya ang tatlong salitang iyon. “I’ll keep you safe.” Natigilan ako. Kumabog ang dibdib ko sa hindi ko malamang kadahilanan. Nakaramdam ako ng takot. Takot na pangalanan kung anuman ang nagsisimulang maramdaman ng sistema ko. Itinulak ko siya. Iniwas ang tingin ko at gumuhit sa labi ko ang mapait na ngiti. “Naririnig mo ba ang sarili mo? Hindi mo ako kayang protektahan. Why would you even want to? Bitawan mo ako.” Sa puntong iyon, bigla niya akong inilayo sa kanya. May higpit na ang hawak niya sa aking braso, ang mga mata niya’y unti-unting nalulunod sa galit at isa pang emosyong hindi ko mapagkilanlan. “Bakit ba galit na galit sa akin? Hindi kita maintindihan! Ako dapat ang galit sa ‘yo! Pero sa halip ako pa ang mas nagmamahal! Kaysa magalit, minamahal kita kahit hindi naman dapat!” Natigilan ako. Nabura ang inis ko. Pakiramdam ko’y tumigil ang mundo. Hindi ako mapaniwala. Sinabi ba niya talaga iyon? “N-Nawawala ka na ba sa katinuan?” Matagal niya akong pinakatitigan. Para ngang gusto kong tumakbo na lamang palayo sa kanya nang mga sandaling iyon. Mayamaya’y mapait siyang tumawa at umiling-iling bago ako pinakawalan. “Siguro nga. Forget what I told you. I must be going insane.” Pumasok siya sa opisina niya ng walang imik at walang lingon. Iniwan niya ako roon na nakanganga at hindi makapagsalita. Napapiksi ako nang biglang tumunog ang cell phone ko, hudyat na may text message akong natanggap. Kinuha ko iyon mula sa bulsa at binuksan ang text message. Akala ko si Xena. Siya lang naman kasi ang madalas kong ka-text ngayon. Kagabi nga siya pa may sagot ng load ko. Kaso hindi pala. From: Renee Nasa ibaba ako ng Water Bridge. Pwede mo akong puntahan? May sasabihin ako sa ‘yo.  Bumuntong hininga ako. May choice ba ako? Sumakay ako ng bus papunta sa Water Bridge. Hindi naman siguro siya tatalon doon, ano? Nasa ibaba naman siya ibig sabihin nando’n siya sa madamong parte. Ano bang ginagawa niya ro’n? “Oy.” Nadatnan kong nakaupo siya sa slope kung saan may mga green trimmed grass na nakasalo sa kanya. Umupo na rin ako at pinagmasdan ang maliwanag na view ng ibabang parte ng Water Bridge. Iyong asul at malinis na ilog na tahimik ang agos. Pati ang malamig na ihip ng hangin. Nagulat na lamang ako nang makarinig ako ng paghikbi sa tabi ko. “Mukha talagang seryoso si Xena sa ‘yo, Maryan. H’wag mo siyang sasaktan ah—huk— T’saka… t’saka—” Nanlaki ang mga mata ko. “Anak ng! Bakit ka umiiyak?” Marahas niyang pinunasan ang kanyang luha gamit ang likuran ng kanyang palad. Nakakatangang umiiyak na lang bigla ‘tong si Ren ng hindi naman nagsasabi kung bakit. May sapi ba itong babaeng ito? “P-Pwede ka bang magtago ng sekreto?” Agad na naningkit ang mga mata ko. “Depende sa sekreto. Ano ba ‘yon?” Humihikbi siya ng tumingin sa akin. May pag-aalinlangan sa kanyang mga mata ngunit sa kabila niyon ay nakikita ko ang tapang, ang determinasyon. Pagkatapos ay huminga siya ng malalim. At hindi ko inaasahan ang sumunod niyang sinabi. “Xena is my ex.” Natulala ako. Napatanga. Ang unang pumasok na reaksyon sa isipan ko: Bullshiiit. I’d like to think that’s complete and utter BS. Dahil paano? Hindi ko napansin. Ni hindi ko nahalata kahit na katiting. Oo nga’t napupuna ko ang pagiging weirdo ni Ren nitong mga nakaraan simula nang pumutok ang isyu tungkol sa amin ni Xena pero imposible kasing maidugtong ko iyon sa naging relasyon nila ng monggoloyd na iyon. Hindi ko nahalatang may ganoon silang nakalipas. Paanong nakalusot sa akin iyon? “Back in highschool, when Xena’s father died, doon siya nagsimulang manlamig sa akin.” natigilan ako nang magkuwento siya. Hindi ako nagsalita’t piniling pakinggan na lamang muna si Renee. "Alam ko, ramdam kong mahal pa rin niya ako. Pero dumating si Savier. Naibaling ang atensyon ko sa kanya. Na-guilty ako dahil parang patay na ang relasyon namin ni Xena noon at pakiramdam ko niloloko ko na siya dahil kay Savier. So I broke up with him. Nasaktan ako no’ng hindi man lang siya nadismaya o nagulat. Ang sabi niya’y gagawin naman daw din niya iyon, naunahan ko lang siya. Naging magkaibigan kami. Hanggang sa nalaman niyang kami na ni Savier. Hindi na niya kinakausap at tinatrato ng kagaya ng dati.” Kumunot ang noo ko. Hindi ko nauunawaan ang nangyari sa kanila pero sa palagay ko’y may kinalaman ang galit ni Xena kay Savier kaya’t nangyari iyon. “De kung gano’n, bakit mo iniiyakan ang tungkol sa amin ni Xena?” may Savier na siya, hindi ba? Ikaw ba namang gaga, iiwanan mo ang boyfriend mo habang nagluluksa siya sa pagkamatay ng tatay niya. ‘Di ba katangahan ‘yon? Pinunasan niyang muli ang mga luha niya na pilit kumakawala mula sa kanyang mga mata. “This past few days, pakiramdam ko napapalapit na ako sa kanya ulit. Bumalik na siya, bumalik na ang dating Xena. At nangyari ang kinatatakutan ko. Mahal ko na ulit siya, Maryan.” Tumaas ang kilay ko nang lalo siyang humikbi dahil sa huli niyang sinabi. Mabuti nga’t natauhan siya, eh. Bakit pa siya umiiyak? “So… you want him back?” “No!” agad niyang tanggi na may pag-iling-iling pa. “Maryan, nooo… S-Seryoso si Xena sa ‘yo. Hindi na siya nagkaroon ng interes sa ibang babae simula nang maghiwalay kami. Wala na akong karapatang balikan siya pagkatapos ng ginawa ko. Gusto ko lang na pahalagahan mo siya. Sana… sana bigyan mo siya ng halaga gaya ng ginagawa niya sa ‘yo.” Napatitig ako sa kanya. Isang tingin palang, malalaman mo nang isang martir ang babaeng ito. Handa siyang sumalo ng granada para sa taong minamahal niya. Handa niyang isakripisyo ang kanyang sarili para sa taong minamahal niya. At sa aking opinyon, maswerte ang lalaking marunong um-appreciate ng katangian ni Renee. Pabuntong hininga akong natawa, binalingan ng titig ang ilog. Doon ko napagpasyahang aminin ang katotohan. “Kaya mo bang magtago ng sekreto, Ren?” Nagpupunas siya ng luha nang lito siyang tumingin sa akin, nag-aabang, interesado. “Y-Yes of course.” Gumuhit ang mapait na ngiti sa aking labi. At para bang bigla na lamang nag-flash sa harapan ko ang mga nakaraang kasama ko ang lalaking iyon anim na taon na ang nakalilipas. “I’m Savier’s ex.” Nahuli kong nanlaki ang kanyang mga mata niya. Suminghap. Natutop ang dibdib. Natulala siya. Nautal. “N… No… Y-You can never… do that to… Savier…” Nagbaba ako ng tingin. Muli’y bumuntong hininga. “Siguro nga’y nakita mo kung paano siya masaktan. Pero hindi mo nakita kung paano nasira ang buhay ko nang dahil sa kanya.” “M-Maryan…” Nahiga ako sa damuhan. Bumungad sa aking mata ang matingkad na kulay ng kalangitan.  “No’ng nangyari ‘yon, no’ng nagkasakitan kaming dalawa, pinabayaan ko lang iyon. Maski nang maapektuhan ang buhay ko, wala akong pakialam. I don’t have that much of a grudge. But knowing… that the one person I have loved killed my real parents, that one sucks big time.” Napatayo siya. “Maryan, hindi gagawin ni Savier ‘yon! Oo nga’t marahas siya, matigas ang ulo, minsan… minsan madaling magalit pero hindi niya gagawin ‘yon sa babaeng mahal niya! Nakikita ko ‘yon. Lahat ay nakikita ko ‘yon, Maryan, at alam kong pati ikaw ay alam ‘yon!” Ngumiti ako, tumango para lamang mapakalma si Renee na halos hindi na malaman ang susunod na gagawin. “Sana nga’y hindi ko mapatunayang hindi siya ang gumawa no’n. Sana hindi…” dahil hindi ko rin alam kung anong gagawin ko kapag napatunayan kong may kinalaman nga siya roon. “Y-You… hate him that much?” “It’s because I loved him that much.” And somehow, I know that to be the truth. Tumayo ako. Dumukot ng baraha sa deck at iniabot sa kanya iyon. Kunot-noong kinuha niya ang card, pinakatitigan, sinuri bago bumaling sa akin. “A-Ano ito? Para saan?” Ngumiti ako. “Souvenir.” Sagot ko bago ako tumalikod upang magsimulang maglakad palayo. Na-realize kong ang mga ganitong sitwasyon ay maaari rin palang maihalintulad sa mga ulap. Dinadala lamang sila ng hanging sa kanilang destinasyon. Parang ako. Parang kami ni Ren. Parang lahat ng taong involved sa sitwasyong ito. Dinadala lamang kami ng kapalaran kung saan kami dapat na naroon. “M-Maryan? W-Why did you gave me a Queen of Hearts?”

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD