Plan Four

2386 Words
Plan Four Her Plan “Kailan mo ba ako tinignan na ako lang? Kailan mo ba ginawa ‘yon, Savier? Kailan mo ako pinuntahan na wala kang kailangan sa akin? You never did that! What do you want me to do? Huh?” Those words were just so familiar. Napahinto ako sa paglalakad. May nakita kasi akong angry birds sa entrance ng building. Si babae sinusuntok sa dibdib si gagong lalaki na wala namang pake. “Stop it, Ren. Nag-iiskandalo ka na.” Oo nga naman. Hindi tuloy ako makadaan. Pambihira. Nagiging intrigera na yata ako. Lintik. Nakakairita sila. Mag-aaway lang kasi kailangan pang idamay ang buong sangkatauhan. Pwede namang sa tabi lang silang magsapakang magsyota. Kailangan pang sa entrance. “I hate you! I really really hate you!” Like he cares, idiot. Kahit maglupasay ka walang pakialam ‘yan. “Makipag-break ka kung galit ka sa ‘kin.” Mukhang binuhusan ng malamig na tubig ang babae habang nakatanga sa lalaking walang lamang emosyon ang mga mata. She should’ve said yes. She should’ve said she’s cool with it. Not because she did want to broke up. Pero dahil sinabi niya ang salitang iyon. I hope she knows how powerful hate can be. Kung talagang galit siya kay Savier, bakit siya mag-aalinlangang makipag-break? I know that bit. Trust me, been there, done that and all that s**t. “Argh!” hinampas niya ulit sa dibdib si lalaki. “You’re so mean! I hate you! I hate you, I hate you, I hate you!” Wow ha. Very mature. Is that what you call a woman? “Stop. Sinabi nang tumigil ka na, eh!” Nahuli ni Savier ang kamay ng babae. From where I could see it, matalim ang titig niya dito habang madiin ang pagkakahawak sa palapulsuhan. Tinatakot niya ang babae. Damn, what an asshole. Nakakagaan bang manakit na lang ng babae kapag ayaw tumigil sa ranting? Kasalanan niyang pumili siya ng babaeng iskandalosa. “Savier, nasasaktan ako.” “Gusto mong mag-eskandalo hindi ba? Do it.” “Savier please. Let go of me.” Sa halip, mas lalo pa niyang hinigpitan iyon. Then silence. Pareho silang tumingin sa akin. Parehong gulat. Magkapanabay na tumingin sa kamay kong hawak na rin ang kamay ni Savier na nasa palapulsuhan ng babae. Nilalabanan niya ang pagtatanggal ko roon ng kamay niya kaya lalo lang nasasaktan ang babae. Pinag-igting ko ang panga ko. “Women aren’t perfect. But that’s not a reason for disrespect.” Ginamit ko ang isang kamay ko para tulungan ang isang nakahawak na din doon then I tried to twist it. Kung hindi siya bumitaw malamang bali na ‘yan ngayon at nasa orthopedic na siya. Ginawaran niya ako ng matalim na tingin. “Psycho.” Umangat ang labi ko sa isang ngisi. “Asshole.” Nagsukatan kami ng tingin. Knowing Savier, aware akong namura na niya ako ng sangkatutak na beses sa duration ng palitang iyon. Wala naman akong pakialam kahit maubusan pa siya ng mura pero nagtataka pa rin ako, what is it that he’s mad about? Ano ba kasing ipinagpuputok ng butsi niya? Oh screw it. Maybe I can ask Xena later. “T-Teka… Maryan! Ikaw si Maryan, ‘di ba?” Doon lang ako tumingin sa babae. Shet. Ano nga bang pangalan niya? Tumango ako. “Mm.” Nakita kong ngumiti siya. Parang ang saya-saya niya. It’s not like she’s been saved by an angel. As a matter of fact she’s been rescued by her boyfriend’s psychopathic ex. Anong dapat niyang ikatuwa doon? “Sabi ko na nga ba! The day na nagpahatid ka dito sa Ashton I was sure na either boarding ka sa dorm or dito ka nag-aaral. I’m glad na nakita ulit kita. Well… may mga… naging kaibigan ka na ba?” “A li’l.” Lumapad ang ngiti niya. “Really? Open ka pa ba for new friends? Pasensya na, gusto kasi kitang maging kaibigan.” “Hindi siya job hiring na open and close sa mga gustong mag-apply, Renee.” Sabad ni Savier na mukhang bitter sa pakikipag-close sa akin ng gerlpren niyang walang lahi ng katahimikan sa katawan. “Alulod ka, noh? Sahod ka ng sahod ‘di ka naman kinakausap.” “Hoy, Heather—” “Naku naku, Maryan, h’wag mo na ngang pinapansin ‘yang malaking bangaw na ‘yan.” Sabad ni Renee saka iniangkla ang braso sa braso ko. “Let’s go na lang. Itu-tour kita dito sa Ashton.” Hindi pa man ako nakakasagot eh hinatak na niya ako. Tawag ng tawag ‘yong alulod niyang syotang mukhang bangaw na laging naka-salamin kahit hindi naman kataasan ang tirik ng araw. ‘Tapos nakita ko na lang na umiiyak na pala ‘tong gagang nanghahaltak sa akin. Sa isipan ko’y napabuntong hininga ako. Ano ba naman ‘tong buhay na ‘to. Kinalabit ko siya. “Uy.” Agad niyang pinunasan ang mga luha niya. “S-Sorry, ah.” Tipid siyang tumawa. “kasi naman… salamat kasi… kung hindi ka siguro sumulpot nakipaghiwalay na naman siya sa akin.” Na naman. De siya na lang pala ang habol ng habol. Sa mukha kasi ng gamol na si Savier mukha namang wala siyang pakialam kung maghiwalay ba sila ng babaeng ‘to o ano. He just wants some bed warmer. Nothing more. Not particularly a girlfriend. I stopped when she did. Nasa locker hall na ata kami. Doon siya umiyak ng umiyak. Nakatakip ng palad niya ang mukha niya, nakaupo siya sa may sahig at nakasandal sa isa sa mga locker doon. Nakatayo lang ako. Palihim akong napairap. I hate the waterworks. “Stop crying. Ayaw ng mga lalaki ng mahinang babae.” Nag-angat siya ng tingin sa akin. Honestly speaking naiinis ako sa mga umiiyak na kagaya niya. Ipinapaalala kasi no’n iyong mga panahong nag-aksaya ako ng luha para sa parehong lalaki. Na hindi naman dapat. Hindi dapat niya sinasayang ang mga luha niya. She’s a woman. “S-Sorry.” Usal niya habang pinapahid ang kanyang mga luha. “For what?” She chuckled. “I don’t know. Dahil nakikita mo ang mga luha ko?” “Forgiven.” Now she really laughed and then stood up. “Tara na nga. Itu-tour na talaga kita.” Nakanganga ko siyang sinundan ng tingin habang ang gaga’y tuwang-tuwang nagsasalita na akala’y may kasunod pa siya. Wow ha. Parang kanina lang umiiyak siya, ngayon naman ikinukwento niya kung gaano kasarap ang sinigang na hipon sa cafeteria. Sira ulong babae. Nagsimula kaming maglakad. Kung saan-saan niya ako dinadala. Actually ngayon ko lang nalaman na malapit na palang maging Alphabet ang buildings ng Ashton. Pambihira. Rey, ano bang balak mong gawin sa school na itinayo mo? “So… did you… make friends already?” “I have three.” Kaswal kong sagot. May bahid naman ng katotohan, hindi ba? Nar’yan naman kasi talaga ang three stooges. “That’s… great.” Ngunit hindi nakaligtas sa akin ang malungkot niyang pagngiti.  “You okay?” “Wala akong kaibigan.” She could’ve told me the weather at that point. Pareho lang kasing tono ang ginamit niya. Para lang siyang nag-aannounce ng mga winning numbers sa lotto. Iyon lang ang sinabi niya sa akin no’n pagkatapos ay nagtuloy na siya sa pagtuturo ng mga kung anu-ano. Umabot na nga kami sa Building B pero wala pa rin siyang kapaguran sa pagdaldal. I just noticed one thing althroughout that I’m with Ren. Pinagtitinginan kami ng bawat madadaanan namin ‘tapos magbubulungan sila na parang mga bubuyog. What’s up with that? “Anong pangalan ng boyfriend mo?” naisipan ko lang ilihis ang nonsense niyang pagdaldal. “Ahm… Savier. Savier Choi.” Hindi naman niya alam na magkakilala kami ni Savier. Doesn’t hurt to pretend. “Gaano na kayo katagal?” “Three years on and off pero… six years ko na siyang kilala.” Six years huh. “Alam mo, Maryan? Hindi niya ako pinapansin dati.” Bigla niyang pagkukwento na ikinataas ng kilay ko. “Lagi lang siyang nakabusangot, nambabastos ng babae, nambubugbog ng kung sinu-sino, naglalasing, nagsusugal.” Jeez. Wala talaga siyang balak na manahimik kahit ilang segundo lang. Gusto niyang laging dumadaldal. Anong klaseng tao ‘to? Kahit hindi tinatanong bira ng bira. “But I was always there. ‘Tapos nalaman ko… he was abandoned by the girl he loves. Same girl that cheated on him.” Ah. The cheating part. Ang dramang pinaniwalaan ng tanga. “That time I said I’m more willing to replace the stupid girl that left him like that. Savier doesn’t deserve to be treated cruelly. He’s a loving man, Maryan. He’s… charming, he’s all that a girl can want for. I wanted to take that stupid girl’s place.” “But I think he’s stupid enough not to notice you, isn’t he?” Napatingin siya sa akin. Tinignan ko siya sa mga mata, sinusubukang hanapin ang kung ano roon. At oo, mukhang talagang mahal niya ang tarantadong iyon. My other self was asking how the hell did that happen. Pero mabilis na sumagot ang isipan ko, ipinaalala sa aking kung paanong nangyari sa sarili ko ang nangyayari kay Renee ngayon. An answer which was half of the truth. “Mapapansin niya ‘yon, Maryan. I’m sure of that.” “Paano kung hindi niya mapansin?” “I’ll make him.” Nakangiti niyang sagot. Iyan ang tinatawag na payting spirit. Bumalik na rin kami ulit sa paglalakad pagkatapos naming huminto na lang ng bigla at mag-usap sa gitna ng hallway na ‘yon. Adik lang ‘no? “Bakit kayo nag-away kanina?” patuloy kong usisa. “Eh kasi… I’m a little pissed off because of his attitude. Alam mo kasi… nilalapitan lang ako no’n kapag may kailangan siya. Kapag gusto niya ng maipapakita sa mga co-workers niya o kaya sa gang at sa basketball team. Mas masaklap kapag kailangan niya ng kasama sa kama. Ang daming mga bagay na ikinagagalit ko sa kanya kaya minsan… hindi ko na rin nako-control.” “He was right back there, alam mo ba ‘yon. If you’re mad then why don’t you broke up with him?” “Hindi naman kasi iyon ang gusto kong makuhang response mula sa kanya, eh. Gusto ko lang na matutunan niya akong tignan sa kung ano ako hindi sa kung anong gusto niyang maging ako. This…” she gestured down her outfit—a mini skimpy skirt and a white tank top na halos maging corset na ang style. Luwang-luwa naman kasi ang kaluluwa ni ati. “He had always wanted me to wear these kind of things when I don’t want to.” Wala namang ibang purpose ang outfit niya kung ‘di iyon lang talaga. “Easy access.” “Actually I am nerd, Maryan. Look. I’m even wearing a pair of lens instead of glasses.” That surprised me. “Oh. I used to be nerd.” Tumingin siya sa akin. Naka-simpleng denim jacket ako pero tank tops na kulay black ang nasa loob while I was wearing my usual ragged, torn-styled jeans at nakasukbit ang backpack. Ayokong tumatawag ng atensyon kaya ayoko rin ng nagsusuot ng mga damit na nakakatawag ng atensyon ng mga tao. “Galit si Savier sa mga nerds.” Hindi na kailangan ng utak para malaman kung bakit. Galit siya sa akin. Dati akong nerd so nerds reminds him of me. “Buti pa nga ang ibang babae, tao kung tratuhin niya. Pero ako? Hindi, eh. Pakiramdam ko mas may karapatan pa ang mga GRO sa Hoax kaysa sa akin. He treats them… good in bed.” Natigilan ako. Huminto. Hinarangan ko ang dinadaanan niya. Nagtataka siyang tumingin sa akin at pilit na sumisilip lampas sa balikat ko para alamin kung sino ‘yong tinatakpan ko. “B-Bakit?” Hinatak ko ang braso niya. Malinaw ang pasa at kaunting sugat sa kanyang palapulsuhan. Kung hindi ako nagkakamali, mukhang nanggaling sa kagat ng metal—handcuff. Pwede ring lubid, mukhang napahigpit. Tinignan ko siya ng nakataas ang kilay. “Ganito ka ba ka-wild sa kama?” Nag-akyatan ang dugo sa mukha niya. “Maryan… ano kasi…” Hindi naman ako tanga. Agad-agad na nag-sink in sa akin kung anong ginagawa nila tuwing gabi. Goodness! Para akong nahilo na hindi ko mawari. b*****e, this is freaking b*****e! How can he do this to girls? Tingin ko mas baliw pa siya kaysa sa ‘kin. Lintik ka, Savier. I’m gonna cut your balls once I got my chance, you horny psycho. “Don’t do this again.” “Magagalit siya sa akin.” “Wala akong pakialam basta h’wag mo nang gagawin ulit ‘yon.” Tumingin siya sa mga mata ko. Bigla na lang niya akong niyakap. Nangunot ang noo ko, mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap sa akin. “I feel like I have a friend in you, Maryan. Sana hindi ka magbago. I wish you can always stay with me.” Stay with her. Right. I better stay with Ren. Quite the weakling but she’s fine. I think she’s safer to be with me than to be with Savier always. At least she’ll tell me everything I need to know. *** Nakarinig ako ng mga yabag. Sa labas. Dalawang tao. No. Tatlo. Kasama siya. Binago ko agad ang lokasyon ko, nagtungo sa bakuran ng kanyang flat. Naririnig ko pa rin sila. Sure as ball they are talking about me. “Just tell Gino he can’t take her yet.” Natigilan ako. Gino huh? Let’s see what you got.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD