Plan Six

3289 Words
Plan Six Her Plan “Grazie mille, Madame.” Pasasalamat ko sa Human Resources ng restaurant na ngumiti sa akin at tumango. “Tornero domani al lavoro.” Dagdag ko pa upang ipaalam na babalik ako bukas para magsimula na sa trabaho. “Si, prendo cura, signora.” “Grazie.” Umalis kami ni Ren sa Sapori D’ Italia matapos ang palitan namin ng ‘take cares’ ng kausap ko. Doon ako nakahanap ng trabaho. Sa Strawberry Set sana pero nabaduyan ako sa suot ng mga empleyado nila. Pink ba naman. At least sa Sapori D’ Italia bukod sa marunong na akong mag-Italian eh kaswal lang ang uniporme. “Ang galing mo, Maryan.” Tuwang-tuwang puri ni Ren na kulang na lang ay tumalon-talon at pumalakpak siya. “Paano mo natutunan ‘yon?” “Half Italian ako.” “Reaaaally? Turuan mo ‘ko minsan, ah. Turuan mo ‘ko kung paano sabihin ang I love you in Italian para naman masabi ko kay Savier ‘yon ng walang hassle t’saka ng hindi niya nabubuking.” Magagalit siya panigurado. He hates Italians now. Even Italian foods and Italian words. All he sees in me, he probably hates. Kaya h’wag na h’wag kang gagaya sa mga ginagawa ko o kahit na anong pinapauso ko. “Kung gusto mong sabihing mahal mo siya ba’t kailangan mo pang magsalita ng ibang lenggwahe? Maiintindihan niya kahit na ano basta galing sa puso mo.” Nakita ko sa aking gilid ang pagngiti niya. “You’re really the best, Maryan.” The best sa pagsisinungaling at pagpapanggap. Bumalik kami sa school. Excited siyang ipasok ako sa isang org pero club ang tawag niya. I’ve heard of that kay Denden. Hindi ko lang alam kung pareho ng sinasabi nila. “Here we are.” Sabay turo niya sa banner na tinapatan namin. Umigkas ang kilay ko nang mabasa ko ang mga salitang nakaukit sa pintuan. “Music… club?” Saglit akong naghinala. At agad iyong nakumpirma nang marinig ko ang sigaw ng pamilyar na tinig. “Omo! Yan?” “Cloud!” “Nandito si Heather!” Napatingin sa akin si Ren nang makapasok kami sa isang auditorium at masaksihan niyang hindi magkandaugaga iyong tatlo sa pagbaba ng stage para salubungin kami. Naalala ko tuloy. Madalas kami ni Erinne sa mga ganito. I used to dance and sing. Nahinto lang ako nang magpunta ako sa Switzerland dahil ipina-deport ako ng impaktong kapatid ko ro’n. Magmula no’n, sa ibang bagay na ako naging busy—at alam naman na nating lahat kung ano ang mga bagay na iyon. Kaya nga ako bumagsak sa kulungan hindi ba? Sa ‘di kalayuan ay namataan ko si Savier katabi si Xena. As per usual, matalim na naman ang titig niya sa akin na para bang kaya niya akong patayin sa ganoon lang. Mentally ay napasimangot ako. Inaano ko ba siya? “Ang swerte mo, may mga kaibigan ka kaagad.” Pabulong na wika ni Renee bago pa makaabot sina Denden sa pwesto ko. “Oh my gosh, don’t tell me papasok ka na ng music club?” tuwang-tuwang yumakap si Fifie sa akin. a”That’s great you know. Tara, tara.” Nang hilahin ako ni Fifie, hinila ko pati kamay ni Ren para pumasok din siya. Nakita kong ngumiti siya with that small gesture. “Oh. Kasama mo?” tanong ni Denden nang marahil ay mapansin nila ang ginawa ko. “Miyembro siy sa pagkakatanda ko.” Tipid na sagot ni Sae then she stretched a hand towards Renee. “I’m Sae.” Tuwang-tuwang kinuha ni Ren iyon at nakipag-kamay. Pasimpleng tumingin ako kay Savier para pagmasdan ang magiging reaksyon niya. Nakakunot siya ng noo. I wonder how it feels to see an ex snatching his girlfriend’s attention away from him. Ano nga kayang iniisip niya ngayon? Iniisip niya kaya ‘yong checklist? Kung paano niya ako ma-iimpress? O kung paano niya makukuhang muli ang loob ko na alam naman nating lahat na imposibleng mangyari?  Ano nga kayang pinaplano niya habang pinanonood kami ng present girlfriend niya? Oh damn it to hell, Cloud. Pabayaaan mo na nga lang siya! “This is Denden and Fifie.” Pagpapakilala ko sa dalawa—para maiwaksi ang atensyon ko kay Savier at para na rin ma-warningan iyong dalawa na may pagdududa pa rin kung makatingin kay Ren. “Hindi… hindi ko alam na sinasali ka na pala dito, Maryan. Pasensya na.” “Ayos lang. Hindi ko rin naman tatanggapin ‘yon kung hindi mo ako sasamahan.” And somehow, kahit ayaw ko, alam kong may bahid ng katotohanan iyong mga sinabi ko. “So uhm… what am I to do?” “You just have to sign up there.” Pagkatapos ay itinuro niya ang mesang malapit sa kinaroroonan nina Xena at Savier. Pumunta ako roon habang minamata sina Fifie at Denden. Agad-agad naman ay nagsimula sila ng animated na conversation kay Ren. Ngumiti lang si Sae sa ginawa ko. Saka lang ako kumuha ng plain form doon at sinumulan ko nang sulatan nang makita kong malalim na ang usapan ng tatlo. “Kung ano na naman itong tumatakbo sa psychotic mong isipan, Heather, I’m telling you it won’t get you that far.” Agad niyang pagbabanta nang makalapit ako sa kanila. Ipinaikot ko ang mga mata ko sa panunuya. “All bark, no bite. Kailan mo kaya ie-execute ‘yang lahat ng sinasabi mo?” Mabilis kong tinapos ang pag-fill up at iniwan ko sa isang box do’n bago pa man makahirit ng isa pang salita si Savier. Dinaluhan ko na ang mga kaibigan ko, sina Denden at Fifie ay nakatingin sa akin  na parang alam nila ang naging pag-uusap namin ng impakto.  “So sa madaling salita LQ kayo ni Fafa Savier?” naulinagan kong tanong ni Denden kay Rena na tumango ng malungkot. “Gano’n na nga. Pinapalamig ko muna.” Nahuli ko ang pasimpleng pagtingin ng tatlo sa akin. Parang may hinihinging senyales sina Fifie at Denden na hindi ko naman malaman kung ano. Napakunot lang ako ng noo. “Bakit?” “Waley naman.” Pagkatapos ay saka iniba ni Denden ang usapan. “Wala kang gagawin?” Napaisip ako. Naalala ko ‘yong bibilhin ko sanang damit na magsisilbing uniform ko sa Sapori D’ Italia kinabukasan. “Meron. May bibilhin sana ako sa department store.” Biglang atras sina Denden at Fifie. Baka nakakatunog na uutangan ko sila pag sumama sila. “May lakad ako mamaya.” Sabi ni Sae na halatang iwas din. Mahinang natawa si Denden. “Bading, witit akey makaka-gora, may klase pa aketch.” “Well, Cloud, kapatawaran dahil lalandi ako mamaya.” Panegunda ni Fifie. “‘Di pwede.” Nginiwian ko sila. Ang kakapal ng mukha ng mga ito. Para namang pagkakainteresan ko sila. Narinig na lang namin na tumawa si Ren. Malamang ito sasama ‘to. Siya pa. Dakilang uto-uto ‘to, eh. “Nakakatuwa naman kayo. Sige na nga, Maryan, ako na lang ang sasama sa’yo.” Oh ‘di ba? Galing ko ‘no? Mga ilang minuto rin at lumayas na kami ng auditorium ni Renee. Pinangatawanan talaga no’ng tatlo na hindi sumama. Naglalakad kami sa hallway na maraming pares ng mata ang nakatutok. Sanay ako r’yan. Nabuhay akong laging pinagtitinginan ng tao. Pinandidirihan. Kinatatakutan. Iniiwasan. It sure sucks to be Ren when all people despises her because of a guy. Sa dinami-dami naman kasi ng magiging dahilan kaya ka inaayawan ng mga tao, talagang dahil pa sa lalaki. At sa isang walang kwentang lalaki. Ang saklap nga naman talaga ng buhay ni Ren. “Buti na lang pala nakilala kita, noh? Nagkaroon pati ako ng extra friends.” Sheepishly, tumawa siya. At dinig ko sa tawang iyon ay tunay niyang ligaya. Alam kong hindi naman dapat pero naapektuhan ako. “Pagpapasensyahan mo na lang sila paminsan. May attitude ‘yang mga ‘yan.” Tumango siya na parang nauunawaan ako. “Kilala ko sila. Bully sila ng school. Mean girls. Eh… sila nga minsan ang nagpapasimuno ng issues about me. ‘Yon bang mga false issues na kumakalat?” Napamura ako sa isipan ko. Namana nila ‘yan kay Hime. Hindi naman perpekto ang mga kaibigan ko. Lalong hindi ako perpekto. Sabi nga nila hindi ba? Birds of the same feathers flocks together. Pero kahit gaano kamaldita’t ka-salbahe ang mga ‘yon, hindi nila ako kahit kailan hinusgahan. Maski nang malaman nilang nakapatay ako ng mga tao, maski kahit hindi nila alam kung bakit ko ginawa ang ginawa ko, tinanggap pa rin nila ako ng buong-buo. “Habaan mo na lang ang pasensya mo sa kanila. Mababait naman sila.” “Nah, it’s fine, Maryan. Natatakot lang kasi akong lumapit sa kanila, eh. Pero ngayon… mukha naman silang masayang kasama.” May sasabihin pa sana dapat ako kung hindi ko lang narinig ang pamilyar na yabag ng paa sa kalayuan. Tumuwid ako ng tindig. Ideneretso ang tingin ko habang naglalakad. At saka ko siya nakitang naglalakad sa hallway at makakasalubong pa namin. Huminto si Renee at bahagyang itinungo ang kanyang ulo bilang pagbati sa Dean. “Good afternoon, Sir.” Huminto siya. Tumingin sa amin pagkatapos ay ngumiti kay Ren. “Good afternoon.” Ngumiti rin si Ren at parang inakyatan ng dugo sa mukha. Hindi ko alam kung anong sasabihin o gagawin nang mga oras na iyon. Hindi gumagalaw si Ren bukod sa pagtungo-tungo niya’t pagte-trace ng dulo ng kanyang sapatos sa sahig kaya’t wala rin akong magawa o masabi. Gee. Kung bakit ba naman kasi hindi pa kami maglakad? “Cutting… classes?” biglang usisa ni Rey na ikinapitlag ko. Tumikhim ako at napatingin si Ren sa akin dahil doon, gulat marahil dahil kinakausap ako ng Dean. “Nah, my class is finished.” “Ah. So uhm… where are you off to?” Goddammit, Rey. Issue ang labas nito. I’m having an affair with my dean and the owner of this school. What the hell? Mababaliw ako dito. Ayaw pa ba nilang gumalaw-galaw? “Mall.” Tipid kong sagot at ipinapanalangin ng tahimik na sana’y magtigil na siya ng kakausisa. “Sasamahan ako ni Ren.” “Ah.” Tumango siya. “Take care. Go home early, okay?” I nodded so at nang makausad na siya. Ngumiti siya bilang tugon. Iyong ngiting parang nag-aatubili siyang gawin ang isang bagay na nais niyang gawin. Sa huli’y naglakad na lamang siya palayo ng walang ginagawa. Maswerte kami’t si Ren lang ang nakarinig sa amin. Kung hindi’y baka kumalat na nga ang samu’t-saring isyu tungkol sa amin ng may-ari ng Ashton. Nakahinga ako ng maluwag. “Wow.” Manghang sabi ni Renee matapos naming mag-resume sa paglalakad. “Matagal ko na siyang hindi nakikitang nakikipag-usap sa isang estudyante simula nang umalis maka-graduate si Miss Erinne which is way way way back. I must say you’re—” Natigilan siya na ipinagtaka ko. Pagkatapos ay biglang suminghap at hinarangan ang aking dinaraanan. “Seesh, Maryan! Are you and Mr. Ashton… together?” Marahil ay napagtanto niyang makakagawa iyon ng mga isyu kapag may nakarinig kaya’t sinadya niyang ibulong ang parteng iyon. May kung ilang minuto akong tumigil at tumitig sa kanya. Na-realize kong wala akong pwedeng sabihin sa temang iyon kaya’t nilampasan ko na lamang siya’t naglakad na ng tuluyan. Nang makarating sa department store sa mall, kinukulit pa rin ako ni Ren. Pilit ko siyang iniiwasan, kunwa’y tumitingin sa mga random section na naroon pero sadyang ang kulit ng lahi ng babaeng ito. Napabuntong hininga ako. Kailan kaya darating ang panahong katatakutan ako nito’t magtatatakbo siya patungo sa bundok para lang makalayo sa akin? “Do you wanna know a secret, Ren?  Ramdam kong tumingin siya sa akin with a puzzled look. I kept looking at random things na hindi naman talaga connect sa bibilhin ko dapat. Paano ba kasi ako napadpad sa kitchenware section?  “A secret?” lito niyang ulit na tinanguan ko. “Yes. A secret.” Kuminang bigla ang kanyang mga mata. Wow ha. Hayok na hayok sa sekreto? “Oh yes, you’ll tell me?” Hinarap ko siya, sasabihin na sana kung ano talagang namamagitan sa amin ni Rey nang bigla na lamang akong makaamoy ng kakatwang pabango sa ‘di kalayuan. Pamilyar sa akin ang bahagyang wisp ng scent na humahalo sa pabangong naaamoy ako. Parang… parang amoy ng kemikal. Pulbura. Mafia. Hinatak ko agad ang braso ni Renee patago sa isang shelf. She looked so stunned and confused. “B-Bakit? Anong problema?” Tinakpan ko ang bibig niya. “Ssh. H’wag kang magsasalita.” Tumango si Renee. Nang tumahimik siya, sumilip ako. I saw someone pushing an ear bug tool against his ears to probably hear clearly. Naningkit ang mga mata ko. Muli akong bumalik sa shelf at inudyukan si Ren na umalis. “Go and run.” “A-Ano? B-Bakit?” nanlalaki ang mga mata niya at malinaw kong nakikita roon ang pagsibol ng takot. “Hindi kita iiwanan, Maryan. T-Tumakas… tumakas tayong dalawa. Hindi kita iiwanan dito.” Tumiim ang bagang ko. “Makinig ka, Ren.” Niyugyog ko ng bahagya ang kanyang balikat, willing her to listen and to listen carefully. “Malalaman mo kung anong sekreto ko kapag natapos na ito. At least you’ll have something to look forward to, hindi ba? Kaya umalis ka na, tawagan mo ang boyfriend mo para masundo ka. Go.” “Maryan—” I gripped her arm tighter. “Seryoso ako, Ren. Makakaalis ka rito either a dead meat or an insane crime witness kung hindi mo susundin ang sinabi ko. Umalis ka na!” Her eyes widened in fear. Makailang segundo pa bago nanginginig na niyakap niya ako’t magtatatakbo mula roon. Nang mawala na siya sa paningin ko, nagsimula akong maglakad. Bumuntong hininga ako’t kumuyom ang aking kamao. Gino sure won’t stop at nothing to get me. Alam ko iyon. And I’m gonna show him a real fight to let him know he isn’t gonna get what he wants. Mula sa kitchenware, I pulled a knife out. Sinadya kong hindi patunugin ang yabag ng sapatos ko. Marahil, dahil abala at distracted siya sa pakikipag-usap sa connection bug ay hindi niya namalayang nasa likuran niya ako. Mabilis ko siyang nagilitan sa leeg na ni hindi nga siya nakagawa ng ingay sa pagkabigla. Blood rushed out. Doon ako nakarinig ng sigawan. Naglabasan ang mga kalalakihang tumatawag sa pangalan ko habang nasa kalagitnaan ako ng paggalaw. Hinagis ko ang kutsilyong hawak ko sa direksyon ng mga papalapit na lalaki. I remember Rey telling me not to throw a knife the same way you throw a dart’s arrow because it won’t hit the target and would fall down easily because of the difference the knife’s weight makes. Touching the tip of the blade, I threw it. Umikot iyon ng mabilis sa ere hanggang sa lumanding sa leeg ng lalaki. Napasigaw siya sa sakit habang ang dugo’y patuloy na umaagos mula sa tinamaang parte. Hindi natinag ang tatlong natirang lalaki. Nakatayo ako sa kanilang harapan, ang kanilang mga baril ay nakaumang sa direksyon ko. Umaatras ako ng paunti-unti, lihim na nagmamasid at naghahanap ng sandata pati ng malulusutan. Alam kong hindi nila ipuputok ‘yan kung wala akong gagawin. “Cloud Heather, hindi ka namin sasaktan.” And then they stuck to diplomacy. “Just come with us.” Nailing ako sa aking isipan. Bentang-benta na ang mga ganyang pakulo sa akin. “Neknek n’yo ‘no.” I grabbed a mattress out of nowhere, realizing that we’re in a room section where there’s couches, pillows, and beds for sale. Nagsimula na silang kumalabit ng gatilyo. Nilunok lahat iyon ng makapal na mattress. Hinagis ko ‘yon sa kanila at agad na tumakbo, leaping at every tables and chairs and shelves I ran into. Soon, maging ang mga guards ay hinahabol na ako. Hindi na ako nagtataka. Kalat ang dugo sa kamay at sa damit ko dahil sa pinatay kong lalaki kanina. Sa hitsura kong ito, hindi naman kagulat-gulat na hahabulin ako ng mga otoridad. It would be more easy to kill if I have my weapons with me though. Wala sana akong problema. Humantong ako sa back exit ng mall. Hindi na yata nila ako nasundan. Sinira ko ang CCTV camera na naka-attach sa kisame upang hindi nila ako makunan. Aalis na sana ako nang may kotseng huminto sa tapat ko. Pinanood ko iyong huminto sa harapan ko, bumukas ang pintuan ng sasakyan at tumambad si Renee na patakbo sa kinaroroonan ko. Napahinto siya nang makita ang mga dugo. Then Savier followed, hindi sigurado kung sa damit at kamay ko titingin o kung sa mukha kong walang kahit na anong ekspresyon. “Oh my gosh. S-Savier, w-what are w-we g-gonna do?” Hindi ko itatangging nahihiya ako sa nangyari at sa hitsura ko ngayon. Pero sa palagay ko’y nasanay na lang ako marahil na inaasahang huhusgahan ako ng bawat taong makakakita sa ganitong ayos ko, lalo na kapag nalaman ng mga ito ang ginawa ko. But for the first time, hindi iyon ang nangyari. “Shut up, Ren, h’wag kang mag-panic.” May panginginig ang boses na wika ni Savier sa nobya. Pagkatapos ay bumaling siya sa akin, nakita ko ang paglunok niya bago tila lakas-loob na nagtanong. “Anong nangyari?” “Pumatay ako.” Nanlaki ang mga mata ng aking kaharap. “Ano?!” May pait ang ngising naigawad ko. Nakita ko ang paglipad ng kamay ni Ren sa kanyang bibig, ang mga luha niya’y nangingilid sa kanyang mga mata na syang ikinabigla ko. “Savier… Savier, let’s help Maryan please. Savier please.” Nawala ang ngisi sa aking labi. It took time for me upang maunawaan at mag-sink in sa aking utak ang narinig ko. Ibig bang sabihin niyon hindi siya natatakot sa akin? “Get in the car.” Napapitlag ako mula sa matiim kong pagtingin kay Ren dahil sa matatag na utos ni Savier. “No, I—” “Just get in the damn car, Renee!” Hindi ko sila maintindihan. Hindi ba dapat kapag nakakita ka ng mamamatay tao ay tumatakbo ka patungo sa kabilang direksyon? Hindi ba dapat ay isinusuplong na nila ako sa pulis? Pero bakit ganoon? Instead of running for the hills this time, mas pinili pa niyang kunsintihin ako. Crazy. Crazy crazy girl. Nakatanga ako. Nag-alinlangang pumasok si Renee sa kotse upang tumalima sa inutos ni Savier . Then he turned to me at saka hinila ang braso ko. “Nababaliw ka na ba?” Ngunit bago ko pa man masabi ang iniisip ko sa tanong na iyon ay hinila na niya ako patungo sa sasakyan at pinuwersa para maupo sa backseat. Lihim akong napabuntong hininga. Bukod sa pinoproblema ko ang kapatid ko, ang mga plano ko para kay Savier at para mapatunayang may kinalaman siya sa krimeng hinihinala ko, sumasabay pa ang palaisipan ko tungkol kay Renee. Tanga lang ba talaga siya o tanga talaga siya para pagkatiwalaan ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD