Plan One
Her Plan
Pinanood ko siyang magbihis at lumayas. Hindi naman ako choosy sa binigay nilang unit pero sana mas maganda-ganda naman kaysa dito. Hindi ko pa rin nakikita ang kuya. Ayoko rin naman siyang makita. Seeing him means end of my freedom. So better not. Magtatago ako hanggang sa kaya ko.
“Cloud. Behave. Don’t go out of the house, okay?”
Tinitigan ko lang siya at hindi na sumagot. Napangisi ako nang tumalikod siya at tuluyang umalis ng bahay. Narinig ko pa nga ang pagharurot ng kotse niya.
Kinuha ko ang jacket ko at lumabas mga ilang minuto lang ang makaraan. Dahil sa wala naman akong kahit na anong sasakyan ay naglakad ako ng naglakad. Hindi ko kabisado ang mga dinadaanan ko kaya’t napalingon ako.
Patay.
Hindi ko na alam kung paano babalik.
Nasaan nga ba ako? Binuro ako ng tatlong araw sa bahay na ‘yon pagkatapos hindi man lang sinabi sa akin kung anong syudad ba ito. Nagmumukha akong ignorante. Akala yata nila eh ako si Alice in Wonderland na laging magwa-wonder sa wonderland.
Hookay, wala akong sense.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nasa bulsa ng hoodie jacket ko ang dalawa kong kamay habang naglalakad at nililibot ang kung saan mang lugar ako naroon.
Malaki ang ipinagbago ng District Three kung totoo ngang District Three ang kinaroroonan ko ngayon. Wala kasing kabuhay-buhay ito dati. As in wala talaga. Madalang ang tao. Hindi rin ganito magsiksikan sa tawiran. Mas madami kasing tao noon sa Underground.
Baka ngayon wala na?
SCREEEEEEEEECH!
Napatigil ako. Nag-preno ang kotse sa harapan ko. Half an inch na lang ang layo sa akin at mabubunggo na ako. Pero nararamdaman kong wala na naman akong reaksyon. Hindi rin naman ako kinabahan. Napatingin lang ako doon sa kotseng nasa tapat ko. Kotse lang naman ‘yan. Isa pa, hindi naman ako nabunggo. Pero gaya nga ng sabi nila, wala naman kasing normal sa mga ekspresyon ko. To be precise, walang kahit na anong normal sa sistema ko.
Bata pa lamang ay ganito na ako. Hirap na magpakita ng emosyon at tumukoy nito. Hirap din akong umintindi ng emosyon ng iba. Minsan, kahit ilarawan pa sa akin ay hindi ko pa rin nakukuha. Abnormal nga raw ako sabi ng animal kong kapatid. Hindi ko rin alam kung bakit. Nagpa-check na rin kami sa psycho noon and positive that I am ill.
It’s called trait alexithymia. Disorder iyon ng lack of emotion. Tipong hindi ma-identify ang feelings, hindi ma-describe, hindi ma-gets, at hindi rin mailabas. Hinanap ko na sa Wikipedia iyon noong hindi ko na-gets ang sinabi no’ng mukhang paang psychiatrist sa akin. Mas magaling pa ang internet kaysa sa kanya.
Ang sabi’y inborn daw. Pwede rin daw na nagpalala ang mga traumatic experiences ko noong bata ako dahil five years old pa lang ako ay alam ko na kung anong lasa ng dugo ng tao at marunong na rin akong mag-load ng bala sa baril. Six years old akong natutong bumaril. Age of ten naman, member na ako ng Mafia Death Panel.
Baliw daw kasi ako. Malay ko kung totoo. Bakit ikaw, kapag baliw ka ba inaamin mo?
Lumabas ang isang babaeng naka-payong mula sa kotse. Taranta siyang lumapit sa akin. “Oh my God! Sorry, Miss. Nasaktan ka ba? Gusto mo dalhin ka na namin sa ospital? Anong masakit?”
Umiling lang ako.
Pero hindi siya mukhang kumbinsido. “Sigurado ka, ha? Teka, basang-basa ka na ng ulan. Baka magkasakit ka.”
Tumingala ako. Dumampi sa noo ko ang isang patak ng likido na nanggagaling sa madilim na kalangitan. Umuulan pala. Mukha na siguro akong basang sisiw nito. Magandang basang sisiw.
“Pangalan mo?”
Napatanga siya sa akin.
I rarely talk. Not so very rare. Nagsasalita lang ako kapag kailangan kong magsalita. Mas madaldal kasi ang utak ko but any of what I am thinking never slips out of my tongue. Sobrang dalang lang ‘yon mangyari. I have the most powerful control over my body, my mind, and mostly… my heart.
Charot lang.
“A-Ako si Ren… Renee Xi. I-Ikaw?”
Simple beauty. Pero mukhang nasa loob ang kulo.
“Maryan.”
“Ah okay… Maryan. Can I help you?”
“I lost my way back home.”
Saglit siyang napatanga muli sa mukha ko. I can already sense what’s she’s probably thinking right now. Baka iniisip niya kung bakit steady ang mukha ko. Kung bakit poker face ako at isang tanong, isang sagot lang ang drama ko. No one will ever understand me.
Me, myself and I lang talaga ang drama ko.
Ang lungkot pala talaga ng buhay ko…
“Alright, I’ll help you pero sumama ka muna sa akin para mapalitan natin ang damit mo. Basa ka na oh.” Palibhasa kasi’y nakapayong siya.
Sumakay kami sa magarang tsekot. Lihim akong napasipol sa isipan ko. Gaano kaya kayaman ang babaeng ito? Ford Mustang pa talaga kasi ang gamit niya sa paggagala. Pwede namang Honda lang na SUV. Kailangang Mustang pa. Tutyal na bebot.
Hindi ko na namalayan na huminto. Pagbaba ko, bumungad sa akin ang sobrang laki at sobrang garang mansyon. This is familiar, I thought. Pero lalong naging pamilyar ang kabahayan sa akin nang makapasok ako sa loob.
The chandeliers… tall stairs… iyong lawak ng pasilyo at ang mga nakakalitong kwarto sa sobrang dami na talaga namang maliligaw ka kung hindi mo kabisado ang kabuuan ng mansyon. O baka naman replica lang? Posible nga kaya iyon? Parang ang layo namang mangyari.
“Tara dito,” pagyayaya niya sa akin papasok sa isang silid bago iabot ang isang puting polo sa direksyon ko. “Isuot mo na muna ito. Polo ‘yan ng boyfriend ko. Wala kasi akong damit dito.”
Babaeng ewan. Dinala ako sa mansyon ng syota niya. Sino ba namang matinong babae ang gagawa no’n?
Pumasok ako sa isang banyo roon. Ang hanep din sa gara. May bath tub na, may shower, de tiles na bongga, naka-jacuzzi pa. Shet. Ang sarap lang nakawan ng taong nakatira rito.
Pagkabihis ko, lumabas na ako. Isang mahabang loose polo lang ang suot ko at iyong mga naiwang underwear na hindi naman gaanong nabasa sa ulan. Iyon namang mga damit ko ay pina-dryer niya para masuot ko mamaya.
“Bahay mo?” tanong ko sa kanya na kunwari’y hindi ko alam ang sagot doon.
Ngumiti siya. “Bahay ng boyfriend ko.”
Sabi ko na oh. Ang galing ko talaga, ‘no?
Naupo ako sa kama na malambot at malaki. Ang lawak nga talaga ng mansyon. Big time malamang ang may ari nito. Saan kaya kumuha iyon ng pera? Napangisi ako sa iniisip. Higit pang lumawak ang ngising iyon nang may marinig akong yabag sa labas ng silid. Bigla ko na lang tuloy naisip, aanhin mo nga naman ang malaking bahay na puno ng magagandang gamit at furnitures kung kwago naman ang nakatira.
Yep. Mas masahol sa kwago ‘yan panigurado.
“Nandito na siya,” nakangiti usal ng babae na parang sabik na sabik sabay labas ng pintuan.
Oh ‘di ba? Sabi sa inyo may parating eh.
Habang wala ang babae sa kwarto, tumayo ako at tumingin-tingin. Pictures, pictures. Waleeeey. Puro naman mga mamahaling pigurin itong nandito. Para namang mabebenta iyang mga ‘yan sakaling nakawin ko.
Sa may cabinet ay nakakita ako ng sigarilyo. Inamoy ko iyon at napaungol sa pandidiri nang makilala ko ang ingredient ng yosi.
Goodness! Nagda-drugs pa rin siya? Saklap ng buhay.
“Savier… wait… uhhhh… Savier…”
Napangisi na lang ako at napailing nang marinig ko ang mahinang ungol ng babae. Bumalik ako sa kama at naupo roon. Isinandal ko ang likuran ko sa head board. Nakakuha ako ng normal na sigarilyo at sinindihan ko. And then they came in sa kabilang pinto.
He savagely kissed her almost everywhere. Nasa mukha ng babae ang pag-aalangan pero tina-traydor na siya ng katawan niya. Ni hindi nga niya maisigaw na may nanonood sa kanila sa ngayon kahit alam niyang pwede ko silang makita dahil dinala niya ako dito sa silid na pinagrarausan nila.
Kulang na lang itapon niya ang ulo niya sa kakapilig. The man grabbed her ass. Tumakas ang maliit na ungol sa kanyang labi. I kept on smoking on the cigar while looking straight though I know what’s actually happening kahit pa hindi ako nakatingin.
“Ghaaad… Savier, no… no please no…” she begged, choked the words, as the man’s fingers slip under his skimpy skirt—and I’d bet my head—inside her panties too.
I heard her gasp as she breathe heavily. Napangisi ako ulit. Alam niya talaga ang dapat gawin.
“What?”
“Savier…”
He removed his fingers. I heard a low grunt from her while the guy nibbles on her earlobe.
“What are you saying earlier, Ren?” he teased as he kisses her shoulder and licked it.
“S-Savier… please…”
“Please what?”
“Do it please, I can’t take it… put it inside again, I want to come…”
Such a tease.
I saw him formed an evil smile and took his lips on hers as he did her part again with only his magnificent fingers. Naririnig ko na ang palakas na palakas na mga daing ni babae. Ayoko namang udlutin ang kasiyahan niya.
Kaya sinadya kong basagin ang pigurin na nasa bedside table.
They stopped. Mangiyak-ngiyak ang babae nang parang mabitin siya. Mentally, nagkibit ako ng balikat. Oh well. Malay ko ba.
“What the hell? Just who the hell is this girl and what on earth is she doing in my house?”
Hinarap ko si lalaki. Parang nanghina yata ang tuhod niya nang makita’t mapagkilanlan ako. Sa pag-aayos ng babae ng kanyang sarili ay hindi niya napansin ang namagitang tensyon sa pagitan namin ng kasama niya. Hindi niya nakita ang recognition na nag-flash sa mga mata ng lalaki. Sa isip-isip ko, hindi ko rin naman responsibilidad na ipaalam iyon kaya’t nagkibit na lamang akong muli ng aking balikat.
“Sorry talaga, Maryan.” Sabi pa niya at bakas ang pagka-disorient sa kanyang mukha. Red shade crept up on her face at hindi siya makatingin sa mga mata ko ng diretso. “I-I’m very sorry.”
“Every couple has their needs.” I shrugged nonchalantly. “It’s natural.” Kung ang mga rabbit nga’y natural lamang ang paggawa ng milagro sa kung saan-saan sa taas ng kanilang mga libido, ano pa kaya ang mga tao?
Humans are animals after all. The highest kind, yes, but still an animal.
“What—”
“Savier, ano kasi…” agad na pagpapaliwanag ng babae upang marahil ay pahupain ay balasik sa mga mata ng lalaki. “Siya si Maryan. Nawala kasi siya, hindi na niya alam kung paano makabalik ng bahay niya.”
“What? Ano ka, aso? Hindi marunong bumalik sa pinanggalingan mo?” baling niya sa akin na hindi ko sinagot. Pagkatapos ay muli siyang nagtuon ng atensyon sa kanyang nobya. “Nagdala ka ng nawawalang aso sa mansyon ko?”
Tumayo ako at itinapon sa trash can ang sigarilyo na nasaid ko na yata ang tabacco kakahithit at kakahintay na matapos sila sa live show nila kanina. Hinarap ko sila, dahan-dahang binubuksan ang butones ng suot kong polo ng sadya. “Not as awful as a horny horse, I say.”
Tinakpan kaagad ni babae ang mata ni lalaki. Tumalikod ako at doon ipinagpatuloy ang paghuhubad ng polo.
“T-Titignan ko lang kung okay na ‘yong mga damit mo.”
Muntik pa niyang makalimutan ang boyfriend niya nang lumabas siya. At marahil nang maalala iyon, binalikan niya ito at saka hinila palabas. Naiwan ako sa kwarto, naiiling at nakangisi.
***
Hindi ko sila pinasakay sa kotse dahil sabi ko paano namin mahahanap iyon kung may kotse at hindi ko hahanapin ng mano-mano? Hindi ko kasi talaga alam kung paano babalik do’n. Sakto namang napadpad kami sa harapan ng Mini Stop.
Nilingon ko sila. “Pwede ba tayong pumasok?”
Tumingin si Ren sa akin. Savier is eyeing me. Ngingisi sana ako, kaso’y baka makahalata si babae.
“Sure.” Agad namang sagot ng nakangiting si Ren.
Hindi ko pinansin ang lukot na mukhang reaksyon ni Savier at nagtuloy na lamang sa loob ng convenient store.
“Welcome to Mini Stop, Sir, Ma’am.” Masiglang salubong sa akin ng babaeng nakauniporme ng dilaw at asul sa counter.
“Chilz, big. Dark chocolate.” Sabi ko.
Binigyan niya ako ng cup na malaki. Iniwan ko ang dalawa sa counter para bayaran nila. Wala naman kasi akong pera. Nagpuno ako ng chilz sa cup. Kumuha ako ng straw pagkatapos umupo sa may bakante roon.
“Hindi mo ba talaga matandaan kung saan ka nakatira?” tanong ni Ren makaraang umupo sila sa mesa na inokupa ko.
Lihim akong napairap sa tanong na iyon. Kung natatandaan ko ba, tingin mo bumubuntot pa rin kayo sa akin hanggang ngayon?
Pero s’yempre bilang maganda, umiling lang ako.
“Saan kaya natin hahanapin ‘yon?” kunot-noong tanong niya sa sarili at nahulog na sa malalim na pag-iisip.
“Ren, ayaw mo ng ice cream?”
Napatingin siyang muli sa akin, pagtataka’y nakaukit sa kanyang ekspresyon. “H-Huh?”
Tinuro ko iyong menu board sa counter kung saan naka-drawing ang ice cream na cheese flavor doon. “Mag-ice cream ka din.”
“S-Sige.” Alangan man ay sumang-ayon siya.
Umalis siya. Tumabi sa inuupuan ko si lalaki. “Do you think this is funny?” he gritted na ikinakibit ng balikat ko.
“Am I laughing?”
Sa puntong iyon ay nagkatinginan kami. Nagsukatan ng titig. We were about to kill each other (figuratively as well as literally) when Ren came in na may hawak na ice cream.
“Oh s**t!” napatayo si lalake at kumaripas ng labas mula sa Mini Stop.
“H-Huh? Anong problema niya?” Ren wondered.
Napangisi ako. Trauma sa keso? Sino ba namang mag-aakalang ang kagaya ng lalaking iyon ay may trauma sa keso. Hillarious isn’t it?
Tinignan ko si Ren na sinusundan ng tingin si Savier at litong-lito, hindi malaman kung anong ginawa niya para mapalayas ang nobyo ng ganoon kabilis. It’s a shock, I’d admit. And at the same time, it’s not. Kilala ko ng lubos si Savier. I know what he’s capable of. Alam ko ang lahat ng tungkol sa kanya. His weak points, pleasure bones, strength… everything.
“Ren.” Untag ko sa kanya, realizing there’s no point in drawing this company out. “Bring me to Ashton University.”
Dahil sa masunurin sila, nag-cab kami papunta roon. Matalim ang titig ni Savier sa akin na sinasalubong ko rin naman ng titig. Bago ako bumaba, nagpasalamat ako kay Renee. Tinignan ko naman si lalake. “Thanks for accomodating. See you soon, Savier Choi.”
Bago ako tuluyang umalis, nakita ko pa ang pamumula ng kanyang mukha sa pinipiit na galit. Ngumisi lamang ako. Dumeretso ako sa Dean’s office. Nagulat siya nang makita ako pero lumipas din iyon at kaswal na ang itsura niya nang harapin ako.
“Hindi ba sabi ko h’wag kang lalabas?”
“Rules are meant to be broken.” Kibit-balikat ko. “But anyway I saw him already.”
Kumunot ang noo niya. “You’re not going to kill him, are you?”
“I want to. Pero padadaliin ko lang ang buhay niya kung papatayin ko siya. I want to play first, Rey. And then after I had my fun, I’ll kill him.”
Umiling siya. “Heather—”
“Tutulungan mo ako, hindi ba?” putol ko sa paniguradong mahaba-haba niyang sermon. We don’t see eye to eye on this. Ngunit sa kabila niyon, I know and I am sure that Rey is truly and irrevocably at my side.
Tinalon ko na ang mesa niya to cross to him. I sat on top of his swivel where he was sitting. I was on top of him. Unti-unti kong tinatanggal ang butones ng suit niya nang pigilan ako nang mainit niyang mga palad.
“Hindi tama ito, Yan.”
“I’ve committed a lot of wrong. One more wouldn’t hurt, Rey.”
He looked deeply into my eyes. I wondered then. Was it really that wrong? Was it? It wasn’t wrong from where I came from. It wasn’t…
Because I had already made a vow to myself when they died.
No one hurts Cloud Heather and goes free.