Plan Two

2840 Words
Plan Two His Plan “Bakit hindi mo man lang nalaman na nakauwi na pala ang hinayupak na babaeng ‘yon? D’you even know how much she caused me the other day? Hayup talaga ang babaeng ‘yon! Gusto pa rin yata akong patayin. Aish! You should’ve known that, Dash! Ano’ng klase bang assistant ka?” Ibinalibag ni Xena ang pintuan ng kotse nang makapasok ako. Naiinis na ‘yan. Ano namang pakialam ko? Siya naman ang dapat sisihin dito. He lost track of that woman years ago. Pati ba naman ang pagbabalik ng kriminal na ‘yon hindi pa rin niya nabantayan? Walang kwenta. “Susunduin ba natin si Ren?” tahimik niyang tanong na tila pinili na lamang magsawalang-kibo. “No.” Piit ang inis kong sagot. “Sa school tayo.” It was her eyes that first attracted me to her. Then her lips so soft to kiss that I got addicted. But I can’t remember how her lips taste like now. It was just like I could see her new face over and over but I don’t know what it feels like to touch nor to kiss her. And the feeling honestly sucks. “Sino ba kasing tinutukoy mo kanina pa?” Muling nanggigil ang sistema ko nang maalala ko siya. “Heather. Cloud Heather.” “Cloud Heather? ‘Yong baliw mong ex-girlfriend? You mean ‘yong kakalabas lang ng ZAFT isolation? Aba ayos. Saan niya balak maghasik ng lagim?” Bumaba na ako ng kotse at tuloy-tuloy na pumasok ng building. Nakabuntot lang si Xena sa akin na dala ang mga gamit ko. “Ayokong nandito siya at umaali-aligid. She’s gone insane, Xena. Baliw ang babaeng ‘yon! Heather’ll be the death of me.” “Edi unahan mo na lang. S’yempre iyon naman eh kung kaya mo.” Tinignan ko siya. “May gusto ka bang ipahiwatig?” “Wala, noh. Sige d’yan ka na. Pasok na ‘ko sa klase.” binigay niya sa akin ang bag ko at nagtuloy na. Gago talaga ‘yon. Pumasok ako ng classroom kahit ayoko. Kailangan na daw kasi at baka sipain ako dito ng gagong dean na ‘yon na madalas akong pag-initan. Wala naman akong ginagawang masama. Pambihira. “Good morning, Mr. Choi. You’re late.” Morning greeting ni Sir Rick. ‘Di ko pinansin at nagtuloy lang ako sa pwesto ko. There’s a b***h who took the seat beside me. Katabi ng bintana ang upuan ko. Nakasubsob siya sa desk na parang tulog. Hah. May babaeng gumagawa nito? Umupo ako at ibabaling sana ang atensyon sa labas ng bintana gaya ng lagi kong ginagawa pero nakuha naman ng lintik na legs ng babae na ‘yon ang paningin ko. Bakit kasi kailangang magsuot ng ganyang kaikling palda? ‘Di ba niya alam na nakaka-distract ng utak ‘yan? “Keep your eyes down there and I’m gonna blow your freaking balls off here and now, Crusade.” Natigilan ako’t nanlaki ng husto ang mga mata. Pakiramdam ko’y kinain ng lupa ang dila ko. Anak ng! Don’t tell me…   Her Plan Gustong-gusto ko nang pagtawanan ng malakas si Savier kung hindi ko lang kinokonsidera ang lugar. Fair enough na natawag niya ang atensyon ng buong klase sa pagbabalibag niya ng upuan nang ma-realize niyang ako ang katabi niya but I didn’t bother responding to that. Matagal nang nilipad ni superman ang pakialam ko pagdating sa kanya. Class dismissed. Finally. Tatayo na sana ako’t aalis ng klase nang humarang ang impaktong mamula-mula sa galit at dinaig pa ang pamumula ng mga angry birds kapag nagagalit sa mga baboy na kalaban nila. Mm. Love the analogy. “Mawalang galang na sa walang galang na katulad mo. Mind if you brush off?” “What the hell are you doing here?” he asked between gritted teeth. I stretched my hands past my head at naghikab. Masyado na talagang nagiging boring si Savier ngayon. Wala pa naman akong naging tulog kagabi kaya’t maa-appreciate ko ng lubos kung tatanggalin niya ‘yang nakakairita niyang pagmumukha sa harapan ko. Masama naman at baka mabangungot pa ako. Nakakatakot pa naman ‘yang singkit niyang mata na pinagkakaabalahan niyang lagyan ng liquid eye ng mga lalaki. Uso na pala ‘yon ngayon? “Masama na ba ngayon ang mag-aral sa isang prestigious school sa District Three, Savier Choi?” “Marami kang papasukang university. Kundi ba naman talagang nanadya kang dito ka pa pumasok. Are you stalking me?” “Bakla ka ba, Crusade? Mukha ka kasing tanga na nag-aalala sa presensya ko. Kung papatayin kita, ‘di ko na paaabutin ng tatlong hinga pa ang buhay mo. Gagawin ko na ‘yon ngayon. And not unless you want to lose a part of your body then don’t block my way.” Nakatayo na ako nang hablutin niya ang magkabila kong balikat at sapilitan akong pinaupo pabalik sa silya ko. He leaned forward, our faces almost a breath away. Matiim ang tingin niya sa mga labi ko. Kagaya ng sinabi ko kabisado ko si Savier. Galit man siya sa akin, magpanggap man siyang kinamumuhian niya ang presensya ko, hindi niya mapagkakaila ang atraksyong nararamdaman niya para sa akin. Hindi naman imposible ‘yon. In the first place, kahit naman noong una’y ganito na talaga siya. Some days, somehow, naaawa ako sa kanya. He wasn’t the same boy na nakilala ko noon. Alam kong kahit sisiga-siga siya noon at binabalewala ang kanyang buhay, may malambot siyang puso na naghahanap ng pagmamahal sa kung saan-saan. Akala ko na-solve ko na ang puzzle na iyon dati. Akala ko na-solve ko kung anong tunay na problema ng isang Savier Choi. Akala ko lang pala iyon. Because most days, maaalala ko ang nakaraan. At sa mga panahong iyon, kagaya ngayon, nakakalimutan kong minsa’y may isang Savier Choi na lubusang nagmahal at nasaktan. Nakakalimutan ko ang hindi niya maitagong atraksyon. Ang hindi niya maitagong mga emosyon. Imbis, napapalitan iyon ng galit. “I’m not happy with you being here.” He said in a low husky voice na nagpapitlag sa akin mula sa pag-iisip. “Pero kapag may ginawa kang hindi maganda sa paningin ko, I’m more than willing to send you far away, Heather.” I grinned at lalong inilapit ang mukha ko sa kanya. I saw him falter ngunit agad ding nawala ang ekspresyong iyon. “Really? But why does my instinct tells me that you’re lusting over my lips and what’s down there? Tell me straight, Crusade… what do you really want to do now?” Hands clenched in a fist, he walked out slamming the sliding door of the classroom. Napangisi ako sa sarili ko. Nilingon ko ang tahimik na nanonood. Ngumisi lang din siya sa akin. “Sometimes I’m a little curious, Xena. Gano’n ka ba kadesperadong gumanti kay Savier na hahayaan mo ang sarili mong maging alila niya’t kakampi, handang sundin lahat ng ipagagawa niya sa ‘yo? What are you, a damn puppy?” Lumapit siya sa akin. Ginawaran niya ako ng mas malapad na ngiti nang nasa harapan ko na siya. Pero hindi ako malilinlang ng ngiting iyon. Nakikita ko ang hinagpis sa ekspresyon niya. Ang uhaw na galit sa mga mata niya. At alam ko ring ang uhaw na iyon ang tanging bagay na tumutulak sa kanya upang manatili sa kanyang kinalalagyan, matupad lamang ang kanyang binabalak. “He stole everything. I’m on my way on stealing all of that back.” Tumayo ako, nag-inat at naghikab ng tahimik. Pagkatapos ay tinapik ko siya sa balikatm tilt my head in acknowledgment. “Well… we’re on the same boat.” “Really?” he smirked. “May plano ka?” Hinarap ko siya ng seryoso saka ako nagkibit ng balikat. “Not much of a plan. But I have something in mind.” Kumunot ang kanyang noo, tumingin sa mga mata ko na para bang mababasa niya sa mga iyon ang impormasyong hinahanap. Ngunit sa halip, nginisian ko lamang siya. *** Itinapon ko ang signboard sa may lababo at umalis na. Saktong nakasalubong ko siya. May ilang segundo akong naghintay para makilala niya ako. Binagalan ko pa ang paglalakad ko just in case tawagin niya ang pangalan ko at awayin na naman ako. Pero wala. Mukhang hindi niya ako napansin. Pasimple akong tumayo sa isang tagong hallway, waiting for him to be back and most importantly, his reaction. Just then I heard ladies screaming. A door banged shut. I saw Xena on the corner approaching him. “Woah, anong nangyari sa ‘yo?” Nakita ko ang nanggagalaiti niyang ekspresyon. Nagpalinga-linga siya sa corridor, para bang hinahanap kung sinong may kagagawan ng nangyari sa kanya. “Dammit!” sumuntok siya sa hangin. “Who could’ve changed the damn restroom’s signages?” Umarko ang kilay ni Xena at parang matawa-tawa. “You entered the wrong washroom, dude?” “Magtigil ka, Xena, at baka hindi kita ma-tantya, masapak kita!” Tumawa pa rin ng malakas si Xena. Ngayon, halos lahat ng dumadaang babae na galing sa CR, tinitignan siya na parang isa siyang m******s na mukhang lalo lamang niyang ikinainis. Ngumisi ako at lumayo na sa lugar na iyon. Maliit lang na bagay kung tutuusin. Ipagkakasya ko na lamang muna siguro ang sarili ko sa ganito. I just want to make his life a living hell with every single step he takes. Hindi man ganoon kalaki ang impact, nag-e-enjoy pa rin naman akong paglaruan siya. “Mph!” Napapitlag ako sa iniisip ko nang may kung sinong nagtakip ng bibig ko mula sa likuran. On reflex, I gripped her wrist and flip back only to find Fifie’s squirming face with Sae and Denden standing behind her. Automatic na binitawan ko siya at kunot-noong binalingan ang three stooges. “Next time you do that your hands will be cut off.” “Ay bading, nakakatakot ka!” tili ni Denden. Napailing ako. Mayamaya’y sinabayan nila ako sa paglalakad nang tila makita nilang kalmado na ako at wala nang balak na putulan sila ng daliri gaya ng banta ko. “Nakita namin ang nangyari kay Fafa Savier. Ikaw may gawa no’n, noh?” “Kung hindi ako may iba pa bang gagawa?” “Pambihira, ‘yong aura mo no’n mas naging malala ngayon. Swear, mas nakakatakot ka ngayon.” Komento ni Fifie na sinusubukang makipagsabayan sa pace ko. Umiling ako. “Naninibago lang kayo.” “Well, anyway bruha, nagkita na ba kayo ni Hime?” Huminto ako at hinarap silang tatlo. Sila ang mga naiwanan kong kaibigan when I first transferred to Switzerland. Half italian and half filipino kasi ako. Pero sa Switzerland kasi ako sinipa ng hinayupak at impakto kong kapatid na nagngangalang Gino Ruiz. I’m originally a Ruiz. I hate the name so I changed it to Heather. It’s more catchy. At least hindi ako konektado sa impaktong ‘yon. “Nasa’n siya?” tanong ko. Sa pagbanggit pa lamang ng pangalan ni Hime, may kung anong tuwa ang naramdaman ko. Pakiramdam ko kasi, kahit papaano’y may kakaunting semblance ng normalcy ang buhay ko kapag kasama ko sila. Nagtinginan sila. Napakunot ako ng noo. “Perhaps… you didn’t hear that she’s gone married?” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. “What? To who’s douchebag?” Eh wala naman kasi akong natanggap na kahit na anong wedding invitation. May nabanggit siya noong huling tawag niya pero hindi ako sigurado. Kasal agad? “Grabe ka, Yan. Gino Ruiz isn’t a douchebag.” Nabingi akong bigla. Fuck. I heard it wrong didn’t I? Oh yeah, they’re probably just kidding. Or nah… I could’ve heard it wrong. Oh yes, dear Satan, I heard it wrong. “Repeat the name.” “Hindi mo kilala si Gino Ruiz? Sikat ‘yon, ah. Nagpakasal sila ni Erinne mga ilang taon na rin ang nakakaraan. Nakatira sila sa isang beach… house, Heather are you okay?” Hindi ko sigurado pero parang nagdilim ang paningin ko. An emotion, something I recognize as hate crept up slowly within my controlled system. Erinne is my best friend. I know her as Miss not-to-stick-to-anyone kind of girl. I never ever pictured her settling down and how the heck that kind of douchebag could pin her down? It’s like… Oh damn! How the hell did that just happened? Erinne won’t fall for that douchebag. No, never. She won’t. “Anong lason ang ipinainom ng gagong ‘yon kay Hime?” “Oy relax ka lang d’yan, kapatid sa federasyon. Hindi nilason si Hime, h’wag kang maghisterikal. May vibration nga akong si Hime ang nag-poison kay Fafa Gino. Wit talaga akey makapaniwala na nabingwit ni Hime ang gano’ng kabait t’saka ka-gentleman na—” “What?” napataas ang boses ko sa sobrang pagpipiit ng galit. “Magkaiba yata tayo ng Gino Ruiz na pinag-uusapan. Kailan pa naging mabait—pwe!—at gentleman ang mukhang asong ‘yon?” Nakatawag ako ng atensyon ng ibang estudyante. Ang iba sa kanila’y huminto pa para mag-usisa. Mabilis namang nagsipulasan ng gawaran ko sila ng matalim na tingin. Huminga ako ng malalim. Ghad! Ang impaktong iyon lang talaga ang may kakayahang galitin ako ng ganito! Kilala ko ang lalaking iyon. Kahit kailan, sa tanang buhay no’n hindi ko pa siya nakikitang maging mabait. Hindi rin siya gentleman depende na lang kung gusto niyang ikama ‘yong babae. Doon lang naman siya magaling, eh. Sa kama. Besides that, he’s pretty useles. Hindi kaya pati si Erinne naikama niya? s**t. “Nai-kama niya ba si Erinne?” “Whaaaat?!” they mused in chorus. “Maryan, what the hell are you saying?” litong-litong tanong ni Fifie na kulang na lang yata’y yugyugin ako dahil hindi niya ako nauunawaan. “Gino Ruiz. Kilala n’yo ba kung sino ‘yong Gino Ruiz na ‘yon? He’s a f**k-em-and-leave-em kind of guy. Now you tell me what Erinne is doing marrying a piece of p*****t like that?” Napatanga lang sila. Perhaps they really don’t know what kind of a person Gino Ruiz is at siguradong nagtataka rin sila kung bakit nakakaya kong sabihin ang mga gano’ng bagay tungkol sa lalaking iyon. Hindi naman kasi nila alam na may kapatid akong gago. At bakit ko naman sasabihin sa kanila? I don’t even acknowledge that man as my brother. Like I will. Over my dead body! “Paniguradong gera patani kayo ni Hime kapag narinig niya ‘yan.” Dahil wala na rin naman akong masabi para kumbinsihin silang tama ako, I walked out, not sure where to go. Hindi ko na maalala kung saan at paano nagsimula ang alitan namin. Siguro noong naging Death Panel member ako habang siya’y isa pa lamang understudy. O ‘di kaya’y noong nasira ko ng hindi sadya ang dinedevelop niyang hacking software bago pa man mapakinabangan ng Mafia. Hindi ko na alam. Basta’t nasanay na lang akong nagpapatayan kaming magkapatid. Napahinga ako ng malalim. Maybe it’s really just the way things go. Hindi ko kabisado ang Ashton. Kaya ewan ko kung saan ako pumupunta. Nangangalahati pa lamang ako mula sa building nang makaamoy ako ng pamilyar na pabango. Malayo pero alam ko na kung saan nanggaling ang taong nagdadala ng amoy na ‘yon. So I started running. Hindi nagtagal at marami nang humahabol sa akin. Kilala ko ang mga ‘yon lalo na sa uniporme. Tauhan ni Gino. Whatever the plan is to make me come back to Mafia or whatever the bastard wants from me, hindi ko ibibigay. Magkamatayan na, hindi nila ako magagamit ulit. Lelang nila! Neener-neener! “Miss Heather! Huminto ka!” I kept running. Then I saw him at the field. Napangisi ako nang mapagtanto kong si Savier iyon. Binilisan kong tumakbo papunta sa kanya. This is what vengeance looks like, Savier. A sound of a gun invaded the whole field. Huminto ako sa pagtakbo nang tila hindi na ako mahagilap ng mga tao ng Mafia War. I glanced at Savier who stood there, shocked. “Damn you, Cloud Heather!” Tumawa ako. Muntik lang naman siyang matamaan ng balang para sa akin. Good thing his reflexes are still good and edible. At least hindi siya tatanga-tanga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD