Plan Three
Her Plan
“Cheers to the unkaboggable dyosa.”
Pinanood ko lang sina Denden. Nagtaas sila ng baso na may lamang mga scotch. Natatabunan ng ingay ng mga tao sa bar ang ingay nilang tatlo. Kinakausap nila ako pero hindi ko naman nauunawaan ang mga sinasabi nila sa simpleng pakikinig lamang. I have to read their mouth.
“So anong plano mo? Gaganti ka kay Savier?”
I hate the mention of his very name. Para akong sinisilaban ng apoy. Pakiramdam ko lahat ng taong makita ko’y gusto kong tirisin sa pag-asang mae-eradicate niyong ang presensya niya sa mundo. Nanggigigil ako. I hate him more than I hated anyone in my life.
“I want to kill him. But I want him to suffer first.”
“Pambihira.” Fifie blew a few strands of her hair away from her face. “Really, this is way too surprising. Last year we found out Erinne’s an agent and now… you… a killer?”
Normal na magbabarkada lang naman kami na galing ng Jensens Academy noong una. The school known for delinquent students and low grades. Every wasted lives are dumped at that school. So as we are.
Ang normal na barkadahang iyon ay nauwi sa ibang mga bagay—for a lack of a better term. Paunti-unti’y natuto kaming lima na mamuhay para sa katahimikan ng gabi. Hinanap-hanap namin ang kaguluhan at ka-imoralan ng lugar na ito sa tuwing sumasapit ang dilim.
This is the Underground District. Ang teritoryo ko. Dati akong naninirahan dito. Iba ang patakaran ng underground sa main district. Dito, batas ko hindi batas nila. Dito, pwede lahat. Walang bawal. Hindi ko pa rin nauunawaan kung bakit takot ang mga awtoridad na i-penetrate ang Underground District. While I was away, they should’ve wiped the place clean.
Pero hindi nila ginawa. At hanggang ngayon nga’y nakatayo pa rin ang mga clubs at pinaghaharian pa rin ang lugar na ito ng mga taong waring kinalimutan na ng sangkatauhan. Ng mga taong walang takot sa batas at sa Diyos.
“Look who we have here. Mga kasama! Nagbalik na si Boss Cloud!”
Nagsimula silang magtinginan sa direksyon ko. Halos lahat ng mga tao sa club ay biglang nagkaroon ng interes sa mesa namin nang marahil ay mapagkilanlan kaming lima.
Sa tabi ko’y narinig kong bumuntong hininga si Sae. “Last time na napadpad si Erinne dito pinagkaguluhan siya ng mga lalaki. At ikaw naman…” at saka siya umiling-iling.
Kabilang ako sa isang Underground gang kasama si Hime. In hindsight, magkaibang-magkaiba kami ng babaeng iyon. Maski na sa pagkakakilanlan dito sa Underground. Kapag si Hime, paniguradong lahat ng lalaki’y magpapakamatay at magpapatayan para lamang mahawakan ang hibla ng buhok niya. She’s a complete seducer. Minsan nga’y hinihiling ko na kahit sana naman, kahit katiting, maging kagaya niya ako. What I would give to have a quarter of her charm.
But I had my own fair share of identity.
Dito, ako si Cloud. Hindi ko alam kung bakit iyon ang itinatawag nila sa akin. Pero nasanay na lamang akong mag-respond at mamuhay ng may ganoong itinatagong persona. Kinatakutan ng lahat ng may teritoryo sa Underground. Naging pagkakamali marahil ang mapag-usapan ang paghahari ko sa lugar na ito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan kung paanong nag-umpisa ang lahat ng kamalasan ko. Kung paanong humantong ang isang naghahari-hariang delinkwente na si Cloud sa isang babaeng may kakatwang pagkauhaw sa dugo at kalaunan ay napagkilanlan bilang isa sa mga nakakatakot na serial killers sa nasyon.
Isa lamang talagang pagkakamali iyon kung tutuusin. May nakakita, may nagpakalat, sumabog ang balita. Simple lamang naman talaga ang dapat kong gagawin noong mga oras na iyon. Ang tugisin at patayin ang mga taong may kinalaman sa pagpatay sa mga magulang ko. Hindi naman talaga ako isang serial killer. Kriminal marahil, oo. But all those people deserved to die the way they did. Ang masaklap lang, nag-evolve ako bilang isang walang pusong hoodlum sa isang kilalang mamamatay-tao.
Although wala namang ipinagkaiba sa dati ko nang ginagawa. Ang ipinagkaiba lang kasi’y lantad na ako. Kaysa sa mga katulad kong nasa Underground District, hindi na ako mapo-protektahan pa ng mga kasamahan ko. Wala nang organized crime. Wala nang magkakasabwat. Wala nang proteksyon ng Underground.
Tumayo ako mula sa inookupa naming mesa. Balak kong lumabas ngunit may kung ano sa aking sistema ang nag-udyok sa aking pagmasdan ang kabuuan ng club. I felt nostalgic all of a sudden habang pinanonood ang mga tao roon na pinagkakasiyahan ang casino at ang alak. Knowing na kapag lumalim na ng husto ang gabi, may buhay nang babawiin. May dugong dadanak. At sa umaga, mawawala na ang bakas ng lahat ng iyon na parang walang nangyari.
Napangisi ako sa aking sarili. Thirst of blood, thirst of greed—it’s what the world under is like. I belong here. This is my world. This is my home.
“Saan ka pupunta, Maryan?”
Nilingon ko silang tatlo. Nakatayo na sila in alarm. Iginala ko ang paningin ko. Maraming mga mata ang nakatuon sa mesa namin. Kung iiwanan ko itong tatlong ito, baka mapahamak pa sila.
“Tara.”
Sinundan nila ako. Nagpasya akong gumala na muna sa underground. Sanay ako sa kadiliman ng lugar na ito. Literal kasing nasa ibaba ng main district ang underground kaya kahit pa tuwing araw ay bahagya pa ring madilim ang lugar. Somehow pwede siyang tawaging squaters’ area. There’s a lot of bad guys everywhere you go in this place. Sa mga eskinita, sa bahay-bahay, sa daan.
“Diyos ko po naman.”
Napatigil sila sa paglalakad kaya tumigil na rin ako. Somewhere in the corner, a couple is making out in public. Hindi naman pansin ng mga taong sanay na sa underground ang mga ganyang eksena. Kaya nilampasan namin.
Naaalala ko pa. Minsan na rin akong nagpakalat-kalat sa kalsada kasama siya, nakikipaghalikan, nakikipagyakapan. He likes it, being touchy in public. Naalala ko ang tuwang naramdaman ko sa kabila ng kawalan ng kakayahang pangalanan ang emosyong iyon. Ngunit kasabay niyon, naaalala ko ang sakit. Lahat tanda ko pa. I wasn’t supposed to feel anything because I was born and trained not to feel a damn thing. I have a serious illness that it fated me to disable any feelings I may have felt.
But all feelings were remembered. Malinaw kong naaalala ang sakit na naramdaman ko noong nangyari iyon. Noong marinig ko mismo sa kanyang bibig ang mga salitang nagpabago ng lahat. Maging ang mga pagkakamaling nagawa ko na hindi lamang sumira ng buhay ko, pati na rin ng buhay niya at ng ibang tao.
Minsan tuloy napapaisip ako kung sino ba talagang may kasalanan ng lahat. Ako ba o siya. O baka naman ang tadhana. I had a hunch even eversince that the heavens didn’t want us together.
Paano nga kaya kung gano’n?
“Heather.” Napapitlag ako mula sa malalim na pag-iisip sa untag ng pamilyar na boses at sa kasunod na pagbati ni Fifie.
“Omo! Xena, what ya’ doing here?”
Ngumiti si Xena kay Fifie. Magsasalita pa lamang sana siya nang maunahan kong punain ang inaakto ng kaibigan ko. “The hell are you acting?”
Litong bumaling sa akin si Fifie. Nagtataka. Pero kitang-kita ko ang pagkinang ng mga mata niya. Hindi ko naman kailangang maging matalino para malaman kung anong ibig sabihin niyon. “Huh? Bakit?”
“May gusto ka sa kanya.”
Nanlaki ang mata niya. Mukhang magpo-protesta pa siya pero sa tingin ko’y wala siyang mailabas na salita mula sa kanyang bibig. Naiiling na lamang akong pumasok na ng pub.
Narinig kong tumatawa si Xena habang nakasunod sa akin. Naiwan silang tatlo sa labas where it is a lot more safer than the room we went in.
“That’s just harsh.”
Nagkibit ako ng balikat. “She knows it.”
Hindi na niya sinagot iyon. Sa halip ay tahimik na lamang siyang humila ng upuan. Hindi siya naupo roon. Pirmi siyang nakatingin sa akin na para bang sinasabing maupo ako roon sa silyang hinila niya. Inignora ko siya, walang imik na kumuha ng sarili kong upuan at saka naupo na sa hindi ko malamang kadahilanan ay nagpatawa sa kanya.
Xena Lee. Hindi ko siyang lubusang kilala. Truth be told, unang pagkikita pa lamang namin noong isang araw sa eskwelahan. Sadyang malalim lang talaga ang ginawa kong pagsasaliksik sa buhay ni Savier sa mga nagdaang taon.
Naipatalo ng tatay ni Xena ang lahat ng kayamanan nila kay Savier. Mahilig din kasi sa sugal ang mokong na iyon. Kung tutuusin, hindi na ako nagtatakang nahulog ang loob ko sa kanya. Okay lang sana kay Xena ang nangyari—sa hitsura niya’y mukha naman siyang mabait—kung hindi lang niya nadiskubreng dinaya ang tatay niya at pinatay nang malaman nila ang sikreto.
I know how a greedy man like Savier moves. Cards can always be deceiving. Savier uses the block out work in which he uses the same color ink to mark a card. The simpliest but then the most effective one that used in cheating. Sabi nga nila, you can’t always push your luck.
So Xena’s been there to wait for Savier’s luck to fade.
“Ano ba talagang plano mo at kailangan mo pa akong dalhin dito?” seryoso niyang tanong habang nagpapalinga-linga sa club. Nawala na ang mapaglaro niyang mukha. Iyong mabait na ekspresyong iginawad niya sa mga kaibigan ko kanina.
Tatawanan ko sana pero sa sitwasyong ito, nailing na lamang ako. “I hate two faced people. It’s so hard to pick on which side I’m gonna punch the s**t out of first.”
Ngumisi siya. Pinalampas ko ang ngiting iyon at sa halip ay kinuha na lang ang papel mula sa bulsa ng pantalon ko. Iniabot ko iyon sa kanya. Saglit niyang nirebesa ang papel bago nagtatakang bumaling muli sa akin. “Ano ‘to? Saang cheap blog at social site mo ito nakuha?”
“Gawin mong kontrata. Or dare. Or whatever. But make him sign.”
Saglit siyang nag-isip. Marahil ay tinitimbang ang magiging aftermath ng planong iyon. “At kapag hindi niya nagawa ang mga nasa listahan?”
“Gawin mo ang lahat para itaya niya ang mga ari-arian niya. If possible, not even a single clothing will remain. Then I’ll take care of the rest.”
Bumuntong hininga siya, halatang hindi pa rin kumbinsido. “Paano kung manalo siya at magawa niya ang mga nasa check list na ‘to?”
“Hindi mangyayari ‘yon.”
“At kapag nangyari?”
“I’m more than willing to kill him.”
His Plan
Nasa sala na si Xena nang makababa ako. Tinitigan ko lang siya. Siguro kung hindi siya dumating kagabi’y high na naman ako. Kaso gago lang. Papainumin na lang ako ng alak hindi pa iyong libre niya. Pambihira, sa akin pa nanggaling.
“Oy.” Untag ko sa kanya.
Lumingon siya sa akin. Kinuha niya ang susi sa may mesa. “Oy, nakatulog ka ng maayos kagabi?”
Tumango ako. “Hindi maayos na maayos pero okay na rin. Ano tara?”
“Saglit.” He gestured me to sit so I did kahit pa nagtataka ako. “Here. Read. You might be interested with my idea.” Then he handed me a paper.
Operation vengeance checklist:
1. Impress the ex.
2. Date her best friends for revenge. (Or date anyone you know in that case.)
3. Stay close to her friends and family.
4. Have your best friend date your ex.
5. Make her world and yours small.
6. Make her regret leaving you.
7. Now, seduce her back.
8. Make her fall in love.
9. Break her heart.
10. Leave then forget.
Napatingin ako kay Xena. “Ano ‘to?” kunot-noo kong tanong. “T’saka saan mo ba pinagkukukuha ang mga nakalagay dito? Aba nagiging baduy ka na, ah. May nalalaman ka pang revenge.”
Nagkibit siya ng balikat. “You’re angry with Heather, are you not? Let’s have a deal. I dare you to fulfill the checklist. Bukod sa makakaganti ka na kay Heather, pwede mong hilingin sa akin ang kahit na anong gusto mong ipagawa habang buhay. Tutal naman para na rin kitang kapatid.”
Tumingin ulit ako sa papel. Gaganti ako? Kay Heather? Pero ang tanong doon… “Why would I?”
Matipid siyang natawa. “Savier, maglolokohan pa ba tayo? Alam nating dalawa na kahit pa ginantihan mo siya no’n by making her believe you’re a complete cheater didn’t satisfied you maski na anim na taon na ang nakakalipas. Ito na ‘yong pagkakataon mong gumanti, ano ka ba. Ito na ‘yon, pre.”
“I have Renee.” Pero kahit hindi ko sabihin, alam kong pareho naming alam na wala naman talagang kapangyarihan ang argument na iyon.
“I can always back you up, brother. Pagtatakpan kita. After all, what are friends for?”
Napaisip ako. Bakit ko nga ba siya gagantihan? Wala naman nang point, eh. Galit ako kay Heather, inaamin ko ‘yon. Galit na galit. Pero hindi ko naman kasi hinihiling pang magkaroon ng koneksyon sa baliw na iyon. I’ve done more than enough. Pero nakuntento nga ba ako roon?
Hindi ko masimulang iisplika kung gaano kalalim ang galit na nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko rin naman na maalala kung paano lumaki ng ganito. Ang alam ko lang, sinamba ko siya ng buong-buo noon. Ibinigay ko ang lahat-lahat. Pati ang puso’t kaluluwa ko. Pero tinapakan niya lang ang lahat ng iyon. Sinira niya ang buhay ko.
Nag-iwas ako ng tingin kay Xena, hoping like hell na hindi niya nakita at hindi niya nahalatang sa pag-iwas na iyon ay iniwasan ko ring lunurin ang sarili ko sa mga masasakit na alaala ng nakaraan.
“I’ll think about this.”
***
Nakita ko siyang nakasubsob na naman sa desk niya. Walang teacher, walang tao, siya lang. Hindi siya pumasok kanina sa first at second subject. Naiwanan ko lang naman ang cell phone ko kaya ako bumalik dito. Hindi ko inaasahang makikita ko siya.
Hindi ko siya dapat papansinin. Sinabi ko sa isipan kong kukunin ko lang ang telepono ko’t aalis na agad. Pero hindi. I just needed to mess everything up, don’t I?
“Hoy.”
Hindi na ako na-sorpresa nang magsalita siya agad. “May pangalan ako.”
Ayaw mo sa pangalan mo kaya anong itatawag ko sa ‘yo? “Heather.”
Nag-angat siya ng mukha. She has that sleepy face na parang kagagaling lang sa tulog kahit talagang hindi naman. “Oh?”
Tingin ko, masyado akong nadala sa usapan kaning umaga. Bukod kasi doon, wala na akong maisip na ibang excuse kung bakit ko kinailangan pang itanong ang itinanong ko nang mga oras na iyon.
“Why did you leave?”
Hinintay ko ang pagdaan ng sorpresa sa kanyang mga mata. Kahit anong ekspresyon na magpapatunay na hindi niya inaasahan ang usapang iyon. Ngunit wala. Wala kahit na katiting. Blangko lamang ang mukha niya. Walang emosyon ang mga mata nang sumagot.
“After your cheating? Isn’t it obvious?”
Ako dapat ang nagagalit sa kanya. Ako dapat ang nagbibintang sa kanya ng mga ganyang bagay. That’s where I’ve gone wrong. Kung alam ko lang na babaliktad pala ang mga pangyayari at ako ang magmumukhang nagloko de sana hinuli ko na lang siya sa akto noon.
But things cannot be undone.
Kinuha ko na ang cell phone ko at umalis ng walang imik. Sa hallway nakita ko si Xena na kausap ang grupo ng mga babaeng kaibigan ni Heather mula pa high school. Nakatingin silang lahat ng matalim sa akin na parang sinapian ni Undertaker at gusto akong i-kamehame wave bigla.
“Let’s go girls, may masamang hangin na dumating. Bye, Xena, see you around.”
Ngiti lang na kumaway si Xena.
Kumunot ang noo ko. “What’s up with those three?”
“Galit sa ‘yo s’yempre.” Kibit-balikat niya.
“Pambihira. Ako ang biktima hindi ang nang-biktima.”
“Oh, you know girls. So what’s up?”
Naalala ko ang ipinunta ko rito. Iyong dapat na sasabihin ko bago ko naalalang nakalimutan ko ang telepono ko. Seeing Heather only intensified that urge within me na binabagabag ako magmula pa man noong una siyang nagbalik.
“Hand me the contract. I’m gonna sign it.”
Matagal lang siyang nakatitig sa akin. Na para bang tinatanong niya kung seryoso ako sa sinabi ko. Ginawaran ko siya ng matipid na ngiti. Maski naman ako’y nagulat sa sarili ko nang mapag-isip-isip ko ang gagawin ko. At bago pa man ako makaatras, agad ko na siyang pinuntahan.
Gusto kong gawin ito. May nagtutulak sa aking gawin ito. Na para bang sinasabi ng puso ko na hindi ako magiging maayos sa pag-iwas kay Heather. At para bang naiintindihan niya iyon, walang imik niyang inilabas ang papel at iniabot sa akin.
“What if I lose to you?” I asked after I signed the contract.
“Simple. Everything you have will be mine.”
Kung gano’n… there’s really no turning back.